"Nagsumbong ka ba kay mommy na sinasaktan kita?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Jared, kasalukuyan akong naghuhugas ng plato.
"Ha? Hindi." Ano ba ang pinagsasabi nito?"Eh bakit nya ako tinatanong kung sinasaktan ba kita?" Sigaw nya na naman sa akin.Nagkita kasi kami kahapon ni tita at nakita nya ang mga pasa ko, hindi ako naka isip ng dahilan kaya ngumiti lang ako, hindi ko naman alam na sasagi sa isip na tita na sinasaktan ako ng anak nya."N-Nakita nya lang ang pasa ko, pero wala akong sinabi." Pagpapaliwanag ko pero kagaya ng dati, hindi nya ako pinakinggan. Hinablot nya ang braso ko kaya nabagsak sa paanan ko ang braso na hawak ko, napangiwi ako sa sakit."Wag na wag kang magkakamali na siraan ako sa magulang ko, kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Diniinan nya pa ang hawak sa braso ko bago ako itinulak dahilan ng pagtama ko sa lababo.Tinignan ko na lang sya na papalayo. Ginagawa ko ang lahat para pagtakpan sya sa magulang nya hangga't kaya ko, pero ito lang pala ang matatanggap ko.Dadamputin ko na sana 'yung nabasag na baso ng makakita ako ng dugo sa paanan ko, bigla akong nahilo. Meron akong hemaphobia, nagsimula 'to nung 13 years old ako. Nasagasaan ako ng kotse at nauntog ang ulo ko sa pavement, puro dugo ang paningin ko noon.Feeling ko ay hihimatayin na ako. Pinilit kong maupo, naalala ko 'yung aksidente ko. Huminga ako ng malalim. Napahagulgol na ako."H-Hindi ko kaya." Natatakot talaga ako sa dugo. Kinakapos na ako ng hininga. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko, pero pinilit kong maupo."Anong ginagawa mo dyan? Linisan mo na 'yang binasag mo." Singhal sa akin ni Jared, palabas sya ng bahay.Gusto ko sana humingi ng tulong pero walang lumalabas na salita sa bibig ko, tanging paghikbi lang ang kaya ko."Ano? Iiyak ka na lang ba dyan? Tigilan mo ako sa kadramahan mo Elaisa! Nakakairita ka!" Tumayo sya sa harapan ko, humawak ako sa pantalon nya kaso sinipa nya lang ang kamay ko."T-Tulong. Tulungan m-mo ako." Namamaos na sabi ko."Tulong?! Napaka simple lang ng gagawin mo!" Tinalikuran nya ako para sagutin ang kung sino man na tumatawag sa kanya. "Yeah, sweetheart. Papunta na ako." Sabi nito bago ako iwanan.Awang-awa na ako sa sarili ko, hindi ko na kinaya pa at nawalan na ako ng malay.---"You're wife has hemaphobia, and that's the reason kaya sya hinimatay, nahirapan din syang huminga dahil sa pag iyak. Nagtatrabaho ba ang asawa mo? Mukhang bugbog sya sa trabaho, maraming pasa sa katawan."Naalimpungatan ako dahil sa mga narinig ko. Alam kong doctor 'yun. Mas pinili ko ang magtulog-tulugan."Mahina ang resistensya ng katawan ng asawa mo, Mr. Montefalcon, prone sya sa sakit. She should drink vitamins. Mauuna na ako." Saglit na katahimikan ang naganap bago ako nakarinig ng sigaw."Salamat doc." Narinig kong sabi ni Jared."Hindi ka ba nag iisip, Jared? Papaanong pinabayaan mo ang asawa mo sa ganoong kalagayan? Sinasaktan mo ba sya? Ha?" Boses 'yun ng mama nya."I'm at work, h-hindi ko alam ang nangyari sa kanya." Mahinang sagot ni Jared. Sinungaling."You don't know?! For Pete's sake, Jared! Hindi mo ba nakikita ang katawan ng asawa mo? Nakapayat at puro pasa!" Umiiyak na ang mommy nya kaya dumilat na ako."T-Tita." Pareho silang lumingon sa akin."Thank God, you're awake!" Bigla akong niyakap ni tita, umiiyak sya, naiyak na rin ako. Namimiss ko na sina Mama. "Kamusta ang pakiramdam mo? Anong masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong nya."Medyo nahihilo lang po ako." Ngumiti ako ng pilit. Ayoko na mag alala pa sya."Bakit kasi mag-isa ka lang sa bahay nyo? Dapat may maid na kayo!""Hindi na po tita, nadulas lang kasi ako kanina kaya nalaglag ko 'yung baso sa paanan ko. I'm sorry kung pinag alala ko pa kayo." Nilingon ko si Jared, nakatingin sya sa akin pero kaagad din naman nag iwas ng tingin."Mabuti na lang at naisipan kong dumalaw sa bahay nyo." Inalalayan ako ni tita para makaupo. "Tatanungin ko lang ang doctor kung kailan ka na pwedeng lumabas, Jared, subuan mo ng prutas 'tong asawa mo." Utos ni tita bago lumabaa ng kwarto.Kahit napipilitan ay kumuha sya ng orange at isinubo sa akin. May parte ng puso ko na natutuwa. Paglabas ni tita ay saglit nya akong tinitigan bago ibinagsak sa akin ang orange."Kumain ka mag-isa mo." Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. "Ang galing mo rin no? Nakagawa ka na naman ng paraan para magalit ang mommy sa akin. Hemaphobia? That's bullshit!" Nagulat ako ng bigla syang sumigaw."And what? I'm stuck here with you! Para alagaan ka!" Sigaw nya ulit. Kitang-kita ko sa mata nya na kinasusuklaman nya ako."H-Hindi mo naman kailangang gawin 'yun." Sabi ko."Hindi ko naman talaga gagawin 'yun. You know what? Nacancel ang dapat na date ko ngayon dahil dyan sa kasinungalingan mo! Sana ngayon ay masaya na ako sa ibang babae. Sa susunod, ibang dahilan naman ang sabihin mo para kapani-paniwala." Hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na sya.Pinakawalan ko na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.Akala ko after party ay babait na sya sa akin. Hindi pala, parang mas lumala pa ang pagkamuhi nya sa akin.Tama ba ang lahat ng desisyon ko?Tama ba na magsakripisyo pa rin ako?Tama ba na mahalin ko pa rin sya kahit ang sakit-sakit na?Kailan ba ako liligaya?ALERT! ALERT! ALERT! SPG! NAGWARNING NA AKO AH. WALANG SISIHAN KAPAG NAIHI KAYO. HAHAHA-------Tuluyan na akong nagresign sa convenience store na pinagtatrabahuhan ko para mapagtuunan ko ng pansin ang store na regalo sa akin ni tita.Habang naglalakad ako sa mall ay parang may nakita akong familiar na mukha. Lumapit ako. Hindi nga ako nagkamali, it's Jared, kasama nya 'yung babae sa party.Nagkasalubong sila, nanlaki ang mata nya."What are you doing here?" Tanong nya."G-Galing ako sa store." Tinignan ko 'yung babae, kapit na kapit sya kay Jared."Hon, diba sya 'yung yaya mo?" Tanong ng kasama nya, tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa."O-Oo." Sagot nya. Nasasaktan na naman ako."By the way, I'm Evelyn. Why don't you join us? Kakain kami." Parang gusto kong tumawa dahil niyaya pa talaga ako nung babae na kumain."Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako." Pagdadahilan ko."Where are you going?" Tanong ni Jared."Mag iikot lang po, Sir." Pagkasagot ko noon ay umalis na ako. Ang sak
THIRD PERSON'S POV"T-Tito, parang awa nyo na po. Tama na po, tito. T-Tito." Mahinang usal ni Elaisa.Awang awa na sya sa sarili nya. Minsan na syang nagahasa at ayaw nya ng mangyari ulit 'yun, pilit nya ng kinakalimutan ang ala-ala na 'yun pero unti-unting bumabalik dahil sa ginagawa ng lalaki pinakamamahal nya."Tito! Tama na po. Nagmamakaawa po ako. A-Ayoko na po. Hindi na p-po ako magsusumbong kina m-mama." Wala sa sariling sabi nya. Suko na sya, hindi na sya makakalaban. Hinding hindi na sya makakatakas sa masamang karanasan nya.Tila natauhan naman si Jared sa narinig nya dahil bigla lang napatayo. Halos sabunutan na nya ang sarili dahil sa nakikitang itsura ni Elaisa. Puro pasa ang katawan at may dugo sa gilid ng labi. Kaagad nyang tinanggal ang pagkakatali nito."E-Elaisa." Hinawakan nya ang mukha nito."Wag! Wag! Hindi na ako lalaban! Wag mo po akong sasaktan! Tito!" Nagwawala na si Elaisa. Namaluktot ito sa gilid ng kama."No! I won't hurt you." Pili nyang nilalapitan si Ela
One week na ang nakalipas after the therapy. Naging normal na ang lahat. Unti-unti ko ng natatanggap ang nakaraan ko, sabi ng psychiatrist ko, hindi ko daw kailangang kalimutan 'yun. Acceptance is the key word.Pero after that incident, natatakot ako kapag nilalapitan ni Jared. Napapaatras ako dahil baka saktan nya na naman ako.[Elaisa, free ka ba today?] Kinabahan ako ng marinig ang boses ni Nathaniel sa kabilang linya."A-Ano, oo free ako." Sagot ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid, baka kasi biglang pumasok si Jared.[Good. Okay lang ba na magkita tayo?]Hindi ko matanggihan si Nathaniel kaya um-oo ako. Sya lang naman ang kaibigan ko dito. Kailangan ko talaga ng makakausap dahil para na akong mababaliw dito sa bahay. Pagbaba ko ng cellphone ay may biglang humila ng buhok ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Jared."Puta ka talagang babae ka! Hindi ba't sinabi ko sayo na 'wag ka ng makikipagkita o makikipag usap kay Nathaniel!" Kinilabutan ako sa mga tit
