KAHIT anong gawin ni Naomi, hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Owen tungkol kay Grayson. Anong klaseng tao ba ito at ano pang mga bagay ang dapat niyang malaman tungkol dito? Dapat ba niya iyong ikatakot? Iba nga ba ang pagkakakilala niya rito sa totoo nitong pagkatao? Pero alam niya sa kaniyang sarili na mabuting tao si Grayson pero may bahagi rin sa kaniya na baka nga may tinatago ito."Hey! Nalunod ka na sa lalim ng iniisip mo."Napapitlag siya at hindi natuwa nang makita si Martin na bigla na lang tumabi sa kaniya. Kanina pa pala siyang nakatulala lang at iniisip ang lahat ng sinabi ni Owen.Nasa school siya dahil siya ang sumama kay Nonoy.Hindi siya umimik at hindi ito pinansin. Nagkunyari siyang parang walang nakita dahil alam niyang sisirain lang nito ang araw niya."Aww! You snobbed me again. Ang sakit naman noon sa puso dahil as far as I remember, wala pang babaeng nang-snob sa akin," sabi nito na kunyaring nasaktan.Bumuntong-hininga siya at hindi pa rin ito
"VINCENT, have you seen here?" seryosong tanong ni Grayson habang nasa school sila ni Champagne at may hinahanap. Umiling si Vincent. "I don't think she's here, Grayson. Baka namamalik-mata ka lang o baka kamukha lang niya ang nakita mo," sabi nito. "No, Vincent. I know her kahit pa nakatalikod siya makikilala at makikilala ko siya. Tinanong ko na rin ang registrar about sa information niya at nakita ko sa mga list ang pangalan niya at ng batang binabantayan niya." Luminga pa siya sa paligid. Palabas na ang ilang estudyante kaya dumadami na ang tao sa labas ng school. Kumunot ang noo ni Vincent. "Bata?" "Yes, Vincent. I-I don't know if the kid is her daughter pero gamit nito ang apelyido ni Ashley." "So, baka may anak na si Ashley?" Natigilan siya at saglit na kumiling. Gusto sana niyang isipin na baka anak nila ni Ashley ang bata pero pwede ring hindi dahil matagal na silang hindi nagkita. "I-I hope she's my daughter, Vincent. It's been five years at four years old na ang bata
DAHAN-DAHANG iminulat ni Naomi ang mga mata niya pero agad siyang napapikit dahil sa kirot na naramdaman niya sa kaniyang ulo. Nasapo niya iyon."Naomi!""Ate Naomi!"Pakiramdam niya'y sasabog na ang ulo niya dahil sa sakit niyon kaya hindi agad siya nakamulat. Naramdaman din niya ang pagkirot sa parteng tiyan niya kaya hinawakan niya iyon. Pagmulat niya nagtaka siya sa nakitang mga tao na nasa harap niya. May lungkot at puno ng pag-aalala ang nakikita niya mula sa mga ito."S-sino kayo? N-nasaan si Nonoy? N-nasaan ako?" Nagsimula siyang kabahan dahil hindi pamilyar ang nakikita niya.Natigilan ang mga taong nakatingin sa kaniya at nagtinginan ang mga ito. Binalingan siya ng lalaking nasa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "N-Naomi? H-hindi mo ba kami nakikilalang lahat? We are your family. I'm your husband. Ako ito si Grayson," hindi makapaniwalang ani ng lalaki.Mas lalo siyang naguluhan at parang hindi niya kayang iproseso ang mga nangyayari."N-nasaan si Nonoy? Ang kapatid ko
