NAKAGAT ni Naomi ang hinalalaki niya habang pinagmamasdan si Nonoy na nakatulog matapos itong pakalmahin ng doctor. Kinakabahan siya dahil siguradong magdududa si Levie at Christopher kung bakit kilala ni Nonoy si Ivy at Owen at kung bakit takot na takot ito sa kanila."Ate Naomi, I'm sorry."Lumingon siya kay Champagne na kakapasok lang ng silid. Ngumiti siya. "Hindi mo kasalanan, Champagne." Lumapit ito sa kaniya."Hindi ko alam na nandoon si tito Owen. Pero bakit takot na takot si Nonoy sa kaniya gayong hindi naman niya ito kilala?" nagtatakang tanong nito.Bahagya siyang kumiling. "H-hindi ko rin alam, Champagne kung bakit takot na takot siya kay Owen," aniya. Mayamaya'y pumasok rin sa silid si Levie at Christopher. Mas kinabahan siya."Kumusta si Nonoy, Naomi?" tanong ni Christopher."Nakatulog na po siya pagkatapos pakalmahin ng doctor," sagot niya."Have Nonoy met Owen?" nagtatakang tanong naman ni Levie. "Bakit parang takot na takot siya kay Owen at Ivy?"Umiling siya at hind
"A-ANONG ginagawa mo rito, Owen?" gulat na bungad ni Naomi nang bigla na lang pumasok sa silid ni Nonoy si Owen. Mabuti na lang at wala roon ang kapatid niya dahil sinama ito ni Champagne sa labas. Ni-lock nito ang pinto ng silid.Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. Nagulat siya sa ginawa nito nang isandal siya sa pader at siniil siya ng halik. Hindi agad siya nakagalaw pero nanatiling nakasara ang mga labi niya.Tinulak niya ito nang makabawi sa pagkagulat. "A-ano ba?! Owen, nababaliw ka na ba?" Marahas niyang pinahid ang labi niya. "I miss the taste of your lips, Naomi," sabi nito habang nakangiti.Lumapit ulit ito sa kaniya. Hinawakan siya nito sa balikat at diniin siya sa pader. Umiwas siya pero nahuli nito ang labi niya, saka siniil iyon ng halik. Pilit binubuka ang labi niya para mapasok iyon ng mapupusok nitong dila."O-Owen!" Nang makawala siya, mabilis na gumalaw ang palad niya at dumampi iyon sa makapal nitong mukha. Nasapo nito iyon at tiningnan siya."Hindi mo ba n
"ALAM KO na ang namagitan sa inyo ng kapatid kong si Owen. You're his ex-wife."Nanigas si Naomi sa kinatatayuan habang parang bang nililitis siya ng mga tingin ni Levie. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Owen?"Now, tell me the truth, Naomi totoo ba ang kasal ninyo ni Grayson?" Napalunok siya. Hindi agad siya nakapagsalita. "T-totoo ang kasal namin ni Grayson, Tita Levie. We are legally married at kaya kong patunayan iyon." Pinipilit niyang maging matapang sa harap nito para hindi makitang nagsisinungalin siya.Ngumiti ito na para pang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "I know you are legally married with my step son I just want to know how much he paid you to be his wife?" diretsong tanong nito."I'm sorry, tita Levie pero hindi ako binayaran ni Grayson para maging asawa niya. He asked me to get married with him dahil buntis ako," pagsisinungalin niya.Umupo ito at ngumiti. "Talaga ba? Kinasal ka kay Grayson isang buwan matapos mong makipag-divorce kay Owen, tama? At bago
