Nakangiting sinalubong ang mag – anak na Arqueza nina Tito Louie at Tita Jean. Bakas sa mukha ng mag – asawa ang tuwa nang makita sila. Kahit naman magkakanayon ay hindi sila madalas magkita sapagkat mga abala sa kani – kanilang hanapbuhay.
“Happy Anniversary mare, pare!”
“Salamat at nakarating kayo. Kung hindi ay talagang magtatampo naman ako. “ sabay tapik ni Tito Louie sa balikat ni Mang Dhaniel.
“Maari ba namang hindi? Baka naman kayo ay magalit pag hindi kami dumalo” biro naman ni Aling Minerva.
“Athena, hija, maaari mo nang samahan ang mga kaibigan mo. Nasa veranda sila.” Sabay turo ni Tita Jean sa magkakaibigan. Mukhang siya na nga lamang ang kulang.
Maingay ang buong kapaligiran sanhi ng musikang nagmumula sa naglalakihang sound system na sa halip na parentahan ay libre na rin bilang regalo sa mag – asawa ng mga magulang ni Jerson na siyang may – ari ng Qs Lights and Sounds.
Agad siyang nagtungo sa veranda kung saan naroroon ang mga kaibigan nya.
“Athena, good to see you here.” ani Siony Mae ang nakatatandang kapatid ni Mhelrose. Isa itong receptionist sa Plaza Hotel sa bayan. Kagaya ni Mhelrose, magiliw din ito at masayahin. Bagay na gustong gusto niya sa kaibigan.
“Of course ate Siony. I wouldn’t miss Tita and Titos Anniversary. Baka po di na nila ako pansinin pag inindyan ko sila.” Nakangiting sagot ni Athena.
Napangiti naman ang dalaga sa kaniyang sinabi. “O siya paano, maiwan na kita. Aasikasuhin ko lang muna ang mga katrabaho ko.”
"Sige po ate."
“Hey”
Napalingon ang lahat nang batiin ni Enzo si Athena. Kasalukuyan silang nakapaikot sa isang mesa. Mukhang nakatapos nang kumain ang mga kaibigan base sa mga nakikitang left overs sa pinggan ng mga ito. Hinihimas himas pa ni Jim ang kanyang tiyan sa kabusugan.
“Katatapos lang naming kumain. Sorry ha nauna na kami sa gutom namin eh.” Paliwanag ni Karren na waring nahulaan ang nasa isip niya.
“Gusto mo bang samahan kita sa pagkuha sa buffet table Best?” tanong ni Miles sa kanya.
"Sige Best, thanks.”
Agad na tumayo si Miles sa kinauupuan niya upang samahan siya. May ilan din na nauna sa kanya sa pila kung kaya't natagalan siya sa pagkuha ng pagkain. Pagbalik nila ay inihahanda na ni Jerson ang mga materials na gagamitin sa laro nilang Truth or Dare.
Nang makatapos kumain ni Athena ay sinimulan nang linisin ang mesa nila ng grupo. Excited na silang maglaro ng Truth or Dare. Hinintay lang talaga nila si Athena upang kumpleto sila. Minsan lang sila makumpleto kaya talagang susulitin na nila ang kasiyahan.
"Dating gawi." nakangiting sabi ni Jerson. Ang parusa sa hindi makagagawa ng consequence at hindi makasasagot sa tanong ay papahiran ng lipstick sa mukha.
"Pass." hindi interesadong wika ni Karren.
"Ako din." sabi naman ni Melai.
Sina Karren lang at Mhelai ang hindi sumali sa laro sapagkat busy si Karren sa paglalaro ng ML as usual at wala naman sa mood si Mhelai.
Isa isa silang pinakuha ni Mhelrose ng stick mula sa bote matapos nitong alisin ang dalawang piraso na para sana kina Karren at Mhelai. Nang matapos ang bunutan ay nakahinga siya ng maluwag sapagkat mahaba ang kanyang stick. Nahulaan niyang si Jigs ang nakakuha ng pinakamaikling stick base sa pagsimangot nito.
“Truth or Dare?” tanong ni Jerson.
