Share

Kabanata 02

Author: Fallen Leaf
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto kay Klaviuss dahil sa graduation hairstyle niya na bumagay sa kulay-pilak niyang buhok. Idagdag mo pa rito ang mala-brilyanteng hugis niyang mukha at facial features na minana nya pa daw sa kanyang amang amerikano.

Yung hairstyle niya graduate na pero s’ya mukhang delikado, nakangising usal ko sa akin sarili.

Tinititigan kami ni Klaviuss sa mga mata at nagtanong, “Alam nyo ba kung anong sinabi ni Science kay Mathematics nang magkita sila?”

Padabog na ibinaba ni Cara ang softdrinks nya sa lamesa habang nakataas ang isang kilay at nagbanta, “Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin mo sa amin… siguraduhin mo may sense ‘yan ha. Kung hindi sasapukin na lang kita bigla d’yan,”

Hindi na s’ya pinansin ni Viu bagkus humarap lamang ito sa akin at biglang nagsalita, “Ang sabi nya ay may problema ka ba?” Humagalpak siya ng tawa habang hawak-hawak ang kanyang tiyan.

Napatingin naman sa amin ang ibang dumadaan kaya’t agad na bumulong sa akin si Cara, “Alam mo na gagawin natin. Isa, dalawa… takbo!”

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya ngunit bigla s’yang sumigaw at agad akong hinila. Wala akong nagawa kung ‘di tumakbo na lang din at sumunod sa kaniya.

 Naiwan si Viu na nakatingin nang masama sa amin at sumigaw ng napakalakas na may pagrereklamo, “Hoy hindi nyo pa nababayaran ‘yon binili nyo! Ang daya n'yo talaga!”

Natakasan na naman namin si Viu at s’ya na naman ang magbabayad ng binili namin, mautak talaga si Cara, pailing-iling na bulong ko at marahan kaming natawa nang nasa tapat na kami ng silid-aralan.

“Kung ano-ano na naman ikukwento sa atin ni Viu, naalala mo nang nakaraang nakinig tayo sa kanya… nalate tayo dahil hindi nya tayo pinaalis,” kuwento niya habang naglalakad papalapit sa upuan namin.

Kunti pa lang ang nasa silid dahil marahil yung iba’y nasa canteen pa o library.

Naupo ako sa tabi ng upuan niya. “Pero lagi natin s’yang tinatakasan at s’ya ang nagbabayad… sa tingin mo hindi s’ya maghihirap?”

Nakapangalumbaba siya kanyang lamesa at agad na tumugon, “Oo naman! 100 pesos lang naman ‘yon at saka mayaman naman s’ya kaya kering-keri nya ‘yon.”

Sabay kaming napahagalpak sa tawa sa naging turan niya.

Matapos ng tagpong iyon ay agad s’yang dumukdok habang ako’y nagsimulang mag-review para sa susunod na subject namin na ‘Komunikasyon sa Akademyang Filipino.’ Sa kamalas-malasan, hindi ako makapagpatuloy nang maayos sa pagre-review  dahil sa pagdaldal ni Cara tungkol sa Descendants, “Kailan kaya magkakaroon ng Season 2.”

Inikot-ikot niya ang ballpen sa kanyang kamay “Alam mo… nakakaiyak talaga yung ‘Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo’. Habang pinapanood ko ‘yon grabe ang kilig ko tapos binawi sa ending.”

Patuloy lang ako sa pagtango at kunwaring nakikinig sa kaniya dahil gulong-gulo na ang isip ko dahil sa nagbabasa rin ako ng libro.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang isang lalaking may suot na khakis at oxford na sapatos. Kaagad kaming nagsiayusan at isinantabi ang mga ginagawa namin dahil narito na ang aming pangalawang guro na si sir Haiden— may paalon na mahabang buhok sa kanyang tutok ng ulunan na bumabagay sa mala-diamond na hugis niyang mukha. Higit na hinahangaan ang kanyang mala-almendras na mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi.

