Sa labas ng Glorious Hotel… Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Lex. Ganun din ang pamilya ni John. Nilapitan ni John si James at nagmakaawa, “James, tutal nagawa mo kaming hanapan ng matutuluyan, may magagawa ka ba para mapigilan mo na makulong si Montgomery? May nakaalitan siyang Oswald. Para lang makuha ang loob ng mga Xenos, binali ng mga Oswald ang kanyang mga binti. Lala lang ang kondisyon niya kapag nakulong siya.” “Sa tingin mo ba talaga ay matutulungan niya tayo, John?” bakas ang pagkamuhi sa mukha ni Tommy. Hindi naman sa may personal siyang sama ng loob laban kay James. Ang lalaki ay isa lamang walang kwentang son-in-law. Ano ba ang kaya niyang gawin bukod sa umasa sa kayamanan ng mga Callahan? Sumingit na din si Megan para gatungan ang sinabi ni Tommy, “Hindi siya magpapakasal sa ating pamilya kung talagang may kakayahan siya na gawin ang kahit na ano.” “Tama siya. Anong pumasok sa kokote mo ng humingi ka ng tulong sa isang basura? May tama ka na ata.” nakisal
“Isa.” “Dalawa.” Laalong nagalit si Tommy nang marinig niya ang pagbibilang ni Christopher. Kahit na wala naman siyang ibang ginagawa bukod sa nakatayo lang sa tabing kalsada, dumating pa din ang staff ng Glorious Hotel para palayasin siya dun. “Gusto kong makita na palayasin mo kami dito.” Humalukipkip siya para ipakita ang kanyang pagsalungat. Iniisip pa din niya na ang estado niya bilang isang Callahan ay meron pa ding kahit na anong halaga. “Tatlo.” Pagkatapos magbilang hanggang tatlo, nilingon ni Christopher ang mga security guards. “Gulpihin sila.” Isang dosenang security guards na armado ng electric batons ang sumugod kay Tommy at pinagkumpulan ang ubod ng yabang na lalaki. Ilan sa mga Callahan ang lumapit para subukan na tulungan ito. Subalit, pati sila ay nagulpi din. Nakaupo si James sa isang baitang ng hagdan sa malapit habang naninigarilyo. Hindi niya pinansin ang kaguluhan. Nararapat lang ito kay Tommy. Oras na para maturuan siya ng leksyon. M
Hindi inaasahan ni Christopher na ang Glorious Hotel ay hawak na ngayon ng Transgenerational Group. Kahit na paano, ang mga Callahan ay malamang may binayaran sa loob ng Transgenerational Group para tulungan sila na makakuha ng matutuluyan.Ngayon na nalaman ng mga nasa taas ang bagay na ito, kaya sila nagpatawag ng pagpupulong.Gusto ni Tyron na gamitin si Christopher na panakip-butas para sa buong pangyayari na ito.Katapusan na ng karera ni Christopher.“Mr. Woodrow, kailangan mo kong tulungan. May pamilya pa akong pinapakain.” Tinapik ni Tyron ang likuran ni Christopher at sinigurado ito. “Huwag kang mag-alala. Hangga’t nandito ako, sisiguraduhin ko na hindi ka mamamatay sa gutom. Pagkatapos ng sitwasyon na ito, nangangako ako na ibabalik kita sa trabaho mo.” Ng marinig niya ito, nakahinga ng maluwag si Christopher. Ang management team ng Glorious Hotel ay naghihintay sa may harap na pinto ng hotel. Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang boss. Bukod sa general man
Kaagad na nabalot ng galit ang mukha ni Scarlett. Nilapitan niya ito at saka sinampal ng malakas sa mukha. Pak! Hindi makaganti si Christopher. Niyuko niya ang kanyang ulo at walang tigil na humingi ng tawad, “Patawad, Ms. Brooks. Hindi ko alam na pina-blacklist na pala ng mga Watson at ng mga Xenos ang mga Callahan. Kung alam ko lang, hindi ko na sana hinanda ang mga kwarto para sa kanila nung una palang.” Ngumiti ng bahagya si Tyron. Inako ni Christopher ang lahat ng kasalanan. Kabaliktaran sa inaasahan ni Christopher, nagsimula na si Scarlett na sermunan siya ng husto. “Anong pakialam ko sa mga Watson at mga Xenos? Wala akong pakialam tungkol sa Five Provinces Business Alliance! Ang mga Callahan ay mga VIP ng Transgenerational Group. Sa tingin niyo ba talaga ay susundin namin kung ano ang kagustuhan ng mga Watson at mga Xenos ng ganun lang kadali?” “…” Napanganga na lang si Christopher kay Scarlett, gulat na gulat at walang masabi. Nataranta si Tyron ng mapagtant
