Share

Kabanata 7

Author: Lae Oliveira
last update Last Updated: 2021-07-15 10:38:46

I don’t understand why my cheeks flushed that led me to unconsciously bite my lower lip when Ares chose to sit down on the seat beside me. Bale, napaggigitnaan ako nina Harry at Ares, nasa magkabilang gilid ko ang dalawa. Si Apollo naman ay nasa katabing upuan ni Ares naupo, kaharap si Hera na kausap ang magkapatid na Kiel at Klien.

Klien may be the youngest in the band but he still manages to talk like an adult. He's approachable and charming compared to his older brother, Kiel. I think he's eighteen or something?

Kagaya ng nakita ko kanina, nakasuot si Ares ng puting v-neck shirt na pinatungan ng maong na jacket. He partnered it with a dark blue jeans and a pair of white sneakers. All in all, his attire is simple, but I can't lie, he really stands out from the crowd. Kaya nga madali ko siyang nakita kanina, 'di ba?

Ngunit napataas ang kilay ko nang mapansing halos same colors ng sa akin ang get up niya. Ginagaya niya ba ang OOTD ko? Ano 'to, couple OOTD? Couple goals? Hindi naman kami couple!

What the heck am I thinking?! And why the heck am I thinking these kinds of things?! Mon Dieu, what’s happening to me?

Matangkad siya, sobra. Pang basketball player ang height niya. I think his height is 6 or 6'2. Isa sa mga dahilan kung bakit nagsastand out siya sa lahat. Tindig at looks niya pa lang, makukuha niya na agad ang atensiyon mo. Baka nga pati puso, e. Kidding.

I wonder if he's an athlete? He looks like one. Plus, he looked hot even with his simple attire.

Wait, what? Hot?! Seriously, Athena?!

Tumikhim siya na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat. I noticed how his Adam’s apple moved, kaya ay napalunok rin tuloy ako.

What the hell is wrong with me and why do I notice every single detail about him?!

"Hey," He greeted the others with a small smile.

Nang bumaling siyang muli sa akin ay nagulat na lang ako nang tumalim ang tingin niya kaya mabilis akong nagbawi ng tingin.

Shit. Why do I feel so nervous around him? Hindi naman ganito dati, ah?

Uh, kasi alam kong may kasalanan ako sa kaniya? Hehehe.

"Uy, Ares, bro!" Bati ng mga lalaki sa kaniya.

Ares was supposed to be the bassist of the band, but because he was always out of the country, he decided to leave the band. That's when Kiel thought of letting his brother, Klien, join the band and be Ares' replacement. 

Napabaling ang tingin ko kay Hera nang marinig ang malakas niyang pag-ubo.

"The fudge?" She blurted out. She then pointed at me and Ares, "Are you a couple or something? Why the hell are you wearing the same clothes?" Pagpuna niya sa OOTD namin ni Ares. She raised a brow on us.

Nagkantyawan ang grupo. I awkwardly looked at Ares who had no reaction at all.

"Uy, hindi! Gaga ka, Heralyn! Magkaibigan lang kami!" Agad na pagtanggi ko dahil nahimigan ko ang pagka-ilang ni Ares.

"I said stop calling me Heralyn! My real name's way better than that." She rolled her eyes on me.

"Weh, Athena? Magkaibigan lang ba talaga o magka-ibigan na?" Mags asked as she wiggled her brows, probably making fun of me.

"What? No!"

Patuloy silang lahat sa pagkantyawan. Nakisali pa ang walanghiyang kapatid ko at sinabing botong boto raw siya kay Ares para sa'kin! Nakakahiya! We have just met! We're just... acquaintances? We're not friends yet. And we're nothing more than that!

Ares remained quiet though kaya iniba na lang rin nila ang usapan. Maybe they also sensed Ares' coldness, which is not new. Pero unusual pa rin since he's not cold towards his friends, pero sa mga hindi niya pa masyadong ka-close, oo.

He's unusually cold and quiet tonight. But he doesn't forget to glare at me whenever our eyes meet.

As much as possible, hindi ko na ibinabaling ang tingin ko sa gawi niya para hindi masalubong ang nakaabang sa aking matatalim na mga mata.

