Share

Kabanata 03

Author: Fallen Leaf
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Umpisahan natin sa side ng pro, ang sinumang mananalo ay may +10 sa examination,” pagpapaliwanag ng amin guro.

 Bigla namang nagliyab ang mga mata nila sa tuwa at mukhang walang magpapatalo nito.

Si Celise muna ang nagsilbing boses ng aming pangkat, “Parte sa kasaysayan natin ang Baybayin kaya’t dapat natin itong ingatan. Bakit?.”

“Dahil ito ay ating kayamanan mula sa ating sa mga ninuno. Mahalagang ipagmalaki natin ito at aralin. Sila nga ay nagpursigi na matutunan ito kaya dapat hanggang sa ating henerasyong, ito’y alam din natin kung paano gamitin ang Baybayin,” pagpapatuloy niyang wika.

Naghiyawan sa galak ang mga kagrupo namin dahil sa angas at pagiging tama ng kaniyang sagot.

“Kaya nga naimbento ang alpabetiko nang sa gayon ay hindi na tayo mahirapan. Paano na lang yung ibang slow? Eh ‘di hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan at paano isulat ito,” depensa naman ni Eugine sa kabilang panig at kanya-kanyang cheer ang mga ito.

Hindi ko alam sino ulit ang sasagot sa amin nang biglang magsalita ang kaklase kong maarte na si Angelica, “Eww, you know para lang sa mga bobo ‘yang alpabetiko kaya ‘dj nag a-upgrade utak niyo eh… gusto nyo lagi madali.”

Narindi ang lahat ng nakarinig sa aming panig dahil s’ya ang pinakaayaw naming magsalita sa buong klase.

Sumagot naman si Cara na naartehan sa kaniya, “Utak mo baduy, spelling nga ng Baybayin at Alphabets hindi mo pa alam sino ang ‘di nag-upgrade ang utak?”

Biglaang nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Cara pero hindi dapat kami magpatalo.

“Really? Hindi ko raw alam spelling. Ikaw nga, simpleng history lang ng Pilipinas… hindi mo pa alam,” tugon ni Angelica.

Kaagad na tumaas ang tensyon sa kanila at kanya-kanyang nagpalitan ng salita na wala namang kaugnayan sa paksa.

Dagli na umawat si sir Haiden. “Stop! Ang layo na ng sagot nyo sa topic. Time na rin kaya’t hintayin nyo na lang susunod nyong teacher.” Marahan niyang kinuha ang kanyang gamit nya sa lamesa at agad na lumabas.

Kanya-kanyang away pa rin sila habang ang iba ay umupo na sa upuan at isa na ako roon. Winalang-bahala ko ang kanilang  away.

Maangas na lumapit sa gawi ko si Angelica. “Hoy loser, pagsabihan mo 'yang kaibigan mo na h’wag ako sinasagot-sagot.”

Napunta sa amin ang tensyon kaya’t agad akong napakunot ng noo.

“Wow! Ako pa ang loser. Bakit ‘di mo na lang tanggapin na tama ang sinabi ni Cara na sa spelling nga lang… ‘di mo pa kaya?” nagliliyab-dila kong asik sa kanya.

Bigla akong tumayo at hinarap ko s'ya ng buong tapang.

Aba, bakit ba ako yung inaaway nya? Porket hindi ako sumagot sa debate kanina? giik kong bulong.

“Aba! Baka gusto mong pasabugin ko ang bunganga nyong dalawa!” buong tapang niyang hiyaw.

Umigting ang panga ko sa inasal niya. Ako pa tinapangan mo ah.

Kinuyom ko ang aking kamao at ipinasa hangin na nagpapikit sa kanyang mga mata sa sobrang takot. Akmang tutungo na ito sa kanyang mukha nang biglang may dumaan na guro at nasaksihan ang pangyayari.

“Ms. Aimi what do you think you’re doing?” ani niya.

Agad naman akong napatingin sa kanya, napabuntong hininga at kalmado ngunit may bahid ng pagkabastos ang naging tugon ko, “ ‘Di ba halata? Bulag ka ba? E ‘di susuntukin ko ang mukha ng maarteng ‘ito.”

