Share

All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1
All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1
Author: Maui Azucena

Chapter 1

Author: Maui Azucena
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

           Muling hinagod ni Athena ang kanyang buhok while facing the vanity mirror. Maayos na naisagawa ng kanyang make-up artist ang kanyang hair style pero hindi pa rin niya mapigilang hagurin ng kamay ang buhok sa pinaghalong sobrang excitement at kaba. Maging ang paglalagay ng make – up ay bumagay din at mas lalong nagpapaakit sa kanyang magandang mukha.

        Ngayon ang kanyang ika – 18 taong kaarawan. Nagsisimula nang dumating ang mga bisita karamihan ay mga kaibigan at kamag anak nila mula sa iba’t ibang panig ng Bayan ng San Diego.

       "You really looked stunning Athena!" bulalas ng kanyang make - up artist na si Renzie.

       Marahan siyang pumaling dito at ngumiti. "Thank you Renzie." 

       "You're welcome dear."

       Noon naman pumasok ang kanyang mga magulang sa silid. Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa labi ng mag asawang Minerva at Daniel nang makita ang anak.

        Naiiling na nagsalita si Mang Daniel. “Parang kailan lang nabubuhat pa kita sa aking mga bisig. Ngayon ay 18 ka na. Ganap nang dalaga anak. Pero sinasabi ko sa'yo, bawal ka pang magpaligaw ha.” 

        Niyakap ni Athena ang kanyang ama. Sumunod ang kanyang ina. Saka pabirong pasimangot na sumagot sa ama. “Pa naman! Wala pa rin naman po akong balak magpaligaw. Marami pa po akong pangarap at kasama kayo doon. Naks, iiyak na po siya.“

        Natatawang nagsalita si Aling Minerva, “You’ve grown to be so beautiful inside and out anak. I’m so proud of you. Kailanman ay hindi mo kami binigo ng iyong ama.”

        “Mas sa inyo po ako proud. Thank you po sa lahat Ma! Thank you Papa!” Walang pagsidlan sa tuwa na sambit ni Athena sa mga magulang.

        Ngiting ngiti nang lumabas mula sa kabahayan si Athena kasama ang kanyang ina at ama. Marahil ay nasa paligid lamang ang kanyang Kuya Achilles at nag aasikaso ng mga dumarating na bisita. Ngunit ang mas higit niyang kinapapanabikan at hinahanap ng kanyang mga mata ay ang kanyang childhood friend at ultimate crush na si Enzo. Sa katabing purok lamang ang bahay ng kaniyang kaibigan. Magkaklase sila mula preparatory hanggang Elementarya. 

        Simula nang mag aral sa kolehiyo sa kursong Business Management sa Maynila ay bihira na itong umuwi sa kanilang bayan. Ngunit nangako naman itong uuwi para sa kanyang kaarawan.

        “Sis, mukhang naligo ka ng sampung beses huh, nagmukha kang tao ngayon.” Pambubuska mula sa kung saan ng kanyang kapatid na si Achilles. Matanda sa kanya ng dalawang taon ang kanyang Kuya Achilles na kasalukuyang nagrereview para sa licensure examination ng mga guro. Plano nitong magpasa ng papel for Application sa dati nilang Alma Mater ng Sekondarya na isang Private Catholic School. Ito ang sumunod sa yapak ng kanilang ina. Habang siya naman ay kumukuha ng kursong AB English sa Main Campus ng State University sa siyudad ng Batangas na siya ring dating pinasukan ni Enzo ng Sekundarya.

        “Kuya! Mama, si kuya o.. nilalait na naman po ako.” Paingos niyang wika bagaman nakangiti sapagkat alam niyang nagbibiro at naglalambing lang ang kapatid.

        “Sorry na sis. Naglalambing lang si kuya. Happy Birthday sa aming prinsesa!” nakangiting wika ni Achilles sabay patong sa kanyang ulo ng palad nito.

        “Yeah right.” Ingos nya. “Anyway, Thanks Kuya!”

        Nagsimulang maglakbay ang kanyang mga mata sa paligid nang may pananabik na makita si Enzo. Kaagad niya itong nakita sa tabi ng kanilang mga kaibigan. Present lahat ang kanyang mga kaibigan. Halos ilang linggo na rin nang huli silang magkita-kita. Impit na tili ang kumawala nang makita nya si Enzo. Mas lalo itong naging makisig sa suot na suit. Nakangiti ang binata sa kanya. Mukhang masaya itong makita sya.

