"SIMULA ngayon dito ka na matutulog sa kwarto ko, Naomi," ani Grayson nang makapasok sila sa silid nito. Nakahinga na siya ng maayos nang tuluyang mawala sa harap niya ang nakakatakot na pamilya nito.Ngayon ay utay-utay na niyang naiintindihan ang dahilan ni Grayson kung bakit bigla siya nitong inalok ng kasal. "You look pale, are you ok?" tanong nito nang humarap sa kaniya. Bahagya itong kumiling. "I'm sorry kung natakot ka sa pamilya ko at nadamay ka pa sa magulong relasyon na mayroon kami. Well, it's not the family you're expecting, Naomi. You have to be prepared for what they're going to treat you. Swerte ka because Lola Marina wants me to have a baby kaya siguradong kakampi mo siya sa bahay na ito," paliwanang nito."Kaya ba inalok mo ako ng trabahong ito dahil ayaw mong makasal kay Crystal?" diretso niyang tanong."Dahil control ko ang marriage na mayroon tayo. We can divorce anytime if I wanted to pero kapag nakasal ako kay Crystal habang buhay akong matatali sa babaeng hindi
"NAOMI, I'm sorry," ani Grayson.Nayakap ni Naomi ang sarili niya habang pinagmamasdan niya si Nonoy na mahimbing na natutulog. Matapos itong turukan ng pangpakalma ng nurse, nakatulog na din ito habang yakap ang malaking stuffed toy na binigay pa niya noong birthday nito."Grayson, kung para sa akin lang kaya kong tanggapin pero pagdating kay Nonoy, hindi ko kaya. Nahihirapan ako at nasasaktan na nakikita siyang umiiyak at natatakot dahil sa ibang tao. Ngayon ko lang naintindihan ang naranasan niya at ang traumang naiwan sa kaniya noon." Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa awa niya sa kapatid."Naiintindihan kita, Naomi Nonoy doesn't deserve to be treated like that. Hayaan mo, sasabihan ko si Tita Levie na maging mabait kay Nonoy.""Alam kong hindi gusto ni Tita Levie na nandito kami ni Nonoy at kung mangyayari ulit ang ganito, ililipat ko ng tirahan si Nonoy dahil kung sa akin, kahit sigawan at laitin niya ang pagkatao ko, kaya kong tiisin iyon," pagtatapat niya.—PAPASO
"NAOMI! Naomi are you ok?"Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata nang marinig niya si Grayson na pumasok ng silid. Hindi niya ito hinarap habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Hindi siya sumagot dahil mahahalata nitong umiyak siya.Akala niya ay ok na siya pero bumalik lahat ng sakit nang pagtataksil ni Owen at Ivy sa kaniya. Ang sakit pa rin ng sugat na ginawa nila pero bakit hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Owen? May bahagi pa rin sa kaniya na gusto itong yakapin para mapunan ang pananabik niya sa dating asawa."Pinuntahan kita sa silid ni Nonoy pero he's already sleeping. May nangyari ba?" Ramdam niya ang pag-aalala ni Grayson. "They are waiting for you.""I-I'm sorry, Grayson pero nakaramdam kasi ako ng pagkahilo kaya hindi na ako bumalik sa dining area," dahilan niya pero mukhang hindi kumbinsido si Grayson. Lumapit ito sa kaniya."Are you sure you're ok? Gusto mo dalhin na kita—""I-I'm ok, Grayson. Kaya ko pa baka kailangan ko lang magpahinga," dahilan niya na
BUMUNTONG-HININGA muna si Naomi bago kumatok sa pinto ng silid ni Levie at Christopher. Pinapupunta kasi siya nito dahil may gusto raw ito sabihin sa kaniya. Simula nang nagdaang gabi, hindi siya masyadong naglalabas ng silid. Mabuti na lang at naniwala si Grayson sa kaniya kaya hindi na siya nito pinilit pumunta sa dinner dahil siguradong magkakagulo ang lahat kapag nagkataon. "Come in." Pumasok siya at tanging si Levie lang ang nadatnan niya roon. Nakaupo ito sa sofa habang may tsaa sa table. Lumapit siya. "Have a sit, Naomi." Binalingan nito si Divine na kanina pang masama ang tingin sa kaniya. "Iwanan mo muna kami." Kanina pa siyang kinakabahan dahil alam niyang hindi maganda ang sasabihin nito. Alam rin niyang hindi dapat pagkatiwalaan si Levie "May kailangan po kayo sa akin?" diretsong tanong niya. Kahit alam niyang ayaw nito sa kaniya, marunong pa rin naman siyang gumalang. "Well, wala naman akong kailangan sa iyo pero I'll give you an offer," sabi nito saka uminom ng t