“Dare na lang..” binabanas na sagot ni Jigs.
Ngumisi si Jerson. Sabay tingin nang makahulugan kay Eden.
“Isayaw mo si Eden ngayon sa loob ng 5 minutes.”
Jigs looked tense. Alanganing tumingin ito sa direksiyon ni Eden. Saka masamang tinignan si Jerson.
“Jerson naman!” namumulang wika ni Eden.
Kumibit balikat si Jerson. “Common Eden. Be a good sport.” Lahat ay sumang – ayon sa sinabi ni Jerson kaya wala nang nagawa si Eden nang lumapit sa kanya si Jigs at ilahad ang kamay sa kanya.
"Okay fine!" naiinis na sabi nito.
Pagkalipas ng 5 minuto ay wariy pigil ang hiningang bumalik ang dalawa sa puwesto.
Nagkatinginan ang lahat. Maya maya pa ay muling sinukat ng magkakaibigan ang stick. Si Enzo ang sunod na pinakamaliit ang stick.
Makahulugang sumulyap si Jerson kay Athena.
“Truth or Dare?”
“Truth..” mabilis na sagot ni Enzo. Ipinangako niyang hindi siya pipili ng Dare kapag si Jerson ang mag – uutos. Puro kalokohan lang sigurado ang ipagagawa.
“Kung sakali ba, may plano ka bang ligawan si Athena?”
Nanlaki ang mata ni Athena sa narinig. Ano bang pumasok sa tuktok ng luko – lukong si Jerson? Sabagay kababanggit lang niya di ba.. luko – luko.
Sumulyap muna si Enzo sa direksiyon ni Athena bago seryosong sumagot sa tanong. “Why not? She’s adorable, don’t you think? Who knows doon pala talaga ang punta namin.”
Halos matunaw sa puwesto si Athena nang sabay-sabay na lumingon ang mga nakangiting kaibigan sa kanya. Natapos ang laro na halos di na niya namamalayan.
OMG!!!!!!
*****************
Napa inhale – exhale si Athena nang marinig mula sa kanilang adviser na siya ang kandidata bilang Ms. CAS (College of Arts and Sciences) na ilalaban sa iba pang kandidata mula sa ibang Department.
“Is there a problem, Ms. Arqueza?” tanong ni Mrs. De Joya nang mapansin ang kanyang reaksiyon habang nakatuon sa kanya ang mga mata nito maging ng mga kaklase.
“Eh Maam, hindi ko po yata magagampanan iyan. Sigurado po na marami din kaming gagawin ng mga SSG Officers. Hindi po ba puwedeng iba na lang” alanganing sagot ni Athena. Hindi naman sa umaaywa siya. Ngunit batid niyang marami namang maaring kandidata sa departamento nila. Kagaya na lang ni Miles. Sanay na rin itong rumampa sapagkat mula pa elementarya ay nagiging muse na din ito. Ayaw lamang niyang magbigay ng pangalan na maaring pagpilian ng guro at baka magalit ang mga ito sa kanya. Hindi rin naman niya ugaling magpin point ng iba upang mailiwas lang sa kanya ang gawain.
“We’ll do something about that. We’ll make some arrangements. Si Martin De Villa III from AB PolSci naman ang Mr. CAS Huwag ka nang mag – alala. May mga gaganap na sa mga dapat ninyong gawin sa Foundation Week.” Nakangiting sagot ng guro. “Anything else?”
Natitigilang napailing na lang siya.
“Anyway, we’re all here to help you.” Sabay tapik sa kanyang balikat ng guro. Tumalikod na ito upang magsimula ng klase sa Literature.
“Go Athena, you can do it” nakangiting sabi ng katabi niyang si Miles.
Tumango siya sa kaibigan at napalingon sa labas nang maiingay na dumaan ang mga AB Polsci students. Marahil ay nakatapos na ang mga ito sa isang subject at lilipat sa sunod nilang Professor. Siyang pagdaan naman ni Martin. Tumigil ito saglit at wari’y may hinahanap ang mata. Napangiti ito at lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa pisngi nang makita siya. Kumaway ito gamit ang kamay na may hawak na notebook bago mabilis na hinila ng kasama nitong si Carlito.
