"THANK you, Vincent sa mangga, huh," ani Naomi habang sarap na sarap siyang kinakain ang mangga na dinala ni Vincent sa kaniya."Inutusan lang ako ni Sir Grayson na dalhan ka ng mangga dahil naglilihi ka raw diyan," sabi nito.Natigilan siya habang hawak ang buto ng mangga at nasa labi iyon. "Talaga? Siya ang nagsabi sa iyo na dalhan ako ng mangga?" Sunod-sunod na magagandang bagay ang ginagawa ni Grayson sa kaniya kaya hindi niya maiwasang hindi mailang sa lalaki. Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang maging masaya o hindi.Tumango si Vincent. Nakaupo sila sa garden ng mansyon. "Kumusta naman kayo sa mansyon?" tanong nito."Ok naman, nasasanay na ako," sagot niya.Napangiti si Vincent at napailing. "Sanay kana bang makita ang mga Alcantara na araw-araw nagsasabong? Hindi sila perpektong pamilya katulad ng tingin ng iba," komento nito."Well, utay-utay ko nang naiintindihan kung bakit ganito ang pamilya ni Grayson.""Please, understand Grayson more, Naomi dahil kung hindi mo siya m
"HINDI ko binayaran si Naomi, I paid her brother medical expenses because I'm going to marry her."Kapwa napalingon si Naomi at Christopher nang biglang dumating si Grayson sa silid. Tumayo siya at lumapit ito sa kaniya."Do you think I'll believe you, Grayson? Kilala kita at alam kong gagawa ka ng paraan para matakasan ang kasal mo with Crystal," ani Christopher.Ngumisi si Grayson. Hinawakan nito ang kamay niya. "Then don't believe me, dad! Hindi naman na bago sa akin na hindi mo ako pinaniniwalaan, 'di ba? You're questioning me for paying Naomi's brother medical expenses habang ikaw gumagastos kay tita Levie just to give her what she wants," balik nito. "That time when you're not married to her, halos ibigay mo sa kaniya ang lahat ng pera mo para lang pakasalan ka niya, 'di ba?" Napuno ng galit ang mukha ni Christopher. "How dare you para isumbat sa akin lahat ng mga ginawa ko? It's because I love Levie that's why I gave her everything I could."Ngumisi ulit si Grayson na hindi ma
HANGGANG ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari nang nagdaang araw sa mansyon. Tama si Vincent, mas magulo pa sa inaakala niya ang pamilya Alcantara. Marami pa siyang dapat malaman at marami siyang tanong na gustong itanong kay Grayson pero alam niyang wala siya sa lugar.Paakyat na sana siya sa second floor ng bahay nang may tumawag sa kaniya na pamilyar na boses."Hey! You, alam mo ba kung nasaan si Owen?"Kumunot ang noo niya nang ma-realize kung sinong may-ari ng boses na iyon. Hindi siya sumagot at humarap dahil alam niyang magugulat ito 'pag nakita siya."Hey! I'm talking to you, bingi ka—N-Naomi?" gulat na sambit nito nang marahas siya nitong iharap. "D-don't tell me ikaw ang asawa ni Grayson?" Umiling-iling ito. "N-no! Malabong mangyari iyon. Are you a maid here?" Bahagya siyang kumiling, saka ngumisi. "Do you think I'm the maid here, Ivy? Sorry pero hindi ako katulong dito. I'm Naomi Alcantara, Grayson's wife," matapang niyang pakilala.Mas nanlaki ang mga
"KUMUSTA ang school, Champagne?" tanong ni Naomi sa dalaga nang lapitan niya ito habang tahimik na nakaupo sa garden ng mansyon. Malalim ang iniisip nito at kita niya sa mga mata nito ang lungkot. Ngumiti ito. "Ok naman po, ate Naomi. So far no one's tried to bully me," sabi nito. "Well, that's good makakapag-focus ka na sa pag-aaral mo at mapapatunayan mo na sa mom at dad mo na nag-aaral ka ng mabuti rito sa pilipinas," masayang sabi niya. Bahagyang kumiling si Champagne at sumeryoso ang mukha na tila may gustong sabihin. Hinawakan niya ang kamay nito. "Champagne, I know something's bothering you at kung kailangan mo ng makakausap, just talk and I'll listen." Ngumiti siya para iparamdam sa bata na handa siyang makinig. Suminghap si Champagne. "Sa totoo lang ate Naomi, nahihirapan ako sa relasyong mayroon ang pamilya ko. Naiiipit ako sa hindi nila pagkakaunawaan. Hindi ko alam kung saan ako kakampi o kung may dapat ba akong kampihan. I know everything, alam ko na hindi magka
