Share

After The Break-Up
After The Break-Up
Author: EljayTheMilk

Chapter 1

Author: EljayTheMilk
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

The sound of the huge bell echoed the quiet place along with the rhythmic opening of the wide wooden door in front of me.

The song started to play by the choir as well as the people started to clap in pure happiness and excitement while looking at me as if I'm the star of the day.

I watched my Mom beside me who's now holding her pink handkerchief to wipe her own tears as well as my Dad who's holding tightly to my arm as if any minute now I'll be leaving by their side after how many years of being with them.

I surveyed myself only to see a white long dress that was hugging my waist, showing my hourglass-shaped body. The white bouquet of roses and the red carpet where I'm walking on will surely be my future.

We stopped when we reached the end of the red carpet and swift my gaze to the man who I think was cursing me under his breath.

I scanned his whole being only to make myself winced in disgust.

The deep dimples on his both cheeks whenever he smiles, the tall noseline that has a perfect match on his well-shaped jawline says how attractive he is not just for the girls but also for the boys. He has a pair of sharp but charming green eyes that can surely seduce every person he's talking to. The way he stands, the way he talks and the he looks at me and the women here says it all.

'A playboy.' I thought and gripped the stem of the white roses that I was holding.

I clenched my teeth and managed to have a normal breathing while glaring at him who's now walking towards me to get my hand from my parents.

'Just like my boyfriend,' I said as soon as he stops in front of me to lend his hands. 'Whom I broke up yesterday.' I continued before placing my hand at the top of his palm.

Yes. After I broke up with my partner yesterday after seeing him cheating with a another girl, I promised to myself to move-on, but my Mom just literally wake me up the next morning to inform me that I have to attend my own wedding. Not the wedding of her friends nor wedding of our relatives, but my own fucking wedding.

Isn't it weird that after I broke up with my eight fucking years boyfriend, I have to attend my wedding the next day with a fucking stranger.

Ngumiti pa muna siya kina Mom at Dad bago kusang inilingkis ang mga braso ko sa sarili niyang braso.

Ang akala ko ay didiretso na kami sa paglalakad pero nangunot nalang ang noo ko nang makaalis na lang at lahat ang mga magulang namin sa aming tabi ay naroon pa rin kami.

"I don't know if this is all your plan but I'll surely not give you the happy family thing that you want." Bulong niya habang ang mga mata ay nasa pari na naghihintay sa amin sa harap ng altar.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya tsaka siya pinagkunutan ng noo.

"I apologize for your concern, Mister but I don't think that you're the one that who's been set-up here." Buwelta ko at inirapan siya bago inis na inis na kinurot ang tagiliran niya.

Tahimik siyang napaaray sa ginawa ko at pinandilatan ako ng mga mata nang makitang napatingin sa amin ang mga tao. Tumawa silang lahat sa pag-aakalang kahit nasa gitna ng kasal ay nakuha pa rin naming maglampungan.

Hindi ko na iyon pinansin at hinayaan ang sarili na sumunod sa kanya hanggang sa harapan ng altar. Nauna siyang umupo nang hindi ako inaalalayang ayusin ang mahabang dress na suot ko, pagkakataon kung saan masarap ihampas sa kanya ang hawak kong palumpon ng bulaklak.

Not that I'm expecting him to do that because I'm his soon to be wife but can't he just be a gentleman who treats a woman nicely. I am willing to treat him with kindness but it seems like he's not going to do the same.

Ako na mismo ang nag-ayos sa suot kong dress tsaka inayos ang belo na nakaharang sa mukha bago umupo sa harapan ng altar.

Muling dumagundong ang kaba sa aking kaloob-looban lalo na nang magsimula ang pari sa misa.

Pakiramdam ko ilang oras nalang ang natitira ay matatali na ako sa lalaking hindi ko kailan man kilala at hinding-hindi ko kikilalanin.

