Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain."Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna," ani ni Dianne sa kaniya."Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan," sagot niya rito."Last day mo na rito kaya chill ka lang," natatawang ani nito. "Isa pa't kaunti lang ang gagawin natin kaya 'wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain," dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga table. Sa counter lang siya tumambay at inayos ang mga nakalagay roon. Pinupunasan niya rin ang makitang may kaunting dumi dahil hindi talaga sila busy ngayon."May pick up order tayo, mga 4pm daw dito
Alora was pissed big time because of what she found out. Nakita niya ang mga pictures ni Lloyd na kasama sa club si Aj at magkasama pa ang dalawa papunta sa unit ng binata. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa dalaga.Lloyd is mine and you dare to touch him and get near to him?!The truth is she was getting scared, just the thought that Lloyd has feelings for that woman makes her mad. Gusto niyang magwala at saktan ang babaeng 'yon.Nalaman niya ang tungkol sa kontrata ng dalawa dahil pinaimbestigahan niya si Aj at ang pamilya nito. Nalaman niyang laki ito sa hirap kaya sigurado siyang hindi nagpakasal ang dalawa dahil lang sa pagmamahalan. Hindi ito kilala ni Xion nang magpakasal ito sa babae kaya sigurado siyang nagkaroon ng kontrata lalo na na may lawyer si Xion na matinik at kilalang kilala sa larangan ng trabaho nito.Money can buy and do anything. Hindi na rin siya magtataka na malaki ang binayad ni Xion sa babaeng 'yon. Xion is one of the richest young businessman around th
Hindi niya alam bakit pa siya tinulungan ni Lloyd. Medyo hindi pa rin siya nagtitiwala rito dahil alam niyang galit ito sa kapatid, sa asawa niya. Pero hindi naman siya nakaramdam ngayon na mapanganib ang lalaki. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom.Kasalukuyang nasa baguio siya, sa bahay bakasyunan ni Lloyd. Nagpalipas sila ng gabi sa isang hotel bago tuluyang umalis at tumungo sa baguio. Naawa pa nga siya rito dahil kulang ang tulog nito. Nang maihatid kasi siya nito ay binilinan lang siya ng mga kailangan niya malaman sa bahay at umalis na rin ito.Simple lang ang bahay pero may kalakihan pa rin. Kailangan niya munang mag-isip isip at ikalma ang utak niya. Masiyadong maraming gumugulo ngayon sa isipan niya. Nasaktan siya dahil parang pinaglaruan siya nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ito talaga ang asawa niya.Ilang beses niyang nabanggit sa binata ang tungkol sa asawa niya pero napakagaling nitong umarte na parang hindi ito ang asawa niya. Nag mukha siyang tanga sa
Exact 3 days na siyang nasa baguio at hindi niya alam kung tinatawagan pa ba siya ni Xion. Nakapatay na kasi ang cellphone niya at hindi na niya pa ulit iyon binubuksan. Sa isip niya ay mas nakabubuti ito para naman makapag-isip isip siya pero sa puso niya naman ay hindi. Kumukontra ito dahil may parte sa kaniya na gustong-gusto niya na ulit makita si Xion."Hay buhay," bulalas niya. Hinugasan niya ang strawberry na nabili niya sa farm na malapit. Maaga kasi siyang lumabas para na rin makapagpaaraw kahit papaano. May araw nga pero malamig naman ang ihip ng hangin."You good here?" Muntikan na siyang mapatalon dahil sa nagsalita. Paglingon niya ay si Lloyd iyon at may mga dalang apat na ecobag galing sa isang sikat na supermarket."Nandito ka pala... Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka," ani niya. Nilagay niya sa bowl ang mga linis na strawberry."How can I tell you when you turn off your phone," he chuckled. Umawang ang labi niya at naisara rin agad. Nakalimutan niya saglit na na
Nagising siya sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Napabangon siya agad ng kama at dali-dali niyang binuksan ang pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya nagulat nang makita si Xion sa harapan niya. Madaling araw pa lang at halos kakatulog niya pa lang.Tama nga si Lloyd na kahit anong tago niya ay walang impossible sa binatang ito."Aj..." Aj? Natawa siya sa isipan niya. Napasuklay siya sa magulo niyang buhok at tinalikuran ito, isasara niya pa lang ang pintuan ng kwarto nang maiharang n anito ang kamay at dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi niya na nagawang isarado."Why did you come with Lloyd? You can't trust him! He's a man and this is his house!" he fumed in her face. Hindi niya ito pinansin at dumeretso sa kama niya at nagtalukbong."Aj, talk to me—""Inaantok pa ako, madaling araw pa lang, 'wag kang istorbo," ani niya na parang wala lang kahit na halos lumabas na ang puso niya sa katawan niya. Meron sa kaniyang parte na gusto niya tumakbo papalapit dito
Tiningnan niya ang kabuuan niya sa isang malaking salamin. She looks like an elegant and sophisticated woman. Nakasuot siya ng isang mamahaling dress at sapatos na binili sa kaniya ng binata. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nakasuot din sa daliri niya.Makikilala niya na ang ama nito at mga kamag-anak. Gusto niyang matawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan na may problema silang dalawa tiyaka pa sumakto ang family gathering ng mga ito. Wala siyang magagawa dahil isa lang siyang empleyado nito.Bayad siya para umaktong asawa ng binata."If you're ready we can go now." Hindi nya nilingon ang binata nang pumasok ito sa kwarto niya. Hindi siya umimik at tahimik na kumilos para kunin ang sling bag na dadalhin. Lalagpasan niya sana ito para siya na ang maunang lumabas ng kwarto nang hawakan siya nito sa kamay."Aj... we will talk after the gathering—""Nag-uusap naman tayo, puwede mo nang sabihin ang sasabihin mo mamaya," matabang na ani niya. Her expression was just stra
Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis
Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot