"Dad, how many times do I have to tell you that I would never marry that guy named Brian and will never be!?" my voice raised.
Hindi pa ako nag-taas ng boses sa mga magulang ko pero ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Paano ba naman kasi, i-arrange marriage ba daw ako sa Brian na 'yon dahil may utang na loob sila sa pamilyang iyon? How dare them for forcing me to marry Brian for the sake of their 'utang na loob?'Just wow! Sinali pa talaga ako!"Lower your voice, Azara! Don't make me mad!" my father's voice roared making me roll my eyes."How dare you for doing this! How dare you for deciding whom I'll marry! And lastly, how dare you for controlling my whole life!" I shouted at the top of my lungs. I clenched my fists while looking at my parents. "Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng kino-control ng sariling mga magulang? Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam ng hindi maka-gawa ng sariling desisyon? Para akong ibon na nakakulong sa isang hawla! Gustong-gusto kong makalaya at lumipad pero hindi ko magawa dahil nakakulong ako!"I glared at them."Nakakasawa na rin ang ganito," humina ang boses ko. "Buong buhay ko, kayo palagi ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Ni minsan ba hindi niyo naisip kung ano ang mararamdaman ko?" nakita ko si mommy na nag-iwas ng tingin habang si dad ay nanatiling galit ang tingin sa akin.Ano pa nga bang aasahan ko? Ganiyan naman siya palagi. Palaging galit sa akin. Iniisip ko nga kung anak niya ba talaga ako. What if ampon ako?Sana nga ampon na lang ako.Tumalikod ako sa kanila. Pero bago ako umalis, may sinabi ako sa kanila na sigurado akong magkakatotoo. "Remember this. Simula ngayong araw na ito, hindi ko na kayo hahayaang mag-desisyon para sa sarili ko. Because starting today, pinu-putol ko na ang koneksiyon ko sa inyo."Hinarap ko sila at ngumisi. "Sige lang, i-tuloy niyo lang ang paghahanda para sa kasal na 'yan, sigurado naman akong hindi kayo magtatagumpay,"After that day, hindi na ako umuwi sa'min pero nababalitaan ko pa rin naman ang nagaganap sa bahay dahil sa pinsan kong si Avera. Tulad na lang ng balitang tuloy pa rin ang kasal.And the day came. May pinadala pa talaga ang magaling kong ama na baklang makeup artist para ayusan ako. I'm annoyed, yet I still made myself calm. It's okay Azara, you have plan to stop that shit."Bongga! Ang galing ko talaga!" saad noong bakla matapos akong ayusan. He walked to where the white gown is. "Sigurado akong bagay na bagay sa iyo ito." humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang gown. "Suot mo na!" excited na wika nito bago i-abot sa akin.Walang gana ko iyong kinuha bago pumasok sa bathroom ng condo ko."Congrats mukha ka ng tao!" pumalakpak pa ang bakla matapos kong lumabas ng banyo.Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko. "Pag-ito tumama sa mukha mo, magmumukha kang ginahasa ng pitong engkanto." tumiklop siya sa narinig at tahimik na nag-sign of the cross.Matapos sa walang kwentang bangayan namin ng bakla ay sumakay na agad ako sa kotseng pinadala nila. Nadatnan ko si Avera sa loob na nakangiti sa akin."Nando'n na ba?" mahinang tanong ko para hindi marinig ng driver. Tumango siya bilang sagot kaya kampante akong sumandal sa upoan.Nakarating kami sa labas ng simbahan. Pinagbuksan ako ng driver habang inalalayan naman ako ni Avera papunta sa harap ng pinto."Mag-iingat ka sa balak mo, Azara." bulong ni Vera sa akin pero hindi ko siya pinansin.Namalayan ko na lang ang sariling naglalakad na papuntang altar kasama si daddy at mommy. Tumingin ako sa harap at nakita si Brian na nakangiti habang nakatingin sa amin. Pakitang-tao ang gago!Nang makalapit kami ay tinapik ni dad ang balikat ni Brian bago ako panlakihan ng mata. Ngumiti naman si mommy sa akin pero hindi ko sila pinansin."Magiging akin ka na rin." bulong ng gago pero ngumisi lamang ako."In your dreams."Sinimulan na ni father ang seremonya. Si Brian ay nakangiti habang ako ay nakangisi."Brian Hernandez, do you take, Azara Veal, as your wedded wife in sickness and in health?""I do." he answered, smiling."Azara Veal, do you take, Brian