"NAOMI, I'm sorry," ani Grayson.Nayakap ni Naomi ang sarili niya habang pinagmamasdan niya si Nonoy na mahimbing na natutulog. Matapos itong turukan ng pangpakalma ng nurse, nakatulog na din ito habang yakap ang malaking stuffed toy na binigay pa niya noong birthday nito."Grayson, kung para sa akin lang kaya kong tanggapin pero pagdating kay Nonoy, hindi ko kaya. Nahihirapan ako at nasasaktan na nakikita siyang umiiyak at natatakot dahil sa ibang tao. Ngayon ko lang naintindihan ang naranasan niya at ang traumang naiwan sa kaniya noon." Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa awa niya sa kapatid."Naiintindihan kita, Naomi Nonoy doesn't deserve to be treated like that. Hayaan mo, sasabihan ko si Tita Levie na maging mabait kay Nonoy.""Alam kong hindi gusto ni Tita Levie na nandito kami ni Nonoy at kung mangyayari ulit ang ganito, ililipat ko ng tirahan si Nonoy dahil kung sa akin, kahit sigawan at laitin niya ang pagkatao ko, kaya kong tiisin iyon," pagtatapat niya.—PAPASO
"NAOMI! Naomi are you ok?"Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata nang marinig niya si Grayson na pumasok ng silid. Hindi niya ito hinarap habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Hindi siya sumagot dahil mahahalata nitong umiyak siya.Akala niya ay ok na siya pero bumalik lahat ng sakit nang pagtataksil ni Owen at Ivy sa kaniya. Ang sakit pa rin ng sugat na ginawa nila pero bakit hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Owen? May bahagi pa rin sa kaniya na gusto itong yakapin para mapunan ang pananabik niya sa dating asawa."Pinuntahan kita sa silid ni Nonoy pero he's already sleeping. May nangyari ba?" Ramdam niya ang pag-aalala ni Grayson. "They are waiting for you.""I-I'm sorry, Grayson pero nakaramdam kasi ako ng pagkahilo kaya hindi na ako bumalik sa dining area," dahilan niya pero mukhang hindi kumbinsido si Grayson. Lumapit ito sa kaniya."Are you sure you're ok? Gusto mo dalhin na kita—""I-I'm ok, Grayson. Kaya ko pa baka kailangan ko lang magpahinga," dahilan niya na
BUMUNTONG-HININGA muna si Naomi bago kumatok sa pinto ng silid ni Levie at Christopher. Pinapupunta kasi siya nito dahil may gusto raw ito sabihin sa kaniya. Simula nang nagdaang gabi, hindi siya masyadong naglalabas ng silid. Mabuti na lang at naniwala si Grayson sa kaniya kaya hindi na siya nito pinilit pumunta sa dinner dahil siguradong magkakagulo ang lahat kapag nagkataon. "Come in." Pumasok siya at tanging si Levie lang ang nadatnan niya roon. Nakaupo ito sa sofa habang may tsaa sa table. Lumapit siya. "Have a sit, Naomi." Binalingan nito si Divine na kanina pang masama ang tingin sa kaniya. "Iwanan mo muna kami." Kanina pa siyang kinakabahan dahil alam niyang hindi maganda ang sasabihin nito. Alam rin niyang hindi dapat pagkatiwalaan si Levie "May kailangan po kayo sa akin?" diretsong tanong niya. Kahit alam niyang ayaw nito sa kaniya, marunong pa rin naman siyang gumalang. "Well, wala naman akong kailangan sa iyo pero I'll give you an offer," sabi nito saka uminom ng t
