Gulat kaming napatingin sa taong 'to. Base sa kanyang itsura, pinapaalala nito ang taong nahagilap namin noon, sa airport. Tama, mukhang siya nga, siya ang isang pinuno ng CENTEPDS GANG. Ibig sabihin ba nito, siya ang may plano ng lahat ng pangyayaring ito."Sh*t, EZEKIEL! Huwag ka ngang pumayag na lasonin ng mga taong 'yan ang utak mo! Sila ang pumatay sa kuya mo at sa ibang mga kasamahan niyo. Sila ang sumira sa buhay mo, mas lalo na ang, MARK STEVE YOUTAN na 'yan! HAHAH! kaya, huwag mong subukan na hayaan mo na lang, na mawala ang lahat ng napaghirapan mo! Kailangan ka ng kuya mo, ipaghigante mo siya!""Hoy! lalaking walang hiya! Sino ka sa inaakala mo! Bigla ka na lang lumilitaw, tsk! Walang hiya ka!" galit na boses ni Prince."Who me??? Just ask your friend, MARK STEVE YOUTAN."Walang emosyon ang mga mata ni, Steve. Steve, ang dami mong hindi sinasabi sa amin. Bakit?MARK STEVE YOUTAN POV.Lumabas na nga, ang buong katotohanan, at ngayon panibagong lumitaw na naman. Si Vince Car
Isang malakas na pagsabog, dahilan na bumalik ako sa aking tuliro. Hindi ko inaakalang, magagawa ni Myrna, ang bagay na 'yon."Mas mabuti kung tumigil ka na, Vince. Madami na ang naging biktima mo. Pwede bang tama na, hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo at ng babae mo!" "Ohh, Myrna, ouch naman, ang sakit huh? Kaso, nga lang hindi bumaon ehh." Dahan-dahan niyang binunot sa kanyang katawan ang bala ng baril, kasabay nito ang pagtaas ng kanyang damit. nakita namin, na mas suot pala siyang panangga. Loko na, mapapahamak nito si, Myrna."Mas mabuti siguro, kung ikaw na rin ay maging bula, Myrna. Dahil, alam ko naman na traydor ka!" Itinutok nito ang baril niya kay, Myrna.Sa kabang nararamdaman ni, Myrna ngayon. Hindi niya magagawa ang gumalaw, kaya tiyak na matatamaan siya ng bala. "But, wait. Hindi mo pa oras, kaya pagbibigyan mo na kitang mabuhay ngayon, Myrna. Subalit, may isa akong kondisyon. Gamitin mo ang baril na 'yan, para paputukan ang mga walang kwentang taong 'yan!""Hoy! hu
"What the fuck! Sino ang nagpalabas sayo? Walang hiya, walang mga kwenta ang mga tauhan ko rito. Damn it!""Why are you mad? Takot ka bang mapatay kita?""Kuya..." Tanging mahinang boses na simabit ko. Nanlalalim ang paningin ni kuya ngayon. Hindi ko na siya pipigilan pa."Kung hindi naman, labanan mo ako. Dahil, ako lang naman ang may sapat na lakas para sa kagustuhan mo." Then he smirked."Wow! Sh*t!""Why? Is there something wrong with me? Ayaw mo ba? O sadyang takot ka lang talaga, dahil duwag ka. Pero, kahit anong gawin mo ngayon, wala ka nang takas pa, dahil bilang asawa ni Princess, ipaghihigante ko ang ginawa mo sa kanya.""Princess, huh?" nakangising itsura niya. Ang sarap niya talagang bugbogin."Bakit nagka-amnesia ka ba? Huwag mong basta-basta na kailimutan ang ginawa mo, dahil kahit kalimutan mo, ipapaalala ko lang sayo!""Steve, alalahanin mo na ang mga kaibigan mo diyan at ang sarili mo. Ako na ang bahala dito."ZINNIA POV."Ano na ang gagawin natin, Dave? Kailangan na
"Anong relasyon namin? Wala ka na do'n, Steve.""Kung ganon naman pala, tapusin na natin ang gulong 'to." Saksi ako sa mga lahat ng mga nangyayari. Ngayon, nakikipag-agawan si Kuya Darck, ng baril sa lalaking 'yon. Dahil itinutok niya ito sa asawa ko. Hanggang sa, sumigaw si kuya Ruan. Nanlaki ang aking paningin nang bigla niyang hinarangan ang balang dapat at tatama kay Myrna. Saksing-saksi ako sa mga luhang bumuhos sa kanila. Hindi ko rin napigilan ang aking emosyon. Napatakip ako sa aking bibig, upang pigilan ang aking sarili. Ngunit, mas lalo lang lumalala ang pakiramdam na 'to. Kuya... kasabay sa paghagulhol ko nang iyak. Agad akong napalapit sa kanilang kinaroroonan, subalit bigla akong hinawakan ni, Dave. Ganon pa man, galit ang bumalot sa aking dibdib. Tinanggal ko ang kamay ni Dave, sa pagkakahawak sa 'kin. Sabay, takbo nang mabilis. Napahawak ako kay, Kuya Ruan. "KUYA!" sigaw ko."Zinnia...." mahinang boses ng kuya ko."Ruan, bakit mo ginawa? Dapat hinayaan mo na lang diba