"YOU KNOW, Naomi napakaswerte mo kay Grayson Alcantara dahil maraming babae ang nagpapantasya sa kaniya. He's the most handsome and hottiest businessman in the country," hindi makapaniwalang ani Luna.Nang iwanan siya ni Grayson sa hospital dahil sa hindi niya alam na dahilan, nagpasiya na lang siyang makipagkita kay Luna dahil simula nang tumira siya sa bahay ng mga Alcantara hindi na sila nagkita ulit. Pagkatapos nilang kumain ay pumunta naman sila sa isang park at naglalakad-lakad doon."Sa tingin mo swerte ako?" Ngumisi siya. "Nagkakamali ka dahil hindi mo gugustuhing pumasok sa magulo nilang pamilya," pagtatapat niya."Kahit pa gaano kagulo ang pamilya nila, wala akong pakialam basta si Grayson ang magiging asawa ko." Kinilig pa si Luna. "Ikaw na rin ang nagsabi na mabuting tao si Grayson."Hindi niya alam pero bigla siyang nalungkot. "Mabuti siyang tao pero napakamisteryoso niya." Naalala na naman niya ang bigla nitong pag-alis kanina at iwan siya. Medyo nainis lang siya pero al
KINAUMAGAHAN, nagising siyang wala na sa tabi niya si Grayson. Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya ng nagdaang gabi habang yakap siya ng binata. Napabuntong-hininga siya. Marahil nagulat din si Grayson nang magising itong yakap siya. Napatampal siya sa kaniyang noo. "Bakit ba kasi hinayaan mong makatulog kang yakap ka niya?" mahinang tanong niya sa sarili. Bakit nga ba? Hindi niya rin alam.Kapagkuwa'y napaisip siya nang maalala ang pangalang binaggit ni Grayson. Sino ang babaeng iyon? Napailing na lang siya dahil wala naman dapat siyang pakialam.Nagpasiya siyang maligo na para samahan si Nonoy dahil naka-schedule ito para sa check up nito. Ok lang kung hindi sila masasamahan ni Grayson. Lumabas na rin siya ng silid at dumeretso sa kwarto ni Nonoy."Ate!" masayang salubong ni Nonoy sa kaniya at niyakap siya. Nakahanda na rin ito dahil bihis na bihis na.Ngumiti siya. "Kumusta ang Nonoy ng ate? Are you ready? Lalabas tayo."Tumango ito. "Opo. Sabi nga po ni ate Moning, m
NANG makakain si Naomi ng manggang hilaw na binili ni Grayson, kakaibang satisfaction at saya ang naramdaman niya. Dahil ba cravings satisfied o dahil sa effort ni Grayson maibigay lang sa kaniya iyon?Pagkatapos ng check up ni Nonoy, nag-aya naman si Champagne na mag-mall sila dahil gusto raw nitong ipasyal si Nonoy doon kaya wala na rin siyang nagawa."Hindi ba masyado na kaming nakakaabala sa iyo, Grayson? Hindi mo naman kami kailangang samahan buong araw dahil alam ko namang busy ka sa trabaho," nahihiyang sabi niya habang pinagmamasdan lang nila si Champagne at Nonoy na masayang naglalaro sa play fun sa loob ng mall."I'm doing this to make them believe na totoo ang namamagitan sa atin," seryosong sagot nito na nakahalukipkip. Kahit sa simpleng polo-shirt na suot nito, napakagwapo na nito.Bigla siyang natauhan sa katotohanan. Nagpapanggap nga lang pala sila at lahat ng ginagawa ni Grayson ay parte ng pagpapanggap."Pero salamat pa rin sa lahat ng ginagawa mo sa amin ni Nonoy,"