"YOU KNOW, Naomi napakaswerte mo kay Grayson Alcantara dahil maraming babae ang nagpapantasya sa kaniya. He's the most handsome and hottiest businessman in the country," hindi makapaniwalang ani Luna.Nang iwanan siya ni Grayson sa hospital dahil sa hindi niya alam na dahilan, nagpasiya na lang siyang makipagkita kay Luna dahil simula nang tumira siya sa bahay ng mga Alcantara hindi na sila nagkita ulit. Pagkatapos nilang kumain ay pumunta naman sila sa isang park at naglalakad-lakad doon."Sa tingin mo swerte ako?" Ngumisi siya. "Nagkakamali ka dahil hindi mo gugustuhing pumasok sa magulo nilang pamilya," pagtatapat niya."Kahit pa gaano kagulo ang pamilya nila, wala akong pakialam basta si Grayson ang magiging asawa ko." Kinilig pa si Luna. "Ikaw na rin ang nagsabi na mabuting tao si Grayson."Hindi niya alam pero bigla siyang nalungkot. "Mabuti siyang tao pero napakamisteryoso niya." Naalala na naman niya ang bigla nitong pag-alis kanina at iwan siya. Medyo nainis lang siya pero al
KINAUMAGAHAN, nagising siyang wala na sa tabi niya si Grayson. Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya ng nagdaang gabi habang yakap siya ng binata. Napabuntong-hininga siya. Marahil nagulat din si Grayson nang magising itong yakap siya. Napatampal siya sa kaniyang noo. "Bakit ba kasi hinayaan mong makatulog kang yakap ka niya?" mahinang tanong niya sa sarili. Bakit nga ba? Hindi niya rin alam.Kapagkuwa'y napaisip siya nang maalala ang pangalang binaggit ni Grayson. Sino ang babaeng iyon? Napailing na lang siya dahil wala naman dapat siyang pakialam.Nagpasiya siyang maligo na para samahan si Nonoy dahil naka-schedule ito para sa check up nito. Ok lang kung hindi sila masasamahan ni Grayson. Lumabas na rin siya ng silid at dumeretso sa kwarto ni Nonoy."Ate!" masayang salubong ni Nonoy sa kaniya at niyakap siya. Nakahanda na rin ito dahil bihis na bihis na.Ngumiti siya. "Kumusta ang Nonoy ng ate? Are you ready? Lalabas tayo."Tumango ito. "Opo. Sabi nga po ni ate Moning, m
NANG makakain si Naomi ng manggang hilaw na binili ni Grayson, kakaibang satisfaction at saya ang naramdaman niya. Dahil ba cravings satisfied o dahil sa effort ni Grayson maibigay lang sa kaniya iyon?Pagkatapos ng check up ni Nonoy, nag-aya naman si Champagne na mag-mall sila dahil gusto raw nitong ipasyal si Nonoy doon kaya wala na rin siyang nagawa."Hindi ba masyado na kaming nakakaabala sa iyo, Grayson? Hindi mo naman kami kailangang samahan buong araw dahil alam ko namang busy ka sa trabaho," nahihiyang sabi niya habang pinagmamasdan lang nila si Champagne at Nonoy na masayang naglalaro sa play fun sa loob ng mall."I'm doing this to make them believe na totoo ang namamagitan sa atin," seryosong sagot nito na nakahalukipkip. Kahit sa simpleng polo-shirt na suot nito, napakagwapo na nito.Bigla siyang natauhan sa katotohanan. Nagpapanggap nga lang pala sila at lahat ng ginagawa ni Grayson ay parte ng pagpapanggap."Pero salamat pa rin sa lahat ng ginagawa mo sa amin ni Nonoy,"
RAMDAM ni Naomi ang mga pasimpleng tingin ni Owen sa kaniya and it makes her more uncomfortable. Gusto niyang isipin na baka na-miss din siya nito pero kapag naalala niya lahat ng ginawa nito sa kaniya, malabong manabik ito sa kaniya dahil pinagsawaan na siya nito. "I know what's happening in your family business, Owen. Levie told us everything at sinabi niyang pinaghirapan iyong itayo ng mga magulang ninyo at ngayon nahaharap sa financial crisis ang negosyo ng pamilya mo," ani Christopher. Tahimik lang si Naomi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila tungkol sa negosyo. Pinipilit niya ang sariling huwag tingnan man lang si Owen. Nahihiyang ngumiti si Owen. Napakamot pa ito sa batok at humarap sa kapatid. "Ate hindi mo na dapat sinabi kay kuya Christopher ang tungkol sa negosyo natin. Don't worry hindi ko naman hahayaan na mawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin," sabi nito. Pasimpleng napangisi si Grayson na tila ba nainis sa sinabi ni Owen. "Then, that's good that you