NATIGILAN si Naomi sa naging tanong ni Owen. Hindi siya nakasagot at para siyang tinakasan ng dugo."Answer me, Naomi ako ba ang ama ng batang dinadala mo?" ulit nito na gusto na siyang sigawan pero pinipigilan nito.Napalunok siya at hindi makatingin dito. Hindi pwedeng malaman ni Owen ang totoo dahil masisira ang lahat pati ang buhay nila ni Nonoy.Napakapit siya ng mahigpit sa laylayan ng suot niyang pantulog. "H-hindi, Owen! Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Sa tingin mo sa iyo lang umikot ang mundo ko? Sa tingin mo ganoon ako katanga para hindi malaman ang tungkol sa inyo ni Ivy? Matagal ko ng alam at simula noon, naisip kong gantihan ka and fortunately, si Grayson ang lalaking nakasiping ko ng gabing iyon," aniya na puno ng kasinungalingan.Umiling si Owen. "H-hindi ako naniniwala, Naomi. Kilala kita at alam ko ang pagkatao mo, hindi mo magagawa ang bagay na iyon. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Nang makipaghiwalay ako sa iyo, sinabi mo sa aking buntis ka at hindi ko 'yo
NAKAGAT ni Naomi ang hinalalaki niya habang pinagmamasdan si Nonoy na nakatulog matapos itong pakalmahin ng doctor. Kinakabahan siya dahil siguradong magdududa si Levie at Christopher kung bakit kilala ni Nonoy si Ivy at Owen at kung bakit takot na takot ito sa kanila."Ate Naomi, I'm sorry."Lumingon siya kay Champagne na kakapasok lang ng silid. Ngumiti siya. "Hindi mo kasalanan, Champagne." Lumapit ito sa kaniya."Hindi ko alam na nandoon si tito Owen. Pero bakit takot na takot si Nonoy sa kaniya gayong hindi naman niya ito kilala?" nagtatakang tanong nito.Bahagya siyang kumiling. "H-hindi ko rin alam, Champagne kung bakit takot na takot siya kay Owen," aniya. Mayamaya'y pumasok rin sa silid si Levie at Christopher. Mas kinabahan siya."Kumusta si Nonoy, Naomi?" tanong ni Christopher."Nakatulog na po siya pagkatapos pakalmahin ng doctor," sagot niya."Have Nonoy met Owen?" nagtatakang tanong naman ni Levie. "Bakit parang takot na takot siya kay Owen at Ivy?"Umiling siya at hind
"A-ANONG ginagawa mo rito, Owen?" gulat na bungad ni Naomi nang bigla na lang pumasok sa silid ni Nonoy si Owen. Mabuti na lang at wala roon ang kapatid niya dahil sinama ito ni Champagne sa labas. Ni-lock nito ang pinto ng silid.Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. Nagulat siya sa ginawa nito nang isandal siya sa pader at siniil siya ng halik. Hindi agad siya nakagalaw pero nanatiling nakasara ang mga labi niya.Tinulak niya ito nang makabawi sa pagkagulat. "A-ano ba?! Owen, nababaliw ka na ba?" Marahas niyang pinahid ang labi niya. "I miss the taste of your lips, Naomi," sabi nito habang nakangiti.Lumapit ulit ito sa kaniya. Hinawakan siya nito sa balikat at diniin siya sa pader. Umiwas siya pero nahuli nito ang labi niya, saka siniil iyon ng halik. Pilit binubuka ang labi niya para mapasok iyon ng mapupusok nitong dila."O-Owen!" Nang makawala siya, mabilis na gumalaw ang palad niya at dumampi iyon sa makapal nitong mukha. Nasapo nito iyon at tiningnan siya."Hindi mo ba n
