—MAGGIE ELIZABETH SMITH—
We're currently on our way to Anderson's mansion somewhere in Tagaytay. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ang sinabi nya sa akin kanina. Kung dati ay madali ko lang matanggap ang ideyang balang araw ay maghihiwalay din kami, ngayon ay hindi na. Nasasaktan ako. Kulang pa ba ang mga efforts na ipinapakita ko para mahalin din nya ako? "Hey, Maggie." Tawag nya na ikinalingon ko. "Yes?" Kahit na nasasaktan ay mas pinili ko parin ang ngumiti sa kanya. "What are you thinking?" Kelan pa sya nagkaroon ng interest sa iniisip ko? Well, maybe he's just starting a conversation para malibang kahit papaano. Malayo-layo pa kami sa mansyon at nakakainip nga naman sa byahe. Sasamantalahin ko nalang ang pagkakataong ito para makakwentuhan sya. "Hmm... I'm just thinking about Lolo Enrico. I missed him so much." Sabi ko nalang kahit na hindi naman 'yon ang talagang iniisip ko. "It seems lke you two are really close. Matagal na ba kayong magkakilala before the wedding?" He asked. "Not really. Madalas kasi sya sa cafe kung saan ako nagtatrabaho dati." Magmula nang makabangga ko sya sa supermarket ay palagi syang pumupunta doon para bisitahin ako. "Hmm. Can you tell me about your family?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong darating ang panahon na magtatanong sya ng tungkol sa pamilya ko. Hindi ko lang expected na ngayon na pala ang araw na 'yon. "Well, I have a busy parents and a younger brother." Saglit nya akong sinulyapan na bahagyang nakakunot ang noo. "That's all?" There's a hint of dissatisfaction in his tone. I simply nodded in response. "Okay. Looks like you don't want to talk about them." Hindi naman sa ayaw ko silang pag-usapan. Ayaw ko lang malaman nya kung saang pamilya ako nagmula because I'm sure, he'll manage to reach them out. The moment they knew my whereabouts, they will force me to go home para piliting gawin ang isang bagay na ayaw ko. That's the reason kung bakit ako lumayas sa amin. And I need to work to support myself. I smiled at him as a sign of appreciation for his understanding. But somehow, I saw a shade of suspicion in his eyes. "You know what, hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni grandpa at ikaw ang napili nyang ipakasal sa akin. Is there something special about you?" Ramdam ko ang pagka disguto sa mga salita nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatili akong tahimik. "When we arrive at the mansion, I expect you to behave like a cat." Ano ba sa tingin nya ang gagawin ko doon at ganyan nya ako paalalahanan? I stared at him with a questioning look. "Makakasama natin si grandpa doon and I'm sure na iisang kwarto lang ang ipinahanda nya para sa atin. That's why I'm warning you, Maggie. Don't try to seduce me." "Ngayon mo pa ba ako paalalahanan ng ganyan kung sa loob mg tatlong taon ay never ko namang ginawa sayo 'yon?" Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan ang bahagyang magtaas ng boses. Bakit ba ang dali para sa kanya ang insultunin ako? Ngayon na nga lang kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap, hindi pa maganda ang resulta! Seduce him? I will never do that kahit na asawa ko pa sya and I respect his boundaries. "We're sleeping in separate rooms for three years, of course. I don't know you personally. You're just a random girl na nakilala ni grandpa at pinilit ipakasal sa akin. Malay ko ba, baka mamaya ay may itinatago ka palang kalandian sa katawan." I was surprised by his bold manner of speaking. Hindi ko na napigilan sa pagpatak ang luha ko. Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. "Stop the car." I said firmly but he just ignored me. "I said stop the car!" This time ay puno na ito ng otoridad. He eased off the gas and slowly hit the breaks. Lumabas ako ng sasakyan at marahas kong isinara ang pintuan nito. Magko-commute nalang ako kesa marinig pa ang mga salita nyang ikasasakit lang ng damdamin ko. Kung alam ko lang na ganito, sana pala nagdala nalang ako ng sarili kong sasakyan. Konti palang ang nalalakad ko nang marinig ko syang tinatawag ang pangalan ko. I just ignored him at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Walang gaanong tao sa parteng ito kaya hindi kami nakaka-agaw ng atensyon. Laking pasalamat ko naman nang may dumaang bus at agad ko itong pinara at sumakay. Sa pag-upo ko sa bakanteng upuan malapit sa bintana, nakita ko pa si Liam na napapa-iling nalang sa ginawa ko. Bagsak ang kanyang balikat habang nakasunod ang tingin sa bus na lulan ko. Sigurado akong tatadtarin ng mga tanong ni lolo si Liam pagdating sa mansion. Mapapagalotan pa sya dahil hinayaan nya akong mag-commute. Ngayon palang ay buti nga sa kanya! °°°F.G°°°—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Habang nasa bus ako, hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ba ako masyadong nag over react? Hindi ko naman din sya masisisi. Tama naman sya. He don't know me personally. Isang beses lang kami nagkita noon at mga bata pa kami and I wonder if he recalls that. Ni hindi nga nya alam kung saan ako nakatira. Even now that we're both adult. I don't have much insight about his personal world.His words hurt me but he's just speaking his mind. Should I give him the benefit of the doubt? Maybe he didn't mean to harm me naman. Marahas akong napabuga ng hangin nang mapagtanto kong mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat sya iniwan doon. I'm a wife now. I should be more mature and understanding. Ngayon lang kami nagkausap so it's normal that he speak out his mind. Maybe it's part of his getting to know each other? Baka masyado lang talaga syang straightforward.Pag nakarating ako sa mansyon, magso-sorry agad ako sa kanya. Ang tanga ko naman kasi. Ma
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—That night, ay mas nauna akong magtungo sa kwarto. Masyado kasi akong napagod sa byahe ko kanina kaya mas minabuti ko nang maaga magpahinga. Sina Liam at lolo naman ay naiwan sa veranda at nag-uusap. Hindi na ako nakinig pa dahil tungkol sa company ang topic nila. Maa-out of place lang ako kapag nanatili ako.I decided to freshen up before bed. Kanina pa kasi ako nanglalagkit at hindi ako komportable. Kumuha lang ako ng malinis na towel sa closet at dumiretso na sa banyo. Bahagya pa akong napatili nang tumama sa balat ko ang malamig na tubig mula sa shower. Nasa malamig na lugar nga pala kami kaya aakalain mong may yelo ang tubig dito. I set the water heater to a more comfortable temperature. I will just take a quick bath para makapagpahinga na rin ako kaagad.Paglabas ko ng banyo ay laking gulat ko nang makita si Liam na ngayon ay wala nang pang itaas. Napansin ko rin ang bahagya nyang pagkagulat nang makita akong nakatapis lang ng tuwalya. Agad din naman ako
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Naalimpungatan akong mabigat ang pakiramdam. Feeling ko ay may nakadagan saking mabigat na bagay. Hindi rin ako makagalaw dahil para akong nakagapos.Nanlaki ang mata ko nang sa pagbukas nito, ay makita ang mukha ni Liam na sobrang lapit lang sa mukha ko. Tulog na tulog parin sya. Kaya pala hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang pagkakayakap nya sakin. Nakadagan pa ang hita nya sa hips ko! At noon ko lang din narealize na nakayakap din pala ako sa kanya!Ang pagkakatanda ko bago sya natulog kagabi ay naglagay pa sya ng harang sa pagitan namin gamit ang isang unan. Nasaan na 'yon?! Napagkamalan pa yata akong unan! Relax na relax sya sa pwesto nya eh.But infairness, masarap palang mayakap ng isang Kevin Liam Anderson. I'm wondering, nagka girlfriend na kaya sya before? Hindi naman na nakapagtataka. Sa tindig at itsura palang nya siguradong marami ang nagkakandarapa sa kanya.Gusto ko pa sanang magtagal sa ganoong posisyon pero naiihi na 'ko. Sino ba naman ang a