Sinong mag-aakala na ang kasal na dati ay pinapangarap ko lang namaranasan gaya ng mga nababasa sa libro at napapanood sa palabas ay mararanasan ko na ngayon, pero iyon nga lang tila may malaking plot twist sa buhay ko. Ang magpakasal sa isang estranghero. Ni pangalan, edad at kung saan ito nakatira ay hindi ko pa alam at kabisado.

Kung pwede ko lang sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawang pagpayag sa kasal na'to ay ginawa ko na.

My heart starts to pump faster than before when the priest walks down from the altar towards us, holding a bottle of holy water really ready to bless the rings in front of us, and also us who will be announced later as newlyweds.

Natapos na niyang basbasan ang mga singsing at handa na itong suotin as soon as matapos na naming pangakuan ang isa't-isa.

The priest remained silent to give us a moment for our lovely wedding vow.

"I don't know what to say. I just want to end this wedding." He declared the moment when the mic point at him.

Nahigit na lamang ng mga taong nakarinig ang kanilang hininga kasunod ng hindi inaasahang pag-ani ng matinding bulungan. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang makaramdam ng kung anong pagkapahiya at bahagyang iniyuko ang ulo nang marinig ko ang tawa niya.

Tumikhim ang pari at napalunok ng ilang beses bago inayos ang suot niya tsaka binalingan ang lalaking kaharap ko.

"Are you sure that's your vow? Your vow will supposed to be the memorable message for your soon-to-be wife, which is here in front of you, holding your hands to receive your promise to her." Sabi pa ng pari bagay na inismiran niya.

Tinignan niya ang magkahawak naming mga kamay dahilan para mas lalong bumasa ang mga palad ko sa kaba kasabay ng panginginig ng buo kong kalamnan sa pagkapahiya.

He just nods his head before gesturing me to talk.

"I don't know who's the man I'm with today but all I can say is he should have learned proper manners and right conduct before growing up like this. Do you even learn for the past years or do you even have what you called self-growth?" I frankly said and wandered my gaze to all the people who's been looking at us.

They all gasped in disbelief, mostly girls who covered their slightly open mouth with their hands along with the cursing of the men especially whom I suspected that his friends.

Nagulat siya sa sinabi ko kasabay ng sunod-sunod na paglunok.

He gritted his teeth and clenches his jaw before clearing his throat. He even looses his necktie and click his tongue on his inside cheeks.

Maski ang pari ata ay nagulat nang sabihin ko iyon dahilan para hindi siya kaagad makabawi kung hindi lang siya siniko ng altar server na katabi niya.

Inutusan niya kami na kunin ang singsing sa harapan namin at isuot iyon sa isa't-isa.

"Waylen Jax Sanchez, would you take this woman in front of you as your lawfully wedded wife and to be with you forever and ever?" The priest asked causing him to smirk.

Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang pangalan niya. Siya iyong kinukwento sa akin ni Eva na boss nila na may marami raw babaeng pinupuntahan.

Ano ba itong pinasok ko? Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa para hindi na matuloy ang kasal.

"I do." He flatly answered, obviously showing to everyone that he is forced to do this marriage.

Well, pareho lang kaming napipilitan dito.

"Scarlett Evelyn Castillo, would you take this man in front of you to be your lawfully wedded husband and to be with you forever and ever?" Nakita kong bahagyang namilog ang mga mata niya matapos marinig ang buo kong pangalan tsaka namamangha akong tinignan.

Kung papahilingin man ako ng isang hiling ngayon, iyon ay mawala ako sa paningin ng lahat ng tao at kalimutang nangyari ito.

Bawat segundong lumulipas ay bumibilis ang tibok ng aking puso, bawat hampas ng hangin sa aking balat ay tumataas ang aking mga balahibo at bawat ngiting nakikita ko sa mga labi at mata ng aking mga magulang ay nanlalambot ang tuhod ko.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin lang rin siya sa akin animo'y hinihintay ang magiging sagot ko.