"NAOMI, he's not your boyfriend. Ako, I'm your husband at kaya kong patunayan iyon," agad na sabi ni Grayson habang hindi naman makapaniwala si Owen sa sinabi ni Naomi. Naguguluhan ito sa mga nakikita."Naomi, Grayson is right, siya ang asawa mo at hindi mo nobyo so Owen," segunda naman ng daddy niya."P-pero hindi ko maalalang asawa ko siya....siya, s-si Owen, siya ang naalala kong nobyo ko," tinuro pa ni Naomi si Owen na hindi makaimik dahil sa pagkabigla."P-pero ate Naomi, h-hindi mo na boyfriend si Tito Owen. He was your ex-boyfriend," paliwanang ni Champagne.Tila mas lalong naguluhan si Naomi sa mga narinig. Nasapo nito ang sentido at napapikit ng mariin. Hindi siya papayag na si Owen ang makikilala nito at hindi siya. Wala ng karapatan si Owen kay Naomi at hindi niya hahayaang magkaroon pa ito ng pagkakataon para mapalapit sa asawa niya."Naomi,. I'll explain to you everything you need to know, but for now, huwag mo munang isipin ang lahat. Huwag mong madaliing alalahanin ang
"OWEN!"Kapwa napatingin si Owen at Naomi nang biglang pumasok sa silid si Grayson. Matalim ang tingin nito kay Owen."What do you think you're doing, huh?" sabi ni Grayson at agad hinawakan sa braso si Owen at hinila palabas ng silid. Naiwan siyang walang imik.Ilang sandali lang at bumukas ulit ang pinto at si Grayson na lang ang pumasok sa loob."Nasaan si Owen?" nagtatakang tanong niya at hinanap ito."Naomi, hindi mo na kailangang hanapin ang lalaking iyon. You don't need him beside you dahil nandito ako," sabi nito at tumabi sa kaniya. "Kumusta ka na? Wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong nito.Masama ang naging tingin niya rito. "At sino ka para paalisin si Owen? He's my boyfriend at siya dapat ang kasama ko at hindi ikaw na hindi ko naman kilala at maalala," inis na sabi niya.Natigilan si Grayson sa naging asal niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig."Iyon ba ang sinabi ni Owen sa iyo?" Ngumisi ito. "And do you believe him? Naomi, alam kong wala kang maalala pero huwag ka
"HERE'S the proof na mag-asawa tayo, Naomi." Nilapag ni Grayson sa harap niya ang marriage contract na nagpapatunay na asawa nga niya ito. "P-paanong ikaw ang pinakasalan ko at hindi si Owen?" hindi makapaniwalang tanong niya habang binabasa ang nakasaad sa marriage contract."Dahil ako ang mahal mo, Naomi at hindi si Owen," sabi nito."Mahal? Pero hindi ko nararamdamang mahal kita, Grayson dahil si Owen, si Owen ang boyfriend ko at siya ang naalala ko," giit niya at nakita niya ang biglang pagbago ng emosyon ng mukha nito.Napapikit si Grayson saglit at seryosong humarap sa kaniya. "You want to know the truth? Dahil Owen didn't treat you right, you and Nonoy. Oo, naging boyfriend mo siya, minahal ka niya pero it was because he wants something from you at pagkatapos niyang makuha lahat, iniwanan ka niya and that's the truth," sabi nito. "Ginamit ka lang niya at niloku ka niya at ng babaeng akala mong kaibigan mo, si Ivy. You can ask Owen about her, about what he did to you."Natigila
"HANGGANG kailan mo itatago kay Naomi ang totoong nangyari sa kaniya at sa kaniyang anak?" tanong ni Vincent habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Papunta silang police station para makita ang nakuhang cctv ng mga police sa mga gusaling malapit sa lugar kung saan naaksidente si Naomi. Malakas ang kutob niyang may mali sa aksidente at may tao sa likod niyon at iyon ang kailangan niyang malaman. "Hindi ko alam, Vincent. Masyado pang sariwa para kay Naomi ang nangyaring aksidente at ayaw kong dagdagan pa ang dapat niyang isipin. Mahihirapan siyang tanggapin iyon." "Hindi ka ba nanghihinayang sa bata? I mean, alam nating hindi mo anak ang bata pero naging malapit na rin sa iyo ang anak ni Naomi dahil ikaw ang naging kasama nito habang pinagbubuntis niya ito." Tiningnan niya si Vincent at muling bumaling sa kalsada. "Wala akong magagawa, Vincent dahil kailangan kong pumili at mas kailangan ni Nonoy si Naomi. Hindi dahil hindi ko anak ang bata kaya mas pinili kong iligtas si Naomi p