I find him oddly cold tonight because like I said, hindi naman ganiyan ang attitude niya when it comes to his circle of friends. Besides, he's much closer to Apollo and Harry. Especially Harry since they're almost the same age and they have the same course.

Ares is twenty-five, I calculated his age when he said he first met us. Apollo shared to me that Ares is a graduating college student and his course as Bachelor of Science in Civil Engineering. Meanwhile, Harry is already twenty-four, he’s still in his fourth year of college and they’re of the same course as Ares. And like Ares, they're both preparing to take their master's degree to be able to become licensed Engineers, kahit hindi pa naman graduate ang dalawa.

Mabuti nga naman iyong pinaghahandaan talaga.

Tingin ko pa’y dito tatapusin ni Ares ang pag-aaral. Narinig ko lang din sa pag-uusap nila ni Apollo noong isang araw, ngunit hindi na ako nakinig pa sa buong usapan nila.

I didn't intend to eavesdrop and I will not continue to eavesdrop when I accidentally hear a personal matter that I should stay out of, or I was not supposed to hear since I am not involved.

Apollo is the youngest among them three. Since we're twins, we're obviously the same age. Twenty-one.

Napalingon akong kay Harry nang kalabitin niya ako at bahagyang hinila palapit sa kaniya para bumulong, "I wanna ask your friend out."

Halos itumba ko siya sa kinauupuan niya dahil sa sinabi niya.

Grabe naman kung manggulat ang isang ‘to!

"Ano?!" May kalakasan na pagsigaw ko.

Napalingon sila Apollo sa amin pero hindi ko rin masyadong pinansin. Itinuon kong muli kay Hardin Rye ang atensyon ko.

"Shh. Tone down your voice, idiot." Natatawang aniya. Lumapit siyang muli para bumulong. "That girl, Magui? I like her."

Pagkatapos ng sinabi niya ay halos mamatay ako sa kakatawa. Nothing's funny but I can't help but laugh. Halos maubusan na ako ng hangin dahil tawang tawa talaga ako. Muntik pa nga akong mahulog sa kinauupuan ko, mabuti na lang at kaagad akong nasalo ni Ares.

Napalingon muli ang grupo sa banda namin ni Harry kaya napakagat-labi ako at yumuko, pinipigilan ang sariling huwag matawang muli.

"What the heck is funny?" Nakakunot-noong tanong ni Harry sa akin.

"Mags, even when she acts like a hoe for my brother, she's never interested in men." I whispered and chuckled.

Mas lalong nangunot ang noo niya.

Bahagya akong lumapit sa kaniya para bumulong, "She's not NBSB, Harry, but she hated men for some reason that’s why she stayed single for years now.  And if you really want to pursue her, well, good luck with that." I chuckled.

Namilog ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa nalalaman.

"Damn. I wonder what made her hate men?" He murmured. But then he shook his head afterwards when realization hit him. "Indeed, there are a lot of reasons to hate men." He chuckled.

Natawa ako lalo sa inasta niya. He's crushing on one of my girls, huh? 

"Besides, Harry, she's the same age as me. I thought you hated young girls for some reasons?" My brows twitched.

His eyebrows furrowed but then his lips curved a little for a smile.

"Forget about that."

Natawa ako. Shit.

"Anong pinagtatawanan niyo riyan, ha?" Pang-uusisa ni Hera sa amin, hindi na napigilan ang pagsasariling mundo namin ng kapatid niya.

Umiling-iling lang ako at pilit pinipigilan ang sariling mapahalakhak.

Hardin Rye is damn whipped! This is freaking new! He may have dated a lot of girls back then, but then, him dating young girls isn't in his dictionary! Hindi ko rin maintindihan ang trip ng isang 'to.

"Hoy, Kuya, ha! Baka nililigawan mo na iyang si Athena ko!" Sinamaan ni Hera ng tingin ang kapatid.

Natatawang umiling si Harry.

Napatingin ako kay Ares na nakatingin rin pala sa akin. Umiwas siya ng tingin at hinarap ang dumadaldal na si Apollo.

