"BITAWAN mo ako, Grayson," ani Naomi at pilit binawi ang kamay mula rito pero hindi siya nito binitawan hanggang makarating sila sa silid nito. Ni-lock ni Grayson ang silid, saka siya binitawan. Napahawak ito sa baywang at kita niya ang inis at galit nito dahil sa nakitang eksena nila ni Owen sa kusina."Damn, Naomi!" Naisuklay nito ang mga daliri sa sariling buhok. "Naiinis ako, nagagalit ako dahil hinahayaan mong yakapin ka ng lalaking iyon," galit nitong sabi na hindi mapakali. "Ako ang asawa mo! Ako lang dapat ang may karapatang yumayakap sa iyo." Natigilan siya dahil sa naging reaction nito. Kita niya kung paano ito naiinis na tila ba nagseselos ito ng husto kay Owen. Well, naiintindihan naman niya dahil asawa siya nito at hindi nga naman tama na makita siya nitong may kayakap na ibang lalaki. Kahit sa mata ng kahit kanino, hindi iyon dapat.Umiwas siya ng tingin. Hindi dapat siyang makonsensiya dahil una pa lang alam niyang mali ang pagpapakasal niya rito. Galit dapat siya rit
PABABA si Naomi nang hagdan nang makita niya si Levie na palabas ng bahay. Nagtaka siya dahil sa kakaibang kilos nito na tila ba hindi ito pwedeng makita ng iba. Palinga-linga pa ito sa paligid bago tuluyang lumabas ng main door. Sa hindi niya malamang dahilan, sinundan niya ito. Lumabas siya ng main door at nakita niya si Levie na pumasok sa isang itim na kotse. Nagtaka siya. Sino ang driver ng kotse gayong alam niyang kanina pang umalis si Christopher ng mansyon? May sarili rin namang sasakyan si Levie.Kumibit-balikat na lang siya dahil marahil baka isa sa mga kakilala nito ang driver niyon at mayroon lang itong pupuntahan. Pumasok na ulit siya sa mansyon.Dumeretso muna siya sa kusina para uminom ng tubig bago dumeretso sa sala. Napahinto siya nang makita niya sa wall ang mga litrato ng pamilya Alcantara pero wala siyang makitang kahit anong larawan nila ni Grayson o kahit ng kasal nilang dalawa. Ano nga bang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya kay Grayson? Gusto niyang mal
ISANG GABI, nagising na lang si Naomi na patuloy sa pagluha ang mga mata niya dahil sa isang panaginip na pakiramdam niya'y dumudurog sa puso niya.Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang matinding sakit at pangungulila mula roon. Wala siyang maalala pero ang panaginip niya, tila ba dinadala siya sa madilim na bahagi ng buhay niya. Rinig na rinig niya ang pag-iyak ng isang bata habang nakahandusay siya sa kalsada at duguan. Kita niya ang kawawang bata na umiiyak."A-anak ko!" Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol sa labis na sakit at pangungulila niya. Nilalamon siya ng mapait na bangungot ng buhay niya. Naririnig pa rin niya ang pag-iyak ng isang sanggol na tila ba humihingi ng saklolo at dumudurog iyon sa nangungulila niyang pagkatao.Wala ba siyang nagawa para protektahan ang sarili niyang anak? Anong ginawa niya para iligtas ito? Wala siyang maalala at pakiramdam niya wala siyang nagawa para iligtas ito. "A-anak ko! I'm sorry!" patuloy niya sa paghagulh
