There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You have no reason to be sad anymore I'm always ready with a smile With just one glimpse of you You don't have to search no more Cause I am someone who will love you for sure soIf we fall in love
Maybe we'll sing this song as one If we fall in love We can write a better song than this If we fall in love We will have this melody in our heads If we fall in loveAnywhere with you would be a better place
Pumailanlang ang musika sa sasakyan ni Enzo ang awit ni Yheng Constantino at RJ. Wala man silang napag - usapan , wari ay may tahimik na kasunduan ang dalawa sa kung anong estado ng kanilang relasyon ngayon. Hindi man magawang magtanong ni Athena at baka mawala ang momentum. Panaka - nakang sumusulyap sa kanyang gawi ang nangingiting si Enzo habang nagmamaneho pauwi ng Batangas.
"Are you happy?" tanong sa kanya ni Enzo while driving.
Tumango naman siya. "Yes. super!"
Magtatakipsilim na nang makarating sila ng Batangas. Ipinarada ni Enzo ang sasakyan sa gilid ng daan.
"You have no idea how happy I am Princess. Thanks for this amazing day." maaliwalas ang mukhang wika ni Enzo.Hinagilap at ginagap nito ang kanyang kamay. "I'll be leaving tomorrow. I'll call you when I get there. Promise to take care of yourself, will you?
Madahang tumango siya kay Enzo. Anuman ang mayroon sila ngayon, ang mahalaga, masayang masaya siya.
*****************
"Wow! That's good news. Kahit hindi ako fan ng Athena - Enzo loveteam ay masaya na rin ako para sa iyo kung dyan ka masaya." tila dismayadong wika ni Miles nang ikuwento nya dito ang status ng relasyon nila ni Enzo. "Though kaibigan natin si Enzo, I'm more fond of Team Athena - Martin. I like the way he looks at you and treats you. Parang mas may spark. Kumbaga sa loveteam may chemistry. So there's no more chance talaga for Team Athena and Martin?"
"Ikaw talaga. Alam mo namang kaibigan lang ang tingin sa akin noong tao eh." naiiling na wika niya habang umaakyat patungo sa ikalawang palapag ng CAS Building.
"Duhhh.. are you blind? Tsk.." napatda ito sa paglalakad habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. "Hey.. nakita mo na ba ito? Ayieeeeeee... Oh My God! Oh My God! How to be you po?"
Napakunot ang noong napatingin sya sa kaibigan. Dinaig pa nito ang bulateng nilagyan ng asin. Nakitingin sya sa screen ng hawak nitong cellphone. Nakita niya mula dito ang public post sa Instagram ni Martin. It was his finger wearing the plastic ring that the "priest" in the marriage both gave them. May caption ito na 'Happily Married' sa mismong petsa o araw na 'ikasal' sila sa marriage booth.
Malakas na niyugyog siya sa balikat ni Miles na muntik nang ikahulog ng cellphone nito.
"Ayiee.. kinikilig ako. I told you." malakas na sabi pa nito kung kaya't halos lahat ng nadadaanan nila ay napapatingin sa kanila.
"Best.. " saway niya ngunit natigilan siya nang makitang makakasalubong nila ang grupo nina Martin. Kasama nito ang mga kaibigang sina Carlito, Gibson at Ezequiel. "Oh my.. "
Natatarantang hinila nya patungo sa Girls Comfort Room si Miles.
"Ano ba Best.. malilate tayo sa klase ni Ms. Garcia. Ang tapang pa naman nun." nakasimangot na reklamo sa kanya ni Miles.
Mabilis niyang naisara ang main door ng CR. "Shhhh... wag ka ngang maingay."
"Ano bang problema mo?" tanong ng kaibigan sa kanya.
"Nasi CR lang ako. Wait lang." Palusot niyang pumasok sa isang bakanteng cubicle doon. Saglit syang nagpalipas ng oras bago naisipang lumabas.
"Ok ka na? Tayo na at ayoko talagang mapagalitan ni Mam Garcia." yaya ng kaibigan.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang nakatalikod na si Martin maging ang mga kaibigan patungo sa hagdan pababa.
********************
"Heaven to Earth?" pukaw ni Eden kay Athena. Kasalukuyan silang magkakasama sa School Canteen ng buong barkada maliban nga kay Enzo na sa Manila pumapasok.
