Share

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)
Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)
Author: Fallen Leaf

Kabanata 01

Author: Fallen Leaf
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Aimi’s Point of View

Kasalukuyan kaming nasa silid-aralan upang makinig sa assignaturang ‘Philippine History’ na tatalakayin ni ma’am Chaiden— nakabalot ang kaniyang mga binti ng isang desenteng palda na bumagay sa kaniyang hubog ng katawan at suot isang kulay puting pump na takong. Ang kaniyang tuwid at maayos na buhok na mala kanela ang kulay ay  bumabagay din sa mala-diamond na hugis niyang mukha. Isa ito kung bakit maraming nagkakagusto kaniyang ngunit lagi niya itong winawalang-bahala dahil hindi niya raw priority sa ngayon ang lovelife. 

Nanlaki ang aking mga matang nang kalabitin ako ni Caraileine na may maalon na buhok na umaangkop sa kanyang hugis bilog na mukha. 

“Beware forswear replace the old with new hair,” saad n’ya.

 Agad naman niyang naagaw ang atensiyon ko dahil sa winika niyang orasyon na para sa magandang buhok na sinabi ni Mal kay Jane sa Descendants. Nahiligan kasi namin ni Cara nang unang inilabas ang Descendants 1 kaya’t sabay kaming nag-iipon at bumibili ng mga gamit nito.

Napahagikhik kaming dalawa sa aming kalokohan na dahilan upang mapalingon sa namin gawi si ma’am Chaiden habang nakakunot ang kaniyang noo. Hindi maipinta ang mukha ni Cara at bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang bigla kaming patayuin ni ma'am bilang kaparusahan.

“Ms. Cara ano ang topic nyo ni ms. Aimi? Can you share it to us? Baka may kinalaman ‘yan sa topic natin,” biglang pagsasalita si ma’am kung kaya’t natigil sa pakikinig ang mga kaklase namin at nabaling ang atensyon sa amin.

“W-Wala po ma’am. Nag-uusap lang po kami tungkol sa WWII,”  may bahid na kabang saad ni Cara habang unti-unting tumutulo ang niya pawis sa kaniyang noo. 

Humigpit ang hawak ni Ma’am Chaiden sa hawak niyang remote ng TV namin at tila bang hindi nakumbinsi sa isinalaysay ni Cara. Sa pagkakautal pa lamang kasi ng kaibigan kong ‘to ay alam mo nang nagsisinungaling siya. 

“Really? Anong kinalaman nito sa topic natin na ‘Prostitusyon’?” 

Napapikit na lang ako sa gulat nang madinig ang malakas na kalabog ng remote sa desk ng amin guro. Halatang nanggagalaiti ito dahil bakas ang pamumula niya habang binibigyan kami ni Cara ng matatalim na titig. Naramdaman ko na napabuntong hininga si Cara sa kaba dahil hindi niya alam ang isasagot. Nakakatakot si Ma’am Chaiden lalo na kung hindi ka nakikinig sa assignatura niya at kapag nabanggit ka niya ng isang beses ay ibig sabihin ay nanganganib na ang grado mo.

Agad naman akong napataas ng kamay upang mapansin ni ma’am na nais kong sumagot.

Agad s’yang napatingin sa akin at nagsalita ng kalmado, “Ano ang sagot mo?” Prenteng pinagmasdan niya ang kaniyang kuko.

 Mukhang kumbinsido na siyang hindi ko masasagot ang kaniyang tanong. Kilala siya bilang isang guro na ayaw malamangan o mapahiya sapagkat hindi niya gustong pinapangunahan s’ya sa mga tinuturo n'ya pero kinakailangan kong sumagot upang makaupo kami ni Cara.

“May kinalaman po ang prostitusyon sa WWII dahil kung atin pong titingnan, noong sinakop tayo ng mga hapones o ng ibang bansa ay karamihan sa kababaihan sa Pilipinas ay kanilang naging alipin at pinarusahan nang magsimulang magkaroon ng bahay aliwan. Legal ito sa Japan at noon ay ginagawang libangan ng mga Hapon ang kababaihan na naging comfort lady o mas alam natin ngayong sex slave,” taas noo kong sagot habang hinahabol ang aking hininga dahil sa haba ng sinabi ko. 

Mabuti na lamang ay nagbasa ako sa library nang nakaraang buwan. Kung hindi—  paniguradong nilalamon na kami ngayon ng kahihiyan.

