Walang magawa si Jay kung hindi ang sundin ang utos nito.Kailangan niyang sundin si James kung hindi ay katapusan na niya. Kailangan niyang gamitin ang lahat ng kanyang mapagkukunan para imbestigahan ang Doctor King at mabigyan si James ng detalyadong ulat bago gumabi.Pagkatapos matapos ng tawag, pumunta si James ng Common Clinic.Si May ay si May Caden na ngayon.Ang pagkatao niya ay bilang malayong pinsan ni James.Nakaupo si May sa upuan habang nakapangalumbaba, nakatulala sa may malayo.Nang dumating si James, mabilis siyang tumayo at binati ito ng may malaking ngiti, “Kamusta, James!”Mas mukha siyang isang malambing na kapitbahay na babae at hindi isang walang awang mamamatay-tao.“Kamusta.” Umupo si James sa tabi nito. “Kamusta ang mga sugat mo?”Ngumiti si May habang sinagot nito, “Wala lang ang mga to. Mas matindi pa ang naranasan ko sa mga nauna kong misyon. Baka ilang araw lang ay magaling na ako.”Tumango si James, “Pagtuunan mo muna ang pagpapagaling. Simul
Ang unang bagay na ginawa niya paggising niya ay pumunta sa siyudad. Bumiyahe siya papunta sa siyudad, humanap siya ng isang noodle restaurant, at umorder ng isang bowl ng mutton noodles. Maraming tao sa restaurant na ito, at punuan ang mga mesa dito. Nakuha ni James ang nag-iisang bakanteng mesa, kaya umupo siya doon at hinintay ang kanyang order. Noong sandaling iyon, isang babae na may maitim na buhok at nakasuot ng mahabang itim na dress at sunglasses ang dumating. Naghanap siya ng mauupuan, ngunit tanging ang mesa lang ni James ang may natitirang bakanteng upuan. Nginitian niya si James bago siya umupo sa harap niya. Dumaan ang isang waiter sa mesa nila, at umorder siya, "Isang mutton noodles, large, may extra mutton, at noodles, please."Hindi pinansin ni James ang taong nasa harap niya. Abala siya sa isang game sa kanyang mobile phone. Tumingin sa paligid si Cynthia Dawn pagkatapos niyang umorder. Sa huli, napako ang tingin niya kay James, at seryoso niya siyang t
Tinitigan ni James ang mga lalaking nakaitim sa harap niya. Nakakatakot ang tindig nila, at naglalabasan ang mga ugat sa kanilang mga noo, mukha silang mga makinang nag-iinit at handang makipaglaban. Naging interesado siya dahil dito. Sino ba 'tong babaeng 'to, at bakit siya pinalilibutan ng napakaraming bodyguard? Sumigaw sa galit si Cynthia. "Luther, anong ginagawa mo?!" Si Luther ay isang lalaking nakasuot ng simpleng damit na nasa apatnapung taong gulang na. Hugis diamond ang kanyang mukha at maikli ang kanyang buhok. Magalang siyang sumagot, "My lady, inutusan kami ng master na sundan ka. May kailangan siyang asikasuhin ngayon, pero darating siya dito bukas ng umaga.""Hindi na ako bata! Pwede bang tigilan na niya ang pagpapadala ng mga tao para sundan ako?" Halatang masama ang loob ni Cynthia. Hinila niya ang braso ni James at naglakad siya papunta sa grupo ng mga bodyguard. Pinagsusuntok at pinagsisipa niya sila, at walang sinuman sa kanila ang nangahas na lumab
Pinaligiran nila sila Cynthia at tumalikod sila. Tumingin si James kay Luther, "Ikaw. Tumalikod ka rin.""Anong balak mong gawin?" Nagdududang tumingin sa kanya si Luther. Hindi makapaghintay si James na sumunod ang lalaki at sinimulan na niya ang panggagamot. Pinaupo niya si Cynthia at hinubad niya ang damit ni Cynthia hanggang sa baywang. "Ikaw-" Sasabog na sana sa galit si Luther. Agad na sumagot si James, "Manahimik ka!" Inabot niya ang kanyang likod at kumuha siya ng isang karayom na inihanda niya. Hindi niya ito sinanitize bago niya ito tinusok sa katawan ni Cynthia.Nagulat si Luther sa ginawa niya. Mabilis na kumilos si James. Habang naguguluhan si Luther sa ginagawa ni James, marami nang karayom na nakatusok sa katawan ni Cynthia. Pumunta si James sa likod ni Cynthia at sinimulan niyang imasahe ang ilang mga acupuncture point at ugat ni Cynthia. Di nagtagal, may hamog na lumabas mula sa mga karayom. Lumalabas na ang malamig na enerhiya mula sa katawan niya.