Alam na kaya nito? Hays! Bahala na si Batman lagot naman si Robin.
****************************************
Hangos na lumapit sina Athena at Miles sa grupo ng mga kandidato at kandidata ng Mr. & Ms. Foundation. Napahaba kasi ang lecture ni Mr. Malveda kung kaya’t kinailangan nilang magmadali sa pagpunta sa Gymnasium. May kalayuan din naman ang Gymnasium mula sa CAS Building.
May isang linggo ding nawala si Mr. Malveda sapagkat nagkasakit ito at kinailangang magsick leave. Hinahabol nito ang ilang mga lessons hindi nito naituro gawa ng pagkakasakit upang macover ang nasa syllabus nito.
Mula sa left side ng stage ay nakita niya ang magkakaibigang Martin, Gibson, Ezequiel at Carlito. Itinaas ni Martin ang kanyang kamay upang marahil ay mapansin niya. Awtomatikong napangiti naman siya sa kaibigan.
Binunggo nang bahagya ni Miles ang balikat ni Athena. Kunot noong napalingon siya sa kaibigan.
“Iniintay ka na ng prince charming. Ayieeee.. sana all!” nanunudyong tingin ni Miles sa kanya.
“Anong sinasabi mo dyan? Gumana na naman yang imahinasyon mo.”
“Is it just my imagination o talagang manhid ka lang friend?” tanong nito sa kanya. Naiiling na lang siya sa kaibigan.
Maya maya pa ay nagpaalam na ito sa kanya na maghihintay na lang sa ibabang bahagi ng bleachers sa kanilang mga kaibigan mula CTE Building.
“Nagsimula na ba?” tanong niya kay Martin nang halos sabay silang nakarating sa puwesto ng mga kandidata sa harap ng stage. Napansin niya si Ms. Sheena Gomez na may kausap na marahil ang siyang magiging choreographer nila.
Si Ms. Gomez ang professor nila sa Humanities at siyang Teacher – in – Charge para sa Mr. and Ms. Foundation na isa lamang bahagi ng nasabing event. Palibhasa ay bata pa at dalaga pa kung kaya’t nasasakyan nito ang mga millennials.
“Hindi pa. Hinihintay pa rin ni Ms. Gomez ang mga kandidata mula sa ibang Department.” Sabay abot sa kanya ni Martin ng isang bottled mineral water.
“Thanks.” Aniya nang kuhanin mula rito ang mineral water. Pasalampak silang umupo sa tabing bahagi ng stage. Binuksan naman nito ang hawak na bottle mineral water saka uminom hanggang sa mangalahati ang tubig.
Napansin niya ang panaka – nakang sulyap ng ilang mga kababaihan sa katabi niyang si Martin. She can’t blame them though. He’s definitely a good catch. Wari’y hindi naman iyon pansin ni Martin sapagkat busy na ito sa pagtipa sa screen ng cellphone nito. O marahil ay sanay na ito sa atensiyong nakukuha nito mula sa mga kabaro niya. Campus crush naman kasi talaga ito. Pinagkakaguluhan ng mga babae hindi lang sa CAS Department kundi sa buong campus.
“Okay guys..” maya maya pa ay pagtawag sa kanila ni Ms. Gomez sabay palakpak ng mga kamay. Isa isang silang mabilis na nagsilapitan sa kanilang guro at choreographer.
“Since kumpleto na tayo ay magsisimula na tayo sa pag eensayo.” wika nito. “And I would like you to meet Sweet Kim, ang aking gay friend at magiging choreographer ninyo for the entire rehearsal.”
“Hello po!” halos sabay – sabay na pagbati ng mga kalahok.
“Hello!” matinis na boses naman nitong sagot. Napakagandang gay naman nito. Mapapagkamalan mong tunay na babae sa hitsura at bihis nito. Ibinigay nito ang mga rules na dapat nilang sundin. Mga do’s and don’ts nila habang tinuturuan sila nito. Pagkatapos ng mga 10 minutes orientation ay nagsimula na sila ng rehearsal. Halos di na rin nila namalayan ang paglipas ng oras. Natapos ang rehearsal sa ganap na 5:30 ng hapon.