“Both of you… sit down,” matigas na utos niya sa'min. 

Lihim naman akong napangiti at panigurado akong nagustuhan niya ang sagot ko.

Nagpasalamat sa akin si Cara na ikinatango ko na lamang.

Ibinaling ni ma’am Chaiden ang atensyon namin sa TV at marahang nag-isip. “Well, bukas ay malalaman niyo kung anong project ang gagawin nyo ngayong sem at individual ‘to kaya h’wag kayong umasa sa mga kaklase nyo. Okay, let's go back to the topic.” Nagsimula siyang ilipat ang slide na nasa screen. 

Dinig na dinig ang umaalingawngaw na bulungan ng pagkadismaya at pagreklamo ng mga kaklse ko, “Ano ba naman ‘yan, project agad! Napakahirap pa naman ng ibang subject natin, may recitation at quiz pa tayo mamaya.” 

Bigla naman napalingon sa kanila si ma’am Chaiden kaya’t sabay-sabay silang napaayos ng upo at nagpanggap na tilang walang nangyari. Lihim akong natawa at tinuon ang atensyon sa aming guro na nagtuturo na sa ngayon.

“Ano nga ba ang dahilan ng prostitusyon?” pagtatanong sa amin ni ma’am Chai.

“Una, dahil mabilis kumita ng malaking pera sa prostitusyon. Pangalawa, dahil ito ay isang negosyo. Pangatlo, ang ilang kasali sa negosyo ay nasanay na sa kultura ng pang-aabuso at pang-apat, dahil ito ang daan palabas sa kahirapan… kung napapansin nyo noon ang mga kababaihan ay pinipiling maging kabit ng isang mayamang opisyal,” seryosong pagtuturo niya sa amin.

Biglaan naman na tumunog ang bell— nahuhudyat na tapos na’ng klase. Walang pasabing nagsitayuan kaagad ang mga kaklase kong tuwang-tuwa dahil abswelto kami sa isang pagsusulit.

Dagli namang nagsalita si ma’am Chai, “That’s all for today, you can go now.” Kinuha niya ang kanyang ang gamit sa mesa.

Pagkayari naman nitong magsalita ay agad na rin akong lumabas ng silid-aralan. Bahagya akong napalingon sa posisyon ng taong nangangalabit sa ‘kin at doon ko namataan si Cara na nagyayayang mag-recess. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya na lang akong hilahin patungo sa stall ng siomai at nagsimulang um-order ng pork siomai at soft drinks. Abala kami sa pagkain ng siomai nang biglang may narinig kaming sumigaw. Tumama ang bisyon ng aming mga mata kay Klaviuss na papalapit sa kinaroroonan namin habang nakasuot ito ng lab gown. 

Hindi ko alam kung bakit ko naka-close si Klaviuss gayon hindi naman kami parehas ng hobby— isa siyang science major student habang kami ni Cara ay history major. Hindi kasi ako kukuha ng major na sasakit lamang ang ulo ko katulad ng science at mathematics.

◤ ──┅┅┄┄*ೃ:.✧✲゚*。⋆─── ⋆✩⋆

Take Note:

Jane is a main character in the movie series Descendants. She is the daughter of the Fairy Godmother, and is known to be shy and insecure, but is fascinated with magic, even if her mother doesn't let her use it. She is portrayed by Brenna D'Amico.

Queen Maleficent "Mal" Bertha is the main protagonist from the Disney Channel films Descendants, Descendants 2, and Descendants 3, she is also the protagonist of Descendants: Wicked World. She is the daughter of Maleficent and Hades, the fiancée of Ben and the future queen of the United States of Auradon, plus the Isle of the Lost.

Prostitution in modern Japan is made illegal by article 3 of the Anti-Prostitution Law of 1956.