Huh? What is wrong with him?

"Sinasabi ko sa'yo, brader Harry, huwag ang kapatid ko." Sabat ni Apollo. "Taken na 'yan!"

Napamaang ako. Anong taken? In a relationship na pala ako ngayon nang hindi ko man lang nalalaman? 

"Ares, bro! Buti at naisipan mo nang manood sa performance namin?" Pagpansin ni Harry kay Ares na nananahimik sa isang tabi.

"Ah, yes, Rye. Apollo dragged my ass out." Malamig na tugon niya.

"Aba, langya 'to! Sino kaya-" Angal ni Apollo na agad na pinaslakan ni Ares ng lumpiang shanghai ang bibig.

Ayon at natahimik ang kapatid ko habang nginunguya ang lumpia. Mukhang sarap na sarap naman siya at may balak pa atang magpasubo kay Ares na wala nang pakialam sa kaniya.

"Hey, Ares. Wanna go out?" Out of the blue, I blurted that out.

I just thought of bringing him to some place he could relax. Baka kasi may problema siya kaya ganun na lang ang attitude niya. Gusto kong mag-unwind muna siya at para na rin bumalik na siya sa dating palangiting Ares sa mga kaibigan niya.

Pansin kong panandaliang nanahimik ang table namin kaya napalingon ako sa kanila, only to find out of their shocked expressions and jaws dropped. Bakit nakanganga itong mga 'to?

"Woah, Ana! You're asking out my friend here?" Napahalakhak si Harry.

Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ang pagkakaintindi nila sa sinabi ko kanina.

"No! It's not what you think! I mean, I just wanna talk to him alone- no, uh, like, does he wanna breathe some fresh air outside and relax and we'll have a little chitchat-" Natatarantang paliwanag ko na nagpahalakhak sa kanilang lahat.

"Chill, Ellie. Napaghahalataan ka masyado, eh." Kiel chuckled while eyeing me and Ares with a hint of malice.

Sinamaan ko siya ng tingin. Apollo's group really loves to give me nicknames, eh?

In the end, napagdesisyunan ni Ares na umalis sa Contri at magpunta sa isang mall.. kasama ako. Hindi na sumama ang mga kaibigan namin dahil baka raw ay makasira sila sa atmosphere ng date namin ni Ares.

Mga siraulo. Hindi naman ‘to date!

Narito kami sa parking lot at hinahanap ang sasakyan ko. Sinundo kasi siya ng kapatid kong walanghiya kaya't wala siyang sasakyang dala.

Kahit nagtataka ako sa inaasta niya ngayon, hinayaan ko na lang. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita masyado. Tanging tango, iling, at matitipid na salita lamang ang sinasagot niya sa mga tanong ko. He doesn't even open a topic like before! I wonder what happened and why he suddenly changed?

Halos magtatalon ako sa tuwa nang sa wakas ay mahanap ko na ang sasakyan ko. Damn, nakalimutan ko kasi kung saan ako nag-park kanina. Muntanga lang.

Agad kong pinatunog ang alarm at nilingon si Ares, signaling him to go inside the shotgun seat. Tahimik lang siyang tumango bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan kong isang 2019 Honda CR-V, isang puting SUV na seven-seater.

Napabuga na lang ako ng hangin, overthinking what has happened to him or what his problem is. Why he is glaring at me kanina.

Nang pumasok ako'y naabutan ko siyang patingin-tingin sa loob ng sasakyan.

"Wait, woah. The white Honda SUV is your car?" Namamanghang tanong niya, obviously forgetting his stone cold aura a while ago.

"Yep. Why?" I asked without looking at him. I started the car's engine before I maneuvered the gear shift. I skillfully rotated the steering wheel para makapag-backing at makaalis na sa parking lot ng Contrivance. I was so serious while doing it kaya hindi muna nagsalita si Ares. When I successfully maneuvered my car out of the parking lot, I started to drive to the nearest mall. That's when Ares started to talk again.

"I remember Apollo using this car whenever we go out. It was days after I got home, I think?" He said. Gulat akong napalingon sa kanya.