Nagulantang sila. Kakapalayas pa lang sa kanila sa nakakahiya at hindi makataong paraan. Ano ang biglaang pagbabago sa kanilang pag-uugali? Si James ba ang may gawa nito? Lumapit si Christopher kay Lex at sinampal ang kanyang sarili sa harapan ng nakatatandang Callahan. “Labis akong humihingi ng tawad sa inyo, Mr. Callahan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Wala akong alam na kayo pala ay isang VIP ng Transgenerational Group. Kung alam ko lang, inayos ko sana ang pagtrato sa inyo.” Pati si Tyron ay lumapit din at humingi ng tawad, “isa itong pagkakamali sa aming parte. Tanggal na siya sa trabaho.” Tiningnan ni Layla si Tyron at sinabi, “Tanggal ka na din.” “Ano?” Nagulantang si Tyron. Pagkatapos, sinigaw niya, “Ms. Nora, wala akong kinalaman dito. Kasalanan itong lahat ni Christopher. Buong buhay ko, inilaan ko ang aking sarili sa kumpanya…” “Mag-impake ka na at lumayas.” Hindi pinansin ni Layla ang himutok nito. Kung ang gulong ito ay sapat na para palitawin si Scar
Nagmaneho si James papunta sa villa ng mga Oswald. Wala sa ayos ngayon ang Cansington, at maraming mga partido ang sangkot sa likod nito. Magiging mahirap para sa kanya na iligtas si Montgomery gamit ang kanyang koneksyon. Isa pa, wala siyang iba pang kontak sa gobyerno maliban sa Blight King. Bilang commander-in-chief ng five armies, ang mataas niyang posisyon ay hinahangad ng maraming ambisyosong tao. Kapag nakagawa siya ng kahit na isang pagkakamali, pwede siyang bumagsak. Isang paraan na lang natitira para iligtas si Montgomery. Kailangan lang niyang makumbinsi ang taong nagpakulong dito na ilabas ito sa kulungan. Hindi nagtagal, nakarating siya sa villa ng mga Oswald. Alas tres ng ng umaga. Subalit, ang mga ilaw sa may ikalawang palapag ng villa ay bukas pa din. Bumaba ng kotse si James at nilapatan ang labas ng villa. Pagdikit niya ng kanyang kamay sa pader, tumalon siya ng dalawang metro sa maty ere at sa may paligid ng villa. Pagkatapos, inakyat niya ang pad
Kaagad na bumangon ang babaeng artista at tinignan si Colson. Nagulantang siya. Sinimulan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya. Subalit, kahit na anong gawin niya, wala itong naging reaksyon. “Argh! Ano na ang gagawin ko ngayon?!” Desperadong sigaw ni Colson. Samantala, nagtungo naman si James sa kwarto ni Stefon. Tulog si Stefon. Nang marinig niya ang ingay ng isang tao na gumagapang sa may bintana, kaagad siyang nagising. Mabilis niyang binuksan ang ilaw at binunot ang kanyang patalim mula sa likod ng kanyang kama. Sinigaw niya, “Sinong nandyan?” “Anong problema, Stefon? Bakit ka sumisigaw sa gitna ng gabi?” Isang magandang babae ang nakahiga sa tabi niya. Naiinis siyang nakatingin kay Stefon. Nang makita nito si James na palapit sa kanila, tumili ito. “Aaaaah!” Nilapitan sila ni James at naupo sa isang bangko. “James, basura ka! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?” Nang makita niya na si James ito, kumulo ang dugo ni Stefon dahil sa galit. Nilabas niya
Sumagot si Thea. Niyakap niya si James at sumandal siya sa kanyang mga bisig. Napakabilis ng takbo ng isip ni James ngayon. Binalewala niya ito at hinalikan niya si Thea. "Ah," Nabigla si Thea at tinulak niya si James palayo. Dinilaan ni James ang kanyang mga labi at kontento siyang ngumiti. Gusto niyang galawin ang kanyang magandang asawa, ngunit pagkatapos niya itong pag-isipan ng maigi, nagdesisyon siya na maghintay hanggang sa araw ng kasal nila. Mas maganda kung maayos na ang lahat pagdating ng araw na iyon. "Wala lang, good night." Ngumisi si James ng parang isang binatilyong umiibig. Sapat na ang isang halik para sa kanya sa ngayon. Pinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap niya si Thea. Namula si Thea. Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwa habang pinagmamasdan niya ang lalaking ito na natutulog sa tabi niya. Lumipas ang gabi ng tahimik. Kinabukasan. Hapon na nagising si James. Nasa loob ng bahay sila Lex, Howard, John, at Benjamin. Maliban sa kanila