Tagaktak ang mga pawis at habol ang hiningang napabuga ako tsaka hinarap ang pari.

"I d-do, father." Napalunok ako nang gumaralgal ang boses tsaka napalingon sa lahat ng taong may magandang ngiting nakabalandra sa kanilang mga mukha.

"And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss and I am so pleased to present the newlyweds, Waylen Jax Sanchez and Scarlett Evelyn Castillo." Kasabay niyon ang masigabong palakpakan mula sa mga madla habang patuloy na bumabagtig ang maliliit na bells sa loob ng simbahan.

He then leans forward to me, not expecting a kiss from him.

"I hope we'll be in good terms." He whispered and planted a soft kiss on my earlobe before looking to the people with all smiles.

Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso sa kanyang ginawa at wala sa sariling napatulala sa kanya.

Hindi ko alam kung anong naghihintay na kapalaran sa akin pero isa lang ang hinihiling ko, iyon ay sana maging masaya ako at ang taong nakapalibot sa akin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chrysnah May
very nice. bihira lang ang ganito haha
goodnovel comment avatar
Fochacy
...️...️...️...️...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • After The Break-Up   Chapter 2

    "Let's set the rules up." Anunsyo ko matapos ayusin ang buong kwarto.Suot-suot ko pa rin ang wedding dress na gamit ko kanina ngunit ngayon ay wala na akong make-up at pinusod ko sa kalahati ang maikli kong buhok habang pawis na pawis na tinignan ang kabuoan ng kwarto.I raised a brow seeing how comfortable he lays his body on the bed. He's still wearing the suit that he used on our wedding.Ginawa niyang unan ang dalawa niyang braso tsaka pinagkrus ang mga binting nakalaylay sa dulo ng kama. Sa sobrang laki niyang tao ay muntikan na niya masakop ang buong higaan.The pair of his green eyes met my almond eyes when he noticed that I was looking at him all the time, not to admire his broad shoulders, flexible muscles and hard six packed abs."First rule is that even if we are not in good terms you're still not allowed to have an affair. Just fucking have some respect to me as a woman." I declared and tapped the pencil that I was holding on my palm w

  • After The Break-Up   Chapter 3

    Heart beats pumps faster than ever along with the bullets of bullets of sweats on my palms. My knees were trembling like crazy as soon as I arrived in front of the building.Holding a huge box of a beautiful dress I continue to walk normally towards the entrance even though my body weakens every time I realize that this tall building is the company where my husband works.Hindi ako takot sa kanya. Hindi rin ako kinakabahan sa presensya niya. Ang tunay na ikinakatakot ko ay kung anong sasabihin niya sa oras na makita niya ako dito. Baka murahin, pahiyain at saktan niya ako sa maraming tao bagay na ayaw ko na ulit maranasan.I swallowed my lump and forced a smile to the guard at the entrance door before heading to the nearest elevator.Kanina matapos sabihin ni Janina kung saan ide-deliver ang dress ay pinaalalahanan niya rin ako na mag-ingat raw baka makasalubong ko ang CEO ng kompanyang 'to at baka isali ako sa mga babaeng pinaiyak nito. Gusto ko ngang sa

  • After The Break-Up   Chapter 4

    "What the hell are we doing, Eva?" I shout in a whisper way and covered the magazine that I was holding to my face when Waylen unintentionally swift his gaze at us.Siniko ko si Eva nang makitang sinamaan niya pa ng paningin si Waylen dahilan para pagkunutan siya nito ng noo at muling binalik ang atensyon kay Abegail, iyong babaeng nakita kong kasama niya kanina sa labas ng elevator.Matapos malaman kanina ni Eva na kinasal kami kahapon ni Waylen ay agad niya rin akong binatukan at sinabing sa dinami-rami pa ng pwede kong ipalit kay James ay bakit si Waylen pa na isang sikat na playboy. Sinabi niya pa na kahit gaano kainosente tignan ang mukha ng Sir niya ay mayroon pa rin daw iyang tinatagong maitim na budhi kaya dapat raw akong mag-ingat roon. Hindi rin niya pinalagpas na ipakilala sa akin ang kasama nitong babae. She said that it was Waylen's secretary. Lahat daw ng mga babaeng bumibisita kay Waylen sa opisina ay tinatarayan nito at