"WHY YOU'RE still here, malamig dito."Mabilis na pinahid ni Naomi ang luha sa mga mata niya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang nakatayo siya sa gilid ng terrace ng mansyon at yakap ang sarili."H-hindi pa ako inaantok, Grayson," aniya na hindi makatingin sa lalaki.Lumapit ito sa kaniya at tumabi. Hinubad nito ang suot na coat at inilagay sa likod niya. Natigilan siya sa ginawa nito. Napatingin siya kay Grayson ngunit walang emosyon sa mga mata nito. Marahil kakauwi lang nito galing sa trabaho. Naamoy niya ang napakabangong amoy ng coat nito. Napaka-manly pero hindi masakit sa ilong."You're pregnant, remember? Hindi ka dapat nalalamigan," seryosong sabi nito at tumingin sa payapang kalangitan. Pinatong nito ang mga braso sa handbar ng terrace."S-salamat," aniya habang nakatingin sa nakatalikod nitong katawan."By the way, may ire-request sana ako sa iyo," anito. Lumingon lang ito saglit sa kaniya."Kailangan mo pa bang mag-request? As if kaya kong tanggihan ang request m
KAHIT anong gawin ni Naomi, hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Owen tungkol kay Grayson. Anong klaseng tao ba ito at ano pang mga bagay ang dapat niyang malaman tungkol dito? Dapat ba niya iyong ikatakot? Iba nga ba ang pagkakakilala niya rito sa totoo nitong pagkatao? Pero alam niya sa kaniyang sarili na mabuting tao si Grayson pero may bahagi rin sa kaniya na baka nga may tinatago ito."Hey! Nalunod ka na sa lalim ng iniisip mo."Napapitlag siya at hindi natuwa nang makita si Martin na bigla na lang tumabi sa kaniya. Kanina pa pala siyang nakatulala lang at iniisip ang lahat ng sinabi ni Owen.Nasa school siya dahil siya ang sumama kay Nonoy.Hindi siya umimik at hindi ito pinansin. Nagkunyari siyang parang walang nakita dahil alam niyang sisirain lang nito ang araw niya."Aww! You snobbed me again. Ang sakit naman noon sa puso dahil as far as I remember, wala pang babaeng nang-snob sa akin," sabi nito na kunyaring nasaktan.Bumuntong-hininga siya at hindi pa rin ito
HINDI maalis sa isip ni Naomi ang sinabi ni Martin. Totoo bang alam din nito ang tungkol sa kanila ni Grayson o hinuhuli lang siya nito? Alam niyang hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan dahil hindi niya alam kung kakampi ito ni Grayson o kaaway din.Nasapo niya ang kaniyang tiyan nang maramdaman niyang sumipa ang bata mula sa loob niyon. Napangiti siya at namangha."Excited ka na rin bang lumabas? Dahil ako, super excited na akong makita ka," sabi niya habang hinihimas ang tiyan."Excited na rin akong makita ang bata, Naomi."Kumunot ang noo niya at nakita niya si Owen na nasa likod niya. Nasa terrace kasi siya ng bahay. Nitong mga nakaraang araw hindi niya nagugustuhan ang kinikilos ni Owen. Pakiramdam niya'y binabalik nito ang Owen na minahal niya noon. Nagbabago ito sa harap niya at nagiging kalmado. Hindi siya sanay pero may bahagi sa kaniya na natutuwa sa nakikitang pagbabago nito. Pero alam niyang hindi niya pwedeng pagkatiwalaan iyon.Umiwas siya ng tingin at hindi ito sumagot.