Napatingin siya kay Eden at napansin na sa kanya lahat ang atensiyon ng mga kaibigan sa kaniya.
"Why?" maang na tanong niya.
"Nag i space out ka eh. We've been asking kung sasama ka sa Saturday sa Beach Resort? Birthday ni Jigs, remember? Doon na lang natin idadaos."
"Ah, yun ba? Oo naman. I wouldn't miss it. Join ako dyan." nakangiti nang sagot niya.
"O si Enzo na lang wala pa confirmation. Natawagan mo na ba Jerson?" tanong naman ni Jigs.
"Hindi pa eh. Kanina pa cannot be reach." tugon nito habang hinahagpos ang mahabang buhok ni Miles.
"Don't you worry Jigs. Ipi - pm ko na lang siya sa messenger. Makikita niya yan sigurado." sabi naman ni Jim. Magkalayo ang puwesto nila ni Mhelrose sapagkat nag - away ang dalawa. Nagtampo daw kasi si Jim nang hindi siya pansinin ni Mhelrose. Katwiran naman ni Mhelrose, masyado siyang maraming ginagawa upang pagtuunan pa ng pansin ang walang kakwenta - kwentang bagay.
"Order na kayo. Gutom na ako eh." ani Karren na hindi inaalis ang mata sa cellphone habang naglalaro ng Wordbrain.
"Opo, kamahalan." sarkastikong sabi ni Jerson.
Isa isa silang nagdikta ng order ng pagkain kay Jerson, Jigs at Jim. Nagbigay na rin sila ng bayad sa tatlo para sa kani - kanilang order bago umalis para pumila na. Habang naghihintay ng pagkain, naisipan ni Athena magbukas ng kanyang instagram. Nabasa niya ang mga comments sa post ni Martin sa Instagram nito.
210 likes at 345 comments.
'I can't believe it! '
'Pls. break up. Willing akong maghintay.'
'Arggghhh.. akin lang si Martin!'
'Sino ang lucky girl?'
'Si Athena Jewel Arqueza yan'
'So Mr. & Ms. BISU is real?'
'Yes. Bagay sila."
"Surprise!" Napamaang si Athena nang makita si Enzo malapit sa benches paglabas nila ni Athena ng CAS 104 kung saan sila nagklase ng World Literature under Mrs. Maridel Geron. Nakangiting tumango si Miles dito ganun din si Enzo sa kaibigan. "What are you doing here?" tanong niya sa binata nang ganap silang makalapit dito ni Miles. "Sinusundo ka, ayaw mo ba?" kinuha nito ang backpack mula sa kanya at ito na ang nagdala. "Hindi naman. Nagulat lang ako." nakangiting sagot niya. Palipat - lipat naman ang tingin sa kanila ni Miles habang patuloy sila sa paglalakad papunta sa may parking area ng BISU. "Did you miss me?" nananantiyang tanong ni Enzo sa kanya. "Oo naman. Ikaw ba?" &
"Wow! This place is great." ani Mhelrose. "Oo nga." Pagkababa pa lamang ng sasakyan ay agad na nagtungo ang magkakaibigan sa reception ng napili nilang Wavepool and Beach Resort sa Batangas. Dahil nakatawag na at nakapagpareserve na ng 2 rooms si Jigs ay madali na lang silang na accommodate ng nasabing resort. Pagpasok nila sa loob mismo ng resort ay hindi nila napigilang mamangha sa ganda nito. Hindi mawala ang excitement sa kanilang mga mukha. Sa tapat ng kanilang magkatabing rooms ang Cabana Cottage na part na rin ng kanilang privileges. "Kumain na muna tayo. Mainit pa rin naman para lumangoy." suhestiyon ni Bing. "Tama! Gutom na nga mga alaga ko." ani Jim. "Ang sabihin mo, sadyang matakaw ka lang." sabi ni Mhelrose hapang inilalapag ang gamit sa upuan sa Cabana. Ang ib
Hindi hinayaan ni Athena na maging pessimistic at inisip na lamang ang iba't ibang possibilities. Ngumiti at bumati siya sa mga nakakasalubong na Professor maging sa mga kapwa estudyante ng BISU. Nang buksan niya ang backdoor ng silid - aralan ay natanaw na niya si Miles sa puwesto nito. "Beshy!.. " tawag pa nito nang makita rin siya. Nakangiti siyang gumanti ng pagabti rito. "Hi Beshy." "Bakit ngayon ka lang? Tinanghali ka yata ngayon?" "Nasiraan kasi yung sinasakyan kong dyip. Nahiya naman akong bumaba upang sumakay sa iba." aniya. "Nagpaalam ka sana." ani Miles habang nagswa swipe sa screen ng cellphone nito. "Athena, look!" "Ano na naman yan?" ani
