Gabi na ng makauwi si Jared kasama ang tatlo nyang kaibigan. Sina Cristom, Nathaniel, at Jacob. Malalakas kumain ang magkakaibigan na 'to kaya marami akong niluto.
"Ya, pakikuha nung wine sa ref." Nasa labas ako ng marinig ko ang utos ni Jared.Naabutan ko sila na nag iinuman pa rin sa kusina. "Ito na po Sir." Inilagay ko sa gitna nila ang wine."Pare, ang ganda talaga ng maid mo no? Mukhang bata pa." Napalingon ako sa nagsalita. Si Jacob. Nginitian ko lang sya."Oo nga! Hi, Elaisa, single ka pa ba?" Tanong naman ni Cristom. Nginitian ko lang din sila, lagi kasi nila akong niloloko."Umalis ka na." Mariing utos ni Jared."Opo." Sagot ko."Pare bakit mo naman pinaalis kaagad? Dideskarte pa nga lang ako eh!" Angal ni Cristom."Fck you ka Cristom!" Nagtawanan pa sila.---Lumabas na lang ulit ako at naupo sa swing. Malamig na ang gabi pero mas pinili kong mag stay dito, nakakarelax, sa loob kasi puro usok ng sigarilyo."Gabi na. Bakit nasa labas ka pa?" Nagulat ako sa nagsalita kaya napatayo ako kaagad."S-Sir Nathaniel, may ipag uutos pa po ba kayo?" Tinitigan nya lang ako ngumiti ng napakatamis."Don't call me Sir, I know everything." Nakangiting sabi nya."Po?" Kinabahan ako bigla."Alam kong hindi ka katulong. Asawa mo si Jared." Napayuko ako sa sinabi nya. Alam nya ang totoo."Bakit nyo ginagawa 'to?" Naguguluhang tanong nya."Dahil 'yun naman ang dapat." Nangingilid na ang luha ko."Nang dahil lang sa pera? Alam kong nasasaktan ka nya Elaisa, bakit ka pumapayag?" Alam kong naaawa na sya sa akin."K-Kasi mahal ko sya." Napahagulgol na ako. First time na may taong kumausap sa akin tungkol sa pinagdadaanan ko. "Mahal ko sya. Na k-kahit ang sakit sakit na ay kumakapit pa rin ako.""Matigas na tao si Jared. Alam naming lahat 'yun kaya nagtaka kami noong nalaman namin na kasal na sya." Paliwanag nya."Alam din ba nila?""Yes, alam din nila Cristom at Jacob na ikaw ang asawa nya." Paglilinaw nya.Lalo akong naiyak. Nagmukha akong tanga sa harapan ng kaibigan nya."I'm sorry Elaisa. And thank you for loving Jared." Niyakap ako ni Nathaniel.In that way, naramdaman ko na may nakakaintindi pa rin sa akin. Na kahit hindi nya ako ganoon kakilala ay nararamdaman nya ang pinagdadaanan ko."Anong ginagawa nyo?" Napahiwalay ako kay Nathaniel ng marinig ko si Jared."Iyakin pala 'tong asawa mo Pare." Natatawang sabi ni Nathaniel."Tara pare, uuwi na kami Jared. Next time na lang ulit." Sabi ni Cristom at kinindatan pa ako nito.Tinignan na lang namin ang papalayong sasakyan nila. Sana meron din akong kaibigan na kagaya nila, 'yung mapagsasabihan ko ng problema."Ang galing mo ring babae ka no? Talagang kaibigan ko pa talaga ang binibiktima mo! Wala ka bang hiya?!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya kasabay ng isang malutong na sampal."M-Mali ka ng iniisip. Nag usap lang kami." Alam ko naman na kahit ano ang paliwanag ko ay hindi sya maniniwala pero sinusubukan ko pa rin."At ano? Nagsusumbong ka?! Ha?!" Hinaklit nito ang braso ko, napangiwi ako sa sakit."Hi-Hindi! Nasasaktan ako Jared!" Pilit kong tinatanggal ang kamay nya kaso sadyang malakas lang talaga sya at parang walang nangyari. Natatakot ako sa mga tingin nya, parang handa syang pumatay."Magkano ka ba ha?!" Lalo akong naiyak. Kung tratuhin nya ako ay parang isang bayarang babae.Umiyak na lang ako ng umiyak."Manahimik