  • After The Break-Up   Chapter 5

    Napahinga ako ng malalim pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. Pinatong ko ang mga kamay sa manobela at napatitig sa kawalan."Family dinner?" Sarkastiko akong napabuga ng marahas na hininga tsaka pinasada ang paningin sa kasuotan, "Tama na siguro 'to," bulong ko sa sarili at bahagya na lang na inayos ang magulong buhok.Hindi ako pupunta roon para magpaimpress sa mga magulang ni Waylen, pupunta ako doon dahil iyon ang sinabi ni Mommy.I was about to maneuver the car when suddenly my phone rang along with the apperance of an unregistered number.Pinatay ko muna ang makina tsaka nakakunot noong inabot ang telepono na nasa passengers seat.Unregistered Number:Wear the dress that I left in the house so you can be atleast presentable to look.-WaylenParang biglang nag-usok ang mga tainga ko matapos basahin ang mensahe niya tsaka nanggigil na tinitigan ang screen ng telepono. Halatang nang-iinsul

  • After The Break-Up   Chapter 6

    "But I want to see her. I want to know her face and I want to meet her." Boses iyon ng isang pamilyar na babae na nagmumula sa labas ng kwartong tinutulugan ko. Kanina ko pa naririnig ang ingay na iyon at buong akala ko ay kasali lang ito sa panaginip ko pero mag-iisang oras nalang ay hindi pa rin ito tumatahimik at patuloy lang sa pagrereklamo sa labas. Pinilit ko na lamang ang sarili na magising kahit na ang totoo ay inaantok pa talaga ako. "She's still sleeping, Eli. Come back again in another time or day or week," tumaas ang kilay ko nang marinig ang boses ni Waylen na parang ayaw papasukin ang sino mang kausap sa labas. Sa isang iglap ay biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa family dinner. Pagkatapos kong umalis sa gitna ng pagkain namin kahapon ay naghanap kaagad ako ng malapit na kainan para kumain dahil gutom na gutom na talaga ako pero sadyang hindi ko magawang sikmurahin ang pagmumukha ni Waylen kaya ako na mismo ang kusang umalis. After I ate I immediately went to

  • After The Break-Up   Chapter 7

    Parang nagpupumalakpak ang tainga ko sa tuwa matapos mabasa ang mensaheng iyon.Hindi ko aakalaing mapapadali siyang umuwi sa Pilipinas. Matagal na matagal ko na siyang gustong makita ulit pero tinitiis ko lang dahil alam ko naman ang takbo ng utak ng mokong na iyon, sa oras na sinabi kong gusto ko siyang makita ay uuwi kaagad siya kahit pa nasa gitna ng trabaho kaya halos walang ipaglagyan ang tuwa sa puso ko nang siya na mismo ang nagtext sa akin na uuwi siya rito sa Pilipinas. I was all smiles when I put my phone down and imagining ourselves getting the bond that we always want to when I noticed Waylen looking at me. Eyes were sharp, fists were clenched while holding the spoon and fork while his back was still leaning against his chair. "Are you okay?" I worriedly asked. He seems like a baby that wants something but can't get.Napahinga siya ng malalim at umiwas ng paningin tsaka sunod-sunod na tumikhim. Nang tumingin ulit siya sa akin ay big