"Sinasabi ko na ehh, mabubuhay ka, baliw ka talaga." Sabay mahinang hampas ko sa kanyang dibdib."Ouch!" Hindi ko napansin natamaan ko pala ang tagiliran niya."Ano? Nagrereklamo ka pa diyan? Pasalamat ka nga ehh, andito ako." Masungit kong tugon."Zinnia..." mahinang tugon niya."Ano?" pagsusungit ko."Buhay ako?" pagtataka niya."Buhay, buhay na buhay ka. Kaya, umayos ka diyan ahh, ang dami mo pang drama ehh." "Oo na, ikaw naman ang sungit mo naman. Pero, paano nangyari? diba bumagsak na ako noon?""Bumagsak lang naman, pero may hininga ka pa. Kaya, magpasalamat ka talaga, Dave.""Ang kuya mo? Ang kapatid ko? Ang iba pa asan sila?""Maayos kaming lahat, ikaw na lang ang hinihintay namin, Dave. Huwag ka masyadong mag-alala, okay? Dadating din mamaya si Myrna, para kunin ka. Total gising ka na ngayon, mas mabuting ibigay mo na rin ang oras mo sa kapatid mo. Alam mo bang, miss na miss ka na niya, halos hindi nga makatulog dahil hinihintay ka niyang magising. Pero, ngayon may important
"Ano? Bakit? May ginawa ba ako, love?""I'm sorry, Zinnia. Baka ako ang may kasalanan," singit ni, Dave."No, wala kang kasalan Dave, ito lang talaga si, Zinnia.""Bakit ako? Ano ba ang ginawa ko? Wala naman. Akong maalala na may ginawa akong mali diba? Ano ba 'yon? Sabihin mo nga sa akin, para maitama ko ang pagkakamali ko.""Bakit? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na buntis ka? Bakit tinago mo pa? Baka kung ano na lang ang nangyari sa anak natin, diba? Dapat nang una pa lang sinabi mo na, Zinnia.""Love, hindi ko kasi masabi-sabi ehh, kasi palagi ka naman busy, lagi kang wala. Kaya paano ko sasabihin? Sa birthday mo naman, bigla na lang naudlot diba? Ang daming humadlang kapag sasabihin ko na sayo. Kaya, ano ang magagawa ko? Patawarin mo ako, sige, kasalanan ko ang lahat. Sa susunod, hindi ko na itatago sayo. Basta, please huwag ka magalit, love. Please, sige na, huwag kang magalit." Hinintay ko siyang magsalita, tinitigan niya lang ako ng walang emosyon. Kalaunan, napayakap a
DARCK YOUTAN POV. Kasama ko ngayon si Princess. Tutungo kami sa mansion. Ngayon, handang-handa na akong harapin sina Mom at Dad, kasama na rin ang itama ang lahat ng pagkakamali ko.Nang nakarating kami sa mansion. Sinalubong kami ng aming anak na si, Alexios. Habang gulat naman na nakatingin sa amin sina Mom and Dad. Nakangiti akong lumapit sa kanila. Kahit hindi ko alam ang aking sasabihin ay patuloy pa rin akong lumakad patungo sa kanila. Napahawak sa aking buhok si Mom, kasabay nito ang pagtulo ng luha niya."Bumalik ka nga, Drack.""Son, siguro naman, hindi mo na uulitin pa ang ginawa mo nang una.""I'm very sorry Mom and Dad. Kung hindi naging maayos ang unang pagkikita natin muli noon. I'll promise, na gagawin ko ang lahat, upang malinis ang apelyedo natin. I'm sorry, kung nadumihan ko pa.""No son, ang mas importante dito ay ang pagbabalik mo. I'm very happy about that.""Thank you.""But still, napakapasaway mo talagang bata ka, bakit hindi mo man lang sinabi agad sa amin na