“O paano, see you tomorrow guys! Thanks sa inyo.” Pagdidismiss sa kanila ni Ms. Gomez.
“Bye for now. See you all tom. Walang liliban sa inyo.” Bilin naman ni Sweet Kim.
“Opo.”
"Okay po."
“Sige po”
“Thanks po”
Sabay – sabay nilang tugon bago muling daluhan ang kanilang mga gamit na nakasalampak sa sahig ng stage.
“Hapon na, mahirap sumakay ngayon at rush hour. Hatid na kita sa inyo Jewel.” Pagpiprisinta ni Martin.
“Thanks sa offer mo Martin pero ma a out of the way ka pa. Maybe some other time na lang.” aniyang natanaw na ang mga kaibigan sa bleachers. “Naghihintay na rin naman mga kaibigan ko eh. Tsaka may dalang sasakyan si Bing. Sa kanila na lang ako sasabay. Thanks ulit.”
“Sige, ingat na lang. Bye!”
“Bye Martin. See you tomorrow.”
“We better go. Manonood pa ako ng paborito kong teleserye. Baka di ko na maabutan.” ani Bing sa kanila. Sa kanilang magkakaibigan ito talaga ang palagi nang pandalas sa lahat ng bagay. Akala mo ay palaging may hinahabol. Ito din ang pinakamaingay at pinakamalakas ang boses. Boyish kumbaga.
Dahil sa matinding traffic ay medyo natagalan bago sila nakauwi. Palibhasa ay wala siyang data, hindi agad siya nakapagcheck ng messages sa kanyang email at chatbox.
Ganap na ika 7 na ng gabi nang makarating siya sa kanilang tahanan. As usual nadatnan niya ang kanyang ina sa harap ng laptop. Busy na naman sa kung anu-ano. Habang ang kanyang ama naman ay nanonood ng panghapong balita.
“Good evening po Ma, Pa.” nag – angat ng ulo ang kanyang ina mula sa pagkakatunghay sa laptop at lumingon naman sa kanya ang ama. Maagap siyang nagmano sa kanyang ina at ama.
“Magpalit ka na agad anak ng damit nang hindi ka matuyuan ng pawis.” Bilin ng ina na ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Bumaba ka na lang mamaya at kakain na tayo."
“Sige po. Aakyat na po ako.”
Pagkarating sa kanyang silid ay agad na binuksan ni Athena ang kanyang laptop. Chineck nya kung may mga unread messages sa kanyang email ganun din sa chatbox ng kanyang FB Account. Dismayadong naupo siya sa kanyang kama nang wala ni isa man lang na message kay Enzo.
‘Missing you Enzo’
Nag i scroll ng kanyang cellphone si Athena habang hinihintay ang kanilang professor sa PE na si Sir Aniano sa pinakaibaba ng bleachers ng Gymnasium. Hindi niya kasama ngayon ang bestfriend na si Miles sapagkat sinumpong ito ng dysmenorrhea. Nagtext lamang ito upang ipaalam sa kanya ang pagliban at ipaubaya sa kanya ang pagsasabi sa kanilang mga professors. Mas lalo tuloy niyang naramdaman ang pagka miss kay Enzo sa pagliban ng kanyang kaibigan. Nagbabaka sakali siya na may bagong mensahe sa kanya si Enzo. Magtatatlong linggo na rin nang huli silang nagkausap ng binata. "Ouch!" Athena said as she got hit by a ball. Marahan niyang hinaplos haplos ang ulo niyang tinamaan ng bola. Sa peripheral vision niya ay napansin niya ang paglapit ng ilang kalalakihan.  