        “Ladies and gentleman, let’s all welcome the debutant, Ms. Athena Jewel Arqueza!” anang isa sa mga Masters of Ceremony na si Tito Reynel. Kasama nito si Tita Precie, mga kasamahang guro ng kanyang ina.

Pumailanglang ang masigabong palakpakan. Bawat pagbati ay sinusuklian din nya ng ngiti. Habang alalay ng kanyang Kuya Achilles ay naupo na siya sa nakatalagang upuan.

        What a beautiful young lady here, partner.” Wika ni Tita Precie while looking at her.

        “I agree partner!” sagot ni Tito Reynel nang may paghanga. “Kanino ba talaga nagmana, sa ina o sa ama? I guess sa ama.” Nakangiting biro pa nito.

        Natatawa namang napailing ang kanyang ina sa biro ng mga kasamahang guro.

        “O paano kapatid maiwan muna kita diyan,” saka mabilis na lumayo mula sa unahan ang kanyang kuya.

        Kagyat na nagsimula ang maikling selebrasyon sa isang Doxology. Sinundan ng 18 symbolic gifts.

        “Hi Best! It’s your 18th birthday. Sige na payag na ako ikaw na mas maganda sa akin.. sa araw na ito. Take note sa araw na ito lang ha. Anyway ito na ang gift ko sa iyo, isang stationary notebook kasi alam ko napakahilig mo magsulat. Thank you kasi palagi ka nandyan para sa akin. Para sa amin ng barkada. Love you Beshy!” nakangiting wika ni Miles. Lumapit at humalik sa kanyang pisngi ang matalik na kaibigan.

        “Thank you Best!” nakangiting sagot naman ni Athena.

        Sumunod naman si Mhelai na bagamat nakangiti ay banaag pa rin sa mukha ang kalungkutan.

        “Hi sissy. Happy Birthday. Ayan dalaga ka na. Pero sabi nga ni Tito, bawal pa magpaligaw. Parents knows best talaga. So makinig ka lang kina Tito at Tita ha. Ang regalo ko naman sa iyo ay coffee. Your all - time favorite. Hindi nawawala sa listahan mo. Always remember nandito lang kami kahit naging busy tayo sa pag – aaral, we always keep in touch. We love you!”

        “Hi Athena! Heto naman ang regalo ko sa iyo, ballpen kasi kuripot talaga yang si Miles. Notebook lang ang kayang bilhin. Di pa talaga sinamahan ng ballpen. Kaya nakakaipon eh.” Kantiyaw ni Jerson kay Miles. Pinanlakihan naman ito ng mata ni Miles. “Kidding aside, kaya ballpen ang binili ko kasi alam ko na sa bawat tinta ng iyong mga ballpen ay maraming makabuluhang bagay kang natatapos knowing you na napakasipag mag – aral at gumawa ng nobela. Ako ang gawing mong hero ha.”

        “Sira!” nakatawang nailing namang nasambit ng dalaga. Sumunod ang iba pang mga kasali sa 18 symbolic gifts hanggang sa ito ay matapos. Para sa 18 wishes naman kabilang sina Mhelrose, Karren, Eden at Bing.

        “Happy birthday sis!” Korong sambit ng apat. 

        “Wish namin sa iyo ay sana mas humaba pa pasensiya mo sa pagtuturo sa amin sa English hahaha. Thanks sa pagtugon mo sa aming pm, dm at text.”

        “At sa untiming na tawag..” sabay ikot ng mata ni Athena. “Love you all mga sis.”

        “Half ng marka namin galing talaga sa iyo.. char.. hahaha bola lang yon kasi birthday mo ngayon” pahabol pa ni Bing.

        “Group Hug!” malakas na energy ng tiktokerist na si Mhelrose. Araw araw yata may post ito ng mga nakakaaliw na tiktok kahit hindi yata kumain ay ayos lang makapagtiktok lamang. Masayang nag group hug ang magkakaibigan.

        Natapos rin ang samut saring 18 hanggang sa dumako sa 18 dance. Pumailanlang ang My Valentine ni Martina Mcbride. Dito naman kabilang sina Jim, Jigs at Enzo. Abot abot ang kanyang kaba hanggang sa dumako na sa huling bahagi ng 18 dance at natanaw niya ang papalapit na si Enzo sa gitna ng dancefloor. Tumigil sa pagsasayaw ang kanyang kuya Achilles na nasa mata ang panunukso bago siya nito iniwan. Nablangko ang kanyang isipan nang abutin ni Enzo ang kanyang mga kamay at inilagay sa leeg ang mga ito.