Ilang araw na akong tinatawagan ni Nathaniel, pero hindi ko sinasagot. Natatakot kasi ako sa banta ni Jared, baka dahil sa akin ay masira ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay medyo bumait na si Jared, hindi nya na rin ako nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala yung pagkataranta ko minsan.Bumaba si Jared at may dala na isang malaking maleta."Saan ka pupunta?" Tanong ko."I have business meeting in Canada." Sagot nito ng hindi ako nililingon.Business meeting? O meeting with his girl."G-Gaano katagal kang mawawala?""One week." And it's confirmed. Naalala ko noong naghatid ako ng pagkain sa library nya, one week daw sila ng babae nya sa Canada.Tinitigan ko sya habang inaayos ang tie nya. Mahirap basahin ang ugali ni Jared, hindi sya nagpapakita ng emosyon kapag kaharap ako. Kaya hanggang ngayon ay tinatansya ko sya.."Wedding anniversary na natin sa isang araw." Ngumiti ako ng tumingin sya sa akin. Inilabas nya ang wallet nya at nag abot sa akin ng credit
Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako."Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan."Ikaw ang bahala." "Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves."Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang
Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Ayaw ko sanang bumangon kaso tanghali na. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Daniella, pumasok daw ako sa store. Kailangan ko na pa lang magresign as cashier.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, siguro naman nakaalis na si Jared. Hindi ako kagaya noong mga nakainom tapos sasabihin na wala silang naalala, ako, tandang-tanda ko!Pagdating ko sa kusina, halos kapusin ako ng hininga dahil nakita ko si Jared na nagluluto. Aalis sana ako ng tawagin ako nito."Jessabelle!" Sigaw nito at maya-maya lang ay pumasok si Jessa sa kusina."Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya. Napakamot naman 'to ng ulo."You two. Ano ang pumasok sa isip nyo at nagbar kayong dalawa?" Nakakatakot na humarap sa akin sa amin si Jared. Sisermonan nya pala kami."K-Kasi naman kuya, you left her. We celebrate." Nakayukong sagot nito."Do you think gawain ng matinong babae 'yan?! Jessabelle?! Paano kung napahamak kayo?" Halos dumagundong na ang bahay dahil sa sigaw
Inspired ako sa paggawa ng wedding gown ni Margareth. Pakiramdam ko kasi sa akin 'yung ginagawa ko."Matagal ka pa ba dyan?" Napalingon ako kay Jared, nakalimutan ko na kasama ko pala sya. Tumayo sya sa harapan ko."Ah, oo eh. Kailangan kasi makita kaagad ni Margareth." Tinuloy ko ang pagdadrawing. "May pupuntahan ka ba?""May meeting ako.""Sige, mauna ka na lang. Uuwi na lang ako mag-isa." Tinuon ko ulit ang atensyon sa design. Kailangan kong gandahan."Hihintayin kita. Isasama kita sa meeting." Napatingala ako sa kanya."H-Ha? Wala naman akong maitutulong doon." Akala ko aalis na sya, 'yun pala ay naupo lang sya."I'm giving you 10 minutes, kapag hindi ka pa tumayo dyan ay hihilain kita." Seryosong sabi nito at inilabas ang cellphone.Hindi ko na hinintay matapos ang 10 minutes, kaagad na akong tumayo dala ang sketch pad, doon ko na lang tatapusin."Nanita, ikaw na ang bahala dito. Mauuna na kami." Sabi ni Jared pagkalabas namin ng office."Salamat po Ma'am at Sir." Nakangiting sab