ka! Wala kang karapatang umiyak!" Binitawan nya ako kaya napaupo ako sa lupa.Pumasok na sya sa bahay at narinig kong nilock nya ang pinto. Hindi ito ang unang beses na pinagsaraduhan nya ako, siguro ay mga limang beses na. Dito na naman ako matutulog sa duyan.Pinagmasdan ko ang braso ko, nandun pa rin ang pasa. Hinawakan ko ang pisngi ko, makirot. Pagpasok ko kanina sa trabaho, napansin ng Manager namin na namumutla ako kaya pinagleave nya ako ng 2 weeks, ayoko sana kasi sayang ang leave ko, pero no choice kasi kailangan ko rin talaga ng pahinga.---Napabalikwas ako ng tayo ng marinig kong bumukas ang pinto. Nakita ko si Jared na lumabas ng bahay na nakabusiness attire na.May binato sya sa aking maliit na papel. "Puntahan mo 'yan mamaya sa mall, ipakita mo lang ang ID mo." Sabi nya.Binasa ko ang nasa papel, calling card pala 'yun na may address at pangalan ng store Elaisa's Closet, ang galing kapangalan ko."Anong meron?" Di naman sigurong masama magtanong."It's wedding anniversary of Mommy and daddy mamaya. Ipapasundo kita sa driver ko mamayang 8pm." Sabi nito at umalis na.Muntik ko ng makalimutan na anniversary pala nila tita at tito, kailangan kong maghanap ng pwedeng ipangregalo sa kanila. May ipon naman ako, siguro sapat na 'yun.Tanghali na ng makarating ako sa Elaisa's Closet. May lumapit sa aking babae na di ganun katanda."Yes ma'am?" Nakangiting tanong nya sa akin. Kagaya ng sinabi sa akin ni Jared, inabot ko sa kanya ang ID ko. Nanlaki ang mata nito."Nandito na si Ma'am Elaisa!" Pag aanunsyo nya. Bigla naman nataranta ang mga staff at pumila.May lumapit sa akin na babaeng nasa 40 ang edad. "Good afternoon Ma'am. Ako po si Nanita, ang manager ng store nyo."Store ko? Teka. Ano ba ang nangyayari. "Po?" Yun na lang ang nasabi ko."Sa office po tayo." Inakaya ako ni Nanita papunta sa isang kwarto at pinaupo ako. "Ma'am, kayo po ang may ari ng store na 'to. Pinatayo po 'to ni Madam Daniella para sa inyo."Nanlaki ang mata ko. Napakabait talaga ng nanay ni Jared, gustong gusto nya ako bilang daughter in law. Nasabi ko kasi sa kanya na pangarap ko talagang maging designer, nag aral ako kaso one year lang ang inabot ko. Mahal na kasi.Naiyak ako sa sobrang tuwa. "Salamat." Nayakap ko pa si Nanita sa sobrang saya.Sinukatan ako ni Tanya at Rose, mga mananahi ng store."Ma'am, anong nangyari sa braso nyo." Tanong ni Tanya ng mapansin nya ang braso ko."A-Ano, tumama lang sa pader." Sagot ko."Kailangang inabot natin sa siko ang sleeves para matakpan 'to, may suggestions po ba kayo?" Tinignan ko si Tanya."O-Okay sana kung nude 'yung kulay ng dress, tapos backless ang likod." Sana hindi nila isipin na nagmamarunong ako."Nice idea Ma'am! Tapos lagyan natin ng kaunting sequence ang harap! Gusto ko na kapit na kapit sa katawan nyo Ma'am dahil sexy naman po kayo." Sana maging maganda ang kalabasan.Nakarinig ako ng busina sa labas, malamang 'yung driver na 'yun ni Jared. Pagbukas ko ng pinto, si Nathaniel ang nakita ko. Nakatulala lang sya sa akin, bigla akong na conscious."Anong ginagawa mo dito?" Pinapasok ko muna sya sa labas."Pinapasundo ka ni Jared." Nakatitig pa rin sya sa akin."A-Akala ko driver nya ang susundo sa akin?" Medyo nadissapoint ako."May ibang dinaanan ang driver nya. By the way, you look b-beautiful." Namula ako sa sinabi nya. Sya pa lang