        Baby, you're my destiny

        You and I were meant to be

        With all my heart and soul

        I give my love to have and hold

        And as far as I can see

        You were always meant to be

        My destiny

        Mataman itong nakatitig sa kanya. Sa kabila ng kanyang height na 5”5 at naka high – heeled ay kinailangan pa rin niyang tingalain si Enzo. Athena was mesmerized with Enzo. Napakaganda ng mga mata nito. Ang matangos na ilong. Ang mapupula nitong mga labi. She loved the way he was looking at her.

        “Happy Birthday AJ! Mamaya ko na lang ibigay ang gift ko sayo ha. Iniwan ko saglit sa table.” Ang wika ni Enzo habang matamang nakatingin sa kanya. Nasanay ito sa pagpalayaw sa kanya ng AJ kung kaya't ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. “Tama si Tito at Tita. You’ve grown to be a beautiful lady. No doubt about that. Ever since naman ay visible iyon sa aming paningin.Di ba nga at halinhinan lang naman kayo nina Miles at Mhelai na maging muse tuwing Nutrition, Intramurals at Foundation Day. At sa tuwina ay ako palagi ang escort mo. I'm so lucky.” sambit nito sabay ngiti at kindat sa kanya. Lalo tuloy nakaramdam ng kasiyahan at flattery ang puso ng dalaga.

        Nanatili lang silang sumasayaw at nakatingin sa isa’t isa hanggang sa matapos na ang tugtog. Hindi mawala ang ngiting inihatid siya sa kanyang upuan ni Enzo.

        Naisip niyang si Enzo talaga ang lalaking nararapat sa kanya, ang lalaking minamahal nya.. noon, ngayon at bukas.

 ******************

        “Jewel!”

        Halos malaglag si Athena sa kinauupuan nang magulat sa malakas na boses ni Martin De Villa III. He's the only one calling her Jewel. Kasalukuyan niyang tinitignan ang mga larawan nila ni Enzo noong 18th birthday niya kaya't hindi niya napansin ang pagdating ng binata. Isang couple watch ang regalo nito sa kanya. Ang isa ay suot na nito na bumagay sa suot nitong suit ng araw na iyon. Sinamaan niya ng tingin ang binata. Napatingin naman ang ilan sa kanyang mga ka block section.

        “Ano ba yan Martin? Di mo man lang hinaan ang boses mo. Hindi mo ba alam na may klase sa kabila? Alang ka President mo mamaya magalit at puntahan tayo dito ni Sir Yumang. You should set as a good example.” Sabay ikot ng kanyang mga mata sa inis at gulat sa binata. SSG President si Martin samantalang siya naman ang nahalal na secretary ng CAS (College of Arts and Sciences) Department. Pareho silang kabilang sa CAS since AB English sya at AB PolSci naman si Martin.

        “Okay. I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Excited lang ako na ibigay sa iyo to.” Sabi ni Martin sabay kamot sa batok. “Pasensiya ka na ha kung hindi ako nakarating sa debut mo. Kinailangan kong dalhin si Lola sa ospital eh. Alam mo na, emergency.”

        Tinanggap nya ang regalo ni Martin habang ginagap ng isang kamay ang kamay ni Martin. “Okay, forgiven. How is she?”

        “Ayon, she’s still recovering. I just can't help but worry about her.” anitong lumungkot ang guwapong mukha. Hindi nya napigilang titigan ang binata. Ang sabihin na guwapo at makisig  ito ay kulang. He has the perfect pair of brown eyes, matangos na ilong at dimples lalo na kung ito ay ngumingiti. Hindi nakapagtataka kung ang 99.9% ng female population sa classroom nila ay panay ang sulyap sa binata.

        “Ano ba yan.. Cheer up Martin! She will be fine soon.” pang aalo nya sa kaibigan. “Halika nga, ice cream muna tayo sa canteen. May half hour pa naman bago mag start ang first subject namin. Wala pa rin si Miles. Siguro natraffic na naman yun. Anyway, thanks dito sa gift mo ha.”

        Nabura ang ngiti ni Athena habang papalapit sa kantina nang mapansin ang mugtong mata ni Mhelai na nakatingin sa kabilang mesa. Sinundan nya ng tingin ang tinitignan ng kaibigan. It was Lucas, the jerk! How could he show up after what he had done to her friend! Where did he get the nerve to display his new flavor of the month?

        “Martin, is it okay kung doon tayo sa puwesto ng kaibigan ko?” tanong ni Athena.