RAMDAM ni Naomi ang mga pasimpleng tingin ni Owen sa kaniya and it makes her more uncomfortable. Gusto niyang isipin na baka na-miss din siya nito pero kapag naalala niya lahat ng ginawa nito sa kaniya, malabong manabik ito sa kaniya dahil pinagsawaan na siya nito. "I know what's happening in your family business, Owen. Levie told us everything at sinabi niyang pinaghirapan iyong itayo ng mga magulang ninyo at ngayon nahaharap sa financial crisis ang negosyo ng pamilya mo," ani Christopher. Tahimik lang si Naomi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila tungkol sa negosyo. Pinipilit niya ang sariling huwag tingnan man lang si Owen. Nahihiyang ngumiti si Owen. Napakamot pa ito sa batok at humarap sa kapatid. "Ate hindi mo na dapat sinabi kay kuya Christopher ang tungkol sa negosyo natin. Don't worry hindi ko naman hahayaan na mawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin," sabi nito. Pasimpleng napangisi si Grayson na tila ba nainis sa sinabi ni Owen. "Then, that's good that you
DAHAN-DAHANG humakbang si Naomi palapit sa puntod ng kaniyang yumaong anak habang bumabalik sa isip niya ang nangyari nang araw na iyon. Habang tumatawid siya sa kalsada ay may kotseng bumangga sa kaniya. Tumilapon siya at nawalan ng malay.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ngayong naalala na niya ang lahat, pakiramdam niya'y sunod-sunod siyang sinasaksak ng masasakit na katotohanan na sariwang-sariwa pa rin sa kaniya hanggang ngayon."A-anak ko...I-I'm sorry wala akong nagawa para iligtas ka, ni wala akong pagkakataon para yakapin at kalungin ka sa mga bisig ko. I'm sorry!" Tuluyan na siyang napahagulhol at napaluhod sa tapat ng puntod ng kaniyang anak.Ang sakit isipin na paggising niya, wala na ito sa sinapupunan niya at wala siyang nagawa. Marami siyang pangarap para rito at kahit maraming nangyari sa kanila, kahit itinakwil sila ng totoong ama nito, wala siyang ibang hangad kung 'di maipanganak niya ito ng maayos at
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, hija?"Napangiwi si Naomi at nasapo ang kaniyang ulo nang kumirot iyon. Bumungad sa kaniya si lola Marina na kita ang pag-aalala sa mukha nito. Pakiramdam niya'y kakagising lang niya mula sa matagal na pagkakatulog."Ah!" mahinang daing niya at muling pumikit dahil nararamdaman pa rin niya ang pagkirot ng kaniyang ulo. Nagmulat siya nang bumukas ang pinto ng silid."I'm glad you're awake now," sabi naman ni Christopher na kapapasok lang ng silid. Ngumiti pa ito sa kaniya."O-ok na po ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko," sabi niya at umayos ng pagkakaupo. Inisip niya ang huling nangyari at agad siyang nabahala nang maalala si Nonoy. Bumaba siya ng kama at hahakbang na sana nang pigilan siya ni lola Marina."Kailangan mo munang magpahinga, Naomi," pigil nito."S-si Nonoy po. Kailangan ko siyang puntahan," nag-aalalang aniya."Naomi, magpahinga ka na muna. Ayos na si Nonoy, nagpapahinga na siya. Nakatulog na rin ang kapatid mo pagkatapos pakalmahin ng nur
HANGGANG ngayon hindi pa rin nagigising si Naomi. Nawalan ito ng malay nang sumakit ang ulo nito kanina habang nagtatalo si Grayson at Owen. Alam ni Grayson na maaring na-trigger ng eksenang iyon ang utak ni Naomi kaya sumakit ang ulo nito. Nakatulog na rin si Nonoy matapos itong mapakalma ng nurse nito. Nasa bahay lang din ang magkapatid at pinapunta na lang niya ang doctor sa bahay."Kumusta na si ate Naomi, kuya?"Lumingon siya habang nakatayo sa gilid ng kama nila ni Naomi, nakita niya si Champagne na kagagaling lang sa school dahil naka-uniform pa ito. Kita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito.Tiningnan niya ang asawa. "Sabi ng doctor, she's fine now at kailangan na lang magpahinga," aniya."Narinig ko ang nangyari, kumusta si Nonoy?" tanong ni Champagne."He's in his room, nakatulog na rin siya matapos mapakalma ng nurse.""Bakit ba takot na takot si Nonoy kay tito Owen at kay ate Ivy," usisa ni Champagne at lumapit sa kaniya. Tiningnan nito ang walang malay na si Naomi.