"What was that?" Tanong sa akin ni Jared pagsakay ng kotse."Anong what was that?" Balik tanong ko."Yung usapan nyo ni Tricia kanina. Can't you notice that everyone is looking at you two?" Hindi ko malaman kung galit ba sya or what."Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na ipahiya nya tayo sa mga kasama mo?" Medyo tumaas na ang boses ko. Kapag naiisip ko kasi yung Tricia na 'yun ay kumukulo ang dugo ko."She's just like that. A brat. Hindi mo na dapat sya pinatulan. I gave you sign kanina." Baliwalang sabi nito habang nagdadriver. Tinignan ko sya ng masama."Kailangan nyang matuto na hindi lahat kaya nya. Isa ba sya sa mga kafling mo?" Hindi ko maiwasang itanong.Tahimik lang sya. So, ibig sabihin oo."Kaya naman pala ang bitter nya, kanina ko pa napapansin na masama sya tumingin sa akin, dinedma ko lang. Pero pinuno nya ako." Kung pwede lang tirisin 'yun, ginawa ko na.Narinig ko syang tumawa ng mahina. Nilingon ko sya. "Anong nakakatawa?""Ikaw." Nilingon nya ako. Hindi ko alam kung na
Sorry.--"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya."Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix."Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala." "A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap."T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko."Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gu
Naging masaya ang mga lumipas na araw maliban na nga lang sa pagdalas ng sakit ng ulo ko at Oo, hindi ako gumaling. Ngayon ay hindi ko na masabi kung naging successful ba ang operation, walang naging problema pagkatapos pero kagaya nang paliwanag sa akin ay ginaya ng mga cancer cell ang healthy cell kaya hindi tuluyang nawala ang lahat. Pinaliwanag din sa akin ni Doc Felix na 10% lang ang chance ko na mabuhay kung itutuloy pa namin ang operation at maaaring mamatay ako habang isinasagawa 'yun. Noong una ay sinabi nya sa akin na ituloy ang pangalawang operasyon, pumayag kaagad ako kahit na napakalabo noong 10% chance of survival pero noong nalaman ko na I only have two days to prepare for operation ay tumanggi ako. Napaisip ako, paano kung bumigay ang katawan ko? That's why I come to this decision na sulitin ang nalalabing araw ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, kung hindi ako maglalagay ng make up sa mukha ay talagang mahahalata na may sakit ako kaya s
Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad."Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami."Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy."Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta."Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel."Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita."Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy."Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel."No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni
Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin."Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."Kwinento ko sa ka
Elaisa's POVIsang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalabas ng hospital. Nakausap ko sila Doc Felix kahapon and they need to check just to make sure na magaling na ako. May chance daw kasi na gayahin ng cancer cell ang healthy cell, yun ang iniiwasan nila.Sa loob ng isang linggo na yun ay hindi umalis sa tabi ko si Jared. Ramdam ko ang paghihirap nya, hindi nakakatulog ng maayos, hindi nakakakain sa tamang oras. Minsan ay nagigising ako ng madaling araw at makikita ko sya na nagtatrabaho sa harap ng laptop nya. Sinabihan ko na sya na nandito naman sina Doc Felix at maaalalayan ako pero ngumiti lang sya at hinalikan ako sa noo. Pabalik-balik din ang mga nurse para tulungan akong mag exercise para makalakad ng maayos.Minabuti ko na mag-isa habang kausap si Doc. Felix, sya kasi ang magpapaliwanag ng tungkol sa operasyon. Habang kausap sya ay hindi ko mapigilang humagulgol, napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Venice, kung hindi dahil sa t