         Mabilis na tumango si Martin na wari ay nahuhulaan ang nangyayari. It was an open issue sa unibersidad. Mhelai and Lucas are both campus figure since si Mhelai ang former Miss CTE (College of Teachers Education) habang si Lucas ay isa sa mga varsity players ng basketball.

        “Bili lang ako ng ice cream.” paalam ni Martin at dumiretso na sa Ice Cream Store ng kantina. Batid ni Martin na kailangang mag – usap ng magkaibigan.

         “Mhelai, okay ka lang ba?”

        Natauhan si Mhelai nang hawakan ni Athena ang kamay niya. Umupo siya sa tabi ni Mhelai. She reached out for a smile bago tumingin ulit sa kabilang table. Hindi maiwasang paikutin ni Athena ang kanyang mata. She’s deeply madly inlove with her jerk ex boyfriend na kasalukuyang nakikipag PDA sa latest flavor of the month nito. Laking ganda naman ng friend niya no!

        “I think time nyo na Mhelai.”  Nasan ba sina Bing, Mhelrose, Eden at Karren? Sila kasi nina Mhelai ang magkaklase sa BEED block section sa CTE Department. Iba’t iba nga lang ang area of specialization. Mathematics major si Mhelai sapagkat magaling talaga ito sa Math habang English Major naman ang apat pa.

        Sila naman ni Miles ang nag iba ng linya sa mga babae nang AB English ang kunin nilang kurso.

        Habang sina Jim, Jerson at Jigs ay sa CAS Department din sapagkat Fine Arts naman ang kinukuha ng mga ito.   

        “Nasan ba sila? Bakit hindi ka nila sinamahan dito?”nag alala pang tanong niya.

        “Nasa coop lang sila. Bumibili ng yellow pad. Hindi na ako sumama at wala ako sa mood.” Nakayukong wika ni Mhelai.

        “Ang bigat naman ng yellow pad.” Nailing na anas niya.

        Saktong dating ni Martin mula sa pagbili ng Ice cream. Tatlong ice cream ang binili nito. Ibinigay nito ang isa kay Athena at ang isa kay Mhelai. Pahinamad na tinanggap ito ng dalaga.

        “Common Mhelai, cheer up! It’s not the end of the world. Move on din pag may time. Tignan mo nga si Lucas. He’s having fun! While look at you.. para kang namatayan sa hitsura mo. Halika na. Ihatid ka namin ni Martin sa room mo. Magsisimula na ang klase nyo.”

        Eksaktong papasok na si Mrs. De Guia sa CTE Room 101 nang makarating sila sa building. Nagpasalamat si Mhelai sa dalawa bago tumalikod habang napapabuntung hininga naman si Athena.

        “You know what?” halos bulong ni Martin habang kumakain ng ice cream.

        “What?” lingon ni Athena sa kaibigan.

        “You’re such a good friend. You’re indeed beautiful inside and out.” Humahangang sambit ni Martin.

        “Nah”.. sagot niya na sinisimulan na ring kainin ang kanyang ice cream. “You’re just exaggerating things. Lahat naman ng kaibigan iyon ang gagawin hindi ba?”

         “Whatever, wag mo lang kalimutang magtira para sa sarili mo.” Nagkibit balikat na lang na tugon ni Martin.

*************************

        “Kumain ka lang diyan, hija. Huwag kang mag – alala, mamaya lang ay pababa na si Enzo” mainit na pag – estima ni Tita Lyn sa dalaga. Siya ang butihing ina ni Enzo. Sabado noon at umuwi ng probinsya ang binata. Tinanghali nang gising si Athena kung kaya’t kababasa pa din lamang niya ng mensahe ng kaibigan na narito na sya sa San Fermin.

        Nagsabi ito na susunduin siya ngunit tumanggi sya. Aniya dadaanan na lang niya ang binata at sabay silang pupunta kina Mhelrose kung saan siguradong busy ang lahat sapagkat ika – 25 anibersaryo ng kasal bukas ng mga magulang nito. 

        “Salamat po, Tita!

        Ngumiti ang ginang. “ Walang anuman. Ay sya paano, nakakahiya man sa iyo ay pupunta na ako sa bayan at nang makapagbukas na ng tindahan. Pakisabi na rin kina Pareng Louie na bukas ko na ipadadala ang cake na regalo naming mag – anak sa kanila ha. Bahala na muna kayo diyan.” Paalam ng ginang. Ang ginang kasi ang namamahala ng negosyo ng pamilya nito ang “Sweet Buds” ng iba’t ibang cakes at pastries kung saan mismong ang ginang ay isa sa mga nagbibake. Madalas din silang magkakaibigan na tumambay doon tuwing Sabado at Linggo. Lalo na tuwing Linggo pagkakatapos nilang magsimba.