"ARE YOU ok?" tanong ni Grayson kay Naomi nang huminto ang sasakyan nito sa garahe ng mansyon. Kadarating lang nila mula sa libingan ng kaniyang anak Tiningnan niya ito pero walang ngiting gumuhit mula sa labi niya. "Nandito pa rin 'yong bigat at paghihinagpis, Grayson pero I'm feeling better now dahil kahit papaano, nadalaw ko ang anak ko at nakita ko siya kahit sa picture man lang." Bahagya siyang yumuko at nakagat ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya'y tutulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "Everything will be ok, Naomi. I'm just here," pag-alo nito sa kaniya at inangat ang kaniyang mukha. Kita niya sa gwapo nitong mukha ang pag-aalala sa kaniya at ramdam niya iyon mula rito. "You can cry, you can rant on me, pwede kang lumapit sa akin whenever you feel like you're not ok or you need someone to lean on." Marahan nitong pinahid ang luha na kumawala sa kaniyang mga mata. Napatitig siya sa mga mata nito. Bakit? Bakit napakabuti ni Grayson sa kaniya at kahit alam nila
"WHERE WE going, Grayson?" tanong ni Naomi habang seryoso itong nagmamaneho at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. "Somewhere where you can find your soul, Naomi," makahulugan nitong sabi. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Malalaman mo rin kung saan tayo pupunta. It's a big part of you, of your past at alam kong matagal mo ng tinatanong ang bagay na iyon and now it's the time, Naomi." Tiningnan lang niya si Grayson. Gusto pa niyang magtanong pero mukhang hindi naman siya nito sasagutin ng diretso kaya nanahimik na lang siya. Saan kaya siya nito dadalhin na malaking parte ng nakaraan niya? Hindi niya alam kung ma-e-excite siya o kakabahan, halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Habang tahimik at seryosong nagmamaneho si Grayson, mataman niya itong tinitigan at habang tumatagal she's enjoying the view ng hindi niya namamalayan. Napakagwapo nito at tila ba anghel na bumaba mula sa langit. Bahagyang may pagka-fierce pero hindi ito ang tipong katatakutan, in fact,
NAPAPITLAG si Naomi nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya. Alam niyang hindi si Grayson iyon dahil umalis na ito ng bahay kanina pa. Nasa kusina siya at nagluluto ng pagkain para kay Nonoy."O-Owen," aniya. Kahit hindi niya ito kita, alam niyang si Owen ito dahil bukod sa amoy nito, alam niya ang presensiya ng binata.Aalis na sana siya sa pagkakayakap nito nang mas lalo siya nitong hapitin. Ramdam niya ang mahigpit na yakap nito, ang matigas nitong katawan."Let me hug you like this, Naomi," marahan nitong sabi at pinatong ang baba sa kaniyang balikat."P-pero baka may makakita sa atin," aniya at sinubukang alisin ang braso nito sa kaniyang baywang."I don't care if somebody sees us, Naomi.""P-pero hindi tama na makita tayo ng iba na yakap mo ako dahil alam ng lahat na si Grayson ang asawa ko. Hindi ito tama, Owen," dahilan niya. Ayaw din niyang magkaroon ng issue sa bahay, higit lalo sa pamilya ni Grayson.Naalis niya ang braso nito at agad siyang dumistansiya sa bi