His car is a damn 2017 Subaru XV 2.0! Why does he have to use mine?! And without my permission!

Bumalik ang tingin ko sa daan at napahigpit ang kapit ko sa manibela. Tumalim ang tingin ko sa kawawang daan na animo'y naroon si Apollo at handa akong sagasaan siya.

"Damn him! He has his own freaking car! He doesn't even let me borrow his when mine's under repair, and then you'll just tell me that he sometimes uses my car without my permission?!" Gigil na saad ko.

"He said he likes yours because it's way better than his car. He likes to drive it because it's smoother than his."

Then he should sell his car and buy a new one! May ipon naman na siya since he has lots of part-time jobs, plus Mama's spoiling us so much allowance kaya mayaman na siya! He can surely afford to buy a new one! Hindi yung akin ang gagamitin niya!

Next time, I won't ever leave my car keys sa bahay! Apollo can never be trusted!

"Hey, chill. It's not like he's not your brother." Pagpapakalma sa akin ni Ares.

"No, Ares. The point here is, why does he have to use mine when he has his own? He doesn't even ask for my permission. Even when we're siblings, he should ask for permission for everything. Hindi yung diretso kuha lang ng gamit na hindi naman nakalaan para sa kaniya. Hindi kami tinuruan ni Mama ng ganoon." Pagpapaliwanag ko. "We were taught to always ask for permission when we want to use or do something... everything!" Magulo at walang kwentang dagdag ko pa. "Mama may spoil us so much money, but she never forgets to remind us to use the money wisely. Either save it for the future, or use it for emergency purposes only. Besides, Apollo has a lot of savings so he can surely buy a new one and sell his old one. It wouldn't be a loss."

"It's not that easy to let go of something you treasure. Malay mo, may sentimental value sa kaniya 'yong sasakyan niya kaya hindi niya magawang pakawalan."

I sneered.

"What is his car, his girlfriend?" I rolled my eyes when I remembered him naming his car Natalie. "Whatever. My main point here is he should've asked me before he used the things I possess. Period."

Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Ares. Sandali ko siyang sinulyapan at nakitang nakatanaw lang siya sa labas ng bintana at.. bahagyang... nakangiti?

Binalik ko sa daan ang atensyon ko at ipinagsawalang bahala na lang ang lahat ng sakit sa ulo. I don't wanna be stressed!

I think it's me who needs to unwind and not Ares!

Nakarating kami sa mall nang saktong alas nuebe ng gabi. Buti at bukas sila hanggang 11 pm. Ewan ko ba rito sa isang 'to at bakit trip niyang mag-mall kahit gabing-gabi na?

Paglabas namin ng sasakyan ay napansin kong balik na naman ang gunggong sa cold aura niya kuno. Tinuruan ba siya ng gagong kambal ko ng mga walang kwentang tips niya?

I shrugged the thought off. Thinking about my brother and his stupidity makes my blood boil in anger and frustration.

Charotism. I love him so much! He’s just annoying at times that’s why I can't help but be pissed at him.

Napagdesisyunan naming kumain muna bago mag-ikot sa mall. Hindi kasi siya kumain bago nagpunta sa Contri, ako rin naman. Tapos puro mga finger foods tsaka kaunting alak iyong mga inorder namin kanina doon sa restobar kaya malamang sa malamang ay kumakalam na ang sikmura naming dalawa.

Sa isang kilalang fast food chain kami kumain. My favorite fast food chain.

I ordered burger steak with rice, large fries, coke and a hot fudge! He ordered the same meal as mine but without the hot fudge. He said he doesn't wanna eat the fries kaya ibinigay niya sa'kin ang fries.

Yay! More and more fries! Yum.

Napansin kong natutuwa siya habang pinagmamasdan akong kumakain. Palibhasa, tapos na siyang kumain. Wala sigurong magawa kaya tinitigan na lang ako.

Nakakaconscious ang mga tingin niya.

"Staring is rude,” Nahihiyang saway ko.

He smiled softly. The way he gazed at me was with pure gentleness.

"You look cute. Damn, you make me fall for you even more." Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil naging bulong iyon.

Namula naman ang mukha ko.