"NA-MISS mo ba ako, Grayson? Kasi ako I miss you so much. Gustuhin ko mang palagi kang punatahan, kaya lang ang dami kong schedule this past few weeks at ngayon lang ako nagkaroon ng time to visit and see you," pabebeng sabi ni Crystal at agad kumapit sa mga braso ni Grayson. Wala man lang itong pakialam na nasa tabi siya ni Grayson."Crystal, watch your manners. Hindi na kayo kagaya ng dati ni Grayson. He's already married at nandito si Naomi sa tabi niya," saway ni lola Marina.Sumimangot si Crystal. "Pero Lola, alam mo naman na we used to be close like this, 'di ba? Saka hindi pa naman officially napag-uusapan ng family natin ang tungkol sa pag-back out ni Grayson sa kasal namin.""Crystal, tama si mama just have a little respect for Naomi dahil asawa na siya ni Grayson ngayon," ani naman ni Levie na nagpangisi kay Grayson.Iritadong inalis ni Grayson ang braso ni Crystal at tiningnan ito ng seryoso. "Hindi na kailangang pag-usapan ng pamilya natin ang tungkol sa pag-atras ko sa pa
"F*ck!" Galit na sinipa ni Grayson ang sahig dahil sa sobrang galit. "Hindi ako makakapayag na titira ang lalaking iyan sa bahay na ito," madiin nitong sambit na dama ang galit.Habang si Naomi, hindi pa rin makapag-isip ng maayos. Hindi pwedeng magsama sila ni Owen sa iisang bahay dahil mas mahihirapan siyang itago ang totoo sa lalaki. Mas magiging komplikado."At anong sunod nilang gagawin? Imamanipula si dad para makuha ang gusto nila? No, I won't allow them to manipulate dad." Nakuyom nito ang kamao. "Hindi ako papayag na huthutan nila ng yaman ang pamilya ko for their own sake dahil hindi sila naghirap para lang mapalago iyon."Kahit siya ay tutol sa pagtira ni Owen sa mansyon ng mga Alcantara dahil may sarili naman itong bahay. Anong pinaplano nila? May dahilan ba ang biglang pagtira ni Owen doon? Mas lalo na ba siyang dapat kabahan na malapit na sa kaniya si Owen at magagawa nito lahat ng gusto nito? Kilala niya ito at alam niyang may motibo ito ngunit mukhang wala na silang ma
MARAHANG sinapo ni Naomi ang mga labi niya nang maalala niya kung paano siya hinalikan ni Grayson kahit napagtanto niyang ginawa lang iyon ng lalaki para makita ng pamilya nito na totoo ang namamagitan sa kanila. Parang nararamdaman pa rin niya ang mga labi nito sa kaniya at sa 'di malamang dahilan, may kiliti siyang naramdaman."Ate Naomi, bakit kaya hindi tayo mag-organize ng gender reveal para sa anak ninyo ni kuya Grayson," suhestiyon ni Champagne habang lulan sila ng sasakyan ni Grayson. Napapitlag siya. Papunta silang hospital para sa check up niya at kasama nila si Nonoy na abala sa paglalaro sa dala nitong mga mini toys."Are you ok, Naomi? Kanina ka pang tulala at hawak ang labi mo," nagtatakang ani naman ni Grayson. Pakiramdam niya'y namula ang mga pisngi niya. Nakita pala iyon ng lalaki.Alangan siyang ngumiti. "Kailangan pa ba 'yon? Gagastos lang tayo para sa gender reveal na iyan, Champagne," pagtutol niya at hindi sinagot ang tanong ni Grayson."Don't mind the expenses,
"WHAT do you mean, Levie?" nagtatakang tanong ni Christopher.Sinalakay si Naomi ng kaba sa narinig. May nalalaman ba si Levie? Sinabi ba ni Owen ang posibilidad na ito ang ama ng batang dinadala niya?"Mom, what are you talking about?" hindi naman makapaniwalang ani Champagne. "Hindi naman mag-uuwi si kuya ng babaeng buntis na hindi siya ang ama.""Levie, stop making issues," sabi ni lola Marina na tila hindi natuwa sa narinig."Bakit ganiyan kayo makatingin sa akin? What if lang naman, 'di ba? Malay mo dahil sa kagustuhan ni Grayson na matakasan ang kasal kay Crystal, naghanap siya ng babaeng buntis para—""Levie, enough!" seryosong sabi ni lola Marina. "You're doubting Naomi's baby for what? Kilala ko si Grayson at alam kong hindi niya iyon gagawin," pagtatanggol pa nito.Bigla siyang na-guilty dahil alam niyang tama si Levie. Hindi niya rin alam kung paano ipagtatanggol ang kasinungalingang si Grayson ang ama ng bata."What do you want me to do para maniwala kang anak ko ang bata?