"SAAN tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan ni Grayson at wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin. Tiningnan siya nito ng seryoso. "Gusto kong dalhin ka sa mga lugar na naging bahagi ng nakaraan mo at baka sakaling kahit pa paano ay may maalala ka," anito. Wala siyang ideya sa mga lugar na sinasabi ni Grayson pero na-excite siya dahil baka sa pagtapak niya sa mga lugar na iyon ay may maalala siyang bagay na may malaking bahagi sa pagkatao niya pero hindi rin niya maiwasang kabahan sa pwede niyang madiskobre sa sarili. Kapagkuwa'y huminto ang sasakyan ni Grayson sa tapat ng isang pamilyar na lugar. Tapat iyon ng isang malaking bahay. Hindi niya matandaan pero pakiramdam niya'y nakarating na siya roon. "N-nasaan tayo?" nagtatakang tanong niya habang matamang pinagmamasdan ang two storey na bahay. "Wala ka bang naalala sa lugar na ito?" Pumamulsa si Grayson at lumingon sa bahay. "Marahil hindi lahat ng alaala mo sa bahay na ito ay masaya pero
HANGGANG makauwi si Naomi sa mansyon ng mga Alcantara, hindi pa rin mawala sa isip niya ang lahat ng nalaman niya at ang kabuan ng lugar na iyon at ang kakaibang pakiramdam niya nang tumapak siya doon. "You're thinking so deep, Naomi." Napapitlag siya nang marinig niya ang boses na iyon. Nasa veranda siya ng mansyon at iniisip ang lahat, pilit pinagtatagpi-tagpi lahat ng mga nalaman niya dahil hindi siya matatahimik lalo't alam niyang maraming lihim sa nakaraan niya. Lumingon siya. Napakunot ang noo niya nang makita ang may edad ng lalaki. Nakangiti ito sa kaniya. Hindi niya maalala kung saan niya ito nakita o kung kilala ba niya ito. Mukhang napansin naman nito ang pagtataka niya. Lumapit ito sa kaniya. Napakamot ito sa noo. "I know you're wondering kung sino ako. I heard what happened to you , Naomi." Lumungkot ang mukha nito. "Nakakalungkot man pero I know there's a reason for everything. Mahirap tanggapin pero alam kong kakayanin ninyo ni Grayson." Tinapik siya nito sa bali
"SA NGAYON, maaaring hindi pa bumabalik ang alaala niya dahil sa maraming dahilan and we can't tell when she will remember everything from her past," sabi ng doctor kay Naomi at Grayson. Nagkatinginan sila habang hawak nito ang balikat niya. Kita niya ang lungkot sa mukha ni Grayson pero ngumiti pa rin ito sa kaniya. Bahagya nitong pinisil ang balikat niya. Dahil sa mga sinabi nito sa kaniya, pakiramdam niya'y nakukuha na nito ang loob niya. Sa hindi niya malamang dahilan, tila ba nagbabago na ang pagkakakilala niya rito. "Doc, may magagawa ba tayo para mas mabilis siyang makaalala?" Grayson asked the doctor. Regular siyang dinadala roon ni Grayson para sa check up at treatment niya. "Well, based on her case maaring mahihirapan siyang makaalala because of the accident pero we're trying to help her to get her back her memories by doing medical treatment that will help her to remember her past. But again, walang kasiguraduhan kung kailan babalik ang alaala niya." Lumungkot ang doct
DAHAN-DAHAN minulat ni Naomi ang mga mata niya at agad niyang nasapo ang kaniyang sentido nang kumirot iyon at para siyang nahihilo. Napapikit ulit siya ng mariin at napangiwi. "Dad, she's awake," narinig niyang sabi ng batang babae. "N-Naomi." Mabilis na lumapit sa kaniya si Martin at naramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat. "Kumusta ang pakiramdam mo?" n,ababahalang sabi nito. Dahan-dahan siyang nagmulat at nakita niya si Martin na bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang hawak siya nito. "M-Martin?" banggit niya sa pangalan nito. Nagtaka siya nang hindi si Grayson ang bumungad sa kaniya. Napaisip siya at sa hindi niya malamang dahilan biglang nakaramdam siya ng kirot at pagkadismaya nang maalala ang huling nangyari. "W-wala pa ba si Grayson?" malungkot niyang tanong. Umiwas sa kaniya ng tingin si Martin at bahagyang lumayo. "H-he's not here yet, Naomi," sabi nito na tila ba may kung ano sa boses nito. "Hindi pa siya dumarating." "Hindi ba siya tumawag sa akin?" Gust