Ako? Cute? 

Ahe, enebe. Matagal ko nang alam ‘yun, ‘no!

Charot.

Tinapunan ko siya ng tissue, kunwari naiirita pero sa kaloob-looban ay kinikilig naman talaga sa biglang pagbanat niya.

Shit talaga! Kinikilig ako, enebe!

Wait. What?! Bakit naman ako kililigin, aber?! Maghunos-dili ka nga, Atheeva Narelle!

He just let out a soft chuckle, probably amused at my stupid reaction.

Binilisan ko ang pag kain ng fries. Todo sawsaw ako ng fries sa hot fudge imbes na sa ketchup. Duh, masarap kaya isawsaw sa ice cream ang fries! Minsan sinasawsaw ko pa sa gravy or sauce ng chicken fillet o burger steak. Sarap talaga.

Pagkatapos kong kumain, panay na ang hila ko sa kanya patungo sa kung saan-saan. I love shopping!

Okay. My childish side is showing.

Hinila ko siya sa isang bookstore at minamata na ang mga librong ninanais kong bilhin. Sa dami ng minamata ko, nakaramdam ako bigla ng hiya.

Nakakahiya naman kung bilhin ko lahat ng gusto ko, tas bibitbitin niya ‘yung iba? Kalmahan ko na lang muna ang pagbili ng mga libro. Mga dalawa o tatlo na lang muna ang bibilhin ko ngayon para less hassle. Hehehe.

“Ikaw? May gusto ka bang bilhin dito?” I asked him.

Tumango siya at nagtungo sa isle kung saan mo mahahanap ang sandamakmak na art materials. He picked up the art materials that looked girly and cute, so I didn't have to guess anymore. These are for Artemia.

Nagtungo kami sa cashier at nagbayad. Nginisihan ko siya nang hindi niya naicharge sa kaniya ang mga pinamili ko. Nagbuntong-hininga na lang siya bago binayaran ang kaniya.

Pagkalabas namin sa bookstore ay pinaghihila ko na naman siya sa kung saang magandang nakikita ko.

"Ares, tara dun sa arcade! Gusto ko maglaro!"

He totally forgot about his coldness a while ago. And that's my main goal for tonight. To make him smile instead of flashing a resting bitch face at everyone else!

Related chapters

  • Along the Current   Kabanata 8

    Nagniningning ang mga mata ko nang makapasok kami sa arcade. I immediately went to the area where I can play basketball."Ares! Let's play basketball!" Pag-aaya ko sa kaniya. "Whoever loses will do a dare! Deal?" Paghahamon ko sa kaniya. Tinaas-taas ko pa ang kilay ko habang sinasabi iyon."No, thanks. I’m afraid you’ll cry because you’ll lose," mayabang na sambit niya na hindi ko inasahan.At talagang he looked at me from head to toe ha! Ano naman ngayon kung medyo maliit ako kumpara sa kaniya? Matangkad naman ako basta hindi lang siya ang katabi ko, dahil nagmumukha akong maliit sa tabi niya."Ang yabang, ha!" Ngumuso ako.He chuckled at

    Last Updated : 2021-07-16
  • Along the Current   Kabanata 9

    Magulo sa top floor. Nagkalat ang mga pinsan ko sa kung saan-saang bahagi ng top floor. Palibhasa, Mama's not here because she's the one attending to Daddylo. Wala pa kaming natatanggap na balita sa kalagayan ni Dad kaya hindi namin maiwasang kabahan. Dinadaan na lang ng mga pinsan ko sa mga kalokohan ang kabang nararamdaman para pagaanin ang loob naming lahat. Magiging ayos din ‘yon si Daddylo. Siya pa ba? Kakayanin niya iyon. "Huwag nga kayong maglilikot masyado!" Asar na bulyaw ng kapatid ko sa mga pinsan naming may kanya-kanyang ginagawa. Halos matawa ako sa kapatid ko dahil isa siya sa pinakamaloko at makulit pero ngayon ay naiirita siya sa kapwa niya maloko at makulit!