Inilapag niya ang kanyang gamit sa upuan at nagsalita, “Okay class. Bago tayo magsimula ay tumayo kayo at umpisahan magdasal.” Sa paraan ng pagsasalita niya at mga kilos ay mahahalata mo ng isa itong propesyonal na guro.

Agad kaming nagsitayuan, sabay-sabay na nagsign of the cross at pinagdikit ang palad namin. Nagsimula kaming magdasal sa pangunguna ni sir Haiden at nang matapos ito’y kaagad niya kaming pinaupo sa kani-kaniya naming upuan bago niya sinindihan ang TV sa silid.

“Ang topic na atin idi-discuss ay tungkol sa Baybayin,” panimula niyang wika at nagsimulang ilipat ang slide.

 Agad namang nagtaas ng kamay si Celise upang mapansin s’ya ng aming guro.

“Yes, Celise?”

“Bakit hindi po natin simulan magsalita ng Filipino sa inyong oras para po masanay namin at mapaunlad ang pagsasalita nito?” Marahan na naupo si Celise nang matapos ang kanyang suhestiyon.

Biglaan naman itong nag-isip at nagsalita, “Pumapayag ako. May katanungan pa ba kayo?”

Muli na namang may nagtaas ng kamay at matamis na nagsambit, “Yung topic po nating dalawa sir, kailan niyo po ituturo?” Nagawa pa nitong kumindat.

Si Haley ang aking tinukoy na nagsaad na may matagal ng gusto sa lahat ng guwapong guro at sinasabihan na maharot dahil nag-aral lang daw ito para sa mga guwapong nakikita niya.

 Nagsitilian at nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko ngunit may iba naman na nabulong-bulungan sa narinig.

Biglaan naman silang sinaway ni sir Haiden at tumuran kay Haley, “Yung grades mo kaya sa ‘kin… kailan tataas?” Panampal siya sa kanyang mukha.

 Sabay-sabay naman kaming nagtawanan sa inaktong ng aming guro. Nang mahimasmasan kami’y sinimulan na niyang magturo at kagyat nakinig ang mga kaklase ko.

“Ano nga ba ang Baybayin?” pang-unang salita niya.

Ni isa sa amin ay walang nagsalita kaya’t ipinagpatuloy na niya ang buong buhay na pagtuturo.

“Sa Korea ay may Hangul. Sa Japan ay may Kanji, Katakana at Hiragana na bilang sa panulat. Siyempre, sa ating inang bansa ay mayroon ding sariling bersiyon ng pagsusulat at ito ang tinatawag na Baybayin.” Isinusulat niya ang itsura ng mga ito sa blackboard.

“Ngunit, habang tumatagal ay unti-unti itong napapalitan ng modernong alpabetika na mas madaling isulat kumpara sa Baybayin. 28 ang letrang ito kung isasama mo ang Ñ at NG pero mas ginagamit natin ang 26 lamang. Tama ba?” Inilipat niya ang slide na may mga alpabetiko.

“Yes sir!” tugon ng mga kaklase ko.

Hindi nagtagal ay natapos din ang pagtuturo sa amin ni sir Haiden. Malaking tulong din ito para sa amin na history major students dahil mas naintindihan namin ang kultura ng ating bansa.

“We will have a debate,” anunsyo niya.

 Nagsimulang magpabilang siya sa amin upang magkakilanlan ang grupo. Nahati kami sa dalawang pangkat. Isa na sa mga kagrupo ko'y sila Celise, Rhian at Angelica habang nasa kabilang grupo naman si Cara. Napasimangot naman ito nang hindi kami magkagrupo kaya’t marahan akong natawa.