Kaliwa't kanang singhap mula sa mga kaklase ko ang aking narinig dahil sanay na sila sa ugali kong gano'n kapag nakikipag-away at mukhang babagsak ako ngayon— mabait naman ako kapag sumasagot at nakikinig sa mga tinuturo pero ‘wag mo lang akong aawayin dahil lumalaban ako.

“Bastos ka, magte-teacher ka pa man din! Go to the guidance office!” nangangalaiting hiyaw sa akin ng aming guro sa politics.

Agad naman akong nilapitan ni Cara at agad kaming natawa dahil sa may naisip kaming kalokohan na nagpatango sa kanya.

“Ma’am, ako po may kasalanan… sinabihan kasi ako ni Angelica na tanga dahil lang po sa debate.” Humagulgol si Cara upang mas makatotohanan ang acting nya.

 Bigla namang nakumbinsi ang aming guro kaya’t agad nya itong nilapitan.

“Angelica and Aimi, go to the guidance office. Now!” bulalas niya sa sa amin.

Habang patuloy pa rin sa pag-acting si Cara na animo’y mahihimatay kaya’t siyang dinala sa clinic. Hindi ko mapigilan natawa sa naging plano namin.

Lahat ng naging tanong sa akin ay sinasalungat ko kaya’t dagling tinawagan ng aming guro ang number ni papa para pauwiin ako dahil ito raw ang parusa sa ginawa namin ni Angelica. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko ng sabihin nilang, hindi muna kami makakapasok sa mga next class namin.

Maya-maya pa'y dumating na si papa na galit na galit at kinausap ang aming guro.

Habang pauwi kami ay nagtipa ako sa aking cellphone upang makausap si Cara.

Aimi: Ghorl, asan ka na. Pinauwi ka na ba ng clinic?

Cara: Tinatawagan pa parents ko. See you at the bar HAHAHA!

Agad akong napangiti habang nasa sasakyan na kami dahil plano talaga namin ni Cara ay mag-cutting class para pauwiin kami dahil balak naming pumunta sa birthday party ni Kim. Actually, pinag-iisipan namin kung pupunta kami dahil nga may klase at mukhang nagbigay ng sign si God.

Nanlaki ang aking mga mata nang magsalita si papa na mukhang nagalit sa inakto ko, “Aimi kailan ka pa natuto makipag-away ha? Kung nandito ang mama mo paniguradong lagot ka. Pasalamat ka at wala s’ya rito.”

Agad akong napairap sa kawalan. Oo na! Wala na si mama at ilang years pa lang ang nakakalipas, kung kaya’t ang laki ng galit sa akin ng kapatid ko. Bigla ko naman naalala kung bakit s'ya namatay.

“Aimi… anak halika at bibili tayo ng mga kailangan mong gamit sa paaralan,”

Napairap naman ako dahil ayokong gumala ngayon at mas lalong wala akong balak sumama sa kanya. I hate her, dahil sa kanya nawala si Lola. Kung hindi s’ya inabandona nila mama eh ‘di sana buhay pa siya ngayon.

Habang naalala ko kung paano niya tingnan ng may pagmamakaawa ay hindi ko mapigilan masaktan.

“Pwede ba, mind your own business wala akong pakialam sa anumang sasabihin mo,” may galit at mariin kong sabi sa kaniya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Chan
BESTFRIEND GOALS SANA ALL
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 04

    Tawagin nyo na akong bastos pero hindi ko kayang kalimutan ang ginawa nila kay Lola. Magkahalong pait at lungkot ang iginawad na ngiti sa akin ni mama at hindi ko alam, kung bakit hindi ko matanggal ang pagkamuhi ko sa kanya ng sobra.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 05

    “May batis nalapit rito, nais mo bang pumunta?” tanong niya sa akin na nakatayo at naghihintay ng isasagot ko.Nag-isip muna ako ng malalim, ngitian siya at tumugon, “Oo ba. Tara na nais ko rin makita yung batis na sinasabi mo.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