"WHAT'S HAPPENING here?"Hahakbang na sana si Christopher papasok ng bahay nang dumating si Grayson. Nagtatakang tumingin agad ito kay Levie habang akay nito si Ivy na para bang nasaktan talaga niya."I will not tolerate Naomi's bad attitude, Grayson," ani Christopher na para bang inakusan na agad siya nito na guilty.Kumunot ang noo ni Grayson at tiningnan siya habang nasa likod niya si Nonoy na huminto na sa pag-iyak."Are you accusing my wife, dad? Did you ask her what really happened?" tila dismayadong sabi ni Grayson. Ngumisi pa ito. "Well, I'm not surprised dahil kapag si tita Levie at ibang tao naman ang nagsabi sa iyo, they're telling the truth pero kapag ako, I'm lying, 'di ba dad? And now you're accusing my wife...no, you already judged her without fact checking."Manghang nakatingin lang siya kay Grayson dahil sa nararamdaman niyang saya dahil pinagtatanggol siya nito sa harap ng ibang tao. Pakiramdam niya'y mahalaga siya at may kakampi."Grayson, we're not lying. H-hindi k
NANG makatulog na si Nonoy, nagpasiya nang lumabas si Naomi ng silid nito. Tila napagod agad si Nonoy sa unang araw nito sa school pero kita niya kung paano ito nag-enjoy sa mga activity na pinagawa ng teacher nito.Paglabas niya ng silid, saktong kadarating lang ni Grayson. Natigilan ito ng makita siya pero agad ding umiwas at dumeretso na sa silid nila. Sumunod naman siya. Kanina pa niyang iniisip ang tungkol sa babaeng nakita nito at ang pangalang binanggit nito.Naghubad si Graysyon ng coat at umupo sa sofa, sapo ang sentido nito."I-I'm sorry, Naomi kung hindi ko na kayo nasundo sa school," sabi nito na nakapikit. Inalis nito ang ilang butones ng polong suot.Pumikit siya ng mariin at napahawak sa laylayan ng suot niyang damit. "I'm sorry to ask, Grayson pero sino ba ang babaeng nakita mo sa school nang nagdaang araw? S-sino si Ashley?" lakas-loob niyang tanong.Natigilan si Grayson at seryosong tumingin sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito. Kinabahan siya dahil baka magal
KATAHIMIKAN ang namayani sa kanila ni Grayson habang nasa silid silang dalawa. Hindi magawa ni Naomi na tumingin dito at maging si Grayson.Napalunok siya ng ilang beses habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. Kinakabahan siya sa pagiging tahimik ni Grayson sa kabila ng sinabi ni Levie. Wala man lang ba itong sasabihin o tatanungin sa kaniya?"G-Grayson, I-I'm sorry," basag niya sa katahimikan. Hindi niya alam kung paano sisimulan.Tiningnan siya nito na seryoso lang ang mukha habang nakapamulsa at nakatayo sa may bintana. Nakaupo naman siya sa may sofa. Hindi pa rin ito umimik.Humugot siya ng lakas ng loob. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Owen." Bahagya siyang yumuko. "H-hindi ko gustong itago iyon sa iyo pero alam kong magiging komplikado kapag nalaman ng lahat ang nakaraan namin," dahilan niya."Why are you explaining it to me now, Naomi?" kalmadong sabi nito."I-I lied.""No, you never lied, you just didn't tell us about your past with Owen and now everyone kno
