Ilang araw na akong tinatawagan ni Nathaniel, pero hindi ko sinasagot. Natatakot kasi ako sa banta ni Jared, baka dahil sa akin ay masira ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay medyo bumait na si Jared, hindi nya na rin ako nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala yung pagkataranta ko minsan.
Bumaba si Jared at may dala na isang malaking maleta."Saan ka pupunta?" Tanong ko."I have business meeting in Canada." Sagot nito ng hindi ako nililingon.Business meeting? O meeting with his girl."G-Gaano katagal kang mawawala?""One week." And it's confirmed. Naalala ko noong naghatid ako ng pagkain sa library nya, one week daw sila ng babae nya sa Canada.Tinitigan ko sya habang inaayos ang tie nya. Mahirap basahin ang ugali ni Jared, hindi sya nagpapakita ng emosyon kapag kaharap ako. Kaya hanggang ngayon ay tinatansya ko sya.."Wedding anniversary na natin sa isang araw." Ngumiti ako ng tumingin sya sa akin. Inilabas nya ang wallet nya at nag abot sa akin ng credit card."Go buy anything that you want." Inaabot nya sa akin 'yun pero hindi ko tinatanggap."Pero--""Don't expect me to celebrate that fvcking anniversary with you." Ibinato nya sa mukha ko ang card."Salamat." Nagiging magaling na ako sa pagtago at pagpigil ng luha ko. "Kumain ka muna para hindi ka gutumin sa byahe mo.""Papapuntahin ko dito si Jessa para may kasama." Napatingin ako sa kanya. Si Jessa, isa sa mga kapatid nya, hindi naman kami close noon."Wag na. Kaya ko naman mag isa dito." Pinaghain ko na sya ng pagkain at hinugasan 'yung mga ginamit ko sa pagluto."Kung gusto mo, umuwi ka muna sa magulang mo." Napatigil ako sa paghuhugas at nilingon sya, may kakaiba sa kanya ngayon."Ayoko. Ayokong umuwi.""Bahala ka na nga sa buhay mo." Naiinis na sabi nito bago tinuloy ang pagkain. Tinitigan ko sya, mahal na mahal ko talaga ang tao na 'to.Iniisip ko pa lang na one week syang mawawala ay nalulungkot na ako."J-Jared, pwede ba akong sumama sayo mamaya paghatid sa airport." Lakas loob na tanong ko."No." Mabilis naman na sagot nya."Okay." Tumalikod na ulit ako at tinuloy ang paghuhugas ng plato. Alam ko namang kasama nya 'yung babae nya kaya ayaw nya."Aalis na ako." Hinatid ko sya sa labas ng gate. Tumango lang ako pero hindi pa rin sya kumikilos, parang may hinihintay."Sabi ko aalis na ako." Iritadong sabi nito. Napatanga ako."I-Ingat." Nagwave pa ako."Slow." Narinig kong sabi nya bago ako hapitin sa bewang at siniil ng malalim na halik. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos. Gosh! "Be ready pagbalik ko." Sabi nya bago pumasok sa sasakyan.Tulala akong napahawak sa labi ko. Hinalikan nya ako, kakaiba! Ano bang nangyayari sa mundo?---"Hello sister in law!" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Jessa sa bahay."Hi Jessa." Kiniss nya ako sa cheeks."Pinapunta ako ni kuya dito, nung isang araw pa sana kaso may lakad ako. Happy wedding anniversary pala. Ang gago ni kuya no? Iniwan ka?" Natawa na lang ako sa kadaldalan ng kapatid nya. Mabait naman si Jessa.[DING DONG] Si Jessa na ang nagbukas ng pinto. Pagpasok nya ay may dala syang napakalaking bouquet, puro kulay pulang rosas."Ang sweet!" Kinikilig na sabi nito bago inabot sa akin. May card na nakalagay, binasa ko.Sweetheart, happy wedding anniversary. -JAREDLihim akong napangiti, naalala nya pala kahit papaano."Ate! Ate! Here's kuya!" Itinapat sa akin ni Jessa ang cellphone, nakaskype sya.Kinabahan ako bigla. Naiiyak ako sa tuwa, first time na may bigay sa akin ng flowers."Did you receive the flowers, Sweetheart?" Nakakunot noong tanong nito. Si Jessa rin kasi ay nakasilip sa cellphone."O-Oo. Salamat, nagustuhan ko." Kinikilig ako tuwing tinatawag nya akong sweetheart."Uy! Si Ate kinikilig!" Lalo akong nahiya sa matinis na boses ni Jessa."Jessabelle! Can you please give us privacy?!" Ayan na! Pumutok na ang bulkan."Oo na!" Saglit 'tong may pinindot sa cellphone bago umalis."Are you crying?" Nagulat ako ng bigla syang nagsalita."H-Hindi, a-ano. Natuwa lang ako sa bigay mo." Nakakatouch!"Good to hear that. By the way, nandyan na si Jessa kaya sasamahan ka nya hanggang makauwi ako.""Hindi na kailangan Jared, baka nakakaabala ako sa kanya." Hindi ako makatingin sa cellphone kasi talagang nakakailang. First time na kausapin nya ako na kalmado lang."Well, sinabi rin sa akin ni Jessa na gusto ka nyang makasama." Napatango na lang ako. Sana laging ganito. "Ipapaalala ko lang, no NATHANIEL, understood?""O-Oo na." Nagseselos kaya sya?(Jared! They're waiting for us! Magbibihis lang ako.) May biglang dumaan sa likod ni Jared, nakatowel na babae. Nanlaki ang mata ko."O-Oo. Tatapusin ko lang 'to." Sagot nya.Napabuntong hininga ako, tama nga ako ng hinala, magkasama sila. Napasimangot ako."Mukhang may lakad kayo. Sige na." Sabi ko."Ahm. Oo, may meeting kasi kami with the investor." Hindi nya naman kailangan magpaliwanag."Okay. Bye." Tinitigan ko syang muli, para bang hindi sya mapakali. Biglang tumulo yung luha ko kaya biglang kong pinindot 'yung end call.Unti-unti ng nagbabago si Jared, siguro dapat na akong makuntento kahit na may kahati ako.Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako."Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan."Ikaw ang bahala." "Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves."Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang
Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Ayaw ko sanang bumangon kaso tanghali na. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Daniella, pumasok daw ako sa store. Kailangan ko na pa lang magresign as cashier.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, siguro naman nakaalis na si Jared. Hindi ako kagaya noong mga nakainom tapos sasabihin na wala silang naalala, ako, tandang-tanda ko!Pagdating ko sa kusina, halos kapusin ako ng hininga dahil nakita ko si Jared na nagluluto. Aalis sana ako ng tawagin ako nito."Jessabelle!" Sigaw nito at maya-maya lang ay pumasok si Jessa sa kusina."Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya. Napakamot naman 'to ng ulo."You two. Ano ang pumasok sa isip nyo at nagbar kayong dalawa?" Nakakatakot na humarap sa akin sa amin si Jared. Sisermonan nya pala kami."K-Kasi naman kuya, you left her. We celebrate." Nakayukong sagot nito."Do you think gawain ng matinong babae 'yan?! Jessabelle?! Paano kung napahamak kayo?" Halos dumagundong na ang bahay dahil sa sigaw
Inspired ako sa paggawa ng wedding gown ni Margareth. Pakiramdam ko kasi sa akin 'yung ginagawa ko."Matagal ka pa ba dyan?" Napalingon ako kay Jared, nakalimutan ko na kasama ko pala sya. Tumayo sya sa harapan ko."Ah, oo eh. Kailangan kasi makita kaagad ni Margareth." Tinuloy ko ang pagdadrawing. "May pupuntahan ka ba?""May meeting ako.""Sige, mauna ka na lang. Uuwi na lang ako mag-isa." Tinuon ko ulit ang atensyon sa design. Kailangan kong gandahan."Hihintayin kita. Isasama kita sa meeting." Napatingala ako sa kanya."H-Ha? Wala naman akong maitutulong doon." Akala ko aalis na sya, 'yun pala ay naupo lang sya."I'm giving you 10 minutes, kapag hindi ka pa tumayo dyan ay hihilain kita." Seryosong sabi nito at inilabas ang cellphone.Hindi ko na hinintay matapos ang 10 minutes, kaagad na akong tumayo dala ang sketch pad, doon ko na lang tatapusin."Nanita, ikaw na ang bahala dito. Mauuna na kami." Sabi ni Jared pagkalabas namin ng office."Salamat po Ma'am at Sir." Nakangiting sab
"What was that?" Tanong sa akin ni Jared pagsakay ng kotse."Anong what was that?" Balik tanong ko."Yung usapan nyo ni Tricia kanina. Can't you notice that everyone is looking at you two?" Hindi ko malaman kung galit ba sya or what."Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na ipahiya nya tayo sa mga kasama mo?" Medyo tumaas na ang boses ko. Kapag naiisip ko kasi yung Tricia na 'yun ay kumukulo ang dugo ko."She's just like that. A brat. Hindi mo na dapat sya pinatulan. I gave you sign kanina." Baliwalang sabi nito habang nagdadriver. Tinignan ko sya ng masama."Kailangan nyang matuto na hindi lahat kaya nya. Isa ba sya sa mga kafling mo?" Hindi ko maiwasang itanong.Tahimik lang sya. So, ibig sabihin oo."Kaya naman pala ang bitter nya, kanina ko pa napapansin na masama sya tumingin sa akin, dinedma ko lang. Pero pinuno nya ako." Kung pwede lang tirisin 'yun, ginawa ko na.Narinig ko syang tumawa ng mahina. Nilingon ko sya. "Anong nakakatawa?""Ikaw." Nilingon nya ako. Hindi ko alam kung na
Ang saya-saya ng araw ko. Feeling ko, unti-unti na akong minamahal ni Jared. Confirmation na lang ang kulang.Maaga akong gumising para pumunta sa store, ngayon kasi kami magkikita ni Margareth."Good morning Ate." Nilingon ko si Jessa na gulo-gulo pa ang buhok."Good morning. Ready na ang breakfast, kain ka na." Sabi ko dito habang nagtitimpla ng kape."Where's kuya?""Nasa taas pa, pero nagbibihis na. O ayan na sya." Inabot ko kay Jared ang kape at naupo na kami."Anong oras ka uuwi?" Iritadong tanong ni Jared sa kapatid"Jared." Sabi ko. Tinignan nya lang ako at ininom ang kape."You can stay as long as you want." Nginitian ko si Jessa."Thanks ate, you're the best!" Tinignan nito si Jared na dinilaan. "Jared, maaga akong aalis, magkikita kasi kami ni Margareth para sa gown."Tumigil sya sa pagkain."Kasama ba 'yung mother in law nya?""Hindi ata." Naalala ko na naman 'yung mother in law nya na masungit."Jessa, samahan mo ang ate mo sa store." Natigilan sa pagkain si Jessa."Hindi
It's been two days ng simulan ko ang pananahi ng wedding gown, inspired ako kaya hindi ko talaga 'to tinitigilan."Do you want to eat?" Tanong ni Jared pagpasok nya sa private office nya. Sya ang nag insist na doon na daw para makapag focus ako."Mamaya na." Sagot ko. Hindi ko matigilan ang pagtatahi dahil talagang naeexcite ako sa kalalabasan."Ipapaalala ko lang sayo, Elaisa. It's already 1:35 pm at hindi ka pa kumakain." Natigilan ako ng marinig ko ang iritado nyang boses."Busog pa naman ako. Nag breakfast ako kanina." Naupo ako sa saglit at humarap sa kanya."Eat." Itinuro nya 'yung pagkain na nasa lamesa."Dinalhan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko."Hindi ka lumalabas eh. Tigilan mo na muna 'yan at kumain ka." Sinunod ko na ang sinabi nya, minsan lang naman 'to kaya sagarin na.Masaya akong kumain habang sya ay nakaupo at may tinitignan na papeles."May lakad ka ba mamaya?" Tumigil ako sa pagkain ng marinig ko si Jared.Saglit akong nag-isip. "Hmn. Wala, pero may tatahiin
"Aalis pala ako bukas ng umaga. I have a meeting in Paris." Sabi ni Jared habang nag aayos ng gamit.Natigilan ako ng magsalita sya. "Ilang araw ka doon?" Tanong ko."Five days. Not so sure." Sagot nya habang tinitignan ang papeles, at kumakain. Multi tasking. Napasimangot ako."O-Okay. Kailan ang alis mo?" Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napatango na lang ako."Bukas ng umaga." Napaangat na ako ng ulo. "Agad-agad?" Nilapitan ko sya. Tumapat ako sa lamesa nya, gustong gusto ko syang titigan."Why? Gusto mong sumama?" Nakangisi pa sya."A-Ano." Pwede kaya?"Gusto sana kitang isama kaso magiging busy ako doon." Tumayo sya at tumapat sa akin."H-Hindi rin naman ako makakasama kasi kailangan kong tapusin 'yung wedding gown." Nakakalungkot naman."Babalik din ako kaagad." Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, sandali lang 'yun pero feeling ko nakalapat pa rin ang labi nya sa akin."You take care of yourself, okay? No bar with Jessa." Pinindot nya pa ang ilong ko."Oo n
Natuyo ang utak ko dito. Some scene are not suitable for young readers. I already warned you guys, wag nyo akong sisihin kung maihi man kayo. HAHA 😉😉😉😉-------"I'm done!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil after one week ay tapos ko na ang wedding gown. Napagdesisyonan ko na tapusin ang gown sa store para hindi ako mahirapan sa pagdala."Congrats, Mrs. Montefalcon. Nasa labas na po sina Mrs. Conrado." Sabi ni Nanita habang nililigpit namin ang kalat."Talaga? Sakto pala. Papasukin mo na sila." Hindi ko akalain na natapos ko sya, first time kong gumawa ng wedding gown."Good afternoon, Elaisa." Nakipagbeso ako kay Margareth at sa Mother in law nya."Ito na ang gown." Itinulak ko papalapit sa kanila ang mannequin."Gosh! Oh my God! It's wonderful!" Halos maiyak iyak na sabi ni Margareth, pati ako ay naiiyak. "Salamat ng sobra, Elaisa." Niyakap nya ako.Tinignan ko si Mrs. Conrado, she smiled at me. "It's beautiful, I like it." "Invited ka sa kasal ko, Elaisa, I want you there." S
Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas
Mamaya na ang start ng operation ko. Mas pinili ko ang magbilad sa araw ng mag-isa. Mugto pa ang mata ko dahil nakausap ko ang magulang ko kagabi at inamin ko na sa kanila ang kalagayan ko. Para kung sakaling mawala ako ay handa sila.Muntik ko na rin maitanong sa kanila si Jared. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung mukha nya noong humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa ko syang saktan dahil sa sinabi ko, paano pa kaya kapag nalaman nya na ang kalagayan ko.Tuwing gabi ay umiiyak ako, naaawa na nga ako kay Venice dahil baka naiistorbo ko sya. Hindi nya rin kasi ako maiwanan. Tinitiis nya ang maliit na kama sa hospital para mabantayan ako. Pumikit ako at tumingala, niramdam ang init ng araw. Marahil ay ito na ang huling araw na mararamdaman kita. "So we'll start the operation after two hours. Just to let you know Elaisa. Surgical procedures for the treatment of tumor can be complicated and may involve significant risk." Masisinsinang paliwanag ng doctor."
Hindi na ako nagtangka pa na ummuwi sa bahay dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya. Ang sabi sa akin nila Venice ay mag iwan na lang ako ng mensahe sa kanya na ipadala na lang sa bahay ni Doc Felix ang mga gamit ko, kasama na ang divorce paper. Pinahiram ako ng gamit ni Venice para sa pag alis namin bukas. Imbes na next week ay napagdesisyonan ko na umalis kaagad. Sa America na lang daw kami bibili ng damit para magamit ko pang araw-araw.Bago kami sumakay sa eroplano ay nag-iwan muna ako ng send muna ako ng message para sa mga taong mahal ko. Sa magulang at kapatid ni Jared pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko sinabi ang tunay kung dahilan, basta nanghingi lang ako ng tawad sa kanila. Lalo na sa pamilya ni Jared, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako."Ready ka na ba?" Inakbayan ako ni Venice. Nginitian ko sya at tumango.Sana ay hindi masayang lahat ng pagod at emosyon."We'll start with the chemo since we already have here your previous result of the test that was c
Mabilis natapos ang pakikipag-usap namin sa ibang doctor at umaasa sila na next week ay sabay sabay na kaming makakaalis. Pinili naming maiwan ni Doc. Felix, dadaanan daw kasi si Venice."Mukhang nabuhayan ka ata ng loob ngayon ha?" Natawa kaming parehas ni Doc Felix sa sinabi nya."Oo. Naniniwala ako sa kakayahan nyong mga doctor, alam ko na matutulungan nyo ako." Tumunog na naman ang cellphone ko, saglit kong tinignan at kinabahan na naman ako."Si Jared?" Tumango ako sa tanong ni Doc. Felix. "Napakakulit naman talaga ng lalaki na yan!"Habang nagmemeeting kami kasama ng ibang doctor ay tumatawag si Jared pero hindi ko pinapansin dahil wala akong maayos na idadahilan, ang alam nito ay nasa bahay ako."Jared?" "Tapos ka na bang maglinis?" Napataas ako ng kilay sa tono ng pagtatanong nya. Napainom ako ng kape ng wala sa oras."H-Ha? Hindi pa eh. Bakit?" Tumingin ako kay Doc. Felix dahil may sinisenyas ito sa labi ko."Talaga ba?" Nagdududa na sya? Nalilito na ako dahil kay Jared at