ang lalaki na nagsabi sa akin na maganda ako."S-Salamat.""Let's go." Inalalayan ako nito palabas hanggang pasakay ng kotse.Sa totoo lang, gwapo talaga si Nathaniel, mabait pa. Kumbaga complete package na sya. Swerte ang babae na mamahalin nya.Ilang minuto lang ay narating na namin ang hotel na pinagdadausan ng party. Napakaraming tao na magagarbo ang damit, naglalakihang mga alahas sa katawan.Nagulat ako ng biglang nagtinginan ang mga tao sa amin kaya napakapit ako sa braso ni Nathaniel."Nate! Girlfriend mo?" May lu
BABALA! MEDYO SPG ALERT!****"Elaisa, gising." Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, ang sakit ng ulo ko."Nasaan ako?""Nasa bahay na tayo. Kailangan mong magbihis." Sabi nya sa malambing na boses. Lasing na nga talaga ako."Hindi ko kaya. Masakit ang ulo ko." Isinandal ko ulit ang ulo ko sa upuan."Basang-basa ka. Let me help you." Naramdaman kong itinaas nya ang kili-kili ko at ibinaba ang zipper ng dress."T-Teka lang." Makikita nya ang katawan ko. No way!"Wag ka ng mag inarte, para namang hindi ka sanay maghubad sa harap ng tao." Mapanlait na sabi nito.Wala na akong nagawa. Hinayaan ko na lang syang hubaran ako, mas pinili ko na lang na ipikit ang mata."You're not wearing bra. Always ready." Naramdaman ko na lang na nakapanty na lang ako, binuhat nya ako at ihiniga sa kama. Kinapa ko ang kumot, pero wala. Pagdilat ko ng mata, nakita ko si Jared na nakatitig sa katawan ko."N-Nasaan ang kumot?" Kailangan ko ng takpan ang katawan ko dahil hindi ko kinakaya ang titig nya."No
"Nagsumbong ka ba kay mommy na sinasaktan kita?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Jared, kasalukuyan akong naghuhugas ng plato."Ha? Hindi." Ano ba ang pinagsasabi nito?"Eh bakit nya ako tinatanong kung sinasaktan ba kita?" Sigaw nya na naman sa akin.Nagkita kasi kami kahapon ni tita at nakita nya ang mga pasa ko, hindi ako naka isip ng dahilan kaya ngumiti lang ako, hindi ko naman alam na sasagi sa isip na tita na sinasaktan ako ng anak nya."N-Nakita nya lang ang pasa ko, pero wala akong sinabi." Pagpapaliwanag ko pero kagaya ng dati, hindi nya ako pinakinggan. Hinablot nya ang braso ko kaya nabagsak sa paanan ko ang braso na hawak ko, napangiwi ako sa sakit."Wag na wag kang magkakamali na siraan ako sa magulang ko, kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Diniinan nya pa ang hawak sa braso ko bago ako itinulak dahilan ng pagtama ko sa lababo.Tinignan ko na lang sya na papalayo. Ginagawa ko ang lahat para pagtakpan sya sa magulang nya hangga't kaya ko, pero ito lang pala ang matat
ALERT! ALERT! ALERT! SPG! NAGWARNING NA AKO AH. WALANG SISIHAN KAPAG NAIHI KAYO. HAHAHA-------Tuluyan na akong nagresign sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko para mapagtuunan ko ng pansin ang store na regalo sa akin ni tita.Habang naglalakad ako sa mall ay parang may nakita akong familiar na mukha. Lumapit ako. Hindi nga ako nagkamali, it's Jared, kasama nya 'yung babae sa party.Nagkasalubong sila, nanlaki ang mata nya."What are you doing here?" Tanong nya."G-Galing ako sa store." Tinignan ko 'yung babae, kapit na kapit sya kay Jared."Hon, diba sya 'yung yaya mo?" Tanong ng kasama nya, tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa."O-Oo." Sagot nya. Nasasaktan na naman ako."By the way, I'm Evelyn. Why don't you join us? Kakain kami." Parang gusto kong tumawa dahil niyaya pa talaga ako nung babae na kumain."Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako." Pagdadahilan ko."Where are you going?" Tanong ni Jared."Mag iikot lang po, Sir." Pagkasagot ko noon ay umalis na ako. Ang sak