        “Sige po Tita.” Saglit siyang tumayo upang maihatid ang ginang sa may pintuan. “Ingat po!”

        Kumaway siya at inihatid niya ng tingin ang ginang.

        “Good Morning!”

        Napahawak sa dibdib si Athena dahil sa biglang pagsasalita ni Enzo mula sa kanyang likuran.

        “Bakit ka ba nanggugulat?”

        “Hindi po kita ginugulat Madame.. “ nakangiting wika ni Enzo. “Tama na kasi ang panonood mo ng mga horror movies nang di ka nagiging magugulatin.”

        “Ganun?” nakataas ang kilay na sagot naman ng dalaga.

        Tinignan ni Enzo ang nasa hapag kainan. Iginaya niya ang dalaga sa upuan at umupo naman sa tabi nito. “Halika na. Kumain na tayo nang makapunta na tayo kina Mhel. Baka tayo na lang ang wala doon.”

        “Kaunti lang asukal ang sa akin.” Sabi ni Athena nang makitang nagtitimpla ng dalawang tasa ng kape si Enzo.

        “Takot kang magkadiabetes?” biro ni Enzo.

        “No. Alam mo namang mas gusto ko talaga ang black coffee.” Sagot niya at nagpasalamat nang iabot na  nito ang kape.

        “Mabuti hindi humahawa sa balat mo ang kulay ng kape” buskang muli ni Enzo sa kanya.

        “Enzo naman!” angil niya bagamat nakangiting sinabi niya iyon.

        Makatapos kumain ay agad silang nagtungo sa mga Espiritu. Ang malawak na bakuran ng pamilya Espiritu ay punong puno ng mga taong tumutulong sa pag – aayos. Mula sa mga caterer hanggang sa mga kamag – anak ng pamilya. Ang iba ay naghahanda na para sa pagkatay ng baboy, kambing at mga manok na alaga mismo ng ama ni Mhelrose mula sa bukid ng mga ito na nasa ibang barangay.

        Agad nilang nakita ang mga kaibigan na abalang abala sa pagpupunas at paglalaib ng dahon ng saging na gagamitin sa pagbabalot ng suman.

        “This is fun! Nakakapagod pero nag eenjoy ako.” wika ni Bing.

        “Oh andito na ang lovebirds!” ang sigaw ni Jim na umagaw sa atensiyon ng lahat.

        Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Enzo. Wari’y ayaw na matuon dito ang atensiyon ng lahat.

        “What the hell are you talking about?” nababanas na wika nito.

        “Hep hep hep.. tama na yan. Dahil ngayon lang kayo, o ayan ang pampunas. Punasan ninyong maigi ang mga dahon ha. At kami muna ay magmimiryenda na.” Kinuha nila ang mga pamunas na ibinigay sa kanila ni Mhelrose. Tumalikod na ito pagkatapos upang kuhanin ang miryenda sa kusina.

        “Tulungan na kita mahal!” ang madamdaming wika ni Jim.

        “Mahal ka diyan!” ingos naman ni Mhelrose sabay bato dito sa nadampot na basahan.

        “Ouch!” sabay sapo sa dibdib ni Jim. “Sinasaktan mo naman ang ginintuan kong puso.”

        Naiiling na lang na umalis si Mhelrose. Habang naiwang natatawa ang mga kaibigan maliban kay Mhelai na seryoso pa rin.

        “Malaki na talaga ang sira ng ulo ng Jim na yan. Baliw sa pag – ibig.” Ani Jigs na umupo sa tabi ng nakasimangot na si Eden.

        “Aray! Naipit naman ako.”

        “Ay Eden! Ikaw pala yan. Akala ko langgam eh.” Nakangising sabi ni Jigs.

        “Ah ganun!” sabay kurot naman nito sa tagiliran ni Jigs.

        Nagtatakbo naman ang binata habang sapo sapo ang nasaktan tagiliran.

        “Pandak na Amazona!”

        “Maitim na Kapre!”

        Hay naku, riot na naman.

        Nang lumabas si Mhelrose ay hangos na tinulungan ito ni Jim sa pagdadala ng mga miryenda ng dalaga. Mayroong puto, tinapay at londres. Kasunod naman nila si Mhelai na siyang may dalang Orange Juice.

        Masaya nilang pinagsalu – saluhan ang miryenda inihanda para sa kanila. Ngunit hindi na sumalo sina Athena at Enzo sapagkat kakaalmusal pa lang nila sa bahay ng binata.

