AGAD na bumungad sa mga mata ni Samantha ang puting kisame at pinaghalong amoy ng alcohol at gamot, ginala niya ang kanyang tingin at hindi alam kung anong magiging reaksyon ng makita nya ang Mommy ni Lander na nakaupo at nag-aalalang nakatingin sa kanya. "Mija..." Agad itong tumayo tsaka mabilis na lumabas mula sa kwartong inuokupa niya, ilang minuto lang ay muli itong pumasok kasama na ang doctor at ang anim niyang kaibigan na halata ang pag-alala sa mga mukha."Ano pong nangyayare?" Baling niya sa Mommy ni Lander. "Why are you here guys?" Nagtatakang tanong niya naman sa mga kaibigan niyang nag-aalalang nakatingin din sa kanya. Hundi niya alam kung bakit biglang nandito ang mga kaibigan niya ang naalala niya lang ay nang itulak siya ni Lander palabas sa unit matapos nun ay biglang sumakit ang tiyan niya and the last person she saw was Anjo."Nasan si Anjo?" Mabilis na bulalas niya ng maalala niya ang binata."He went outside." Mabilis namang sagot ng ginang na ikinatango niya pero
MISTAKE is not just a mistake. It's really your lesson to stand tall and be brave again even though the world is against you. Mistake is another word that says you can survived in a world full of pain.Napangiti siya sa kanyang sarili ng makita niya ang kanyang maga-apat na taong gulang na anak, nakaupo ito sa pinakadulo ng kama habang nakahalukipkip."I want to go with you, please." Nakasimangot na pakli nito sa kanya, actually kanina pa talaga siya nito kinukulit ng kinukulit. Pinipilit kase nitong sumama sa kanya papuntang bar pero hindi naman pwede ang bata doon, ayaw man niyang maiwan ang anak pero wala siyang ibang mapagpipilian, birthday ni Sierra ngayon at inimbitahan siya nito sa maliit na selebrasyon na gaganapin sa Rathskeller ni Daze, nahihiya naman na siyang tumanggi ulit dahil ilang beses na siyang hindi nakakasama sa bonding ng kanilang barkada."Baby we talk about this right? Bawal ang baby dun e." She said then she sat on the side of their bed. Mas lalo namang nagkand
"IT'S great to be with all of you guys, but I really need to go now before Brighton wakes up. You know that kid right?" Ngumiti siya sa mga kaibigan tsaka isa-isang niyakap ang mga ito. Lahat sila ay nasa labas at nasa parking lot, ihahatid daw siya ng mga ito at wala naman siyang nagawa dahil kahit ilang beses niyang sabihin na kaya niya ay hindi talaga nagpa-awat ang mga ito. "Stop drinking, Margarita. You're already drunk." Paalala niya kay Marga na ngayon ay pulang-pula na ang buong mukha hanggang leeg, halatang-halata iyun sa balat ng dalaga dahil maputi ito. "Whatever." Sagot nito sa kanya na hindi naman niya pinansin. Tinignan niya si Vixon tsaka niya nginuso si Margarita na agad namang nitong tinanguan. Bumaling siya kay Daze and Killa tsaka niya nginitian ang dalawa tapos ay kay Indigo na agad niyang inismiran at pagkatapos ay nginitian na ikinasimangot nito. They don't know the story behind Sierra and Indigo's break-up, wala rin naman silang planong alamin ang nangyare
"PAPA Anjo! Stop it!" Napabalikwas siya ng bangon ng marinig niya ang matinis na tili ni Brighton ng magising siya kinaumagahan. Dali-dali siyang tumayo tsaka hinablot ang bathrobe na inilapag niya lamang sa upuan, sinusuot niya iyun habang bumababa at nang tuluyan siyang makababa ay tumakbo siya sa living room at doon nakita niya si Brighton at Anjo. Kinikiliti ni Anjo ang anak niya habang si Brighton naman ay pulang-pula na ang buong mukha sa sobrang tawa. "Anjo?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Nakangiting lumingon ito sa kanya at kumindat. Anjo is indeed here! Akala niya'y panaginip lang niya na nandito na ulit ito. "You are here." Sinugod niya ito ng mahigpit na yakap na sinamahan niya pa ng pagbatok. "Ouch, Nandito na nga ako at eto ikaw pinipingasan mo nanaman ang aking kagwapuhan." Pagyayabang nito habang hinihimas-himas ang parte ng ulo nitong binatukan niya. "Pano ka nakapasok?" Taka niyang tanong na ikinaikot ng mata nito. "You give me spare key."Paalala nito.