Comfort women were women and girls forced into being sex slaves by the Imperial Japanese Army in occupied countries and territories before and during World War II

Credits to the https://descendants(.)fandom.com/wiki

https://en.m.wikipedia(.)org/wiki/Types_of_prostitution_in_modern_Japan

https://en.m.wikipedia(.) org/wiki/Comfort_women

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Pelton02
A couple error but very interesting! Good job I’m looking forward to read more!
goodnovel comment avatar
ZAVIEDA
Very well-written! And I so love Aimi hahahs
goodnovel comment avatar
Jenny Chan
Nice joke, Viu. Give him to me!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 02

    Hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto kay Klaviuss dahil sa graduation hairstyle niya na bumagay sa kulay-pilak niyang buhok. Idagdag mo pa rito ang mala-brilyanteng hugis niyang mukha at facial features na minana nya pa daw sa kanyang amang amerikano.Yung hairstyle niya graduate na pero s’ya mukhang delikado, nakangising usal ko sa akin sarili.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 03

    “Umpisahan natin sa side ng pro, ang sinumang mananalo ay may +10 sa examination,” pagpapaliwanag ng amin guro.Bigla namang nagliyab ang mga mata nila sa tuwa at mukhang walang magpapatalo nito.Si Cel

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 04

    Tawagin nyo na akong bastos pero hindi ko kayang kalimutan ang ginawa nila kay Lola. Magkahalong pait at lungkot ang iginawad na ngiti sa akin ni mama at hindi ko alam, kung bakit hindi ko matanggal ang pagkamuhi ko sa kanya ng sobra.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 05

    “May batis nalapit rito, nais mo bang pumunta?” tanong niya sa akin na nakatayo at naghihintay ng isasagot ko.Nag-isip muna ako ng malalim, ngitian siya at tumugon, “Oo ba. Tara na nais ko rin makita yung batis na sinasabi mo.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

Latest chapter

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 14

    "Huwag kang mag-alala tungkol sa kanya, alam kong pupunta siya rito bago ka umalis. Hindi niya nais na makaligtaan ang kanyang magandang nakababatang kapatid na babae na malapit nang maging isang madre," paninigurado ko, sinusubukang mapangiti siya ngunit pinutol na naman ni Emi ang aming usapan.“Oo, ayaw niyang makaligtaan din kung anong mangyayari sa iyo. Magagawa niya marahil ipadala ang rebelde na iyon sa kulungan, gan'yan naman ang trabaho ng ating pamilya. Tama, Aimi?" Ang kanyang mga mata ay nasa akin na at aamin akong napakahirap niyang basahin. Ano ang ibig niyang sabihin tungkol doon?Sinubukan kong hindi magsalita ng kahit isang salita at tumango lamang. Muli na namang napunan ang katahimikan sa loob ng karwahe. Ito ay isang mahirap na gawain... ang magpanggap na ako ang kanilang pangatlong kapatid at kailangang-kailangan kong habaan ang aking pasensiya kahit ano ang mangyari.Kailangan ko lang ayusin ito at umaasa akong hindi magkagulo.Nais kong tulungan sila at gagawin k

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 13

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko't ikikilos sapagkat hindi ko rin naman alam ng nangyari sa pagitan nila ng totoong Avery.Nagulat kaming dalawa ng may kumakatok sa pinto ng kuwarto “Anak bakit ka sumisigaw? Ayos ka lamang ba r'yan? Buksan mo ang iyong pinto.” Baka kung anong ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila itong si Danilo.Agad naman akong umubo para bitawan nya ang kamay ko, “Danilo doon ka muna magtago sa aking kabinet.”Nagulat siya sa aking winika. “Ngunit, Allexcia maaaring may makita akong mga bagay ro'n.” Nagpatuloy pa rin ang pagkatok ni ina kaya’t agad ko s'yang tinulak patungo sa kabinet.“Mas ikakatakot ko na mahuli tayong dalawa ng aking ina,” dagdag ani sa kanya.Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko na aking ikinagulat. “Hindi ba mas maganda nga iyon, para hindi ka na nila ipakasal kay Aiden na 'yon.”Ikinagulat ko ang naging turan niya— marahil siya ang Pilipinong lalake na dinala ni Avery para hindi matuloy ang kasal.“Ano ba ang sinasabi mo r'yan

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 12

    Agad akong sumagot na wala at umupo siya sa upuan na nasa loob ng silid ko at nagsalita, “Huwag niyo pong sasabihin na wala kayong maalala, kung hindi po ay malalagot tayo nito. Ang totoo po kasi niyan tumakas ka upang makipagkita kay Danilo ngunit agad niyang sinabi sa akin na dinukot ka raw ng mga rebelde kaya agad ko itong sinabi sa'yong ama hindi naman nagtagal ay may nagpadala sa iyong ama ng liham na kailangan niyang umalis sa kaniyang katungkulan upang mabawi ka,” tuloy-tuloy na ani niya.Kung gayon paano ako napad

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

    “Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin.Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

    “Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina.Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

DMCA.com Protection Status