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Three days from now ay uuwi na rin kami ni Liam sa bahay namin sa Manila. Everything has gone well between us during our stay here so far. Masaya naman ako dito habang magkasama kami ni Liam. Bigla ko kasing naramdaman ang presensya nya sa buhay ko bilang asawa.Noong nasa bahay kasi kami ay bihira lang kami magkita kaya siguro hindi ko maramdamang may asawa ako. Naisip ko pa nga noon na baka sinasadya nyang magkulong sa kwarto nya para makaiwas sa akin because he don't like me. But now? I don't know.Masyadong mabilis ang pangyayari kung bigla nya akong magugustuhan agad, diba? I love the idea but, I can't read his mind kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo dito.Siguro ay sasamantalahin ko nalang ang pagkakataong nandito pa kami sa mansyon para kilalanin namin ng husto ang isa't-isa. Tama, gano'n nalang."Malamig na dito sa labas, apo. Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko si Lolo Enrico. It's already mid-Nove
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"I'm hungry." Anunsyo ni Liam ng makapasok kami sa loob ng bahay. Naka-akbay pa sya sakin at sya na rin mismo ang naglagay ng kamay ko sa baywang nya. Kilig na kilig naman ang mga kasambahay ni Lolo nang makita kaming nasa ganoong ayos.Kumusta ako? Heto, nagtataka parin sa ikinikilos ni Liam. Hindi naman kasi sya dating ganito sakin. Kapag uuwi nga sya ng bahay noon parang hangin lang ako sa paningin nya eh. Parang walang nakita."Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ko. Usually kasi kapag galing sya sa trabaho, sa labas na sya kumakain."Not yet." Tipid nyang sagot."Okay. Wait here. Ipagluluto kita ng food." Sabi ko at itinuro ang sofa sa living room para doon muna sya maupo habang hinihintay akong matapos."Ayoko ng pagkain." Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noong bumalik sa pwesto nya. Bigla akong naguluhan sa gusto nya. Nagugutom tapos ayaw pala ng pagkain. Eh ano pala?Tinitigan ko syang mabuti at ngayon ko lang napansin ang unusual sa itsura nya.
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Pasalampak na humiga si Liam sa kama nang makarating kami sa kwarto. Masama siguro talaga ang pakiramdam nya."I-I'll go get some porridge. Luto na siguro yun." Paalam ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lalabas ba akong muli o hindi na. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa nasaksihan nila."No need. Just help me take off my shirt. It's hot in here." Dalawang beses akong napalunok ng laway dahil sa utos nya. Ayan nanaman tayo eh! Susundin ko ba?"O-okay. I-I'll help you with that." In the end, mas umiral ang pagiging masunurin ko. I think it's normal naman since mag-asawa kami. But, a first time is always the hardest kaya nanginginig pa ang kamay ko habang isa-isang tinatanggal ang pagkakabutones ng kanyang long-sleeved shirt.Ang akala ko ay nakatulog na sya pero gulat akong napatingin sa kanya nang bigla nyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko nang huhub@rin ko na ang suot nya."Enough. Go to sleep now, Maggie." Pansin