Mabilis niyang napuno ang kahon ng kanyang pre - love materials kasama ang ilang pang gamit ng kanyang Kuya Achilles. Mayroong shirts, pants, stuff toys at maliliit na stuffed animals mula sa claw machine ng Kidstime. Nangako naman ang kanyang mga kaibigan na tutulong sa nasabing Fund Raising Project. Sa katunayan, katatawag lang sa kanya ni Bing na nasa sasakyan na nito ang mga kahon ng pre - love materials ng mga kaibigan. On the way na daw ang mga ito upang sunduin siya. Maya maya pa ay bumubusina na ang ang palaging nagmamadaling si Bing. "Andyan na! Heto na!" pandalas na ring sabi nya. Bitbit naman ni Mang Daniel ang kahon upang ilagay sa sasakyan ni Bing. "Hello po Tito Daniel!" "Good Morning sa inyo. Sya lumakad na kayo nang hindi kayo maipit sa traffic."
Dahil isa ang San Fermin Elementary School, ang paaralang pinagtuturuan ng kanyang ina sa napiling recipient ng Adopt A School Feeding Program nila kung kaya't inassign ni Martin si Athena na sumama sa kanila ni Ryan sa pakikipag usap sa mga Guidance Counselors at Principal ng kanilang mga napiling paaralan. Sapagkat nang nakaraang araw pa nila na inform sa administration ng mga recipient schools ang kanilang pagdating kung kaya't hindi na sila nahirapang makapasok sa compound. Agad na binuksan ng school utility worker ang mataas na gate ng paaralan nang matanawan ang kanilang pagdating. "Thanks po Boss." nakangiting bati dito ni Martin nang mapadaan sila. "Wala pong anuman Sir." ganting bati ng utility sabay saludo kay Martin. Agad namang nakita ni Athena ang kanyang ina sa malawak na covered court ng
No matter how she reached out for Enzo, naging matigas ang binata na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan. Bakit ayaw nitong bigyan siya ng chance na magpaliwanag? He never replied to her messages. Hindi ito nagparamdam nang ilang araw. Ang ilang araw naging ilang linggo at ang ilang linggo naging ilang buwan. Napapikit na lamang si Athena. Pagmulat ng mata ay nabungaran niya sa harapan si Mhelai. As usual, mukha pa rin itong pinagluluksa ang pagkasawi sa kanyang ex boyfriend, Lucas the jerk! Ganun daw talaga iyon eh, hindi naman ikaw ang niloko pero parang mas ikaw ang nasaktan at galit kesa sa kaibigan mong niloko nito. At least ngayon hindi na ito nag iisa. Dinamayan na talaga niya ito. Hindi man masabing single pero brokenhearted siya na tulad nito. Kulang na lang magsuot sila pareho ng itim na tshirt. Dalawa na sila ngayon. Oh di ba, more than one is many. Marami talaga ang mga sawi! &
Tinatanaw ni Athena ang bahay ng pamilya ni Enzo sa pagbabaka sakaling uuwi ito. Hindi naging maganda ang huling pag - uusap nila at kailangan nilang mag - usap. Kailangan nilang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan at nang magbalik na ang lahat sa normal. Bumukas ang tarangkahan at lumabas si Tita Lyn. Awtomatikong napangiti ito nang makita siya. "O iha, ang aga mo yata? Saan ba ang punta mo?" "Good morning po Tita. Nagbrisk walk lang po eh napadaan na din po ako." aniya. "Uhmm,.. Tita, hindi po ba uuwi si Enzo ngayon?" Napakumpas ito ng kamay. "Ewan ko nga ba sa batang iyon. Aba, ay ilang buwan nang hindi umuwi eh. Nakukuntento na lang sa pag chat at pagtawag." &
Matamang pinanonood ni Athena si Enzo habang naghahalo ng iba't ibang ingredients upang makabuo ng cupcakes. Sabado noon at dahil medyo maluwag luwag ang kanilang schedules, nagkayayaan ang magkakaibigan na tumambay sa mga Trevino nang hindi ipinaalam kay Enzo. Nauna lamang siya sa mga kaibigan. Nagulat pa nga si Enzo sa kanyang pagdating na noon ay pupunta na rin sana sa kanila. Naroon sila sa kusina ng mga Trevino. Napagpasyahan ni Enzo na ipag bake siya ng cupcakes. Palibhasa ay isang chef ang mama ni Enzo ay kumpleto sa ingredients ang pantry ng mga ito. "Watch out princess. This one's for you." Ngumiti ito na sintamis ng amoy ng mga ingredients na sumama sa hangin sa work area. Sa ngiti pa lang ni Enzo, parang walang kapaguran nagtatambol ang kanyang puso. Iniangat niya ang ulo para tignan ito.Nakatitig naman ito sa kanya. Sa ga-dangkal n