"Hi!" kaliwa't kanang pagbati ng mga kaklase at kakilala niya sa CAS Department. "Hi, hello!" ganting pagbati niya sa mga ito. Dahil unang araw ng weeklong celebration ng Foundation ng university, halos lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang departamento ay busy at aktibo sa iba’t ibang exhibit na kanilang inihanda. Mayroon ding iba’t ibang booth na iniorganisa ng mga SSG Officers. Hindi naman masyadong abala sina Athena at Martin sapagkat sila ang napiling representative ng kanilang departamento para sa Mr. & Ms CAS. Magkagayunman ay mabusisi pa ring binibisita ni Martin ang mga kasamahang opisyal. Sinisigurado nitong magiging maayos ang takbo ng lahat. That's one thing kung bakit marami ang tumitingala sa kanyang kaibigan. Napaka maasikaso at responsable nito sa mga bagay - bagay. “Athena, kanina ka pa raw hin
"Hi! You looked stunning!" Martin said then kissed her on her cheeks. Napangiti naman siya sa binata. "You looked great as well. Pang Mr. Campus talaga." "Oops.. wag ganyan Jewel. Marupok ako." Natatawang umiling na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Isang musical intro ng "Shape of You' ni Ed Sheeran ang naririnig bilang panimula ng pagrampa ng mga candidates para sa Mr. and Ms. Foundation. Matapos ang unang stanza ng awit ay lumabas ang unang pares upang rumampa suot ang kanilang naggagandahang casual wear. Sandaling naghiwalay ang magkapareha patungo sa magkabilang gilid at muling nagtagpo sa gitnang unahan upang magpakilala. Habang nakatayo sa may backstage ay kinakabahang nilinga ni Athena ang paligid. Prente lang namang nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang kap
"Two dozens of macaroons and buttercups for the newly crowned Ms. BISU. Congratulations!" Nag- angat ng ulo mula sa pagbabasa ng pocketbook ng paborito niyang writer na si Gilda Carpio si Athena nang marinig ang boses ni Enzo. "Nainip ka ba?" tanong nito habang umuupo sa garden set kung saan siya naroroon upang maghintay kay Enzo. Nagpasabi kasi ang binata na magbihis na siya at may pupuntahan sila. "Hindi naman." umiiling na sagot niya sa kaibigan. Liar. Nagkandahaba na nga leeg mo sa pagsulyap sa tarangkahan eh, bulong niya sa sarili. "Thank you nga pala dito. Inubos mo na ang paninda sa shop ni Tita Lyn eh." "No naman. Actually, she's the one who insisted to bring those sweets to you. Tuwang - tuwa sa pagkapanalo m
There will be no ordinary days for youIf there is someone who cares like I doYou have no reason to be sad anymoreI'm always ready with a smileWith just one glimpse of youYou don't have to search no moreCause I am someone who will love you for sure soIf we fall in loveMaybe we'll sing this song as oneIf we fall in loveWe can write a better song than this&n
"Surprise!" Napamaang si Athena nang makita si Enzo malapit sa benches paglabas nila ni Athena ng CAS 104 kung saan sila nagklase ng World Literature under Mrs. Maridel Geron. Nakangiting tumango si Miles dito ganun din si Enzo sa kaibigan. "What are you doing here?" tanong niya sa binata nang ganap silang makalapit dito ni Miles. "Sinusundo ka, ayaw mo ba?" kinuha nito ang backpack mula sa kanya at ito na ang nagdala. "Hindi naman. Nagulat lang ako." nakangiting sagot niya. Palipat - lipat naman ang tingin sa kanila ni Miles habang patuloy sila sa paglalakad papunta sa may parking area ng BISU. "Did you miss me?" nananantiyang tanong ni Enzo sa kanya. "Oo naman. Ikaw ba?" &