    “Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina.Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

    “Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin.Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

Latest chapter

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 14

    "Huwag kang mag-alala tungkol sa kanya, alam kong pupunta siya rito bago ka umalis. Hindi niya nais na makaligtaan ang kanyang magandang nakababatang kapatid na babae na malapit nang maging isang madre," paninigurado ko, sinusubukang mapangiti siya ngunit pinutol na naman ni Emi ang aming usapan.“Oo, ayaw niyang makaligtaan din kung anong mangyayari sa iyo. Magagawa niya marahil ipadala ang rebelde na iyon sa kulungan, gan'yan naman ang trabaho ng ating pamilya. Tama, Aimi?" Ang kanyang mga mata ay nasa akin na at aamin akong napakahirap niyang basahin. Ano ang ibig niyang sabihin tungkol doon?Sinubukan kong hindi magsalita ng kahit isang salita at tumango lamang. Muli na namang napunan ang katahimikan sa loob ng karwahe. Ito ay isang mahirap na gawain... ang magpanggap na ako ang kanilang pangatlong kapatid at kailangang-kailangan kong habaan ang aking pasensiya kahit ano ang mangyari.Kailangan ko lang ayusin ito at umaasa akong hindi magkagulo.Nais kong tulungan sila at gagawin k

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 13

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko't ikikilos sapagkat hindi ko rin naman alam ng nangyari sa pagitan nila ng totoong Avery.Nagulat kaming dalawa ng may kumakatok sa pinto ng kuwarto “Anak bakit ka sumisigaw? Ayos ka lamang ba r'yan? Buksan mo ang iyong pinto.” Baka kung anong ang sabihin nila sa akin kapag nakita nila itong si Danilo.Agad naman akong umubo para bitawan nya ang kamay ko, “Danilo doon ka muna magtago sa aking kabinet.”Nagulat siya sa aking winika. “Ngunit, Allexcia maaaring may makita akong mga bagay ro'n.” Nagpatuloy pa rin ang pagkatok ni ina kaya’t agad ko s'yang tinulak patungo sa kabinet.“Mas ikakatakot ko na mahuli tayong dalawa ng aking ina,” dagdag ani sa kanya.Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko na aking ikinagulat. “Hindi ba mas maganda nga iyon, para hindi ka na nila ipakasal kay Aiden na 'yon.”Ikinagulat ko ang naging turan niya— marahil siya ang Pilipinong lalake na dinala ni Avery para hindi matuloy ang kasal.“Ano ba ang sinasabi mo r'yan

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 12

    Agad akong sumagot na wala at umupo siya sa upuan na nasa loob ng silid ko at nagsalita, “Huwag niyo pong sasabihin na wala kayong maalala, kung hindi po ay malalagot tayo nito. Ang totoo po kasi niyan tumakas ka upang makipagkita kay Danilo ngunit agad niyang sinabi sa akin na dinukot ka raw ng mga rebelde kaya agad ko itong sinabi sa'yong ama hindi naman nagtagal ay may nagpadala sa iyong ama ng liham na kailangan niyang umalis sa kaniyang katungkulan upang mabawi ka,” tuloy-tuloy na ani niya.Kung gayon paano ako napad

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

    “Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin.Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

    “Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina.Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

    Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako.May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

    Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal. Oho, tama imbistasyon at ipamigay ito sa mga tao para malaman nila ang nalalapit naming kasal. Ano po sa tingin nyo?” Tumawa ako ng mahina para hindi nila malaman na wala akong maisip na suhestiyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy pa ito.Agad na

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

    Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”Ayaw ko namang bumagsak sa klase niya at mukhang balak ako ibagsak nito dahil mahirap ang binigay sa akin.

  • Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 06

    Inilibot ko ang aking paningin sa bahay niya. Medyo makaluma ito kumpara sa bahay namin na masyadong moderno at walang kang makikitang kahit isang kagamitan na luma."P-Paano ho ako napunta rito?" Nakakunot-noo kong pag-uusisa.

DMCA.com Protection Status