"PAPA Anjo! Stop it!" Napabalikwas siya ng bangon ng marinig niya ang matinis na tili ni Brighton ng magising siya kinaumagahan. Dali-dali siyang tumayo tsaka hinablot ang bathrobe na inilapag niya lamang sa upuan, sinusuot niya iyun habang bumababa at nang tuluyan siyang makababa ay tumakbo siya sa living room at doon nakita niya si Brighton at Anjo. Kinikiliti ni Anjo ang anak niya habang si Brighton naman ay pulang-pula na ang buong mukha sa sobrang tawa. "Anjo?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Nakangiting lumingon ito sa kanya at kumindat. Anjo is indeed here! Akala niya'y panaginip lang niya na nandito na ulit ito. "You are here." Sinugod niya ito ng mahigpit na yakap na sinamahan niya pa ng pagbatok. "Ouch, Nandito na nga ako at eto ikaw pinipingasan mo nanaman ang aking kagwapuhan." Pagyayabang nito habang hinihimas-himas ang parte ng ulo nitong binatukan niya. "Pano ka nakapasok?" Taka niyang tanong na ikinaikot ng mata nito. "You give me spare key."Paalala nito.
HINDI niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Kinakabahan siya sa hindi niya malamang dahilan, na para bang may mangyayareng hindi niya alam or sadyang nag-iisip lang talaga siya ng kung anu-ano? Baka pagod na lang ito dahil sa paulit-ulit na pangungulit ni Bright sa kanya na sakyan ng sakyan ang mga paborito nitong rides. "Grabe si kulit, hyper pa din." Wika ni Anjo sa kanya tsaka nito nginuso ang kanyang anak. Tinignan niya si Bright na pinupunasan na ng pawis ni Avana sa likod. "Mukha ngang hindi pa siya nalo-lowbat." Pag-sang ayon niya kay Anjo tsaka niya tinignan ang binata ngunit hindi na ito sa kanya nakatingin ngayon. "Hoy tulala ka nanaman." Hinampas niya pa ang braso nito kaya't napatingin ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan sa kaseryosohan nito. "Look at your left side." He command without smiling. Dahan-dahan naman siyang napalingon and just like in a movie, the people around her suddenly dissapear, ti
MABILIS ang ginawa niyang pagdilat ng maramdaman niya ang biglaang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata patungong pisngi, kinapa niya iyun ar kumpirmadong umiyak nga siya. Nightmares! Umiiyak nanaman siya, nakakainis at nakakasawa na rin. Maglilimang taon na ang nakakalipas pero bakit parang bumabalik nanaman ulit ang nakaraan simula nung nakita niya ang dating asawa two weeks ago? Bakit? Pumikit siya ng mariin at pinilit alisin sa isipan ang nakaraan. Tama na ang pagbabalik-tanaw, nasa present na siya at dapat ang iniisip niya na lang ngayon ang mangyayare pa sa mga susunod na araw. Tinignan niya ang wall clock sa kanilang kwarto at nakitang five fourty six am na pala. Ngayon ang first day ni Brighton as a student kaya't kailangan niyang asikasuhin ang mga gamit nito at baon. Tinignan niya muna ang anak na mahimbing na natutulog sa tabi niya
TAAS-noo at nakangiting pumasok siya sa loob, pinili niyang wag ipakira ang kanyang emosyon ng sa ganun ay hindi siya maunahan ng kaba niya. Agad naman siyang nakita ng mga empleyado niya kaya't yumuko ang mga ito at bumati sa kanya isa-isa. "Good Morning po, Ma'am." Bati ng mga ito na nakangiting tinanguan niya naman habang diretso pa din ang tingin. She makes sure that her eyes will not look at Lander who's still busy looking at the beautiful jewelry in front of him. Didiretso sana siya sa maliit niyang opisina para mag tingin ng mga reports and sales last month ng mapahinto siya dahil may biglang kumapit sa kanyang mga binti. Kunut-noong nagbaba siya ng tingin para silipan kung sino iyun, halos manginig siya sa gulat ng makita nya ang anak ni Lander. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili ng makaramdam ng kakaiba kung galit man yon ay hindi niya na alam. She breathes when she realizes that she's just a kid, wala itong kasalanan sa kasalanan ng ama nito so she should sp
SAKTONG twelve noon ng matapos siya sa kanyang ginagawa at pag-iisip sa mga bagong disenyong gagawen niya. She stretched her arms and neck ng makaramdam siya ng ngalay doon. Mataas pala ang naging benta sa mga couple rings and kids jewelries these past few weeks dahil sa mga bagong inilabas na disenyo. Mase-secure niya na talaga ang future ng anak niya although alam niya namang may mana siyang matatanggap mula sa Daddy at Mommy niya. Gusto niya lang kase talagang siya ang magtrabaho para sa future ng anak niya, turning twenty seven na siya at may anak na kaya't hindi niya na kailangang umasa sa parents niya. Tsaka gusto niya ring makita ni Bright mula mismo sa kanya na di porke't may kaya ang pamilya nila ay pwede na silang basta-basta gumastos na lang ng gumastos. Gusto niyang sa bawat gamit na gugustuhin nito ay paghihirapan talaga nito, at gusto niya rin na matuto itong mag share ng mga blessings na natatanggap nila.