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Should I believe him? Yan ang tanong na hindi maalis-alis sa utak ko simula palang kagabi. Ang tanong na yun ay hindi na nasundan pa ng sagot. I was speechless. Paano ba naman kasi ako maniniwala eh, noong nakaraan lang, bukambibig pa nya ang tungkol sa annulment. Kaya kahit mahal ko sya, ang sistema ko ay inihanda ko na sa hiwalayang magaganap. Isn't it too fast for him to like me? I should be happy for that, right? Na sa wakas ay nagustuhan na rin nya ako.'Ano ka ba naman Maggie? Lasing 'yong tao. Papaniwala ka dun?' sermon ko tuloy sa sarili ko.'Pero diba, doon lang lumalabas ang totoong feelings ng tao kapag lasing?' naisip ko.'H'wag kang pakasisiguro, Maggie. Karamihan sa mga taong lasing ay hindi alam ang kanilang sinasabi kaya kapag nawala ang tama ng alak, tsaka sila magsisisi!' napabuntong hininga ako sa muli kong naisip. Totoo at marami akong kilalang ganoon. But deep inside, I'm still hoping na hindi kasama si Liam doon.At dahil maaga akong nagi
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko galing sa labas ng bintana. Alas tres na pala ng hapon nang makita ko. Kumakalam na rin ang tyan ko dahil hindi pa pala ako kumakain. Two meals ang na-skip ko dahil sa pagkukulong ko dito sa kwarto! Wala naman akong ginawa kundi matulog.Pagsilip ko sa bintana ng kwarto, sumakit agad ang mata ko sa nakita ko. Si Lexie lang naman na nakalambitin sa braso ni Liam habang may sinusungkit na bunga ng mangga. May puno kasi ng mangga na malapit lang sa gazebo at katapat lang ng kwarto namin ni Liam. Mula dito sa itaas ay rinig na rinig ko pa ang maarteng pagchi-cheer nito kay Liam. Nanunungkit lang ng mangga, kailangan pa bang i-cheer?Ang lapad ng ngiti ni Lexie habang si Liam ay seryoso at halatang nahihirapan sa panunungkit. Eh sino ba naman kasi ang hindi mahihirapan, ang laki-laki ng sawang nakapulupot sa kanya!"Almost there! Almost there! You can do it, Li!" Cheer ni besssss. I mean Lexie."I think it's enough, Lex.
—KEVIN LIAM ANDERSON—I took a glance to a person who entered my office. It's Bobby, my Executive Director and a friend. Muli kong itinuong ang atensyon ko sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Kanina pa masakit ang ulo ko dahil sa puyat at mas lalo lang din sumakit dahil sa mga papel na hawak ni Bobby.Kanina ko pa kasi minamadali ang ginagawa ko para matapos na kaagad. Gusto ko muna sanang matulog kahit na dalawang oras o higit pa."Mukhang masama ang timpla mo ngayon, ah. May nangyari ba?" He said with a funny tone. I put down the executive pen I was holding and pondered the bridge of my nose."Nothing. I just want to sleep more dahil wala pa 'kong masyadong tulog." Maggie seems weird this morning, simula pa kaninang madaling araw. Nagpabili ba naman ng sandamakmak na kwek-kwek tapos hindi rin naman pala kakainin!Late na nga ako pumasok dahil nanghintay pa ako ng mga nagtitinda ng street foods! She even keep on texting me na h'wag uuwing walang dalang kwek-kwek! What is happe
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"So kelan pa, Ate? Kelan ka pa nag-asawa? Is he the reason why you left?" Sunod-sunod na tanong ni Andrew nang makapasok kami sa loob. We're in the living room at magkakaharap kaming tatlo.Hindi ko ito napaghandaan. Masyado akong naka-focus kay Liam at nakalimutan ko na ang family issue ko."We got married 3 years ago and he's not the reason why I left. You know my reason, Drew." Sagot ko. Tinitigan ko sya with a dig-up-your-memory look para ipaalala kung ano ba talaga ang totoong rason.—KEVIN LIAM ANDERSON—"Did he know?" Nakikinig lang ako sa usapan nila na akala mo'y wala ako sa harapan nila.So, this is her brother. I can tell because of the resemblance, but the way he look at me, screams judgement.Maggie slowly shake her head while biting her lips. The way she bites her lip taunts me. Gusto ko tuloy syang halikan ngayon."Pero bakit hindi mo manlang kami sinabihan?" Bakas sa boses ni Andrew ang hinanakit."Mom and dad won't allow it. You know them, Dre