    Last Updated : 2021-07-17
  • Along the Current   Kabanata 10

    Nag-aayos ako ng gamit dahil mamaya na kami lilipat sa manoir. Malapit lang naman dahil nasa iisang village lang naman kami pero nakakapagod lakarin pabalik ang bahay. "Maglalayas ka na ba talaga?" Pagdadrama ni Apollo na biglang sumulpot na parang kabute sa gilid ko. Hindi na ako nagulat dahil nasanay na ako sa biglaan niyang pagsulpot na parang kabute. "Why don’t you start packing your things instead of pestering me, trou du cul." Irap ko sa kaniya. Hindi makapaniwala niya ako tinignan, "You're unbelievable, sister! Everyone knows you for being the prim and proper among the De Bonnevies and yet here you are, cursing me to bits like I am not literally your other half! Minumura mo ak

    Last Updated : 2021-07-18
  • Along the Current   Kabanata 11

    The next day, I woke up with a pretty bad headache. Ugh! How I despise hangovers. "Ouch," Sinapo ko ang noo ko at sinikap na umupo sa kama. I heard a knock from outside my room's door that made me jump a bit. "Come in!" Sigaw ko. I leaned on the headboard and shut my eyes close. Ang mga kamay ko ay nanatiling sapo ang noo habang ang kabila naman ay nakasabunot sa buhok ko. "Hey," Napamulat ako ng mga mata at nag-angat ng tingin sa lalaking nagsalita. Namilog ang mga mata ko nang makita si Ares na nakatayo sa may pinto at may hawak na tray na puno ng pagkain. Napaayos ako ng upo.

    Last Updated : 2021-07-19
  • Along the Current   Kabanata 12

    I was never ready for romantic relationships. I was never ready for that kind of love. Yes, I may have wanted the kind of love my grandparents have, but not to the extent of looking for it. I'll wait for it to come. Hindi naman ako nagmamadali, I have set my goals before anything else. Pero kung mayroon mang dumating, aba, hindi naman ako tatanggi sa grasya. Thou shall not reject the grace from God. Ilang araw na ang nakalipas magmula noong pagpapahiwatig niya ng nararamdaman niya sa akin. Up until now, he doesn't know I remember that. Ang akala niya, hindi ko maaalala kasi lasing ako. I was drunk, alright, pero nahimasmasan na ako noong nasa manoir na. So I remembered everything from there. Even my dumbest and hilarious moments. I cannot believe it! &nb

    Last Updated : 2021-07-20
  • Along the Current   Kabanata 13

    "Happy birthday, Ate Athena and Kuya Apollo!" Pagbati ng mga bata sa amin ng kambal ko.Lumawak ang ngiti ko't kalaunan ay napahalakhak. Bukas pa naman talaga ang kaarawan namin ng kambal kong si Apollo pero ginusto kong magcelebrate ngayon kasama ang mga bata sa ospital na napalapit na rin sa puso ko.Nagpahanda rin ako ng pagkain para sa iba pang mga pasyente sa ospital. Today until tomorrow ay libre ang mga pagkain sa cafeteria, which were not the usual foods there.Narito ngayon si Mama at ang kambal ko, naririto rin ang ibang mga doktor at nars upang saksihan ang katuwaang naisipan ko para sa mga batang naka-confine sa ospital.Kahit kaarawan ko'y ako ang naghanda ng lahat para sa araw na ito. Tinulungan ako ni

    Last Updated : 2021-07-21
  • Along the Current   Kabanata 14

    The following day, I had to wake up early despite having a headache. Nagwalwal ba naman kami kagabi. Our birthday party went well. It was exclusive only for our relatives and friends. Tanging ang mga kapamilya at kaibigan lamang namin ang naroon. There are no business partners invited. Mayroon namang ibang party para roon, kaya no need na silang imbitahin sa selebrasyon ng kaarawan namin ni Apollo. Though, the business partners that are close to our family are invited. The ones that are trusted by the family. The Mansueto family are all present. Naroon si Tita Solene at Tito Andréz na siyang mga magulang ni Ares. Naroon rin si Ate Astraea Shyline o mas kilalang Ashlyn na nakatatandang kapatid naman ni Ares.