  • After The Break-Up   Chapter 8

    "Wow!" I was in an awe on the first three seconds that my eyes landed on the beautiful and tantalizing beach view. It was filled with different people, showing their different sizes just by wearing their comfortable swim wears along with their confidence. The wide peaceful beach and the ray of the light that was touching my skin is one of the evidence that I'm in front of the beach after so how many years. Noon kasi nang maging kami ni James ay ayaw na ayaw niyang nagbabakasyon kami lalong-lalo na sa mga beaches dahil raw wala naman raw kaming ibang makikita roon kundi dagat. Hindi ko rin naman magawang sabihin sa kanya na paboritong-paborito kong tumambay sa dagat dahil iyan ang parating tambayan namin nila Mommy sa tuwing masyado na silang nagiging abala sa work para magkaroon pa ng oras sa akin. But despite the fact that they were too busy, they didn't let me think that I am abandoned by my own parents which I'm grateful with.Hina

  • After The Break-Up   Chapter 9

    Biglang nanigas ang katawan ni Waylen kasabay ng paghigit ng sariling hininga. Marahas na tumataas-baba ang pagbugsok ng kanyang dibdib kasunod ang hindi ko maintindihang pagmumura na para bang kilala na niya ang mga ito kahit hindi niya pa ito nakikita. He hug my waist even tighter the moment he realized that my knees were trembling. Hinapit niya ako papalapit sa kanyang dibdib dahilan para mas dumepina sa aking mga mata ang magandang anggulo ng pagtutok nila ng baril kay Waylen. Nagsisimula na akong mabingi sa lakas ng pagkakalabog ng aking puso habang hindi maipaliwanag ang takot na nanginginig ang buong katawan na napatulala sa hawak nilang mga baril. Sa buong buhay ko ay hindi kailan man ako nakakita pa ng baril ng ganito kalapit. Sa buong buhay ko ay hindi kailan man ako nakadiskobre ng ganitong eksena na sa libro ko lang nababasa. Parang nanunuyo ang aking lalamunan sa tuwing ginagalaw nila ang dulo niyon sa sentido ni Waylen na para ba

Latest chapter

  • After The Break-Up   Epilogue

    Waylen's Pov:White petals on the red carpet, white bouquet she's holding with her pale hands. The beat of the solemn song and gentle rhythm of the music that I made for her echoed the whole church as she walked her high heels towards me who's been waiting for her for my whole life.My fragile woman,My sefless baby,My independent wifeAnd my one and only therapy. Those four lines from my song is already enough to explain how much I appreciate her. Those four lines, I can already say that even if she's not perfect in the eyes of every people, I can say to myself that she's more than perfect to be imperfect in my eyes.Hindi ko inaasahan na darating pa ang araw na ito. Iyong araw na mapapaiyak ko siya pero hindi na dahil sa sakit at lungkot kundi dahil sa galak at tuwa. My heart is filled now with so much happiness that I can't fight back my tears and take my eyes away from her. Parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo kasabay ng paglakas at pagbilis ng tibok ng aking puso sa tuwing

  • After The Break-Up   Chapter 85

    Author's Pov:(One Month Later)Umalingawngaw ang malakas na tunog ng telepono sa buong silid matapos ang mahabang palitan ng usapan ng mga board members dahilan para pansamantalang madistorbo ang isa sa mga pinakaimportanteng meeting ni Waylen. Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa gawi ni Waylen tsaka siya tinignan nang nakakunot ang noo. Wala sa sarili naman niyang naituro ang sarili nang mapansin ito dahilan para tanguan siya ng mga kasamahan niya sa meeting. "Your phone is interrupting our meeting, Sir." Masungit at iritadong bulong ng kanyang secretary na pumalit kay Abegail. Lalaki ito at kung umasta at makipag-usap sa kanya akala mo'y hindi nakikinabang sa kompanyang pinagta-trabahuan. Mabilis lamang itong mairita lalo na kapag hindi nasusunod ng maayos ang schedule niya maging ang pagkumpleto at paggawa ng tama sa trabaho. Minsan nga ay si Waylen na lang ang nagpapakumbaba rito at iniintindi ang ugali nito kahit na minsan ay naiinis siya. Alam niya kasi sa sarili niya na