KAPWA nagulat si Naomi at Owen nang biglang dumating si Christopher. Nakalayo rin naman agad si Owen pero binalot pa rin siya ng kaba dahil baka narinig nito ang pag-uusap nila ni Owen."Anong nangyayari rito?" nagtatakang usisa nito nang makalapit sa kanila. Wala siyang mahanap na dahilan para hindi sila pagdududahan nito. Kinakabahan na siya at hindi makapag-isip ng maayos."B-bayaw, wala naman...ano...a-aabutan ko lang sana ng tubig si Naomi dahil nahilo siya at napasandal sa sink," dahilan ni Owen na hindi makatingin ng diretso kay Christopher.Binalingan siya ni Christopher na hindi niya mabasa kung naniwala ba ito kay Owen o hindi."Are you ok, Naomi?" Ngumiti siya kahit kinakabahan siya. Tumango siya. "O-ok na po baka dahil hindi ako makatulog nitong nakaraang araw kaya nahilo ako," dahilan naman niya.Tiningnan silang dalawa ni Christopher. "Ganoon ba? Sige, mabuti pang magpahinga ka na, Naomi."Tumango siya at bahagyang yumuko dahil nararamdaman niyang tinitingnan siya ni C
ISANG GABI, nagising na lang si Naomi na patuloy sa pagluha ang mga mata niya dahil sa isang panaginip na pakiramdam niya'y dumudurog sa puso niya.Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang matinding sakit at pangungulila mula roon. Wala siyang maalala pero ang panaginip niya, tila ba dinadala siya sa madilim na bahagi ng buhay niya. Rinig na rinig niya ang pag-iyak ng isang bata habang nakahandusay siya sa kalsada at duguan. Kita niya ang kawawang bata na umiiyak."A-anak ko!" Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol sa labis na sakit at pangungulila niya. Nilalamon siya ng mapait na bangungot ng buhay niya. Naririnig pa rin niya ang pag-iyak ng isang sanggol na tila ba humihingi ng saklolo at dumudurog iyon sa nangungulila niyang pagkatao.Wala ba siyang nagawa para protektahan ang sarili niyang anak? Anong ginawa niya para iligtas ito? Wala siyang maalala at pakiramdam niya wala siyang nagawa para iligtas ito. "A-anak ko! I'm sorry!" patuloy niya sa paghagulh
PABABA si Naomi nang hagdan nang makita niya si Levie na palabas ng bahay. Nagtaka siya dahil sa kakaibang kilos nito na tila ba hindi ito pwedeng makita ng iba. Palinga-linga pa ito sa paligid bago tuluyang lumabas ng main door. Sa hindi niya malamang dahilan, sinundan niya ito. Lumabas siya ng main door at nakita niya si Levie na pumasok sa isang itim na kotse. Nagtaka siya. Sino ang driver ng kotse gayong alam niyang kanina pang umalis si Christopher ng mansyon? May sarili rin namang sasakyan si Levie.Kumibit-balikat na lang siya dahil marahil baka isa sa mga kakilala nito ang driver niyon at mayroon lang itong pupuntahan. Pumasok na ulit siya sa mansyon.Dumeretso muna siya sa kusina para uminom ng tubig bago dumeretso sa sala. Napahinto siya nang makita niya sa wall ang mga litrato ng pamilya Alcantara pero wala siyang makitang kahit anong larawan nila ni Grayson o kahit ng kasal nilang dalawa. Ano nga bang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya kay Grayson? Gusto niyang mal