"BAWAL kay Brighton yan kuya Anjo! Ang kulit mo naman e!" Pagkapasok niya ay ang inis na boses ni Avana ang narinig niya na nagmumula sa kusina kaya agad siyang dumiretso patungo doon. Hindi nga napansin ng mga ito ang pagdating niya dahil nakapokus lang ang dalawa sa isa't-isa habang ang kanyang anak naman ay nagmamadaling tumakbo sa kanya ng makita siya at mabilis na iginiya ang mga kamay para magpakarga. "Mama!" Malambing na tawag nito sa kanya kaya napangiti siya. Parang isang magic na nawala ang pagod niya dahil sa ngiti ng kanyang munting anghel. "Baby ko, namiss kita." Masayang wika niya habang pinupugpog ito ng halik sa buong mukha na agad nito ikinahagikgik. "Me too, miss you." Tugon nito sa kanya. "Naging behave ka ba sa school kanina?" Tanong niya. Ilang ulit naman itong tumango-tango sabay ini-angat nito ang kamay para ipakita sa kanya ang likod ng palad nito. "Ma! I have alots of stars. Sabi ni Teacher Iza smart boy daw po ako." Pagku-kuwento nito sa kanya na
LULAN sila ng kotse ni Brighton ngayon at tinatahak ang daan patungo sa school ng kanyang anak, siya ang maghahatid dito ngayon dahil nakapangako siya kay Birghton na one of these day ay siya ang maghahatid at magsusundo dito. Hindi niya na rin pinasama si Avana sa kanya para din naman makapagpahinga ang dalaga sa pag-aalaga nito kay Brighton, isa pa ay pumapasok ito tuwing gabi kaya madalas ay silang dalawa na lang talaga ni Brighton ang naiiwan sa bahay. "Papanuorin niyo po ba ako Mama sa school?" Biglang bukas ni Brighton ng usapan. Saglitang nilingon niya ito at nginitan bago niya ulit ibalik ang tingin sa daan. "Of course naman gusto kong makita kung gaano katalino ang baby ko." Malambing na sagot niya dito. "Really? Yeheyyy! Mas gagalingan ko pa po sa mga questions ni Teacher Iza, lalamangan ko si Diamond bungi." Agad niyang nabaling ang tingin niya kay Brighton dahil sa gulat sa lumabas sa bibig nito.