    Last Updated : 2021-07-22
  • Along the Current   Kabanata 15

    Today’s our second day here in Bantayan. Narito kami sa may beach, kumakain ng agahan."May request ako, Atheeva!" Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko nang magsalita si Lian."Ano 'yon?" Tanong ko matapos mailunok ang kinakain."May nakita kasi akong video sa Tiktok, napahanga ako! It was a pretty girl I follow on that app and she sang some French song na hindi ko maintindihan but really caught my attention. Kagabi pa ako na-LSS sa kantang iyon, and an idea popped in my pretty little brain." She smirked."What is it?""I want you to do a short cover of Les Champs-Elysées for me! Since I never heard you sing in French. God, alam kong

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • Along the Current   Kabanata 34

    Hindi nangyari ang gusto ko.Nalaman ni Daddylo ang nangyari sa pagitan namin ni Ate Ashlyn kaya't wala na akong nagawa ng inutusan niya ang kambal kong i-uwi ako sa manoir. He was so mad and afraid at the same time that something would happen to me and the baby inside my womb.Mabilis akong inalis ni Apollo sa lugar na iyon kahit na halos mamatay na ako sa pagmamakaawa na payagan akong makita si Ares, pero hindi sila nakinig sa akin.Hindi ko man lang nasilayan si Ares kahit sa huling pagkakataon man lang sana."Athena,"Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Apollo. Wala akong ibang ginawa kun'di ang tahimik ma umiyak habang nakahiga sa kama ko. I heard him sigh.Wala ni isa sa amin ang binigyan ng pagkakataong makita si Ares. Walang De Bonnevie ang pinayagan ni Ate Ashlyn na masilayan ang kapatid niya. I'm hurting but I surely know that Apollo's hurting

  • Along the Current   Kabanata 33

    “W-What..”Binigyan kami ni Mrs. Lynn Mansueto ng isang mabining ngiti.“Buhay ang kapatid ninyo, Athena. Hindi siya kailanman binawi sa atin ng Diyos.”Natakpan ko ang bibig ko sa gulat. Huwag mong sabihin sa akin na nagsinungaling si Tita Solene sa amin?“I-Imposible po iyan.. Ang sabi sa amin ni Tita Solene ay.. wala na ang kapatid namin..” Umiling-iling ako, hindi makapaniwala sa isiniwalat ng mag-asawa sa harapan namin ng kakambal ko.Umiling naman si Mr. Anton, “Iyon din ang akala niya, Athena. Akala niya ay namatay ang anak niya kay Apollonius. Pero hindi. Dahil ang totoo, buhay na buhay ang anak nila. Sayang nga lang at hindi nalaman ni Solene ang katotohanan bago pa man siya binawian ng buhay..” Malungkot na aniya.“Paano po naging posible iyon? How come she didn't have an idea that her own child

  • Along the Current   Kabanata 32

    The next few days weren't fine at all. It’s been exactly three weeks since I left the Philippines for a stress-free pregnancy here in France. Walang araw na hindi ko sila namimiss. Araw-araw, gabi-gabi akong nangungulila sa kanila.. lalong lalo na kay Ares.There are nights where I just stare at the ceiling and overthink things. Then I’ll start crying, remembering all that has happened in my life. I can’t help but scroll on my gallery and look for my photos with Ares. Walang kwenta ang pagpunta ko rito sa France para malayo sa stress dahil nas-stress pa rin naman ako.To be honest, things are not going well with me but I am trying my best to be better. I always flash a smile like always, like before. Like I wasn't even affected at all. But deep inside, I am dying. But I am trying to be strong for the people around m

  • Along the Current   Kabanata 31

    Tahimik lang ako sa buong biyahe papuntang airport. Isang pribadong jet plane na pag-aari ni Uncle Max ang sasakyan namin ni Apollo at Kuya Ryden papuntang France. Kasama namin si Kuya Ry dahil may kailangan siyang asikasuhin sa business ng mommy niya doon sa France. He’ll go on a business trip, I think. Clothing line ang negosyo nila ngunit kahit na lalaki siya at isang abogado, bihasa na siya sa negosyo nilang iyon. Bago pa man siya naging ganap na abogado ay siya na ang minsang naghahandle ng business ni Tita Amora. Pero siguro pagka-graduate ni Mari ay magfofocus na lang siya sa law firm nila, since interesado naman ang dalagitang iyon sa business nilang clothing line. “I’ll stay in France for one to two weeks. Or more, probably. Yes. Send me the details. I may be on a business trip but I can still work on it, Attorney.” Rini