"Wow! This place is great." ani Mhelrose. "Oo nga." Pagkababa pa lamang ng sasakyan ay agad na nagtungo ang magkakaibigan sa reception ng napili nilang Wavepool and Beach Resort sa Batangas. Dahil nakatawag na at nakapagpareserve na ng 2 rooms si Jigs ay madali na lang silang na accommodate ng nasabing resort. Pagpasok nila sa loob mismo ng resort ay hindi nila napigilang mamangha sa ganda nito. Hindi mawala ang excitement sa kanilang mga mukha. Sa tapat ng kanilang magkatabing rooms ang Cabana Cottage na part na rin ng kanilang privileges. "Kumain na muna tayo. Mainit pa rin naman para lumangoy." suhestiyon ni Bing. "Tama! Gutom na nga mga alaga ko." ani Jim. "Ang sabihin mo, sadyang matakaw ka lang." sabi ni Mhelrose hapang inilalapag ang gamit sa upuan sa Cabana. Ang ib
Hindi hinayaan ni Athena na maging pessimistic at inisip na lamang ang iba't ibang possibilities. Ngumiti at bumati siya sa mga nakakasalubong na Professor maging sa mga kapwa estudyante ng BISU. Nang buksan niya ang backdoor ng silid - aralan ay natanaw na niya si Miles sa puwesto nito. "Beshy!.. " tawag pa nito nang makita rin siya. Nakangiti siyang gumanti ng pagabti rito. "Hi Beshy." "Bakit ngayon ka lang? Tinanghali ka yata ngayon?" "Nasiraan kasi yung sinasakyan kong dyip. Nahiya naman akong bumaba upang sumakay sa iba." aniya. "Nagpaalam ka sana." ani Miles habang nagswa swipe sa screen ng cellphone nito. "Athena, look!" "Ano na naman yan?" ani
Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb
So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with
"Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma
I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka
"Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany
All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for
"Ma.. Pa" tawag pansin ni Martin sa kanyang mga magulang na bahagyang tumungo upang magmano. Bagong dating ito mula sa Residencia De Villa. May dala dala itong mga pasalubong mula sa paborito niyang fastfood chain at mga prutas. 'Lakas maki - mama at papa lang.' "Kaawaan ka ng Diyos.' anang kanyang ina. Tumango namang ang kanyang ama. "Mamayang gabi po ay kasama ko na sina Lolo dito." pagbibigay - alam nito sa kanyang mga magulang. "Kasama po ang buong pamilya ko. Puwede na po kaya mga around 6 pm po?" "Walang problema sa amin hijo." anang kanyang ina na maaliwalas ang bukas ng mukha. "Ang inaalala ko lang ay tanggap kaya nila ang aming si Athena.? Alam mo naman na hindi kami mayamang pamilya. Nakakaraos pero hindi naman kasing yaman ninyo." &n
Foundation Week ng BISU. Isang imbitasyon ang natanggap niya mula sa Guidance Counselor nilang si Mrs. Sheena Gomez Hernandez na maybahay na ngayon ng kanilang PE Prof na si Sir Aniano na maging isa sa mga judges ng Mr. and Ms. Batangas Institute and State University. Nagulat pa siya nang sunduin siya ng mga kaibigan sa kaniyang tahanan sa Rizal gayung puwede naman siyang magpaservice sa kanya Kuya Achilles. "Ano ba 'to.. Foundation ba talaga ng BISU o Grand Alumni Homecoming? Perfect attendance ah. Isa pa, itong si Karren, aba ay himala na sumama ka. Wala ka namang hilig sa ganitong mga event. Mas gusto mo pang magmongha sa inyo at maglaro sa cellphone mo." natatawang sabi niya. 'Ang weird weird lang.' Mahigit kalahating oras bago sila nakarating sa unibersidad. Just like the old days, ma
Hindi mapalis ang ngiti habang tinitignan ni Athena ang mga larawan sa DSLR Camera na hawak niya. Magaganda naman ang kuha ni Rosie sa kanila. 'Yung totoo Athena.. sino ba talaga ang tinitignan mo sa larawan?' Fine! Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang guwapong mukha ni Martin. Her MR. BISU, her superior Mr. President, and her savior every time she's in despair. Matagal na panahon na niyang inamin sa sarili ang nararamdaman para kay Martin. Her one True Love. It was far different from First Love or Puppy Love. Hinding hindi siya makakamove on sa feelings niya for Martin. She will stay in love with him for the rest of her life. Napaigtad naman siya nang biglang pumasok sa silid si Miles. Nakataas ang kilay na tinignan nito ang hawak niyang cam. Mabilis nitong hinagip iyon sa kaniya saka pinasadahan ang mga larawan sa