HINDI niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Kinakabahan siya sa hindi niya malamang dahilan, na para bang may mangyayareng hindi niya alam or sadyang nag-iisip lang talaga siya ng kung anu-ano? Baka pagod na lang ito dahil sa paulit-ulit na pangungulit ni Bright sa kanya na sakyan ng sakyan ang mga paborito nitong rides. "Grabe si kulit, hyper pa din." Wika ni Anjo sa kanya tsaka nito nginuso ang kanyang anak. Tinignan niya si Bright na pinupunasan na ng pawis ni Avana sa likod. "Mukha ngang hindi pa siya nalo-lowbat." Pag-sang ayon niya kay Anjo tsaka niya tinignan ang binata ngunit hindi na ito sa kanya nakatingin ngayon. "Hoy tulala ka nanaman." Hinampas niya pa ang braso nito kaya't napatingin ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan sa kaseryosohan nito. "Look at your left side." He command without smiling. Dahan-dahan naman siyang napalingon and just like in a movie, the people around her suddenly dissapear, ti
MABILIS ang ginawa niyang pagdilat ng maramdaman niya ang biglaang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata patungong pisngi, kinapa niya iyun ar kumpirmadong umiyak nga siya. Nightmares! Umiiyak nanaman siya, nakakainis at nakakasawa na rin. Maglilimang taon na ang nakakalipas pero bakit parang bumabalik nanaman ulit ang nakaraan simula nung nakita niya ang dating asawa two weeks ago? Bakit? Pumikit siya ng mariin at pinilit alisin sa isipan ang nakaraan. Tama na ang pagbabalik-tanaw, nasa present na siya at dapat ang iniisip niya na lang ngayon ang mangyayare pa sa mga susunod na araw. Tinignan niya ang wall clock sa kanilang kwarto at nakitang five fourty six am na pala. Ngayon ang first day ni Brighton as a student kaya't kailangan niyang asikasuhin ang mga gamit nito at baon. Tinignan niya muna ang anak na mahimbing na natutulog sa tabi niya
TAAS-noo at nakangiting pumasok siya sa loob, pinili niyang wag ipakira ang kanyang emosyon ng sa ganun ay hindi siya maunahan ng kaba niya. Agad naman siyang nakita ng mga empleyado niya kaya't yumuko ang mga ito at bumati sa kanya isa-isa. "Good Morning po, Ma'am." Bati ng mga ito na nakangiting tinanguan niya naman habang diretso pa din ang tingin. She makes sure that her eyes will not look at Lander who's still busy looking at the beautiful jewelry in front of him. Didiretso sana siya sa maliit niyang opisina para mag tingin ng mga reports and sales last month ng mapahinto siya dahil may biglang kumapit sa kanyang mga binti. Kunut-noong nagbaba siya ng tingin para silipan kung sino iyun, halos manginig siya sa gulat ng makita nya ang anak ni Lander. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili ng makaramdam ng kakaiba kung galit man yon ay hindi niya na alam. She breathes when she realizes that she's just a kid, wala itong kasalanan sa kasalanan ng ama nito so she should sp
SAKTONG twelve noon ng matapos siya sa kanyang ginagawa at pag-iisip sa mga bagong disenyong gagawen niya. She stretched her arms and neck ng makaramdam siya ng ngalay doon. Mataas pala ang naging benta sa mga couple rings and kids jewelries these past few weeks dahil sa mga bagong inilabas na disenyo. Mase-secure niya na talaga ang future ng anak niya although alam niya namang may mana siyang matatanggap mula sa Daddy at Mommy niya. Gusto niya lang kase talagang siya ang magtrabaho para sa future ng anak niya, turning twenty seven na siya at may anak na kaya't hindi niya na kailangang umasa sa parents niya. Tsaka gusto niya ring makita ni Bright mula mismo sa kanya na di porke't may kaya ang pamilya nila ay pwede na silang basta-basta gumastos na lang ng gumastos. Gusto niyang sa bawat gamit na gugustuhin nito ay paghihirapan talaga nito, at gusto niya rin na matuto itong mag share ng mga blessings na natatanggap nila.