Napakunot ang noo ni Martin at madahang ibinaba ang kanyang eyeglass nang makita ang suot ng anak na si Martheena. Isa itong Darna costume. There goes his overprotective side again. “Why is she wearing those things?” madiing sabi nito at lumingon sa asawa. Natatawa naman na sumagot ito sa kanya. “Why? Isn’t she lovely in that costume?” “Nandoon na ako pero hindi ba parang kitang kita naman katawan niya diyan? Kulang sa tela. Wala na bang iba?” Balik tanong niya kay Athena. “What do you want her to wear, Bananas in pajamas?” kantiyaw nito sa kanya. &nb
So as long as I live I'll love youWill have and hold youYou look so beautiful in whiteAnd from now to my very last breathThis day I'll cherishYou look so beautiful in whiteTonight You look so beautiful in white tonight. Kaagad niyang nahigit ang hininga ng bumungad sa pinto ng simbahan ang kanyang pinakahihintay na bride. She looks stunning and breathtakingly beautiful in her white gown. Her innocence, her smile, her eyes reflecting love and admiration for him. Well, the feeling is mutual. As she walks in the aisle, he remembers the day when he first saw her. She was just seventeen then claiming the wallet she lost. He barely had sleep then. He find ways para mapalapit dito and lucky him, nagkasama pa sila bilang SSG Officers. Masakit knowing she’s eyeing someone. Matagal din siyang na friend zone pero okay lang naman sa kanya since masaya na rin siya just to be with
"Love, okay ka na ba. Let's go. Tayo na lang ang naririto. Besides, Martheena is waiting for us." ani Martin sa kanya na kanina pa tahimik na nakaalalay sa kanya. Marahan siyang tumango nang maalala ang anak na naghihintay sa kanilang pag - uwi. Bago sila tuluyang umalis ay mahinang nagsalita si Martin. Ginagap nito ang kanyang mga palad habang nakatingin sa puntod ng kaibigan. "Enzo, words are not enough para masabi ko ang pasasalamat ko. You saved my wife. You saved the love of my life, mother of my child. For that, isa kang bayani para sa akin. We never had this chance to meet each other. Pero I know you're a good person. Thanks for loving our dear Jewel so much. Hinihingi ko sa iyo ang iyong basbas at paggabay sa aming pagsasama. Rest assured na mamahalin ko nang buong - buo hindi ko man ma
I guess I'm down,I guess I'm down,I guess I'm down...To my last cry... You cannot put a good man down even after his death. Memories of him stay in the minds and hearts of people who have known him even only for quite a while. All his journey in life, he showed nothing but goodness towards other people. Kahit ang naging kapalit ay sariling kaligayahan. He's been a victim of fate. A victim of selfish love. "Mac, ang anak mo! Bakit?" ang atungal ng ina ni Enzo. Hilam din sa luhang hinahaplos ni Tito Mac ang likod ni Tita Lyn. Enzo's parents Lyn and Mac cried a river for they lost their only child at his very young age while hugging Sabina. A promising businessman at napakabuting anak. Anuman ang sabihin nila ay sinusunod nito maging ang pagpapaka