        Parang na – drain ang lahat ng enerhiya sa katawan ni Athena matapos ang kanilang mga ginawa sa bahay nina Mhelrose. Katabi niya ang busy sa paglalaro ng Candy Crush na si Karren. Magkakatabing nakaupo naman sina Bing, Mhelai, Mhelrose, Eden, Jim, Jigs at ang hindi mapaghiwalay na sina Miles at Jerson.

        Kasalukuyan silang nakaupo sa may veranda.

        Ipinatong niya ang kanyang paa sa katapat na upuan. Maya maya pa’y itinaas ni Enzo ang kanyang paa upang siya ang umupo sa silya. Ipinatong naman nito ang kanyang paa sa hita nito at bahagyang hinilot - hilot.

        “Haba ng hair!”

        “Athena, pakiayos daw ng buhok mo nagtatraffic sa labas. Hindi makapasok ang mga sasakyan dahil nakaharang daw ang buhok mo. “

        “Ouch.. ang daming langgam! Naramdaman nyo ba?”

        “Hugis puso ang ulo.. hindi kinaya ng mata umabot sa buong ulo”

        “Enebe.. neiinggit nemen eke..”

        Halos sabay – sabay na wika ng mga kaibigan. Namumula namang tinanggal ni Athena ang paa niya sa binti ng binata.

        Argghhh! Kaibigan niya ba talaga ang mga ito? Unbelievable!

**********************

        Maagang gumising si Athena. But that was not true. She barely slept. Anuman ang gawin niya upang dalawin siya ng antok ay hindi nya magawang makatulog. Bumabalik sa kanyang alaala ang mga ginagawang paglalambing sa kanya ni Enzo.

        Bumaba na siya ng kanyang silid. She would prepare breakfast. Lumapit sya sa 2-door refrigerator nila at kinuha mula roon ang 6 na piraso ng itlog. Balak niyang mag sunny – side up eggs. Kumuha rin sya ng ilang pirasong hotdogs. Ganundin ang ham. Sinumulan niyang iprito ang mga nasabing pagkain. Pagkatapos nito ay nagsalang siya ng loaf bread sa oven toaster.

        Kinuha niya sa rice cooker ang mga natira nilang kanin kagabi at sinimulan itong isangag.

        “Oh.. Athena, mabuti at maaga kang nagising.” Ani Kuya Achilles.

        “Kuya, maglagay ka na ng pinggan para paggising nina Nanay ay kakain na lamang sila.”

        “Okay sis!” masiglang tugon nito.

        “Masaya ka yata kuya?”

        “Ako lang ba ang masaya?” nanunukso ang tinging wika nito habang abalang naglalagay ng kutsara at tinidor sa tabi ng mga pinggan sa mesa.

        “Ano na naman yan kuya ha?”

        “I saw you and Enzo yesterday. I was there.” Kibit balikat na sagot ni Achilles sa nakababatang kapatid.

        “Kuya wala yon. Kilala mo naman si Enzo. Sadyang ganun na yon pagkabata pa lamang namin. We practically grew up together.”

         “Okay. Sinabi mo eh.”

        Natapos niya ang pagsasangag ng kanin nang makitang papasok sa kusina ang kanilang mga magulang.

        “Ma, Pa.. kain na po tayo.” yaya niya sa mga magulang.

        “Mukhang maganda ang gising ng aming dalaga ah.” Nakangiting bati ni Aling Minerva.

        “Paano naman pong hindi gaganda ang gising niyan Ma.. kasama lang naman niya kahapon ang kanyang long time crush na si Enzo.” buska ng kapatid.

        “Kuya, mabuti pa maupo ka na lang at kumain ka na. Ang dami mong nalalaman. Ang aga aga eh ang ingay mo.”

        Matapos kumain ng almusal ay ang Kuya Achilles naman ang naghugas ng mga pinggan. 

Kaugnay na kabanata

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 2

    Nakangiting sinalubong ang mag – anak na Arqueza nina Tito Louie at Tita Jean. Bakas sa mukha ng mag – asawa ang tuwa nang makita sila. Kahit naman magkakanayon ay hindi sila madalas magkita sapagkat mga abala sa kani – kanilang hanapbuhay. “Happy Anniversary mare, pare!” “Salamat at nakarating kayo. Kung hindi ay talagang magtatampo naman ako. “ sabay tapik ni Tito Louie sa balikat ni Mang Dhaniel. “Maari ba namang hindi? Baka naman kayo ay magalit pag hindi kami dumalo” biro naman ni Aling Minerva. “Athena, hija, maaari mo nang samahan ang mga kaibigan mo. Nasa veranda sila.” Sabay turo ni Tita Jean sa magkakaibigan. Mukhang siya na nga lamang ang kulang.