Jared's POVMatagal natapos ang operation, normal lang daw yun sabi ni gagong Felix. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin sya. Mas pinili ko na mag-isa sa labas para manalangin.Panginoon, tulungan Nyo po ang mahal kong asawa. I'll do anything just to save her, so please. She's the only reason why I'm still breathing right now. The day she left me, hindi ako kaagad naniwala. Alam ko na hindi nya ako iiwan ng dahil lang sa isang lalaki. Nagpapasalamat ako dahil nagpapakatatag pa rin sya hanggang sa ngayon. So please, God help her.Nagkausap kami kanina ni gagong Felix at humingi sya ng tawad sa lahat ng kalokohan nya. Oo, marami syang kasalanan sa akin. Magkaklase kami noong college, we're close that I even introduced him sa babaeng nililigawan ko, that's Venice. And then one day, nakita ko na lang na magkasama na sila at naghahalikan. Sinapak ko sya malamang, pagkatapos noon ay hindi na kami nag-usap.Ngayon ay hindi ko magawang magalit ng matagal sa kanya dahil sya ang tumulong at nas
Mamaya na ang start ng operation ko. Mas pinili ko ang magbilad sa araw ng mag-isa. Mugto pa ang mata ko dahil nakausap ko ang magulang ko kagabi at inamin ko na sa kanila ang kalagayan ko. Para kung sakaling mawala ako ay handa sila.Muntik ko na rin maitanong sa kanila si Jared. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko yung mukha nya noong humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa ko syang saktan dahil sa sinabi ko, paano pa kaya kapag nalaman nya na ang kalagayan ko.Tuwing gabi ay umiiyak ako, naaawa na nga ako kay Venice dahil baka naiistorbo ko sya. Hindi nya rin kasi ako maiwanan. Tinitiis nya ang maliit na kama sa hospital para mabantayan ako. Pumikit ako at tumingala, niramdam ang init ng araw. Marahil ay ito na ang huling araw na mararamdaman kita. "So we'll start the operation after two hours. Just to let you know Elaisa. Surgical procedures for the treatment of tumor can be complicated and may involve significant risk." Masisinsinang paliwanag ng doctor."
Hindi na ako nagtangka pa na ummuwi sa bahay dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya. Ang sabi sa akin nila Venice ay mag iwan na lang ako ng mensahe sa kanya na ipadala na lang sa bahay ni Doc Felix ang mga gamit ko, kasama na ang divorce paper. Pinahiram ako ng gamit ni Venice para sa pag alis namin bukas. Imbes na next week ay napagdesisyonan ko na umalis kaagad. Sa America na lang daw kami bibili ng damit para magamit ko pang araw-araw.Bago kami sumakay sa eroplano ay nag-iwan muna ako ng send muna ako ng message para sa mga taong mahal ko. Sa magulang at kapatid ni Jared pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko sinabi ang tunay kung dahilan, basta nanghingi lang ako ng tawad sa kanila. Lalo na sa pamilya ni Jared, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako."Ready ka na ba?" Inakbayan ako ni Venice. Nginitian ko sya at tumango.Sana ay hindi masayang lahat ng pagod at emosyon."We'll start with the chemo since we already have here your previous result of the test that was c
Mabilis natapos ang pakikipag-usap namin sa ibang doctor at umaasa sila na next week ay sabay sabay na kaming makakaalis. Pinili naming maiwan ni Doc. Felix, dadaanan daw kasi si Venice."Mukhang nabuhayan ka ata ng loob ngayon ha?" Natawa kaming parehas ni Doc Felix sa sinabi nya."Oo. Naniniwala ako sa kakayahan nyong mga doctor, alam ko na matutulungan nyo ako." Tumunog na naman ang cellphone ko, saglit kong tinignan at kinabahan na naman ako."Si Jared?" Tumango ako sa tanong ni Doc. Felix. "Napakakulit naman talaga ng lalaki na yan!"Habang nagmemeeting kami kasama ng ibang doctor ay tumatawag si Jared pero hindi ko pinapansin dahil wala akong maayos na idadahilan, ang alam nito ay nasa bahay ako."Jared?" "Tapos ka na bang maglinis?" Napataas ako ng kilay sa tono ng pagtatanong nya. Napainom ako ng kape ng wala sa oras."H-Ha? Hindi pa eh. Bakit?" Tumingin ako kay Doc. Felix dahil may sinisenyas ito sa labi ko."Talaga ba?" Nagdududa na sya? Nalilito na ako dahil kay Jared at