Umalis si James pagkatapos niyang iligtas si Cynthia. Karaniwan, hindi siya yung tipo ng tao na magliligtas ng isang estranghero. Naisip niya lang na walang masamang intensyon sa kanya si Cynthia, kaya tinulungan niya siya. Noong hinila siya ni Cynthia palayo kay Luther na nagbanta na puputulin ang mga binti niya, alam niga na isa siyang mabuting tao. Pagkatapos nito, nagtungo si James sa isa pang restaurant. Sa Cansington Medical Street. Dinala ni Stefon si Colson upang magpatingin sa ilang mga bihasang doktor. Umiling ang bawat isa sa kanila, at wala silang alam kung paano gagamutin ang kondisyon ni Colson. "Dad, hindi 'to pwedeng mangyari sa'kin. Hindi pa ako kinakasal. Hindi pa sapat ang pagpapakasaya ko. Gusto kong makipagsiping sa mas marami pang babae!" Halos maiyak na si Colson. Kagabi, kahit na anong gawin niya, hindi siya makakuha ng anumang reaksyon mula sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya, kahit na tinulungan pa siya ng celebrity na kasiping niya.
Hindi na nangialam pa si James. Nagdesisyon siya na hayaan ang mga Callahan na harapin ito ng sila-sila lang. Tutulungan niya sila pagkatapos ng medical conference. Bumalik siya sa kanyang kwarto. Nagbabasa ng libro si Thea sa kwarto. "Mahal, anong binabasa mo?" Binaba ni Thea ang libro at kinausap niya siya. "Bumili lang ako ng mga libro kasi nababagot ako dito sa bahay."Tumango si James. "Maganda 'yan."Pinagmamalaki ni James si Thea dahil hindi niya sinukuan ang kanyang sarili at nagpatuloy siya sa pag-aaral sa kabila ng sitwasyon ng kanyang pamilya. Noong sandaling iyon, tumunog ang kanyang phone, isa itong unknown number. Sinagot niya ito. "Hello? Sino 'to?" "Ako 'to, si Quincy."Sumimangot si James noong narinig niya ang kanyang boses, "Bakit? May nangyari ba?" Narinig mula sa speaker ng phone ang sumisigaw na boses ni Quincy at umalingawngaw ito sa loob ng kwarto. "James, ganito ka ba kumilos bilang isang empleyado? Tumatanggap ka ng five thousand dollar ba
Mabait ang sekretarya. Hindi niya minaliit si James. Para sa kanya, mukhang nag-uusisa lang si James at naligaw lang siya sa work area ng vice director. "Pinapapunta niya talaga ako dito. Pwede mong kumpirmahin sa kanya. Kapag hindi mo siya tinanong at pinaalis mo ako, sino sa tingin mo ang sisisihin niya sa huli?" May pakiramdam si Janet Autumn na hindi nagsisinungaling si James. Tiningnan niya si James sa huling pagkakataon, bago niya sinabi na, "Maghintay ka dito, kukumpirmahin ko ang tungkol dito."Tumunog ang kanyang mga heels habang naglalakad siya papunta sa opisina ni Quincy at kumatok siya sa pinto, "Ms. Xenos, may salesperson na nagngangalang James Caden. Sabi niya gusto mo daw siyang makita." Umalingawngaw ang boses ni Quincy mula sa loob. "Papasukin mo siya."Lumingon si Janet kay James. "Sige, pasado ka. Tuloy ka."Naglakad si James papunta sa opisina, at binuksan niya ang pinto. Si Quincy ang vice president at napakalaki ng kanyang opisina, maganda ang mg
”Ms. Brooks.”Magalang siyang binati ng mga taong nadaanan niya ngunit hindi niya sila pinansin. Naglakad siya papunta sa opisina ni Quincy at kumatok siya sa pinto."Sino 'yan?" Kinakausap ni Quincy si James. Naiinis siyang sumagot, "Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako?" "James, ako 'to, si Scarlett."Naririnig nila ang boses ni Scarlett mula sa labas, malakas at malinaw. Namroblema si James. 'Bakit nandito si Scarlett?' Nagulat si Quincy noong una. Pagkatapos niyang makipagpalitan ng tingin kay James sa sofa, naglakad siya palapit sa pinto at siya mismo ang sumalubong kay Scarlett, “Ms. President, welcome. Anong dahilan at naparito ka?”Pumasok si Scarlett sa kanyang opisina at huminto siya sa harap mismo ni James, “James, bakit hindi mo sinabi sa’kin na pupunta ka sa kumpanya? Nasalubong sana kita.”“Well…”Natulala si Quincy.‘Ano nangyayari?’‘Bakit ganito kausapin ng presidente ng Transgenerational Group si James?’‘Sino ba talaga ang lalaking ‘to?’Humar