"HEY! YOU ok?" Napalingon si Naomi nang marinig niya ang boses ni Martin. Sumalubong agad sa kaniya ang nakangiti nitong mukha. Sa totoo nga lang, gwapo ito at kapag nakangiti, 'tila ba endorser ito ng isang brand ng toothpaste or toothbrush dahil sa ganda ng mga ngipin at ng mga ngiti nito. Marahil nga maraming babae ang nahuhulog sa kumbaga killer smile na mayroon ito. Lumapit ito sa kaniya habang nakatayo siya sa terrace ng Hospital kung saan siya naka-confine. Lalabas na rin naman siya kinabukasan. Nagpasiya lang siyang magpahangin at tumingin sa paligid kahit puro building ang nakikita niya. "Ok na ako, Martin," nakangiting sabi niya at muling bumaling sa paligid. "Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital." Bumuntong-hininga siya dahil may lungkot pa rin sa kaniyang kalooban. "For some reason, nalulungkot ako dahil hindi si Grayson ang nagdala sa akin dito at iniwan niya ako sa ibang tao." Bahagya siyang yumuko. Kahit alam na niya ang totoo kung bakit sila nagpakas
"H-HINDI totoo iyan, Ivy! W-wala akong ginagawa sa fiance mo," giit ni Naomi habang nakatingin sa kaniya ang halos lahat ng naroon.Napakiling si Ivy at natawa. "At sinong maniniwala sa kasinungalingan mo, huh? Kitang-kita sa mga pictures na ito kung paano ka nag-e-enjoy sa panglalandi at pang-aahas mo kay Owen. Ganiyan ka na ba kadesperada?" Tiningnan niya si Grayson na kita ang pagtanggi sa kaniyang mukha. "H-hindi totoo ang sinasabi ni Ivy, Grayson. Hindi ko nilandi si Owen at wala akong ginagawa para akitin siya," paliwanang niya dahil ayaw niyang pag-isipan siya ni Grayson ng masama. Tiningnan niya si Christopher at Levie na kita ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha na para bang napatunayan na ng mga ito ang inaakusa sa kaniya ni Ivy.Pinipigilan niya ang sariling ibato lahat ng ginawa ni Ivy sa kaniya. Inaakusahan siya nito ng mga bagay na hindi niya ginawa pero alam nilang pareho na si Ivy ang may kakayahang gawin ang mga bagay na ibinibintang nito sa kaniya. Ito ang totoong
DAHAN-DAHANG humakbang si Naomi palapit sa puntod ng kaniyang yumaong anak habang bumabalik sa isip niya ang nangyari nang araw na iyon. Habang tumatawid siya sa kalsada ay may kotseng bumangga sa kaniya. Tumilapon siya at nawalan ng malay.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ngayong naalala na niya ang lahat, pakiramdam niya'y sunod-sunod siyang sinasaksak ng masasakit na katotohanan na sariwang-sariwa pa rin sa kaniya hanggang ngayon."A-anak ko...I-I'm sorry wala akong nagawa para iligtas ka, ni wala akong pagkakataon para yakapin at kalungin ka sa mga bisig ko. I'm sorry!" Tuluyan na siyang napahagulhol at napaluhod sa tapat ng puntod ng kaniyang anak.Ang sakit isipin na paggising niya, wala na ito sa sinapupunan niya at wala siyang nagawa. Marami siyang pangarap para rito at kahit maraming nangyari sa kanila, kahit itinakwil sila ng totoong ama nito, wala siyang ibang hangad kung 'di maipanganak niya ito ng maayos at