  • Along the Current   Kabanata 30

    I’m.. what? “Pardon?” Wala sa sariling sambit ko. “You are pregnant, Miss Athena. That is why you should stay healthy and avoid the things that would stress you out, lalo na ngayon na nagdadalang-tao ka. Hindi na lang ang sarili mo ang kailangan mong alagaan because you're bearing your child.” I’m.. pregnant? “Good thing at maaga nating nalaman ang pagbubuntis mo. Sa ngayon, hindi pa visible ang baby bump mo since three weeks pa lang naman. But by ten weeks, magiging halata na ang umbok sa tiyan mo.” She added in a happy tone. “By the first trimester of your pregnancy, you’ll feel nauseous and even vomit, or what we call morning sickness. Other sy

  • Along the Current   Kabanata 29

    Hindi ko inalintana ang sasabihin ng pamilya ko at kaagad na tumakbo papuntang garahe para magmaneho patungo sa ospital. Shit! This is what I'm saying. Kaya pala kanina pa ako hindi mapakali. I should've listened to my guts. Dapat hindi muna namin sila pinaalis gayong masama ang panahon. Tita Solene, Tito Andréz, Asher, Ares, and Artemia were all inside that car. And I don't know what to do anymore! Ang sabi ng kapatid ko ay kritikal ang kondisyon nilang lahat. Oh my God. This is all our fault. Especially mine, kung sana lang hindi ako nagpadala sa emosyon ko, kung sana lang pinagana ko ang kabutihan ko, I shouldn't have let them leave the village even when the rain is pouring hard. Dapat ay pinakiusapan ko sina Dad na kahit patuluyin muna sila sa kabilang mga bahay tu

  • Along the Current   Kabanata 28

    Umusbong ang tensyon sa buong dining hall ng manoir. “He got me pregnant.” Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa utak ko. Ni-hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko. Masyado akong nagulat sa rebelasyon ng babaeng.. ina ng boyfriend ko at nabuntis ni Papa. God! I hate to be rude but I couldn't even look at her the same way as before! I couldn't even call her Tita Solene, my boyfriend’s mother! All I can think of is that she is my late father's mistress! Oh my God! My father has a mistress!? Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Walang nakapagsalita sa amin pagkatapos noong rebelasyon ni Tita. Masyado kaming nagulat at pino

  • Along the Current   Kabanata 27

    "What took you so long?" Iyan ang bungad na tanong ni Dad sa aming dalawa ni Ares pagkapasok namin sa manoir. Eh, kasi naman. Sa tagal naming gumawa ng milagro roon sa sasakyan niya ay naabutan na kami ng ulan. Samantalang sina Apollo ay kanina pa palang nakarating dito sa bahay. We made them worry. We spent almost an hour in that narrow lane to do something nasty! We were so late for the family lunch. And our family being paranoid and worried, they thought negative things happened while we were on the road. Ginoo, simbako palayo! We were both scolded for taking too much time. Bakit ba ang tagal naming dalawa, e, ang lapit lapit lang naman ng village sa university! I didn't want to lie but I also didn't want

  • Along the Current   Kabanata 26

    The first thing I felt as soon as I opened my eyes was my soreness down there.Napapikit akong muli nang maalala ko na naman ang mga nangyari kagabi hanggang kaninang madaling araw.In a span of four hours, we did a lot of nasty things. Well, we did have a break. It wasn't a continuous exercise. Everytime we got tired, we would just lay on the bed while lazy kissing and then it would lead us to doing it again.I perfectly remembered how he was gentle at first. Like he’s stopping himself from doing something that would hurt me. But it did hurt the first time his thing went inside of me. He would say

DMCA.com Protection Status