"TELL ME! Ikaw ba ang dahilan kaya ako naaksidente? Kung bakit nawala ang anak ko?"Natulala si Grayson sa narinig mula kay Naomi. Kita ang pagkadismaya at galit sa mga mata niya sa nalaman niya. Gusto niyang marinig mula rito ang totoo."H-hindi ko maintindihan, Naomi. Paano mo nalaman ang tungkol sa bata?" nagtataka nitong sabi na tila pinuproseso ang narinig mula sa kaniya.Ngumisi siya habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa labis na sakit dahil sa nalaman niya tungkol sa nangyari sa kaniya pero tila ba ang sakit na iyon ay may mas malalim pang dahilan. Ang hirap isipin at tanggapin na si Grayson ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Namumuo ang matinding galit sa puso niya."S-so, totoo nga? T-totoo ang tungkol sa bata at buntis ako nang maaksidente at ikaw....i-ikaw ang dahilan kaya nawala ang bata, ang anak ko." Nanginginig ang mga labi niya at nangangatal siya sa labis na galit habang hawak niya si Nonoy."Hindi
SA MGA sumunod na araw, pilit niyang iniiwasan si Grayson dahil natatakot siya, pakiramdam niya'y konting lapit pa, tuluyan na siyang bibigay at mata-trap sa nararamdaman niya para rito pero tila ba nilalaro siya ng tadhana dahil si Grayson naman ang pilit lumalapit sa kaniya."Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Grayson nang sundan siya nito sa silid ni Nonoy. Abala naman si Nonoy sa paglalaro habang kasama nito si Moning na napatingin sa kanila."B-bakit naman kita iiwasan?" Saglit lang niya itong nilingon at lumapit siya kay Nonoy. "Kumain ka na ba, Nonoy?" tanong niya sa kapatid. Ngumiti ito at tumango."Kumain na po siya kanina pa. It's already 1 pm na po, Ma'm Naomi," ani Moning. Alam naman niya kaya lang kailangan niyang iwasan si Grayson."K-kuya Grayson!" Tumayo si Nonoy at nilapitan ang asawa niya. "L-let's play po!" Hinila nito si Grayson patungo sa mga laruan nito.Sumunod naman si Grayson. Tumingin ito sa kaniya na seryoso ang mukha. Binalingan nito ang mga laruan at nakipagl
HINDI NA alam ni Naomi ang gagawin dahil litong-lito na siya sa nararamdaman niya para kay Grayson. Gusto niyang hayaan ang sarili na damhin at i-cherish ang bawat oras na kasama niya ito. Pinararamdam nito kung gaano siya kahalaga pero alam niyang sa huli, siya ang mahihirapan at masasaktan.Marahil kailangan na lang muna niya mag-pokus sa sarili at planuhin ang gagawin niya kay Owen at Ivy dahil gusto niyang masira ang mga ito at ibalik ang lahat ng sakit na pinaramdam ng mga ito sa kaniya. It's time for her revenge.Bumuntong-hininga siya habang nasa garden siya at nag-iisip sa mga bagay-bagay. Madilim ang gabi at malamig na ang simoy ng hangin na para bang yumayakap sa kaniya. Niyakap niya ang sarili."Naomi, kailangan mo pang tibayan ang sarili mo," paalala niya sa sarili dahil alam niyang nagiging marupok siya kapag nandiyan si Grayson at pinararamdam nito ang hope na baka may pag-asa para sa kanilang dalawa."It's cold here, wear this."Napapitlag siya at agad lumingon sa dumat