THIRD PERSON'S POV"T-Tito, parang awa nyo na po. Tama na po, tito. T-Tito." Mahinang usal ni Elaisa.Awang awa na sya sa sarili nya. Minsan na syang nagahasa at ayaw nya ng mangyari ulit 'yun, pilit nya ng kinakalimutan ang ala-ala na 'yun pero unti-unting bumabalik dahil sa ginagawa ng lalaki pinakamamahal nya."Tito! Tama na po. Nagmamakaawa po ako. A-Ayoko na po. Hindi na p-po ako magsusumbong kina m-mama." Wala sa sariling sabi nya. Suko na sya, hindi na sya makakalaban. Hinding hindi na sya makakatakas sa masamang karanasan nya.Tila natauhan naman si Jared sa narinig nya dahil bigla lang napatayo. Halos sabunutan na nya ang sarili dahil sa nakikitang itsura ni Elaisa. Puro pasa ang katawan at may dugo sa gilid ng labi. Kaagad nyang tinanggal ang pagkakatali nito."E-Elaisa." Hinawakan nya ang mukha nito."Wag! Wag! Hindi na ako lalaban! Wag mo po akong sasaktan! Tito!" Nagwawala na si Elaisa. Namaluktot ito sa gilid ng kama."No! I won't hurt you." Pili nyang nilalapitan si Ela
One week na ang nakalipas after the therapy. Naging normal na ang lahat. Unti-unti ko ng natatanggap ang nakaraan ko, sabi ng psychiatrist ko, hindi ko daw kailangang kalimutan 'yun. Acceptance is the key word.Pero after that incident, natatakot ako kapag nilalapitan ni Jared. Napapaatras ako dahil baka saktan nya na naman ako.[Elaisa, free ka ba today?] Kinabahan ako ng marinig ang boses ni Nathaniel sa kabilang linya."A-Ano, oo free ako." Sagot ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid, baka kasi biglang pumasok si Jared.[Good. Okay lang ba na magkita tayo?]Hindi ko matanggihan si Nathaniel kaya um-oo ako. Sya lang naman ang kaibigan ko dito. Kailangan ko talaga ng makakausap dahil para na akong mababaliw dito sa bahay. Pagbaba ko ng cellphone ay may biglang humila ng buhok ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Jared."Puta ka talagang babae ka! Hindi ba't sinabi ko sayo na 'wag ka ng makikipagkita o makikipag usap kay Nathaniel!" Kinilabutan ako sa mga tit
Ilang araw na akong tinatawagan ni Nathaniel, pero hindi ko sinasagot. Natatakot kasi ako sa banta ni Jared, baka dahil sa akin ay masira ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay medyo bumait na si Jared, hindi nya na rin ako nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala yung pagkataranta ko minsan.Bumaba si Jared at may dala na isang malaking maleta."Saan ka pupunta?" Tanong ko."I have business meeting in Canada." Sagot nito ng hindi ako nililingon.Business meeting? O meeting with his girl."G-Gaano katagal kang mawawala?""One week." And it's confirmed. Naalala ko noong naghatid ako ng pagkain sa library nya, one week daw sila ng babae nya sa Canada.Tinitigan ko sya habang inaayos ang tie nya. Mahirap basahin ang ugali ni Jared, hindi sya nagpapakita ng emosyon kapag kaharap ako. Kaya hanggang ngayon ay tinatansya ko sya.."Wedding anniversary na natin sa isang araw." Ngumiti ako ng tumingin sya sa akin. Inilabas nya ang wallet nya at nag abot sa akin ng credit
Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako."Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan."Ikaw ang bahala." "Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves."Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang
Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas
Mamaya na ang start ng operation ko. Mas pinili ko ang magbilad sa araw ng mag-isa. Mugto pa ang mata ko dahil nakausap ko ang magulang ko kagabi at inamin ko na sa kanila ang kalagayan ko. Para kung sakaling mawala ako ay handa sila.Muntik ko na rin maitanong sa kanila si Jared. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung mukha nya noong humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa ko syang saktan dahil sa sinabi ko, paano pa kaya kapag nalaman nya na ang kalagayan ko.Tuwing gabi ay umiiyak ako, naaawa na nga ako kay Venice dahil baka naiistorbo ko sya. Hindi nya rin kasi ako maiwanan. Tinitiis nya ang maliit na kama sa hospital para mabantayan ako. Pumikit ako at tumingala, niramdam ang init ng araw. Marahil ay ito na ang huling araw na mararamdaman kita. "So we'll start the operation after two hours. Just to let you know Elaisa. Surgical procedures for the treatment of tumor can be complicated and may involve significant risk." Masisinsinang paliwanag ng doctor."
Hindi na ako nagtangka pa na ummuwi sa bahay dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya. Ang sabi sa akin nila Venice ay mag iwan na lang ako ng mensahe sa kanya na ipadala na lang sa bahay ni Doc Felix ang mga gamit ko, kasama na ang divorce paper. Pinahiram ako ng gamit ni Venice para sa pag alis namin bukas. Imbes na next week ay napagdesisyonan ko na umalis kaagad. Sa America na lang daw kami bibili ng damit para magamit ko pang araw-araw.Bago kami sumakay sa eroplano ay nag-iwan muna ako ng send muna ako ng message para sa mga taong mahal ko. Sa magulang at kapatid ni Jared pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko sinabi ang tunay kung dahilan, basta nanghingi lang ako ng tawad sa kanila. Lalo na sa pamilya ni Jared, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako."Ready ka na ba?" Inakbayan ako ni Venice. Nginitian ko sya at tumango.Sana ay hindi masayang lahat ng pagod at emosyon."We'll start with the chemo since we already have here your previous result of the test that was c
Mabilis natapos ang pakikipag-usap namin sa ibang doctor at umaasa sila na next week ay sabay sabay na kaming makakaalis. Pinili naming maiwan ni Doc. Felix, dadaanan daw kasi si Venice."Mukhang nabuhayan ka ata ng loob ngayon ha?" Natawa kaming parehas ni Doc Felix sa sinabi nya."Oo. Naniniwala ako sa kakayahan nyong mga doctor, alam ko na matutulungan nyo ako." Tumunog na naman ang cellphone ko, saglit kong tinignan at kinabahan na naman ako."Si Jared?" Tumango ako sa tanong ni Doc. Felix. "Napakakulit naman talaga ng lalaki na yan!"Habang nagmemeeting kami kasama ng ibang doctor ay tumatawag si Jared pero hindi ko pinapansin dahil wala akong maayos na idadahilan, ang alam nito ay nasa bahay ako."Jared?" "Tapos ka na bang maglinis?" Napataas ako ng kilay sa tono ng pagtatanong nya. Napainom ako ng kape ng wala sa oras."H-Ha? Hindi pa eh. Bakit?" Tumingin ako kay Doc. Felix dahil may sinisenyas ito sa labi ko."Talaga ba?" Nagdududa na sya? Nalilito na ako dahil kay Jared at