"ALAM KO na ang namagitan sa inyo ng kapatid kong si Owen. You're his ex-wife."Nanigas si Naomi sa kinatatayuan habang parang bang nililitis siya ng mga tingin ni Levie. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Owen?"Now, tell me the truth, Naomi totoo ba ang kasal ninyo ni Grayson?" Napalunok siya. Hindi agad siya nakapagsalita. "T-totoo ang kasal namin ni Grayson, Tita Levie. We are legally married at kaya kong patunayan iyon." Pinipilit niyang maging matapang sa harap nito para hindi makitang nagsisinungalin siya.Ngumiti ito na para pang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "I know you are legally married with my step son I just want to know how much he paid you to be his wife?" diretsong tanong nito."I'm sorry, tita Levie pero hindi ako binayaran ni Grayson para maging asawa niya. He asked me to get married with him dahil buntis ako," pagsisinungalin niya.Umupo ito at ngumiti. "Talaga ba? Kinasal ka kay Grayson isang buwan matapos mong makipag-divorce kay Owen, tama? At bago
"OWEN!"Kapwa napatingin si Owen at Naomi nang biglang pumasok sa silid si Grayson. Matalim ang tingin nito kay Owen."What do you think you're doing, huh?" sabi ni Grayson at agad hinawakan sa braso si Owen at hinila palabas ng silid. Naiwan siyang walang imik.Ilang sandali lang at bumukas ulit ang pinto at si Grayson na lang ang pumasok sa loob."Nasaan si Owen?" nagtatakang tanong niya at hinanap ito."Naomi, hindi mo na kailangang hanapin ang lalaking iyon. You don't need him beside you dahil nandito ako," sabi nito at tumabi sa kaniya. "Kumusta ka na? Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong nito.Masama ang naging tingin niya rito. "At sino ka para paalisin si Owen? He's my boyfriend at siya dapat ang kasama ko at hindi ikaw na hindi ko naman kilala at maalala," inis na sabi niya.Natigilan si Grayson sa naging asal niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig."Iyon ba ang sinabi ni Owen sa iyo?" Ngumisi ito. "And do you believe him? Naomi, alam kong wala kang maalala pero huwag ka
"NAOMI, he's not your boyfriend. Ako, I'm your husband at kaya kong patunayan iyon," agad na sabi ni Grayson habang hindi naman makapaniwala si Owen sa sinabi ni Naomi. Naguguluhan ito sa mga nakikita."Naomi, Grayson is right, siya ang asawa mo at hindi mo nobyo so Owen," segunda naman ng daddy niya."P-pero hindi ko maalalang asawa ko siya....siya, s-si Owen, siya ang naalala kong nobyo ko," tinuro pa ni Naomi si Owen na hindi makaimik dahil sa pagkabigla."P-pero ate Naomi, h-hindi mo na boyfriend si Tito Owen. He was your ex-boyfriend," paliwanang ni Champagne.Tila mas lalong naguluhan si Naomi sa mga narinig. Nasapo nito ang sentido at napapikit ng mariin. Hindi siya papayag na si Owen ang makikilala nito at hindi siya. Wala ng karapatan si Owen kay Naomi at hindi niya hahayaang magkaroon pa ito ng pagkakataon para mapalapit sa asawa niya."Naomi,. I'll explain to you everything you need to know, but for now, huwag mo munang isipin ang lahat. Huwag mong madaliing alalahanin ang