“Ang laban ngayon ay tungkol sa kabilang panig kung dapat pa ba nating gamitin ang Baybayin bilang panulat o hindi… ang panig ng pro ay kila Celise at ang con naman ay mapupunta kila Cara.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jenny Chan
I learn so much about Philippinr cilture.
goodnovel comment avatar
Roy
the* omg, nice work btw. It caught my attention in that fast.
goodnovel comment avatar
Roy
I love thre vibe OMG
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 03

    “Umpisahan natin sa side ng pro, ang sinumang mananalo ay may +10 sa examination,” pagpapaliwanag ng amin guro.Bigla namang nagliyab ang mga mata nila sa tuwa at mukhang walang magpapatalo nito.Si Cel

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 04

    Tawagin nyo na akong bastos pero hindi ko kayang kalimutan ang ginawa nila kay Lola. Magkahalong pait at lungkot ang iginawad na ngiti sa akin ni mama at hindi ko alam, kung bakit hindi ko matanggal ang pagkamuhi ko sa kanya ng sobra.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 05

    “May batis nalapit rito, nais mo bang pumunta?” tanong niya sa akin na nakatayo at naghihintay ng isasagot ko.Nag-isip muna ako ng malalim, ngitian siya at tumugon, “Oo ba. Tara na nais ko rin makita yung batis na sinasabi mo.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

    “Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina.Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

Latest chapter

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 14

    "Huwag kang mag-alala tungkol sa kanya, alam kong pupunta siya rito bago ka umalis. Hindi niya nais na makaligtaan ang kanyang magandang nakababatang kapatid na babae na malapit nang maging isang madre," paninigurado ko, sinusubukang mapangiti siya ngunit pinutol na naman ni Emi ang aming usapan.“Oo, ayaw niyang makaligtaan din kung anong mangyayari sa iyo. Magagawa niya marahil ipadala ang rebelde na iyon sa kulungan, gan'yan naman ang trabaho ng ating pamilya. Tama, Aimi?" Ang kanyang mga mata ay nasa akin na at aamin akong napakahirap niyang basahin. Ano ang ibig niyang sabihin tungkol doon?Sinubukan kong hindi magsalita ng kahit isang salita at tumango lamang. Muli na namang napunan ang katahimikan sa loob ng karwahe. Ito ay isang mahirap na gawain... ang magpanggap na ako ang kanilang pangatlong kapatid at kailangang-kailangan kong habaan ang aking pasensiya kahit ano ang mangyari.Kailangan ko lang ayusin ito at umaasa akong hindi magkagulo.Nais kong tulungan sila at gagawin k

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 13

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko't ikikilos sapagkat hindi ko rin naman alam ng nangyari sa pagitan nila ng totoong Avery.Nagulat kaming dalawa ng may kumakatok sa pinto ng kuwarto “Anak bakit ka sumisigaw? Ayos ka lamang ba r'yan? Buksan mo ang iyong pinto.” Baka kung anong ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila itong si Danilo.Agad naman akong umubo para bitawan nya ang kamay ko, “Danilo doon ka muna magtago sa aking kabinet.”Nagulat siya sa aking winika. “Ngunit, Allexcia maaaring may makita akong mga bagay ro'n.” Nagpatuloy pa rin ang pagkatok ni ina kaya’t agad ko s'yang tinulak patungo sa kabinet.“Mas ikakatakot ko na mahuli tayong dalawa ng aking ina,” dagdag ani sa kanya.Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko na aking ikinagulat. “Hindi ba mas maganda nga iyon, para hindi ka na nila ipakasal kay Aiden na 'yon.”Ikinagulat ko ang naging turan niya— marahil siya ang Pilipinong lalake na dinala ni Avery para hindi matuloy ang kasal.“Ano ba ang sinasabi mo r'yan

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 12

    Agad akong sumagot na wala at umupo siya sa upuan na nasa loob ng silid ko at nagsalita, “Huwag niyo pong sasabihin na wala kayong maalala, kung hindi po ay malalagot tayo nito. Ang totoo po kasi niyan tumakas ka upang makipagkita kay Danilo ngunit agad niyang sinabi sa akin na dinukot ka raw ng mga rebelde kaya agad ko itong sinabi sa'yong ama hindi naman nagtagal ay may nagpadala sa iyong ama ng liham na kailangan niyang umalis sa kaniyang katungkulan upang mabawi ka,” tuloy-tuloy na ani niya.Kung gayon paano ako napad

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

    “Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin.Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

    “Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina.Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

DMCA.com Protection Status