"WHY ARE you quiet? Kanina ka pang hindi umiimik," untag ni Grayson kay Naomi habang lulan sila ng sasakyan nito pauwi ng mansyon. Nasa likod si Naomi at Nonoy na naglalaro ng laruang dala ng kapatid niya.Nilingon niya si Grayson at pilit na ngumiti. "Ok lang ako, Grayson marami lang iniisip," dahilan niya kahit alam niyang gasgas na ang rason na iyon pero ang totoo, hindi mawala sa isip niya ang nakita niya. May kausap si Grayson na babae habang may hawak itong bata. Ang paraan ng mga tingin ni Grayson sa babae ay malayong-malayo sa kung paano siya nito tingnan. Gusto niyang tanungin ang asawa pero may karapatan ba siya? Dapat ba niyang panghimasukan ang personal nitong buhay gayong hindi naman totoo ang kasal na namamagitan sa kanila?"Don't think too much, Naomi dahil mas mapapagod ang utak mo kung iisipin mo ang lahat habang wala kang maalala sa nakaraan mo. Rest your mind," ani Grayson.Paano niya ipapahinga ang isip kung bawat galaw niya, napakaraming gumugulo sa isip niya. "H
"INIIISIP MO na naman ba ako?"Napapitlag si Naomi nang bigla na lang may nagwasiwas ng kamay sa harap niya at bumungad sa kaniya si Martin na nakangiti sa kaniya habang halos magdikit na ang kanilang mga mukha sa lapit nito sa kaniya.Napakunot ang noo niya. "No one's thinking of you, Martin," masungit niyang sabi at tinulak ito sa noo para lumayo sa kaniya.Pumamulsa ito at tila nalungkot. "Aw! Akala ko pa naman ok na tayo," tila dismayadong anito at umupo sa tabi niya. Nasa school siya ni Nonoy para sunduin ito, napaaga lang siya dahil maaga siyang nagpahatid kay Grayson dahil may trabaho ito.Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Martin at noon pa iyon ng wala siyang maalala pero ngayon na naalala na niya ang lahat, balik na siya sa pagsusungit sa lalaki."We're not gonna be ok because you're really annoying." Tinaasan pa niya ito ng kilay."Ouch!" Sinapo nito ang dibdib na kunyaring nasaktan. "Grabi ka sa akin, huh. Bahala ka, ikaw rin baka ikaw ang magpatunay sa kasabihan ni
HINDI NAKAIMIK si Grayson sa naging tanong ni Naomi. Umiwas ito ng tingin at tila ba biglang naguluhan. Sa hindi malamang dahilan, nasasaktan siya dahil nararamdaman niyang kailangan lang siya ng binata. Hindi naman niya ito masisisi dahil iyon lang naman talaga ang silbi niya sa buhay nito at binabayaran siya nito para gampanan iyon. Pero hindi iyon ang gusto ng puso niya, hindi niya gustong maging kailangan lang siya ni Grayson sa panandaliang panahon. Gusto niyang manatili sa tabi nito at maramdaman ang pagmamahal na kaya nitong ibigay sa kaniya. Pero alam niyang mali dahil una pa lang alam na niya kung hanggang saan lang siya kaya hanggat maari, pinipigilan niya ang sarili na mas mahulog pa rito. "I-I'm sorry," sabi niya. "Hindi ko dapat tinatanong sa iyo ang bagay na iyon. Pasensiya ka na kung nakalimutan ko kung hanggang saan lang ako sa buhay mo." Tiningnan niya ito at ngumiti kahit may lungkot sa mga labi niya. Pumihit siya at hahakbang na sana nang hawakan ni Grayson ang bra
MATAMANG pinagmasdan ni Naomi si Nonoy na mahimbing na natutulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito. Pagkadating nito galing school, nakatulog agad ito dahil marahil napagod ito. Pakiramdam niya'y matagal niyang hindi nayakap ang kapatid kahit naaalala naman niya ito. Masyadong siyang na-distract ng nangyari at nakalimutan niyang maglaan ng maraming oras para sa kapatid.Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at hindi niya namamalayang tumutulo na ang luha sa kaniyang mga mata habang bumabalik sa alaala niya ang lahat ng mga pinagdaanan nila na magkasama, lahat ng paghihirap na pinaranas sa kanila ng mga tao sa paligid nila at galit na galit siya sa mga taong iyon."I-I'm sorry," pabulong niyang sabi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para iwasang mapahikbi. Nasasaktan siya para kaya Nonoy, dahil nadamay ito sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya. Kung may pagpipilian lang sana siya, gusto niyang ilayo ang kapatid sa magulo niyang mundo."I'm sorry, Nonoy dahil hindi ka naprotekta