"BITAWAN mo ako, Grayson," ani Naomi at pilit binawi ang kamay mula rito pero hindi siya nito binitawan hanggang makarating sila sa silid nito. Ni-lock ni Grayson ang silid, saka siya binitawan. Napahawak ito sa baywang at kita niya ang inis at galit nito dahil sa nakitang eksena nila ni Owen sa kusina."Damn, Naomi!" Naisuklay nito ang mga daliri sa sariling buhok. "Naiinis ako, nagagalit ako dahil hinahayaan mong yakapin ka ng lalaking iyon," galit nitong sabi na hindi mapakali. "Ako ang asawa mo! Ako lang dapat ang may karapatang yumayakap sa iyo." Natigilan siya dahil sa naging reaction nito. Kita niya kung paano ito naiinis na tila ba nagseselos ito ng husto kay Owen. Well, naiintindihan naman niya dahil asawa siya nito at hindi nga naman tama na makita siya nitong may kayakap na ibang lalaki. Kahit sa mata ng kahit kanino, hindi iyon dapat.Umiwas siya ng tingin. Hindi dapat siyang makonsensiya dahil una pa lang alam niyang mali ang pagpapakasal niya rito. Galit dapat siya rit
NAPALINGON si Naomi sa pinto ng silid ni Nonoy nang bumukas iyon. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa maaliwalas na paligid. Bumungad sa kaniya si lola Marina na nakangiti pero may bahid iyon ng lungkot. Hindi pa niya ulit nakakausap si Grayson pero nagpasiya na siyang lumipat ng silid dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Mas makakabuti iyon para sa kaniya."Lola Marina," sabi niya at ngumiti. Lumapit ito sa kaniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" malumanay nitong tanong na dama ang pag-aalala sa kaniya."H-hindi ko na po alam, lola Marina kung anong nararamdaman ko," pagtatapat niya. Nang makilala niya nito, magaan na ang loob niya rito kahit wala siyang maalalang kahit ano tungkol dito. Nararamdaman niyang mabuti ito sa kaniya at pwede siyang magkwento ng kahit ano rito.Hinawakan nito ang palad niya at bahagya iyong pinisil. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kung nagagalit ka, kung nasasaktan ka dahil karapatan mo iyon. Alam ko ring sa mga or
"TITA LEVIE!" Nagulat si Levie at Christopher nang bigla na lang pumasok si Grayson sa silid ng mag-asawa na bakas ang labis na galit sa mukha nito. "Grayson, bakit?" inosente at tila mabait na sabi ni Levie. Tumayo ito at tiningnan ang asawa. "Grayson, what's with that look? Anong kailangan mo?" seryosong tanong naman ni Christopher. Hindi niya pinansin ang ama at nilapitan si Levie na nanlilisik ang mga mata. "Are you happy now? Masaya ka na ba sa naging resulta ng mga maling kwento mo?" "G-Grayson, hindi ko alam ang sinasabi mo," kinakabahang sabi nito dahil sa matatalim niyang tingin. Magaling itong umarte at iyon ang forte nito. "Damn! Stop acting like you're innocent, tita Levie dahil alam nating pareho kung anong sinasabi ko. Hindi ba't ikaw ang nagsabi kay Naomi ng mga maling kwentong nalaman niya? Sinamantala mo ang pagkawala ng alaala niya para sirain ako sa kaniya at maging mabuti kayo sa harap niya." Ngumisi siya. "Pilit mong isiniksik sa isip ni Naomi na ako ang ma
"NAOMI!"Nagtatakang napalingon siya nang makita niya ang hindi pamilyar na mukha. Kasalukuyan siyang nasa garden. Lumapit ito sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit at kapagkuwa'y narinig na lang niyang umiiyak na ito."W-wait, kilala ba kita? Bakit ka umiiyak?" nagtataka niyang tanong. Hindi naman niya magawang yakapin ito pabalik dahil hindi niya matandaan kung sino ito."Hindi mo ba ako na-miss?" parang batang sabi nito nang bumitaw sa kaniya. Ngumuso pa ito. "I'm sorry, h-hindi ko agad nalaman ang nangyari sa iyo. I'm sorry!" muli na naman siya nitong niyakap habang umiiyak ito. "Alam kong mahirap para sa iyo ang nangyari, Naomi at kahit ako ay nahihirapang tanggapin ang lahat." Dama niya ang labis nitong pag-aalala sa kaniya."Teka nga, s-sino ka ba? Hindi kita kilala," sabi niya at tinaasan ito ng kilay.Natampal siya nito sa noo at napangiwi siya, saka nasapo iyon. "Gaga! Ako ito si Luna, ang best friend mo. Talaga bang sa dami ng makakalimutan mo, ako pa talaga? Nakakap