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, hija?"Napangiwi si Naomi at nasapo ang kaniyang ulo nang kumirot iyon. Bumungad sa kaniya si lola Marina na kita ang pag-aalala sa mukha nito. Pakiramdam niya'y kakagising lang niya mula sa matagal na pagkakatulog."Ah!" mahinang daing niya at muling pumikit dahil nararamdaman pa rin niya ang pagkirot ng kaniyang ulo. Nagmulat siya nang bumukas ang pinto ng silid."I'm glad you're awake now," sabi naman ni Christopher na kapapasok lang ng silid. Ngumiti pa ito sa kaniya."O-ok na po ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko," sabi niya at umayos ng pagkakaupo. Inisip niya ang huling nangyari at agad siyang nabahala nang maalala si Nonoy. Bumaba siya ng kama at hahakbang na sana nang pigilan siya ni lola Marina."Kailangan mo munang magpahinga, Naomi," pigil nito."S-si Nonoy po. Kailangan ko siyang puntahan," nag-aalalang aniya."Naomi, magpahinga ka na muna. Ayos na si Nonoy, nagpapahinga na siya. Nakatulog na rin ang kapatid mo pagkatapos pakalmahin ng nur
HANGGANG ngayon hindi pa rin nagigising si Naomi. Nawalan ito ng malay nang sumakit ang ulo nito kanina habang nagtatalo si Grayson at Owen. Alam ni Grayson na maaring na-trigger ng eksenang iyon ang utak ni Naomi kaya sumakit ang ulo nito. Nakatulog na rin si Nonoy matapos itong mapakalma ng nurse nito. Nasa bahay lang din ang magkapatid at pinapunta na lang niya ang doctor sa bahay."Kumusta na si ate Naomi, kuya?"Lumingon siya habang nakatayo sa gilid ng kama nila ni Naomi, nakita niya si Champagne na kagagaling lang sa school dahil naka-uniform pa ito. Kita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito.Tiningnan niya ang asawa. "Sabi ng doctor, she's fine now at kailangan na lang magpahinga," aniya."Narinig ko ang nangyari, kumusta si Nonoy?" tanong ni Champagne."He's in his room, nakatulog na rin siya matapos mapakalma ng nurse.""Bakit ba takot na takot si Nonoy kay tito Owen at kay ate Ivy," usisa ni Champagne at lumapit sa kaniya. Tiningnan nito ang walang malay na si Naomi.
"ARE YOU ok?" tanong ni Grayson kay Naomi nang huminto ang sasakyan nito sa garahe ng mansyon. Kadarating lang nila mula sa libingan ng kaniyang anak Tiningnan niya ito pero walang ngiting gumuhit mula sa labi niya. "Nandito pa rin 'yong bigat at paghihinagpis, Grayson pero I'm feeling better now dahil kahit papaano, nadalaw ko ang anak ko at nakita ko siya kahit sa picture man lang." Bahagya siyang yumuko at nakagat ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya'y tutulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "Everything will be ok, Naomi. I'm just here," pag-alo nito sa kaniya at inangat ang kaniyang mukha. Kita niya sa gwapo nitong mukha ang pag-aalala sa kaniya at ramdam niya iyon mula rito. "You can cry, you can rant on me, pwede kang lumapit sa akin whenever you feel like you're not ok or you need someone to lean on." Marahan nitong pinahid ang luha na kumawala sa kaniyang mga mata. Napatitig siya sa mga mata nito. Bakit? Bakit napakabuti ni Grayson sa kaniya at kahit alam nila
"WHERE WE going, Grayson?" tanong ni Naomi habang seryoso itong nagmamaneho at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. "Somewhere where you can find your soul, Naomi," makahulugan nitong sabi. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Malalaman mo rin kung saan tayo pupunta. It's a big part of you, of your past at alam kong matagal mo ng tinatanong ang bagay na iyon and now it's the time, Naomi." Tiningnan lang niya si Grayson. Gusto pa niyang magtanong pero mukhang hindi naman siya nito sasagutin ng diretso kaya nanahimik na lang siya. Saan kaya siya nito dadalhin na malaking parte ng nakaraan niya? Hindi niya alam kung ma-e-excite siya o kakabahan, halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Habang tahimik at seryosong nagmamaneho si Grayson, mataman niya itong tinitigan at habang tumatagal she's enjoying the view ng hindi niya namamalayan. Napakagwapo nito at tila ba anghel na bumaba mula sa langit. Bahagyang may pagka-fierce pero hindi ito ang tipong katatakutan, in fact,