HINDI ALAM ni Naomi ang iisipin niya gayong alam na rin ni Christopher ang tungkol sa nakaraan nila ni Owen. Walang ibang pwedeng magsabi niyon sa ama ni Grayson kung 'di si Levie. Pero bakit? Akala niya'y ayaw din nitong malaman ni Christopher ang tungkol sa kanila ng kapatid nito? Dapat na rin ba niyang sabihin kay Grayson ang tungkol doon kahit alam niyang may nalalaman na ito sa nakaraan niya."I bought your favorite food, Naomi."Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Owen na may bitbit na box. Naamoy agad niya ang paborito niyang Hawaiian pizza na palaging binibili nito noon sa kaniya.Napakunot ang noo niya. Simula nang gabing iyon, ngayon lang ulit niya nakita si Owen. Magaling na rin ang sugat sa labi nito.Masyado siyang maramimg iniisip kaya hindi na lang siya umimik. Ayaw niyang magsimula ng conversation kay Owen. Nasa garden siya at padilim na rin. Umiwas siya rito ng tingin pero mayamaya'y naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya."Bakit nandito ka pa sa labas? P
"ARE YOU excited, Nonoy?" tanong ni Champagne habang lulan sila ng sasakyan ni Grayson at nagmamaneho ito. Hindi nga alam ni Naomi kung bakit mayaman naman sila Grayson pero wala itong personal driver dahil palaging ito ang nagmamaneho ng sasakyan nito."O-opo, ate Champagne," masayang sabi nito bitbit ang isang laruan na robot na binili pa ni Grayson para rito. Kanina pa ngang excited si Nonoy dahil pupunta sila ngayon sa paraalan kung saan nag-aaral si Champagne para i-enroll si Nonoy sa isang special class for people with special needs."Salamat talaga, Grayson at Champagne huh, sa lahat ng ginagawa ninyo para kay Nonoy," masayang sabi niya.Simula kasi nang tumira sila sa mansyon ng mga Alcantara, ang dami na nilang nagawa para kay Nonoy at utay-utay nagbabago ang pananaw ng kapatid niya pagdating sa pagmumuhay sa labas kasama ang ibang tao. Masasabi niyang natutunan na ni Nonoy na masanay sa labas at masaya siya dahil hindi na lang ang silid at bahay ang magiging lugar para rito.
"NAKITA mo ba si Nonoy, Merry?" tanong ni Naomi sa katulong nang hindi niya madatnan sa silid nito ang kapatid.Kumunot ang noo ni Merry at umiling. "Hindi ko po napansin. Baka po nasa garden kasama ni Moning," sagot nito na naglilinis pa sa sala.Ngumiti siya. "Sige, salamat Merry." Tumango lang ang katulong at naglakad na siya patungo sa garden. Bahagyang mataas na ang sikat ng araw kaya napakunot noo siya nang tumama iyon sa kaniyang mukha.Nang makalabas siya, napahinto siya nang makitang may kalaro si Nonoy. Tiningnan niya si Moning na nakamasid lang sa dalawa. Alam niyang hindi si Grayson iyon dahil kanina pa itong nasa trabaho kaya sino ang lalaking iyon? Hindi rin naman si Owen iyon dahil hindi makikipaglaro si Nonoy kay Owen.Napakunot noo siya at humakbang palapit sa dalawa. Kita niya kung gaano kasaya si Nonoy na may kalaro ito."Ma'm, Naomi," sabi ni Moning nang makita siyang palapit.Dahan-dahang humarap ang lalaki ng marinig ang pangalan niya at mas lalo siyang nagtaka n
"WHY you're smiling, ate Naomi?"Napakurap siya at agad sumeryoso nang marinig niya ang sinabi ni Champagne habang nasa garden sila at binabantayan si Nonoy na masayang naglalaro roon."Huh? A-ako nakangiti?" Umiwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya'y napahiya siya at namumula na ang pisngi. Sa hindi niya malamang dahilan napapangiti siya kapag naalala niya ang ginawa ni Grayson sa kaniya kaninang umaga. Nararamdaman pa rin niya ang malambot nitong labi.Kumunot ang noo ni Champagne na tila namamangha sa kaniya. "Hmm! What kuya Grayson do to you? Your smile looks so happy and inspired," sabi nito."Huh? W-wala, ma...may naisip lang ako kaya siguro ako napangiti," alibi niya at tiningnan si Nonoy."Eh! Ayieh! Sa totoo lang hanggang ngayon I'm wondering how you and kuya Grayson met at kung paano nagsimula ang kwento ninyo. Gusto kong malaman, ate Naomi. Totoo ba na it just started in one night stand? Iyon kasi ang narinig ko, eh na pinakasalan ka lang daw ni kuya because you're pregn