  • After The Break-Up   Chapter 84

    "The title of this song is ‘My therapy.’" With all smiles, he said while looking into my eyes.Kahit may gusto pa akong sabihin at tanungin ay hindi ko na ginawa nang simulan niyang ikaskas ang kanyang daliri sa string ng gitara. Para siyang may mahika dahil sa biglaang pananahimik ng paligid na tipo ang tunog ng plastik ng chichirya ay naririnig. “In the aisle, your eyes first met mineSeeing you holding your bouquet, walking towards meMade me not happy and thought I'm unlucky.” He began singing while eyes were still not leaving mine as if I'm his one and only audience well in fact he has a bunch of them shrieking and admiring him. Agaran akong napanguso sa unang stanza na kinanta niya matapos maalala ang una naming pagkikita na siya ring unang pagtagpo ng aming mga mata. Pakiramdam ko noong mga panahong iyon ay ako ang pinakamalas na tao sa mundo habang nakikita ko siyang naghihintay sa akin sa harap ng altar na para bang sa oras na pumayag akong ikasal sa kanya ay tuluyan nang

  • After The Break-Up   Chapter 83

    "Where are we?" I confusedly asked and scanned my gaze all over the place. Mas nilakihan niya ang pagkabukas sa pintuan ng sasakyan habang inaalalayan akong bumaba. He even put his hand on the top of my head to avoid from hitting it on the ceiling of the car. Nasa labas kami ng bayan. Iyon ang una kong napansin. Ang maiingay na busina ng mga sasakyan, ang makapal at maitim na usok sa kalangitan maging ang matatayog na mga gusali't tahanan ay biglang naglaho at napalitan ng simple ngunit eleganteng mga kagamitan. The houses were not as huge as ours in the city yet it looks so peaceful. Noise not coming from the factories instead from the kids who were scattered all over the small asphalt, playing with each other along with their genuine smiles and laughters echoed all over the place while their parents were all outside their house, talking about life with happiness in their eyes. "This place is awesome!" I beamed and scanned the place for the third time before looking at him who's

  • After The Break-Up   Chapter 82

    "This day is so exhausting!" Reklamo ko pagkatapos magbihis ng pantulog tsaka sumampa na lang ng basta-basta sa kama dahilan para umuga ang bahaging iyon kasabay ng paglingon sa akin ni Waylen. Nakasandal ang likod nito sa headboard habang nakapatong ang laptop sa magkadikit niyang mga hita. Ang mga paa nito ay pinaglalaruan ang isa sa mga unan namin.He was wearing our pair yellow pajamas. His hair was messy and his face was serious. The eyeglasses that he's wearing made him more professional and intimidating. Noong una ay ayaw niya pa sanang pumayag na suotin ang pajamas marahil siguro ay wala sa hulog ang utak niya pero kalaunan naman ay napapayag ko rin. "Waylen," tawag ko at bahagyang hinila ang dulo ng suot niyang damit.Tinungkod ko ang isa kong siko tsaka pinatong ang baba sa ngayo'y nakabukas nang palad habang patuloy na hinihila ang dulo ng kanyang damit. He did not bother to give me a single glance and chose to continue from typing. Inis akong umirap sa kawalan nang wa

  • After The Break-Up   Chapter 81

    Parang may kung sinong dumaan sa loob ng shop dahil sa mas lalong pangingibabaw ng katahimikan sa paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang na nararamdaman nina Janina na tipong hindi nila kayang tignan ang sitwasyon naming tatlo. Aksidenteng dumapo ang mga mata ko kay Janina dahilan para makagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng tila pagong na pagtago sa ulo bago ako pilit na nginitian. I slightly shook my head and massaged my temples as I put my gaze back to James and Waylen who seemed to not bothered by the presence of others. Parang ako iyong nahihiya sa komosyong ginawa naming tatlo. "Simula nang makita kita, bigla ng nawala ang 'ganda' sa hapon ko." May riin at inis sa tinig ng boses ni James kasabay ang pagkuyom nito sa sariling kamao. "It's okay. I'm not really here to please your afternoon, I'm here for my Wife." Waylen flashed his most sweetest smile, slightly showing his teeth along with his dimples that is deep as a hole. Sumingkit ang dating singkit na niyang

