Nagising siya sa isang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Napabangon siya agad ng kama at dali-dali niyang binuksan ang pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi na siya nagulat nang makita si Xion sa harapan niya. Madaling araw pa lang at halos kakatulog niya pa lang.Tama nga si Lloyd na kahit anong tago niya ay walang impossible sa binatang ito."Aj..." Aj? Natawa siya sa isipan niya. Napasuklay siya sa magulo niyang buhok at tinalikuran ito, isasara niya pa lang ang pintuan ng kwarto nang maiharang n anito ang kamay at dahil mas malakas ito sa kaniya ay hindi niya na nagawang isarado."Why did you come with Lloyd? You can't trust him! He's a man and this is his house!" he fumed in her face. Hindi niya ito pinansin at dumeretso sa kama niya at nagtalukbong."Aj, talk to me—""Inaantok pa ako, madaling araw pa lang, 'wag kang istorbo," ani niya na parang wala lang kahit na halos lumabas na ang puso niya sa katawan niya. Meron sa kaniyang parte na gusto niya tumakbo papalapit dito
Tiningnan niya ang kabuuan niya sa isang malaking salamin. She looks like an elegant and sophisticated woman. Nakasuot siya ng isang mamahaling dress at sapatos na binili sa kaniya ng binata. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nakasuot din sa daliri niya.Makikilala niya na ang ama nito at mga kamag-anak. Gusto niyang matawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan na may problema silang dalawa tiyaka pa sumakto ang family gathering ng mga ito. Wala siyang magagawa dahil isa lang siyang empleyado nito.Bayad siya para umaktong asawa ng binata."If you're ready we can go now." Hindi nya nilingon ang binata nang pumasok ito sa kwarto niya. Hindi siya umimik at tahimik na kumilos para kunin ang sling bag na dadalhin. Lalagpasan niya sana ito para siya na ang maunang lumabas ng kwarto nang hawakan siya nito sa kamay."Aj... we will talk after the gathering—""Nag-uusap naman tayo, puwede mo nang sabihin ang sasabihin mo mamaya," matabang na ani niya. Her expression was just stra
Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis
Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot
Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun'di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at 'yon ang natamaan ng paa niya.Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na 'yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito.Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala.Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya."You awake... Good morning,
Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na 'yon. Napapangiti na lang siya at animo'y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad
Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date."Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup."Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap."Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya."Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib."Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas n
Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa k