Ang saya-saya ng araw ko. Feeling ko, unti-unti na akong minamahal ni Jared. Confirmation na lang ang kulang.Maaga akong gumising para pumunta sa store, ngayon kasi kami magkikita ni Margareth."Good morning Ate." Nilingon ko si Jessa na gulo-gulo pa ang buhok."Good morning. Ready na ang breakfast, kain ka na." Sabi ko dito habang nagtitimpla ng kape."Where's kuya?""Nasa taas pa, pero nagbibihis na. O ayan na sya." Inabot ko kay Jared ang kape at naupo na kami."Anong oras ka uuwi?" Iritadong tanong ni Jared sa kapatid"Jared." Sabi ko. Tinignan nya lang ako at ininom ang kape."You can stay as long as you want." Nginitian ko si Jessa."Thanks ate, you're the best!" Tinignan nito si Jared na dinilaan. "Jared, maaga akong aalis, magkikita kasi kami ni Margareth para sa gown."Tumigil sya sa pagkain."Kasama ba 'yung mother in law nya?""Hindi ata." Naalala ko na naman 'yung mother in law nya na masungit."Jessa, samahan mo ang ate mo sa store." Natigilan sa pagkain si Jessa."Hindi
It's been two days ng simulan ko ang pananahi ng wedding gown, inspired ako kaya hindi ko talaga 'to tinitigilan."Do you want to eat?" Tanong ni Jared pagpasok nya sa private office nya. Sya ang nag insist na doon na daw para makapag focus ako."Mamaya na." Sagot ko. Hindi ko matigilan ang pagtatahi dahil talagang naeexcite ako sa kalalabasan."Ipapaalala ko lang sayo, Elaisa. It's already 1:35 pm at hindi ka pa kumakain." Natigilan ako ng marinig ko ang iritado nyang boses."Busog pa naman ako. Nag breakfast ako kanina." Naupo ako sa saglit at humarap sa kanya."Eat." Itinuro nya 'yung pagkain na nasa lamesa."Dinalhan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko."Hindi ka lumalabas eh. Tigilan mo na muna 'yan at kumain ka." Sinunod ko na ang sinabi nya, minsan lang naman 'to kaya sagarin na.Masaya akong kumain habang sya ay nakaupo at may tinitignan na papeles."May lakad ka ba mamaya?" Tumigil ako sa pagkain ng marinig ko si Jared.Saglit akong nag-isip. "Hmn. Wala, pero may tatahiin
"Aalis pala ako bukas ng umaga. I have a meeting in Paris." Sabi ni Jared habang nag aayos ng gamit.Natigilan ako ng magsalita sya. "Ilang araw ka doon?" Tanong ko."Five days. Not so sure." Sagot nya habang tinitignan ang papeles, at kumakain. Multi tasking. Napasimangot ako."O-Okay. Kailan ang alis mo?" Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napatango na lang ako."Bukas ng umaga." Napaangat na ako ng ulo. "Agad-agad?" Nilapitan ko sya. Tumapat ako sa lamesa nya, gustong gusto ko syang titigan."Why? Gusto mong sumama?" Nakangisi pa sya."A-Ano." Pwede kaya?"Gusto sana kitang isama kaso magiging busy ako doon." Tumayo sya at tumapat sa akin."H-Hindi rin naman ako makakasama kasi kailangan kong tapusin 'yung wedding gown." Nakakalungkot naman."Babalik din ako kaagad." Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, sandali lang 'yun pero feeling ko nakalapat pa rin ang labi nya sa akin."You take care of yourself, okay? No bar with Jessa." Pinindot nya pa ang ilong ko."Oo n
Natuyo ang utak ko dito. Some scene are not suitable for young readers. I already warned you guys, wag nyo akong sisihin kung maihi man kayo. HAHA 😉😉😉😉-------"I'm done!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil after one week ay tapos ko na ang wedding gown. Napagdesisyonan ko na tapusin ang gown sa store para hindi ako mahirapan sa pagdala."Congrats, Mrs. Montefalcon. Nasa labas na po sina Mrs. Conrado." Sabi ni Nanita habang nililigpit namin ang kalat."Talaga? Sakto pala. Papasukin mo na sila." Hindi ko akalain na natapos ko sya, first time kong gumawa ng wedding gown."Good afternoon, Elaisa." Nakipagbeso ako kay Margareth at sa Mother in law nya."Ito na ang gown." Itinulak ko papalapit sa kanila ang mannequin."Gosh! Oh my God! It's wonderful!" Halos maiyak iyak na sabi ni Margareth, pati ako ay naiiyak. "Salamat ng sobra, Elaisa." Niyakap nya ako.Tinignan ko si Mrs. Conrado, she smiled at me. "It's beautiful, I like it." "Invited ka sa kasal ko, Elaisa, I want you there." S
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang waiting shed. Hindi ako pwedeng umuwi kila mama. Ayokong magpakita na ganito ang itsura ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, wala akong mapagkatiwalaan na tao na pwedeng kong pagsabihan ng nangyayari sa akin, doon ko narealize na kay Jared lang umiikot ang mundo ko.[BEEP BEEP] Kinabahan ako ng may humintong kotse sa harapan ko. It's Margareth.Dinala nya ako sa isang restaurant para makapag usap."Anong nangyari sayo, Elaisa?" Tanong nya."Naglayas ako sa amin." Natatawang sabi nya."Hindi na ako magtatanong, naiintindihan ko kung hindi mo kayang sabihin ngayon. May mapupuntahan ka ba?" Umiling ako."I can help you. I have this place in Antipolo. Ipapahiram ko sayo ang rest house ko doon." Nabuhayan ako sa sinabi nya."Salamat, Margareth. Wala kasi talaga akong matutuluyan." Naiyak na ako."Okay lang yun. Basta kapag kaya mo ng magkwento, nandito lang ako."After naming mag kwentuhan ay pinahatid nya ako sa driver nila sa Antipolo. Ang ganda ng luga
"Congratulations Mrs. Montefalcon, you are two weeks pregnant. I will give you your daily vitamins." Tulala lang ako sa lahat ng sinabi ni Dra."Thanks, Nicole." Sabi ni tita Daniella, close friend nya daw ito at talagang mapagkakatiwalaan.Paglabas namin sa clinic ay dumiretso na kami sa drug store para bumili ng mga vitamins. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, isang beses pa lang namin ginawa 'yun. Hindi ko alam kung maiinis ako kay Jared o matutuwa."I can't believe it! At last, magkakaroon na ako ng apo kay Jared." Masayang sabi ni tita Daniella."Tita, hindi pa ako handa ipaalam kay Jared." Hindi ko kasi alam kung matatanggap nya."Sure, Elaisa. I will keep in touch. Ako ang sasama every check up mo." Niyakap ako ni tita ng mahigpit. Naiiyak na naman ako. Hindi kami umuwi kaagad dahil nag grocery muna kami para sa mga pagkain ko. Napahawak ako sa tiyan ko, may kasama na ako, hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko. Hindi ko ipagkakait sa anak ko ang ama nya, pe
Nagsisimula na ang mga weird cravings ko. Minsan inutusan ko si Nathaniel na magluto ng fried chicken tapos isinawsaw ko sa peanut butter, masuka suka pa nga sya, kaya kinurot ko na naman ang pisngi nya.2 months na akong buntis at kada araw na lumilipas ay talagang nahihirapan ako, ang hirap magbuntis. Sasamahan ako ni Nathaniel ngayon para magpacheck up, hindi kasi pwede si tita dahil feeling nya daw ay may sumusunod sa kanya."Good morning, Mrs. Montefalcon. How's your baby?" Masuyong tanong ni Dra."Lalo po akong pinapahirapan, pero okay lang. Masaya po ako." Nakangiting sagot ko."Ganyan talaga Mommy. You look blooming, hiyang ka sa pagbubuntis. Dadagdagan natin ang vitamins mo dahil lumalaki na si baby." Saglit pa akong chineck up ni Dra bago ako lumabas.Ang tagal naman ni Nathaniel, sabi nya sa akin bibili lang sya ng pagkain pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya. Naghintay lang ako sa waiting area. Naglalaro ako ng temple run ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko."Natha
"Okay ka lang ba talaga dito?" Natawa ako sa tanong ni Nathaniel."Pang lima na tanong mo na sa akin 'yan." Sagot ko habang tinutulungan syang mag impake ng damit."Pwede naman kasi akong hindi na umalis para masamahan kita." Tinigil nya ang pag iimpake at naupo sa kama."Kailangan ka nila doon. Kaya ko naman na ang sarili ko, pati nandito naman si Aling Susan." May meeting daw kasi 'to na kailangan puntahan para sa business at one week sya doon."Kung pwede lang kitang isama, ginawa ko na Elaisa." Malungkot na sabi nito. Kinurot ko lang sya sa pisngi.Naging mabuting kaibigan sa akin si Nathaniel at nagpapasalamat ako sa kanya, though medyo nagkakailangan pa rin minsan dahil sa paghalik nya sa akin dati, pero pilit ko ng kinakalimutan 'yun."Dalhan mo ako ng pasalubong ha?" Paglalambing ko sa kanya. Nakita kong napangiti naman sya."What do you want?" Hinawakan nya ang kamay ko. Saglit akong nag isip."Hmn. Gusto ko ng chocolate cake, at fried chicken tapos itetext ko yung iba." Napa
Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas
Mamaya na ang start ng operation ko. Mas pinili ko ang magbilad sa araw ng mag-isa. Mugto pa ang mata ko dahil nakausap ko ang magulang ko kagabi at inamin ko na sa kanila ang kalagayan ko. Para kung sakaling mawala ako ay handa sila.Muntik ko na rin maitanong sa kanila si Jared. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung mukha nya noong humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa ko syang saktan dahil sa sinabi ko, paano pa kaya kapag nalaman nya na ang kalagayan ko.Tuwing gabi ay umiiyak ako, naaawa na nga ako kay Venice dahil baka naiistorbo ko sya. Hindi nya rin kasi ako maiwanan. Tinitiis nya ang maliit na kama sa hospital para mabantayan ako. Pumikit ako at tumingala, niramdam ang init ng araw. Marahil ay ito na ang huling araw na mararamdaman kita. "So we'll start the operation after two hours. Just to let you know Elaisa. Surgical procedures for the treatment of tumor can be complicated and may involve significant risk." Masisinsinang paliwanag ng doctor."
Hindi na ako nagtangka pa na ummuwi sa bahay dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya. Ang sabi sa akin nila Venice ay mag iwan na lang ako ng mensahe sa kanya na ipadala na lang sa bahay ni Doc Felix ang mga gamit ko, kasama na ang divorce paper. Pinahiram ako ng gamit ni Venice para sa pag alis namin bukas. Imbes na next week ay napagdesisyonan ko na umalis kaagad. Sa America na lang daw kami bibili ng damit para magamit ko pang araw-araw.Bago kami sumakay sa eroplano ay nag-iwan muna ako ng send muna ako ng message para sa mga taong mahal ko. Sa magulang at kapatid ni Jared pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko sinabi ang tunay kung dahilan, basta nanghingi lang ako ng tawad sa kanila. Lalo na sa pamilya ni Jared, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako."Ready ka na ba?" Inakbayan ako ni Venice. Nginitian ko sya at tumango.Sana ay hindi masayang lahat ng pagod at emosyon."We'll start with the chemo since we already have here your previous result of the test that was c
Mabilis natapos ang pakikipag-usap namin sa ibang doctor at umaasa sila na next week ay sabay sabay na kaming makakaalis. Pinili naming maiwan ni Doc. Felix, dadaanan daw kasi si Venice."Mukhang nabuhayan ka ata ng loob ngayon ha?" Natawa kaming parehas ni Doc Felix sa sinabi nya."Oo. Naniniwala ako sa kakayahan nyong mga doctor, alam ko na matutulungan nyo ako." Tumunog na naman ang cellphone ko, saglit kong tinignan at kinabahan na naman ako."Si Jared?" Tumango ako sa tanong ni Doc. Felix. "Napakakulit naman talaga ng lalaki na yan!"Habang nagmemeeting kami kasama ng ibang doctor ay tumatawag si Jared pero hindi ko pinapansin dahil wala akong maayos na idadahilan, ang alam nito ay nasa bahay ako."Jared?" "Tapos ka na bang maglinis?" Napataas ako ng kilay sa tono ng pagtatanong nya. Napainom ako ng kape ng wala sa oras."H-Ha? Hindi pa eh. Bakit?" Tumingin ako kay Doc. Felix dahil may sinisenyas ito sa labi ko."Talaga ba?" Nagdududa na sya? Nalilito na ako dahil kay Jared at