NAPAPITLAG si Naomi nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya. Alam niyang hindi si Grayson iyon dahil umalis na ito ng bahay kanina pa. Nasa kusina siya at nagluluto ng pagkain para kay Nonoy."O-Owen," aniya. Kahit hindi niya ito kita, alam niyang si Owen ito dahil bukod sa amoy nito, alam niya ang presensiya ng binata.Aalis na sana siya sa pagkakayakap nito nang mas lalo siya nitong hapitin. Ramdam niya ang mahigpit na yakap nito, ang matigas nitong katawan."Let me hug you like this, Naomi," marahan nitong sabi at pinatong ang baba sa kaniyang balikat."P-pero baka may makakita sa atin," aniya at sinubukang alisin ang braso nito sa kaniyang baywang."I don't care if somebody sees us, Naomi.""P-pero hindi tama na makita tayo ng iba na yakap mo ako dahil alam ng lahat na si Grayson ang asawa ko. Hindi ito tama, Owen," dahilan niya. Ayaw din niyang magkaroon ng issue sa bahay, higit lalo sa pamilya ni Grayson.Naalis niya ang braso nito at agad siyang dumistansiya sa bi
HABANG nasa terrace si Naomi kasama si Grayson na abala sa binabasang newspaper, nakatingin lang siya rito at hindi niya maiwasang hindi humanga sa gwapo nitong mukha kahit seryoso at walang expression ang mukha. Simula nang magising siya mula sa aksidente, ang daming nangyari pero sa isang iglap, pakiramdam niya'y si Grayson ang matagal na niyang nakasama at lahat ng mga narinig niyang kwento patungkol dito, ngayon ay hindi na niya kayang paniwalaan dahil sa kabutihan nito at sa lahat pinararamdam nito sa kaniya. Na mabuting tao pala ito hindi lang sa kaniya, pati kay Nonoy. Hanggang ngayon nga ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi dahil kay Grayson, hindi niya alam kung kasama pa niya hanggang ngayon si Nonoy. Ngayon, mas naiintindihan na niya ang ginawa nito sa kaniya at ang kabutihan nito."Hey! You're staring at me, I'm not used to it," pukaw ni Grayson na nakatingin na sa kaniya at nakangiti. Mas lalo lang lumabas ang taglay nitong gandang lalaki dahil doon na parang r
HINDI MAALIS sa isip ni Naomi ang mga sinabi ni Divine tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon. Wala siyang maalalang kahit ano at kung hindi nga lang niya narinig ang tungkol doon, hindi niya malalaman iyon. Kanina pa niyang hinihintay si Grayson para tanungin ito tungkol sa bagay na iyon dahil hindi siya mapakali. Alam niyang maaring totoo iyon pero sa loob niya hindi niya kayang paniwalaang kayang gawin ni Grayson ang bagay na iyon. Pakiramdam nga niya'y matagal na niyang kilala ang lalaki at hindi nito magagawa ang paratang na iyon o baka iyon lang ang gusto niyang paniwalaan. "Ma'm Naomi." Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ni Joan. Nilingon niya ito mula sa terrace kung saan siya nakatayo at nag-iisip. Lumapit ito sa kaniya kasama si Merry. "May kailangan ba kayo?" seryosong tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa na para bang may gustong sabihin sa kaniya at tila ba nagdadalawang-isip pa ang mga ito. Nagtaka siya. "A-ano po kasi...k-kasi—Joan, ikaw na