ZINNIA POV.Narito kami ngayon ng asawa ko sa company niya. Dahil marami ang aasikasuhin. Paano ba naman kasi, itong si Prince, may na gawa daw na kalokohan, tapos ngayon damay kami. Mabuti nga at hindi masyadong nagalit ang asawa ko. May malaki pagmemeeting ang naganap ngayon sa gitna ng mga CEO. Dahil naging CEO din naman ako, narito ako upang magbigay din ng payo. "What did you do, Prince?""Wala nga, nagkatuwaan lang kami.""Bugbog sarado ka na, tapos nagkatuwaan?""Hayst, wala nga ehh, ayos lang.""Ayos? Ikaw na pasaway ka, nakipag-away ka tapos ngayon nadamay pa ang company dahil diyan sa kalokohan mo.""Auntie naman ehh, wala lang naman 'yon ehh.""Tumigil ka nga diyan! Umuwi ka na mamaya sa bahay niyo. I will report this to your Mom and Dad.""Auntie, huwag naman. Kasi, let's imagine na lang din. Kapag sinabi mo kay Mom and Dad, malamang ma grounded ako sa bahay. Kapag mangyari ang bagay na 'yon, ede hindi ako makakatulong sa pagmomodelo, diba?""Kalokohan mo talaga! Kung hin
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak
RUAN POV. Kahit anong mangyari ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabawi ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Minsan na kaming naghiwalay, paulit-ulit pa na nangyari, and now kailangan ko siyang ibalik. Wala mansiya sa kanyang pag-iisip, ede ipapaalala ko sa kanya kung sino siya. Sa mga sinabi kanina ni, Josh. Tila'y totoo ang lahat, hindi na bigyan ng oras ang kapatid ko, hindi ko siya naipagtanggol. Sa mga oras na kailangan niya ako, hindi ko siya na samahan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ko na siya mahal bilang kapatid ko. Kanina pa kami pabalik balik, parang naglalaro lang kami sa araw na ito, ang dami daming humahadlang sa mga kailangan namin gawin. Ang sakit sakit sa ulo, gulong gulo ang isipan ko. Halos hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Si Tita Lorna, nagbago ang itsura niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya, dati naman hindi siya ganun. Sino ba ang may gawa no'n sa kanya, nang una ko siyang makita ulit kanina, nagduda akong si, Josh ang may
Nang makarating kami roon, tila'y nagbago agad ang lahat. Parang may mali na rito, na wala pati ang mga bantay. Mas lalo lang binahidan ng pagtataka ang utak ko ngayon. "What's happening? Anong meron? Bakit ang tahimik rito?" Prince asked na may pagtatakang boses."Mag-iingat na lang tayo, baka mamaya may patibong lang dito." Tugon namn ni, Alexander."Wait, andiyan ang ale kanina, look ayon siya ohh... Ano kaya, ginagawa niya, mag-isa lang kaya siya diyan?" Sabay turo ni, Prince. Sabay sabay naman kaming napatingin roon. Sakto andoon nga si Tita Lorna. Naisipan kong bumaba sa kotse, tinawag pa nila ako ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dali-dali rin akong lumapit kay Tita Lorna. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil, hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya muli, na nagkaganyan pa ang kanyang itsura. Malayong malayo ito sa dating siya. Tinawag ko siya, ngunit tumingin lang siya sa akin, then umakbang naan siya upang lumayo sa akin. Wala akong ibang magawa
Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong naglalakad para magahanap, nagkasalubong kaming magkakaibigan. Nagkatitigan kaming lahat sabay iling ng mga ulo namin. Hindi nga nila nakita."Wala ehh, ano ba naman.""Pero, imposible, dahil pinasara ko na kanina pa ang airport, at wala naman balita sa akin na, may nakalabas na eroplano." Smabit ni, Alexander, sabay hawak sa kanyang makabilang bewang. "Mukhang naisihan tayo.""Ikaw Ruan, anong balita ng mga tauhan mo? I asked."Wala rin silang nakita.""Ano? Pinagloloko lang ba tayo dito." Alexander said."Hindi naman kaya, nagsinungaling sa atin ang ale kanina?" Prince said."Balikan natin siya." I said with my deep tone. Ang ayaw ko sa lahat, ang pinagsisinungalingan ako at pinaglalaruan ak