ILANG minuto lang ay nasa Ice Cream Parlor na sila kung saan madalas nilang puntahan, lumabas siya ng kotse para mapag buksan niya si Brighton na agad niyang binuhat. Malaki ang Ice cream parlor na talagang paborito nilang puntahan hindi lang ito basta nagse-serve ng Ice Cream, dahil meron pa itong play ground para sa mga batang pumapasok doon na pwedeng maglaro habang nag-aantay the design is very neutral na pwedeng pwede pang family at couple. Excited na nagtatakbo si Bright papuntang Favorite seats nila malapit sa little play house slash ground. "Dito ka lang." Tumango naman si Bright siya naman ay pumuntang counter para um-order na. She ordered their favorite flavors which is ube and cookies and cream. Pinadagdagan niya na rin ang mga yun ng maraming toppings pero syempre may additional na bayad para dun. "Yey!" Masayang hiyaw ni Bright ng makalapit sya sa table nila. Inabot niya kay Brighton ang ice crea
"SAMANTHA!" walang buhay ang mga matang nilingon niya si Lander ng mariin nitong tinawag ang pangalan niya. Wala pang ilang segundo ng nagmartsa siya papasok sa loob at heto si Lander ngayon at mabilis na pa lang nakasunod sa kanya. Kunut na kunot ang noo nito at bahagyang namumula ang pisngi at tiim ang bagang na inisang hakbang nito ang pagitan nila. "What?" asar niyang tanong dito. Hindi pa din humuhupa ang nararamdaman niyang inis at parang nakukulangan pa siya sa ginawa niyang pagsampal kay Lizzy. Nagsisisi tuloy siya na tinatlo niya lang ang sampal dito, she should grab her hair and pull it like she is riding a horse. Sayang ang opportunity, ni hindi niya man lang iyun nasulit. "Why did you leave me there?" he was annoyed. "I am giving you some privacy," walang emosyon niyang tugon. "Bullshit!" frustrated nitong sinuklay ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay tsaka nito ipinatong ang kanang kamay sa sariling bewang at inis na nakatingin sa kanya at mariing nakagat ang
"BAKIT po siya nandito?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Brighton ng makita nito si Lander, bakas ang pagkainis sa gwapong mukha ni Brighton habang tinitignan ang ama nito na nakaupo sa sofa. Maaga pa ng magtungo ito dito sa bahay nila, after their talk last night she decided not to give in but they will act as civil as possible. Wala itong nagawa sa naging desisyon niya, na kahit paulit-ulit ang naging pagmamakaawa at pakiusap nitong ayusin nila ang relasyon nila ay hindi talaga siya pumayag sa gusto nitong mangyare. Selfish it might seem but she would rather be selfish than to be hurt again. "Prince..." tawag ni Lander sa anak nito na hindi man lang nagbago ang itsura habang kaharap ang ama nito. "I brought you some donuts." Itinaas ni Lander ang hawak na box ng donut pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brighton sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Mama, can you call Papa Anjo? I want some cookies please." halata ang pag-iwas nito ng sabihin iyun sa kanya kaya't pilit a
"P-PLEASE Samantha, don't do this to us. We can heal together, just give me one last chance to prove my love to you. Hindi ko na kaya kung hahayaan ko ulit ang sarili kong mapalayo sa inyo..." nagmamakaawang saad ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niyang sapo ang pisngi nito. "Kaya mo Lander, we've been separated for five years and we just recently bumped into each other, nakaya mong wala ako sa loob ng limang taon na yon kaya alam kong kaya mo ngayon." mahinang saad niya sapat lang para marinig nilang dalawa. Marahas itong umiling habang patuloy pa din ang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan niya. "Five years ago was different, Samantha. Nakaya ko yun noon kase dala ko ang paniniwalang niloko mo ako." bwelta nito sa kanya kaya't siya naman ngayon ang napailing. "Lander please, wag na nating pahirapan ang isa't-isa. We need to heal separately. Ilang buwan pa lang simula ng muli tayong magkita pero nagkasakitan na ulit tayo." Paliwanag niya pero tila naging bingi ito sa la
HALOS nakalimutan niya na ang ipinaalam sa kanya ni Lander kanina na mag-asawa pa din pala sila, ang takot dahil sa ginawa nitong kapangahasan ay saglit naibsan dahil natuon na ang atensyon niya sa litratong tanda ng pangangaliwa ni Lander sa kanya noon, ang litratong kahit limang taon na ang nakakalipas ay nagbibigay pa din ng matinding sakit sa kanya. Hindi maiwasan ni Samantha ang mapasinghap habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi niya. Unti-unting nagpa flashback ang lahat habang tinitignan niya si Lander. Yung lahat ng sakit na unti-unting naipon sa puso niya ay para bang anumang oras ay sasabog na. Umiling siya sa naging tanong nito sa kanya kanina. Natatakot siya sa tingin ni Lander, kung kanina ay nagtatapang-tapangan siya ngayon naman ay wala na talaga ang tapang niya. Lumambot ang matigas na anyo nito nang mapansing patuloy lang ang pagluha niya. Tumayo ito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I-I'm sorry if I shouted at you, I'm sorry if I kisse