HABANG nasa terrace si Naomi kasama si Grayson na abala sa binabasang newspaper, nakatingin lang siya rito at hindi niya maiwasang hindi humanga sa gwapo nitong mukha kahit seryoso at walang expression ang mukha. Simula nang magising siya mula sa aksidente, ang daming nangyari pero sa isang iglap, pakiramdam niya'y si Grayson ang matagal na niyang nakasama at lahat ng mga narinig niyang kwento patungkol dito, ngayon ay hindi na niya kayang paniwalaan dahil sa kabutihan nito at sa lahat pinararamdam nito sa kaniya. Na mabuting tao pala ito hindi lang sa kaniya, pati kay Nonoy. Hanggang ngayon nga ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi dahil kay Grayson, hindi niya alam kung kasama pa niya hanggang ngayon si Nonoy. Ngayon, mas naiintindihan na niya ang ginawa nito sa kaniya at ang kabutihan nito."Hey! You're staring at me, I'm not used to it," pukaw ni Grayson na nakatingin na sa kaniya at nakangiti. Mas lalo lang lumabas ang taglay nitong gandang lalaki dahil doon na parang r
HINDI MAALIS sa isip ni Naomi ang mga sinabi ni Divine tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon. Wala siyang maalalang kahit ano at kung hindi nga lang niya narinig ang tungkol doon, hindi niya malalaman iyon. Kanina pa niyang hinihintay si Grayson para tanungin ito tungkol sa bagay na iyon dahil hindi siya mapakali. Alam niyang maaring totoo iyon pero sa loob niya hindi niya kayang paniwalaang kayang gawin ni Grayson ang bagay na iyon. Pakiramdam nga niya'y matagal na niyang kilala ang lalaki at hindi nito magagawa ang paratang na iyon o baka iyon lang ang gusto niyang paniwalaan. "Ma'm Naomi." Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ni Joan. Nilingon niya ito mula sa terrace kung saan siya nakatayo at nag-iisip. Lumapit ito sa kaniya kasama si Merry. "May kailangan ba kayo?" seryosong tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa na para bang may gustong sabihin sa kaniya at tila ba nagdadalawang-isip pa ang mga ito. Nagtaka siya. "A-ano po kasi...k-kasi—Joan, ikaw na
ISANG KALSADA, sa may pedestrian, nakikita ni Naomi ang sarili niyang naglalakad doon. Tahimik ang paligid, walang sasakyang dumadaan at mula roon, kita niya si Nonoy na nakangiti sa kaniya at nag-aabang sa kabilang bahagi ng kalsada. Kumakaway pa ito sa kaniya. Ngumiti siya at patuloy sa paglalakad ngunit nang nasa gitna na siya, napahinto siya nang may sasakyang padating. Napapikit siya sa nakakasilaw na ilaw mula rito. Hindi siya nakagalaw at kita niya ang papalapit na kotse na para bang sa kaniya talaga ang punta niyon. Nanlaki ang mga mata niya, nakita niya si Nonoy na nakatingin lang sa kaniya at umiiyak na ito hanggang sa malakas na bosena at tila may matigas na bagay ang sumalpok sa kaniya at ramdam niya ang pagtilapon niya dulot ng malakas na impact ng pagbangga sa kaniya ng sasakyan. Kita niya ang sarili na nakahandusay sa kalsada, duguan pero may malay pa rin siya at tila pilit inaabot ang isang batang nakahandusay din sa daan, duguan at patuloy na umiiyak. Walang sap