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Ilang araw na ang nakakalipas pero paulit-ulit paring nag-e-echo sa tenga ko ang sinabi sa akin ni Liam.'Because I love you'.Kapag naaalala ko 'yong mga katagang 'yon, hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ko! Minsan magugulat nalang ako nakangiti na pala ako. Katulad ngayon."Huy, ma'am! Kanina pa po kayo nakangiti dyan. Hindi naman po joke yung kinikwento ko ah!" Si Andeng, isa sa mga kasama namin dito sa bahay. Kanina pa sya nagsasalita pero hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya. Masyado kasing occupied dahil sa 'I love you' ni Liam."Ah, a-ano nga ulit yung sinasabi mo, Andeng?" Tanong kong napapakamot sa sintido. Alanganin din akong ngumiti dahil sa hiya."Naku, ma'am ha... In love ka 'no?! Sino 'yan, ma'am? Isusumbong po kita kay sir Liam!" Pananakot nito na alam ko namang biro lang kaya natawa ako. Bukod kay Manang Melba, isa rin si Andeng sa malalapit sa akin."Tangëk! Kung may kai-inlove-an man ako eh 'yong asawa ko 'yon!" Natataw
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"Li!" Nasa meat section kami at natigil sa pagpili ng karneng bibilhin nang may babaeng tumawag kay Liam. Sa tinis at timbre ng boses nito ay kilalang kilala ko na agad kung sino. Sabay kaming lumingon ni Liam kay Lexie."Lex?" Mahinang sambit ni Liam.""I'm not expecting to see you here." Bakas sa mukha nya ang tuwa nang makita si Liam. Ni hindi manlang nya ako tinapunan ng tingin. "I missed you!" Bigla nalang syang yumakap kay Liam at ipinulupot pa ang dalawang braso sa leeg nito. Sinadya pa nyang idikit ng husto ang katawan nya sa katawan ni Liam!'Nananadya na talaga 'tong bruhang 'to!'Galit akong tumingin kay Liam at nakita kong alanganin ang itsura nya. Mabilis pa sa alas-kwatro nyang tinanggal ang mga braso ni Lexie sa leeg nya at agad ding lumapit sa akin. Agad nawala ang ngiti sa pagmumukha ni Lexie nang magtagpo ang mga mata namin."Oh! Nandyan ka pala? Hindi kita nakita." Gusto ko syang sugurin right now. Nanggigigil ako! But I still managed to com
CHAPTER 15—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Three days had passed mula nang makauwi kami ng Manila, and our relationship had taken a significant step forward. Bago pa kami makaalis ng mansyon ay puro reminders naman ang pabaon sa amin ni Lolo."I'm hoping someday, tatlo na kayong magbabakasyon dito sa mansyon." 'Yan ang huli nyang sinabi sa amin na sinagot naman ni Liam."Don't worry, grandpa. We'll start a family soon, and you'll have a great-grandchild to spoil." Sabi ni Liam kaya mas lalong napuno ang kanyang excitement.Kakarating lang namin sa bahay noon at nagpaalam ako sa kanya na magpapahinga muna. Masyado akong napagod sa byahe. "Where are you going?""I-In my room?" Nalilito kong sinagot ang tanong nya. Abvious naman kasi na sa kwarto ako magpapahinga, and it is supposed to be in my room."Take your rest in my room." Sabi nya at tsaka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'll be in my office for a while. I'll join you later."Napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Inaamin kong ki