IT'S been weeks since their last talk, tinupad ni Lander ang sinabi nito na aalis ito at bibigyan siya ng space but he continued giving her a bouquet of her favorite flowers and a letter. Hindi siya nag-aksayang basahin ang mga yon, the flowers were directly thrown in the trash while the letters were secretly kept by her. Bumalik sila sa dating buhay ni Brighton but she could feel her son's sadness, mabuti na lang na nasa tabi nila si Anjo na pilit pinapasaya ang kanyang anak. Kasalukuyan silang nag-aayos para sa pagpasok ni Brighton sa eskwelahan, at katulad ng nakagawian ay si Anjo ang maghahatid sa kanila. Nasa eskwelahan na si Avana ngayon kaya't wala siyang katuwang sa umaga. "Ready?" tanong ni Anjo sa kanila habang nakasandal ito sa hamba ng pintuan at matiyaga silang inaantay. "Coming." She said as she fixed Brighton's collar. "Let's go." Anya ng hawakan niya ang kamay ng anak, ng makalapit sila kay Anjo ay mabilis itong yumukod upang kargahin ang anak niya. Ang kaliwang
"WHO'S the girl Mommy? Do you think Daddy likes her? Bakit sila nagki-kiss ni Daddy? Diba pang husband and wife lang ang ganun?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Brighton sa kanya at mababakasan din sa boses nito ang lungkot habang matamang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nilunok niya muna ang ice cream na natunaw sa bibig niya bago niya ito sagutin. Mas pinili nilang mag-ina na pumunta sa paborito nilang Ice Cream parlor at hindi na din siya natuloy na bisitahin ang Lustrous Bijouterie dahil sa nangyare kanina. Kumuha siya ng tissue tsaka niya muna ipinunas sa bibig ni Brighton yun. "I-I honestly don't know anak. Mabuting kay Daddy mo itanong yan ha, hindi ko kase alam ang sagot sa tanong mo e pasensya na." Pinilit niyang ngumiti tsaka niya pinisil ang ilong ng anak niya na malungkot na tumango lang, pasimple niyang naikuyom ang kamao niya habang pinagmamasdan si Brighton sa gantong estado. Halos hindi nito nagagalaw ang Ice Cream na paborito nito, namayani a
TINIGNAN siya ni Lizzy mula ulo hanggang paa pero hindi siya nagpatalo, she also looked at her from head to toe as she smiled at her disgustingly. The strap of Lizzy's dress was slipping off to her shoulder and she couldn't help but to be hurt when she remembered how Lizzy sat on Lander's lap earlier. Muling bumalik ang walang emosyon niyang tingin kay Lander na hanggang ngayon ay gulat parin ang reaksyon, he's still a good actor she must say. "Continue what you're doing, we're leaving." She said flatly. The f*ck with his words! She cursed him! She loathed him, how could she let him deceit her again? Was she that naive? Was she that st*pid? She fought herself not to cry and she succeeded. Sa bawat dinig niya ng hikbi ni Brighton ay mas l
WHAT the f*ck? Kagigising niya pa lang ng may biglang magdoorbell at ng puntahan niya ay ito agad ang bumungad sa kanya. Isang araw na hindi nagpakita sa kanya si Lander kaya medyo na-miss ito pero ngayon namang nagpakita ito sa kanya ngayon ay parang gusto niyang mairita at itaboy na lang ito paalis. Tinignan niya ito, nakasuot ito ng simpleng kulay asul na polo shirt, maong shorts at boat shoes. Niluwagan niya ang bukas ng gate niya para makapasok ito. "Anno to?" Tanong niya, kinusot niya pa ang mga mata niya para siguraduhin kung totoo nga ba yung nakikita niya. "For you." Kinuha niya ang bigay ni Lander habang lumalakad sila papasok sa loob. Isa iyung nakarolyong cartolina. "And ito pa." He handed her a huge teddy bear too. Actually m
"GANUN ba?" Mapait na napangiti si Lander habang tinitignan niya si Samantha, unti-unti siyang nagyuko ng ulo dahil hindi niya kayang makita ang nasasaktan nitong reaksyon. Sa nangyayare ngayon ay nagkakaroon tuloy siya ng hint na baka nga.... na baka siya nga gaya na lang ng sinabi ni Daze pero ang kailangan niya lang gawen ngayon ay siya na mismo ang mag confirm. "Ako ba Samantha ang may kasalanan?" Nagtaas siya ng tingin upang muli itong tignan. "I know that we shouldn't bring back the past but I really wanted to clear everything because this situation is really hard for me, especially now that I can finally confirm that I love you even before, late ko mang na-realize pero t*ngina mahal talaga kita kahit sigurado akong hindi ka maniniwala dun." Lumunok pa ulit siya dahil pakiramdam