DAHAN-DAHANG iminulat ni Naomi ang mga mata niya pero agad siyang napapikit dahil sa kirot na naramdaman niya sa kaniyang ulo. Nasapo niya iyon."Naomi!""Ate Naomi!"Pakiramdam niya'y sasabog na ang ulo niya dahil sa sakit niyon kaya hindi agad siya nakamulat. Naramdaman din niya ang pagkirot sa parteng tiyan niya kaya hinawakan niya iyon. Pagmulat niya nagtaka siya sa nakitang mga tao na nasa harap niya. May lungkot at puno ng pag-aalala ang nakikita niya mula sa mga ito."S-sino kayo? N-nasaan si Nonoy? N-nasaan ako?" Nagsimula siyang kabahan dahil hindi pamilyar ang nakikita niya.Natigilan ang mga taong nakatingin sa kaniya at nagtinginan ang mga ito. Binalingan siya ng lalaking nasa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "N-Naomi? H-hindi mo ba kami nakikilalang lahat? We are your family. I'm your husband. Ako ito si Grayson," hindi makapaniwalang ani ng lalaki.Mas lalo siyang naguluhan at parang hindi niya kayang iproseso ang mga nangyayari."N-nasaan si Nonoy? Ang kapatid ko
"VINCENT, have you seen here?" seryosong tanong ni Grayson habang nasa school sila ni Champagne at may hinahanap. Umiling si Vincent. "I don't think she's here, Grayson. Baka namamalik-mata ka lang o baka kamukha lang niya ang nakita mo," sabi nito. "No, Vincent. I know her kahit pa nakatalikod siya makikilala at makikilala ko siya. Tinanong ko na rin ang registrar about sa information niya at nakita ko sa mga list ang pangalan niya at ng batang binabantayan niya." Luminga pa siya sa paligid. Palabas na ang ilang estudyante kaya dumadami na ang tao sa labas ng school. Kumunot ang noo ni Vincent. "Bata?" "Yes, Vincent. I-I don't know if the kid is her daughter pero gamit nito ang apelyido ni Ashley." "So, baka may anak na si Ashley?" Natigilan siya at saglit na kumiling. Gusto sana niyang isipin na baka anak nila ni Ashley ang bata pero pwede ring hindi dahil matagal na silang hindi nagkita. "I-I hope she's my daughter, Vincent. It's been five years at four years old na ang bata
KAHIT anong gawin ni Naomi, hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Owen tungkol kay Grayson. Anong klaseng tao ba ito at ano pang mga bagay ang dapat niyang malaman tungkol dito? Dapat ba niya iyong ikatakot? Iba nga ba ang pagkakakilala niya rito sa totoo nitong pagkatao? Pero alam niya sa kaniyang sarili na mabuting tao si Grayson pero may bahagi rin sa kaniya na baka nga may tinatago ito."Hey! Nalunod ka na sa lalim ng iniisip mo."Napapitlag siya at hindi natuwa nang makita si Martin na bigla na lang tumabi sa kaniya. Kanina pa pala siyang nakatulala lang at iniisip ang lahat ng sinabi ni Owen.Nasa school siya dahil siya ang sumama kay Nonoy.Hindi siya umimik at hindi ito pinansin. Nagkunyari siyang parang walang nakita dahil alam niyang sisirain lang nito ang araw niya."Aww! You snobbed me again. Ang sakit naman noon sa puso dahil as far as I remember, wala pang babaeng nang-snob sa akin," sabi nito na kunyaring nasaktan.Bumuntong-hininga siya at hindi pa rin ito
HINDI maalis sa isip ni Naomi ang sinabi ni Martin. Totoo bang alam din nito ang tungkol sa kanila ni Grayson o hinuhuli lang siya nito? Alam niyang hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan dahil hindi niya alam kung kakampi ito ni Grayson o kaaway din.Nasapo niya ang kaniyang tiyan nang maramdaman niyang sumipa ang bata mula sa loob niyon. Napangiti siya at namangha."Excited ka na rin bang lumabas? Dahil ako, super excited na akong makita ka," sabi niya habang hinihimas ang tiyan."Excited na rin akong makita ang bata, Naomi."Kumunot ang noo niya at nakita niya si Owen na nasa likod niya. Nasa terrace kasi siya ng bahay. Nitong mga nakaraang araw hindi niya nagugustuhan ang kinikilos ni Owen. Pakiramdam niya'y binabalik nito ang Owen na minahal niya noon. Nagbabago ito sa harap niya at nagiging kalmado. Hindi siya sanay pero may bahagi sa kaniya na natutuwa sa nakikitang pagbabago nito. Pero alam niyang hindi niya pwedeng pagkatiwalaan iyon.Umiwas siya ng tingin at hindi ito sumagot.