"NASAAN ho ang anak ko?"Gulat na nagkatinginan si lola Marina, Christopher at Champagne sa naging tanong ni Naomi habang tahimik lang si Levie na nasa tabi ng asawa nito. Kasalukuyan silang nasa sala."A-anong ibig mo—" si Christopher."Alam ko na po ang totoo tungkol sa aksidente at sa batang dinadala ko noong araw na iyon," mapait niyang pag-amin. Bahagya siyang kumiling."Hija, hindi makakabuti sa iyo kung—""G-gusto kong malaman kung nasaan ang anak ko. Kung anong nangyari sa kaniya," putol niya sa sasabihin ni lola Marina. "Please, sabihin ninyo sa akin kung nasaan siya," pagmamakaawa niya.Kahit wala siyang maaala at tanging alam lang niya na buntis siya nang maaksidente siya, ramdam niya ang kirot sa puso niya at pangungulila. Hindi buo ang emosyon pero dama niya ang pighati.Lumapit si lola Marina sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Dama niya at kita sa mukha nito ang sakit at pagluluksa. Tila ba anumang sandali ay babagsak na ang luha sa mga mata nito."I-I'm sorry, hija
"TELL ME! Ikaw ba ang dahilan kaya ako naaksidente? Kung bakit nawala ang anak ko?"Natulala si Grayson sa narinig mula kay Naomi. Kita ang pagkadismaya at galit sa mga mata niya sa nalaman niya. Gusto niyang marinig mula rito ang totoo."H-hindi ko maintindihan, Naomi. Paano mo nalaman ang tungkol sa bata?" nagtataka nitong sabi na tila pinuproseso ang narinig mula sa kaniya.Ngumisi siya habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa labis na sakit dahil sa nalaman niya tungkol sa nangyari sa kaniya pero tila ba ang sakit na iyon ay may mas malalim pang dahilan. Ang hirap isipin at tanggapin na si Grayson ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya. Namumuo ang matinding galit sa puso niya."S-so, totoo nga? T-totoo ang tungkol sa bata at buntis ako nang maaksidente at ikaw....i-ikaw ang dahilan kaya nawala ang bata, ang anak ko." Nanginginig ang mga labi niya at nangangatal siya sa labis na galit habang hawak niya si Nonoy."Hindi
"HANGGANG kailan mo itatago kay Naomi ang totoong nangyari sa kaniya at sa kaniyang anak?" tanong ni Vincent habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Papunta silang police station para makita ang nakuhang cctv ng mga police sa mga gusaling malapit sa lugar kung saan naaksidente si Naomi. Malakas ang kutob niyang may mali sa aksidente at may tao sa likod niyon at iyon ang kailangan niyang malaman. "Hindi ko alam, Vincent. Masyado pang sariwa para kay Naomi ang nangyaring aksidente at ayaw kong dagdagan pa ang dapat niyang isipin. Mahihirapan siyang tanggapin iyon." "Hindi ka ba nanghihinayang sa bata? I mean, alam nating hindi mo anak ang bata pero naging malapit na rin sa iyo ang anak ni Naomi dahil ikaw ang naging kasama nito habang pinagbubuntis niya ito." Tiningnan niya si Vincent at muling bumaling sa kalsada. "Wala akong magagawa, Vincent dahil kailangan kong pumili at mas kailangan ni Nonoy si Naomi. Hindi dahil hindi ko anak ang bata kaya mas pinili kong iligtas si Naomi p