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—"Whose marriage will be annulled?"Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Lolo kasama si Liam na nakasunod sa kanya pababa ng hagdan. Liam looks nervous at matiim na nakatingin kay Lexie. I saw Lexie na mas kabado ang itsura."M-Mr. Anderson." Sambit ni Lexie na akala mo'y nakakita ng multo."Ms. Lincoln, you're here." Bati ni Lolo na seryosong nakatingin kay Lexie habang bumababa ng hagdan. "Ang balita ko ay nasa ibang bansa ka. Kailan ka pa dumating?""I just came back about a week ago." Taas noong sagot ni Lexie. "When I heard from Cherry na nasa Mansion si Liam, pumunta kaagad ako dito just to see him." she proudly said. Tumingin pa sya kay Liam at ngumiti. Lihim akong humugot ng malalim na paghinga dahil sa inis. Talagang ipinaparamdam nya sa akin na hindi dapat ako irespeto bilang asawa ni Liam!"Honestly, Ms. Lincoln, this isn't the best time for a visit. You know, Liam and her wife Maggie, are spending their private getaway here. Just for them." Agad
—MAGGIE ELIZABETH SMITH— Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Liam doon. Masakit ang katawan ko specially down there. Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kagabi. Hindi parin ako makapaniwala na may nangyari sa amin. He's my first. Nakailang rounds ba kami kagabi? 5? 6? 10??? Hindi ko na matandaan! Did we really make a baby? Mabubuntis na ba 'ko? Bigla tuloy akong na-excite maging mommy! Gusto ko pa sanang matulog dahil umaga na nang matapos kami ni Liam sa love making namin. Mabigat pa ang talukap ng mata ko. "I'm asking you! Bakit hindi ka makasagot?!" "I don't need to answer your question! Will you stop shouting? Please?" "But I need to hear it, Li! Where have you been last night? Alam mo bang magdamag akong naghintay?!" Sa boses palang ay alam ko na kung sino ang mga nagsisigawan. Rinig na rinig hanggang dito sa kwarto. Sumilip ako sa bintana at nakita ko nga silang nasa gazebo. I saw Liam looking frustrated while Lexie is in tears.
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—After namin kumain ni Liam, we decided na mamasyal nalang muna. Pareho kasi kaming ayaw pa umuwi. Kung saan-saan kami pumuntang pasyalan. Sa pagkakakilala ko sa kanya, seryoso syang tao at bihira ko lang nakitang ngumiti. Pero ngayon, nakakatuwa lang na maya't-maya ko na nakikita ang mga ngiting 'yon."Where do you want to go next?" He asked turning the key in the ignition. Kasalukuyan na ulit kaming nasa sasakyan ngayon at nag-iisip ng iba pang mapupuntahan. Tumingin ako sa labas para makita ang langit. Baka kasi uulan na. Pero nang makita kong napakaraming stars sa kalangitan, isang ideya ang pumasok sa isip ko."Liam, mahilig ka ba sa heavenly bodies?" I asked instead. Gusto ko kasi muna malaman kung mahilig sya. Baka kasi ako lang ang may gusto ng naisip ko."Not really..." Bagsak naman agad ang balikat ko sa sagot nya. "But I like watching the stars when it's night." Bigla akong nabuhayan ng loob."Really? Gusto mo mag-stargazing?" Sa edad kong 26 ay para
—MAGGIE ELIZABETH SMITH—Mag-gagabi na nang mapagdesisyunan kong sa labas nalang kumain. Hihiramin ko nalang ang sasakyan ni Lolo para makaalis ako. Masyado na akong humahanga sa sarili ko dahil halos buong araw na akong hindi kumakain.Bumalik ako sa kwarto para sana makaligo at makapagbihis muna, but Liam is there nang makapasok ako."M-maliligo lang ako. Aalis din kaagad ako." Naabutan ko syang nakatitig sa pintuan kaya nagtagpo agad ang mga mata namin nang mapatingin ako sa kanya. Mukhang malalim rin ang kanyang iniisip."Where are you going?" Kaswal nyang tanong."Kakain lang sa labas." Tipid kong sagot habang nagkakalkal ng maisusuot sa closet. Dumiretso na rin ako sa banyo at doon na lamang magbibihis. Mukha kasing walang balak lumabas ni Liam.Paglabas ko sa banyo ay naabutan ko syang nakabihis na rin. Kumunot pa ang noo ko sa pagtataka. "Aalis ka rin?" Hindi ko napigilang itanong habang naglalagay ng simpleng make up lang. Inayos ko lang naman ang kilay ko at naglagay ng ligh