"WHAT'S HAPPENING here?" Hahakbang na sana si Christopher papasok ng bahay nang dumating si Grayson. Nagtatakang tumingin agad ito kay Levie habang akay nito si Ivy na para bang nasaktan talaga niya. "I will not tolerate Naomi's bad attitude, Grayson," ani Christopher na para bang inakusan na agad siya nito na guilty. Kumunot ang noo ni Grayson at tiningnan siya habang nasa likod niya si Nonoy na huminto na sa pag-iyak. "Are you accusing my wife, dad? Did you ask her what really happened?" tila dismayadong sabi ni Grayson. Ngumisi pa ito. "Well, I'm not surprised dahil kapag si tita Levie at ibang tao naman ang nagsabi sa iyo, they're telling the truth pero kapag ako, I'm lying, 'di ba dad? And now you're accusing my wife...no, you already judged her without fact checking." Manghang nakatingin lang siya kay Grayson dahil sa sinabi nito at para bang hinipo nito ang puso niya dahil pinagtatanggol siya nito sa harap ng pamilya nito. Pakiramdam niya'y mahalaga siya at may kakampi
NANG makatulog na si Nonoy, nagpasiya nang lumabas si Naomi ng silid nito. Tila napagod agad si Nonoy sa unang araw nito sa school pero kita niya kung paano ito nag-enjoy sa mga activity na pinagawa ng teacher nito.Paglabas niya ng silid, saktong kadarating lang ni Grayson. Natigilan ito ng makita siya pero agad ding umiwas at dumeretso na sa silid nila. Sumunod naman siya. Kanina pa niyang iniisip ang tungkol sa babaeng nakita nito at ang pangalang binanggit nito.Naghubad si Graysyon ng coat at umupo sa sofa, sapo ang sentido nito."I-I'm sorry, Naomi kung hindi ko na kayo nasundo sa school," sabi nito na nakapikit. Inalis nito ang ilang butones ng polong suot.Pumikit siya ng mariin at napahawak sa laylayan ng suot niyang damit. "I'm sorry to ask, Grayson pero sino ba ang babaeng nakita mo sa school nang nagdaang araw? S-sino si Ashley?" lakas-loob niyang tanong.Natigilan si Grayson at seryosong tumingin sa kaniya. Walang emosyon ang mga mata nito. Kinabahan siya dahil baka magal
KATAHIMIKAN ang namayani sa kanila ni Grayson habang nasa silid silang dalawa. Hindi magawa ni Naomi na tumingin dito at maging si Grayson.Napalunok siya ng ilang beses habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri. Kinakabahan siya sa pagiging tahimik ni Grayson sa kabila ng sinabi ni Levie. Wala man lang ba itong sasabihin o tatanungin sa kaniya?"G-Grayson, I-I'm sorry," basag niya sa katahimikan. Hindi niya alam kung paano sisimulan.Tiningnan siya nito na seryoso lang ang mukha habang nakapamulsa at nakatayo sa may bintana. Nakaupo naman siya sa may sofa. Hindi pa rin ito umimik.Humugot siya ng lakas ng loob. "Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Owen." Bahagya siyang yumuko. "H-hindi ko gustong itago iyon sa iyo pero alam kong magiging komplikado kapag nalaman ng lahat ang nakaraan namin," dahilan niya."Why are you explaining it to me now, Naomi?" kalmadong sabi nito."I-I lied.""No, you never lied, you just didn't tell us about your past with Owen and now everyone kno