"Aj!" Sindak ang unang rumehistro sa isip ni Athena nang makita si Natalie sa kanyang harapan habang nakaumang ang hawak nitong baril sa kanya. Naghihintay na sana siya ng masasakyan papunta ng San Diego nang bigla itong sumulpot mula sa kung saan. "N-natalie.. a-anong ibig sabihin nito?" matindi ang takot na tanong niya sa kaibigan. Naging malapit sila sa isa't isa matapos itong ikasal at hawakan pa niya sa binyag ang anak ng mga itong si Sabina. Anong nangyari? Bakit nakaumang ang baril nito sa kanya? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Nakainom ba ito? Nakadrugs ba ito? Ano? "Inagaw mo siya! Inagaw mo siya! Homewrecker! Ano bang meron ka at hindi ka mawala sa puso't isip niya? Kung hindi dahil sa'yo.. masaya na sana kami." hilam sa luhang sigaw ni Natalie. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kany
All her life, she's craving for love and attention.Sa murang edad ay napansin ng mga magulang ang kakaibang ikinikilos niya. They went on consultations and medications. Ayon sa diagnoses ng mga doctors na tumingin sa kanya, she had this bipolar/mental disorder. She came from a broken family.Mula nang maghiwalay ang mga magulang ay nagkanya - kanya na ang mga ito ng buhay at kanya - kanyang pamilya. Mula pa pagkabata niya, hindi niya naranasang magkaroon ng masayang pamilya at experiences. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola. Nang sumakabilang - buhay ang kanyang lola, tanging ang taga - pag alaga lang ang naging kasa - kasama niya. She then started to fabricate lies just to get the attention of her parents, either of her dad or her mom. Maging ng ibang mga tao sa paligid niya. From simple lies na hanggang maglaon ay lumala na nang lumalala. Fishing for
"Ma.. Pa" tawag pansin ni Martin sa kanyang mga magulang na bahagyang tumungo upang magmano. Bagong dating ito mula sa Residencia De Villa. May dala dala itong mga pasalubong mula sa paborito niyang fastfood chain at mga prutas. 'Lakas maki - mama at papa lang.' "Kaawaan ka ng Diyos.' anang kanyang ina. Tumango namang ang kanyang ama. "Mamayang gabi po ay kasama ko na sina Lolo dito." pagbibigay - alam nito sa kanyang mga magulang. "Kasama po ang buong pamilya ko. Puwede na po kaya mga around 6 pm po?" "Walang problema sa amin hijo." anang kanyang ina na maaliwalas ang bukas ng mukha. "Ang inaalala ko lang ay tanggap kaya nila ang aming si Athena.? Alam mo naman na hindi kami mayamang pamilya. Nakakaraos pero hindi naman kasing yaman ninyo." &n
Foundation Week ng BISU. Isang imbitasyon ang natanggap niya mula sa Guidance Counselor nilang si Mrs. Sheena Gomez Hernandez na maybahay na ngayon ng kanilang PE Prof na si Sir Aniano na maging isa sa mga judges ng Mr. and Ms. Batangas Institute and State University. Nagulat pa siya nang sunduin siya ng mga kaibigan sa kaniyang tahanan sa Rizal gayung puwede naman siyang magpaservice sa kanya Kuya Achilles. "Ano ba 'to.. Foundation ba talaga ng BISU o Grand Alumni Homecoming? Perfect attendance ah. Isa pa, itong si Karren, aba ay himala na sumama ka. Wala ka namang hilig sa ganitong mga event. Mas gusto mo pang magmongha sa inyo at maglaro sa cellphone mo." natatawang sabi niya. 'Ang weird weird lang.' Mahigit kalahating oras bago sila nakarating sa unibersidad. Just like the old days, ma
Hindi mapalis ang ngiti habang tinitignan ni Athena ang mga larawan sa DSLR Camera na hawak niya. Magaganda naman ang kuha ni Rosie sa kanila. 'Yung totoo Athena.. sino ba talaga ang tinitignan mo sa larawan?' Fine! Hindi talaga siya nagsasawang titigan ang guwapong mukha ni Martin. Her MR. BISU, her superior Mr. President, and her savior every time she's in despair. Matagal na panahon na niyang inamin sa sarili ang nararamdaman para kay Martin. Her one True Love. It was far different from First Love or Puppy Love. Hinding hindi siya makakamove on sa feelings niya for Martin. She will stay in love with him for the rest of her life. Napaigtad naman siya nang biglang pumasok sa silid si Miles. Nakataas ang kilay na tinignan nito ang hawak niyang cam. Mabilis nitong hinagip iyon sa kaniya saka pinasadahan ang mga larawan sa