  • After The Break-Up   Chapter 80

    "Welcome back, Ma'am Scarlett!" Kasabay ng masiglang sigawan mula sa kanila ay ang pag-alingawngaw ng malakas na putok ng confetti bagay na bahagya kong ikinagulat. Kumalat iyon sa ere na agad rin namang bumaba hanggang sa mahulog sa akin. Tinanggal ko ang ibang confetti na dumapo sa basa kong labi tsaka pinagpag ang ulo upang tanggalin iyong iba roon. "Miss na miss na kita, Ma'am!" Boses ni Janina na may suot na business attire ang siyang unang nakaagaw ng atensyon ko. Bahagya akong natawa nang ibigay niya sa katabi niya ang hawak na cake para lamang tumakbo papunta sa akin at yakapin ng mahigpit. I accepted her warm hug wholeheartedly. "You guys really don't have to do this." Slightly laughing, I protested as I loosened the hug. Minsanan kong pinalibot ang aking paningin sa kabuoan ng shop dahilan para makita ko ang isang mahabang lamesa na puno ng iba't-ibang putahe at desserts pati na rin ang isang malaking chocolate fountain sa hindi kalayuan. Kahit na wala namang batang d

  • After The Break-Up   Chapter 79

    "Mommy, I want to ask something." I uttered obviously hesitant. Umiwas ako ng paningin nang tignan niya ako ng diretso sa mga mata bago napalabi.Hindi naman siguro masamang tanungin sa kanya kung anong mga kaganapan dito sa Pilipinas noong mga panahong wala ako o baka mas magandang sabihin kung ano ang mga kaganapan at mga nangyayari kay Waylen noong nawala ako."How's Waylen after I left?" I asked and paused for a while. She looked at me straight into my eyes. "I mean, I know it did not went well but..." I trailed off and lowered my voice out of awkwardness. Walang ibang sinasabi si Mommy kundi ang pakinggan ako habang pakunot nang pakunot ang noo tila nalilito sa akin."What are you tring to say, Anak?" She tried her very best to talk to me in a gentle way as if scared that she might offend me. "About Waylen..." napakamot ako sa aking batok at napapalunok na nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang buuin ang tanong ko pero gusto kong makakuha ng sagot kahit na alam ko naman na walan

  • After The Break-Up   Chapter 78

    "Mommy, Daddy!" Malakas at mahabang tili ko matapos akong salubungin ng mga magulang ko sa sala. Agad kong binitawan ang lahat ng shopping bags na binili ko kahapon para sa kanila at parang bata kung tumakbo. With arms that are widely open, smiles were stretching to my eyes and the tears of joy that slowly cascading down my cheeks were all evident as I extended my arms to hug them. Mabilis nilang sinuklian ang yakap ko bagay na siyang nagpatunaw sa puso ko. "I missed you!" Naiiyak sa tuwa kong usal at tinanggap ang init na hatid ng kanilang mga katawan. Ramdam na ramdam ko ang pagbaba-taas ng mga balikat ni Mommy habang si Daddy naman ay tahimik lamang na hinahayaang tumulo ang luha. It's been three years since I received a hug from them. It's been three years since I last felt the warmth of their touch and the care that they're giving.Ito ang pinakamatagal na panahon na nawalay ako sa aking mga magulang. Buong buhay ko ay nakadikit ako sa kanila, halos hindi na nga ako mahiwal

DMCA.com Protection Status