"H-HINDI totoo iyan, Ivy! W-wala akong ginagawa sa fiance mo," giit ni Naomi habang nakatingin sa kaniya ang halos lahat ng naroon.Napakiling si Ivy at natawa. "At sinong maniniwala sa kasinungalingan mo, huh? Kitang-kita sa mga pictures na ito kung paano ka nag-e-enjoy sa panglalandi at pang-aahas mo kay Owen. Ganiyan ka na ba kadesperada?" Tiningnan niya si Grayson na kita ang pagtanggi sa kaniyang mukha. "H-hindi totoo ang sinasabi ni Ivy, Grayson. Hindi ko nilandi si Owen at wala akong ginagawa para akitin siya," paliwanang niya dahil ayaw niyang pag-isipan siya ni Grayson ng masama. Tiningnan niya si Christopher at Levie na kita ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha na para bang napatunayan na ng mga ito ang inaakusa sa kaniya ni Ivy.Pinipigilan niya ang sariling ibato lahat ng ginawa ni Ivy sa kaniya. Inaakusahan siya nito ng mga bagay na hindi niya ginawa pero alam nilang pareho na si Ivy ang may kakayahang gawin ang mga bagay na ibinibintang nito sa kaniya. Ito ang totoong
DAHAN-DAHANG humakbang si Naomi palapit sa puntod ng kaniyang yumaong anak habang bumabalik sa isip niya ang nangyari nang araw na iyon. Habang tumatawid siya sa kalsada ay may kotseng bumangga sa kaniya. Tumilapon siya at nawalan ng malay. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ngayong naalala na niya ang lahat, pakiramdam niya'y sunod-sunod siyang sinasaksak ng masasakit na katotohanan na sariwang-sariwa pa rin sa kaniya hanggang ngayon. "A-anak ko...I-I'm sorry wala akong nagawa para iligtas ka, ni wala akong pagkakataon para yakapin at kalungin ka sa mga bisig ko. I'm sorry!" Tuluyan na siyang napahagulhol at napaluhod sa tapat ng puntod ng kaniyang anak. Ang sakit isipin na paggising niya, wala na ito sa sinapupunan niya at wala siyang nagawa. Marami siyang pangarap para rito at kahit maraming nangyari sa kanila, kahit itinakwil sila ng totoong ama nito, wala siyang ibang hangad kung 'di maipanganak niya ito ng maayos a
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, hija?"Napangiwi si Naomi at nasapo ang kaniyang ulo nang kumirot iyon. Bumungad sa kaniya si lola Marina na kita ang pag-aalala sa mukha nito. Pakiramdam niya'y kakagising lang niya mula sa matagal na pagkakatulog."Ah!" mahinang daing niya at muling pumikit dahil nararamdaman pa rin niya ang pagkirot ng kaniyang ulo. Nagmulat siya nang bumukas ang pinto ng silid."I'm glad you're awake now," sabi naman ni Christopher na kapapasok lang ng silid. Ngumiti pa ito sa kaniya."O-ok na po ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko," sabi niya at umayos ng pagkakaupo. Inisip niya ang huling nangyari at agad siyang nabahala nang maalala si Nonoy. Bumaba siya ng kama at hahakbang na sana nang pigilan siya ni lola Marina."Kailangan mo munang magpahinga, Naomi," pigil nito."S-si Nonoy po. Kailangan ko siyang puntahan," nag-aalalang aniya."Naomi, magpahinga ka na muna. Ayos na si Nonoy, nagpapahinga na siya. Nakatulog na rin ang kapatid mo pagkatapos pakalmahin ng nur