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 3

    Nag i scroll ng kanyang cellphone si Athena habang hinihintay ang kanilang professor sa PE na si Sir Aniano sa pinakaibaba ng bleachers ng Gymnasium. Hindi niya kasama ngayon ang bestfriend na si Miles sapagkat sinumpong ito ng dysmenorrhea. Nagtext lamang ito upang ipaalam sa kanya ang pagliban at ipaubaya sa kanya ang pagsasabi sa kanilang mga professors. Mas lalo tuloy niyang naramdaman ang pagka miss kay Enzo sa pagliban ng kanyang kaibigan. Nagbabaka sakali siya na may bagong mensahe sa kanya si Enzo. Magtatatlong linggo na rin nang huli silang nagkausap ng binata. "Ouch!" Athena said as she got hit by a ball. Marahan niyang hinaplos haplos ang ulo niyang tinamaan ng bola. Sa peripheral vision niya ay napansin niya ang paglapit ng ilang kalalakihan.  

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 4

    "Hi!" kaliwa't kanang pagbati ng mga kaklase at kakilala niya sa CAS Department. "Hi, hello!" ganting pagbati niya sa mga ito. Dahil unang araw ng weeklong celebration ng Foundation ng university, halos lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang departamento ay busy at aktibo sa iba’t ibang exhibit na kanilang inihanda. Mayroon ding iba’t ibang booth na iniorganisa ng mga SSG Officers. Hindi naman masyadong abala sina Athena at Martin sapagkat sila ang napiling representative ng kanilang departamento para sa Mr. & Ms CAS. Magkagayunman ay mabusisi pa ring binibisita ni Martin ang mga kasamahang opisyal. Sinisigurado nitong magiging maayos ang takbo ng lahat. That's one thing kung bakit marami ang tumitingala sa kanyang kaibigan. Napaka maasikaso at responsable nito sa mga bagay - bagay. “Athena, kanina ka pa raw hin

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 5

    "Hi! You looked stunning!" Martin said then kissed her on her cheeks. Napangiti naman siya sa binata. "You looked great as well. Pang Mr. Campus talaga." "Oops.. wag ganyan Jewel. Marupok ako." Natatawang umiling na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Isang musical intro ng "Shape of You' ni Ed Sheeran ang naririnig bilang panimula ng pagrampa ng mga candidates para sa Mr. and Ms. Foundation. Matapos ang unang stanza ng awit ay lumabas ang unang pares upang rumampa suot ang kanilang naggagandahang casual wear. Sandaling naghiwalay ang magkapareha patungo sa magkabilang gilid at muling nagtagpo sa gitnang unahan upang magpakilala. Habang nakatayo sa may backstage ay kinakabahang nilinga ni Athena ang paligid. Prente lang namang nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang kap

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 6

    "Two dozens of macaroons and buttercups for the newly crowned Ms. BISU. Congratulations!" Nag- angat ng ulo mula sa pagbabasa ng pocketbook ng paborito niyang writer na si Gilda Carpio si Athena nang marinig ang boses ni Enzo. "Nainip ka ba?" tanong nito habang umuupo sa garden set kung saan siya naroroon upang maghintay kay Enzo. Nagpasabi kasi ang binata na magbihis na siya at may pupuntahan sila. "Hindi naman." umiiling na sagot niya sa kaibigan. Liar. Nagkandahaba na nga leeg mo sa pagsulyap sa tarangkahan eh, bulong niya sa sarili. "Thank you nga pala dito. Inubos mo na ang paninda sa shop ni Tita Lyn eh." "No naman. Actually, she's the one who insisted to bring those sweets to you. Tuwang - tuwa sa pagkapanalo m

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 7

    There will be no ordinary days for youIf there is someone who cares like I doYou have no reason to be sad anymoreI'm always ready with a smileWith just one glimpse of youYou don't have to search no moreCause I am someone who will love you for sure soIf we fall in loveMaybe we'll sing this song as oneIf we fall in loveWe can write a better song than this&n

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 8

    "Surprise!" Napamaang si Athena nang makita si Enzo malapit sa benches paglabas nila ni Athena ng CAS 104 kung saan sila nagklase ng World Literature under Mrs. Maridel Geron. Nakangiting tumango si Miles dito ganun din si Enzo sa kaibigan. "What are you doing here?" tanong niya sa binata nang ganap silang makalapit dito ni Miles. "Sinusundo ka, ayaw mo ba?" kinuha nito ang backpack mula sa kanya at ito na ang nagdala. "Hindi naman. Nagulat lang ako." nakangiting sagot niya. Palipat - lipat naman ang tingin sa kanila ni Miles habang patuloy sila sa paglalakad papunta sa may parking area ng BISU. "Did you miss me?" nananantiyang tanong ni Enzo sa kanya. "Oo naman. Ikaw ba?" &

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 9

    "Wow! This place is great." ani Mhelrose. "Oo nga." Pagkababa pa lamang ng sasakyan ay agad na nagtungo ang magkakaibigan sa reception ng napili nilang Wavepool and Beach Resort sa Batangas. Dahil nakatawag na at nakapagpareserve na ng 2 rooms si Jigs ay madali na lang silang na accommodate ng nasabing resort. Pagpasok nila sa loob mismo ng resort ay hindi nila napigilang mamangha sa ganda nito. Hindi mawala ang excitement sa kanilang mga mukha. Sa tapat ng kanilang magkatabing rooms ang Cabana Cottage na part na rin ng kanilang privileges. "Kumain na muna tayo. Mainit pa rin naman para lumangoy." suhestiyon ni Bing. "Tama! Gutom na nga mga alaga ko." ani Jim. "Ang sabihin mo, sadyang matakaw ka lang." sabi ni Mhelrose hapang inilalapag ang gamit sa upuan sa Cabana. Ang ib

Pinakabagong kabanata

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Epilogue

    Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 43

    So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 42

    "Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 41

    I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 40

    "Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 39

    All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 38

    "Ma.. Pa" tawag pansin ni Martin sa kanyang mga magulang na bahagyang tumungo upang magmano. Bagong dating ito mula sa Residencia De Villa. May dala dala itong mga pasalubong mula sa paborito niyang fastfood chain at mga prutas. 'Lakas maki - mama at papa lang.' "Kaawaan ka ng Diyos.' anang kanyang ina. Tumango namang ang kanyang ama. "Mamayang gabi po ay kasama ko na sina Lolo dito." pagbibigay - alam nito sa kanyang mga magulang. "Kasama po ang buong pamilya ko. Puwede na po kaya mga around 6 pm po?" "Walang problema sa amin hijo." anang kanyang ina na maaliwalas ang bukas ng mukha. "Ang inaalala ko lang ay tanggap kaya nila ang aming si Athena.? Alam mo naman na hindi kami mayamang pamilya. Nakakaraos pero hindi naman kasing yaman ninyo." &n

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 37

    Foundation Week ng BISU. Isang imbitasyon ang natanggap niya mula sa Guidance Counselor nilang si Mrs. Sheena Gomez Hernandez na maybahay na ngayon ng kanilang PE Prof na si Sir Aniano na maging isa sa mga judges ng Mr. and Ms. Batangas Institute and State University. Nagulat pa siya nang sunduin siya ng mga kaibigan sa kaniyang tahanan sa Rizal gayung puwede naman siyang magpaservice sa kanya Kuya Achilles. "Ano ba 'to.. Foundation ba talaga ng BISU o Grand Alumni Homecoming? Perfect attendance ah. Isa pa, itong si Karren, aba ay himala na sumama ka. Wala ka namang hilig sa ganitong mga event. Mas gusto mo pang magmongha sa inyo at maglaro sa cellphone mo." natatawang sabi niya. 'Ang weird weird lang.' Mahigit kalahating oras bago sila nakarating sa unibersidad. Just like the old days, ma

  • All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1   Chapter 36

    Hindi mapalis ang ngiti habang tinitignan ni Athena ang mga larawan sa DSLR Camera na hawak niya. Magaganda naman ang kuha ni Rosie sa kanila. 'Yung totoo Athena.. sino ba talaga ang tinitignan mo sa larawan?' Fine! Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang guwapong mukha ni Martin. Her MR. BISU, her superior Mr. President, and her savior every time she's in despair. Matagal na panahon na niyang inamin sa sarili ang nararamdaman para kay Martin. Her one True Love. It was far different from First Love or Puppy Love. Hinding hindi siya makakamove on sa feelings niya for Martin. She will stay in love with him for the rest of her life. Napaigtad naman siya nang biglang pumasok sa silid si Miles. Nakataas ang kilay na tinignan nito ang hawak niyang cam. Mabilis nitong hinagip iyon sa kaniya saka pinasadahan ang mga larawan sa

DMCA.com Protection Status