Hernandez, as your wedded husband in—" before he could continue, I already cut him off.Lumaki ang ngisi ko, "I don't," nagulat ang lahat sa naging sagot ko, including Brian and my parents together with his family.Kinuha ko ang pagkakataong iyon na tumakbo na palabas ng simbahan. I thought runaway brides are only in movies, sa totoong buhay rin pala.Kung iisipin ay pwede namang hindi na ako sumipot sa kasal at tumakas na lang agad but I like games, and I like to see what's their reaction so I did this even though it's complicated because anytime they can catch me.Katulad na lang ngayon na hinahabol na ako ng mga tauhan ni dad. Mabagal akong tumatakbo dahil sa gown ko kaya walang pag-alinlangan kong pinunit iyon hanggang sa tuhod ko. Napatingin ako sa suot kong boots. I wear this instead of sandals para hindi na ako mahirapang tumakbo ngayon.Naalala ko pa ang sinabi ng baklang makeup artist. "Are you crazy? My gad! Bakit boots ang suot mo?!" but instead of answering him, ngumisi lamang ako.Unti-unting nakikita ko na ang pinaglalagyan ng big bike ko na inutos ko kay Vera. My buddy! Nang makalapit ay tumalon ako pasakay bago 'yon paandarin at pinaharurut. Tiningnan ko ang mga humahabol sa akin sa side mirror na unti-unting nagiging maliit sa paningin ko.Magdidiwang na sana ako nang makitang may humahabol sa aking sports car. Walang iba kun'di si Brian. Dahil doon ay nakakunot noo kong binilisan ang pagpapatakbo pero nakakahabol siya."Stop this shit, Azara, and marry me!" sigaw nito."Make me!" I shouted back. Nakakainis! Mas mabilis ang makina ng sports car niya kesa sa big bike ko kaya siya nakakahabol. Darn it!Imbes na magdere-deretso sa sementong daan ay lumiko ako papunta sa isang mabato at kakahoyan na daan. Akala ko ay deretso na ito ngunit nainis ako nang makitang putol ang daan. Isang bangin na ang kakahantungan kung dederetso ako ay malalim na sapa.Lumingon ako kay Brian at nakita siyang nakangiti sa akin as if I'm gonna stop and marry him instead but it's a big no! Kung ipapakasal lang din naman ako sa taong hindi ko mahal ay mas mabuti pang i-deretso ko na lang ang big bike ko sa bangin, so I did.Bago ako tuluyang mahulog ay narinig ko pa ang pagtawag ni Brian sa akin.Sinalubong ang aking katawan ng malamig na tubig ng sapa. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sariling lumubog sa kailalim-laliman nito bago ako tuluyang nawalan ng malay.And just like that, I ended my life.Nagising ako nang may maramdamang kung anong malambot sa labi ko. Napamulat ako ng mata at napaubo ng tubig. Napatigil lang nang may magsalita."Mabuti at gising ka na." baritonong saad nang isang lalaki. Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mata ko ng mapamilyaran ang mukha nito, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita. Maputi ang kaniyang balat, may magandang pangangatawan, magandang hugis ng panga, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis ngunit mapulang labi. Ang style ng kaniyang buhok ay katulad ng mga koreanong nakikita ko sa tv. Ang kaniyang asul at singkit na mata ay bahagyang natatabunan ng kaniyang bangs na basa. All I can say is, he's so handsome and hot. Kahit sinong babae na makakakita sa kaniya ay mapapanganga, maliban sa akin. Gwapo siya ngunit hindi ako basta-bastang naa-attract sa panlabas na anyo, kaya nga wala akong naging boyfriend dahil ang papangit ng mga ugali ng mga lalaking gustong manligaw sa akin. That's why I have the reason to
Walang nagawa si Eros kun'di ang ampunin ako. Ano nga bang magagawa niya sa kakulitan ko hindi ba? Hindi sa nagmamayabang ako pero sa dalawampu't tatlong pagka-buhay ko sa mundong ito ay wala pang tumanggi sa akin maliban sa masungit na lalaking nakapamulsa ngayon habang naglalakad. Psh. "Hoy, sungit! Hintayin mo 'ko—! Aray, bwesit na 'to!" gague! Ang sakit ng paa ko. Walang hiyang batong 'to! Sa inis ay sinipa ko iyon kaya malapit matamaan si Eros. Buti na nga lang at malapit sa paa niya lang nag-landing ang bato. Phew! Muntik na ako do'n ah! "Pag ako talaga natamaan, humanda ka!" banta nito kaya nanlaki ang dalawang magaganda kong mata. Hala! How did he know? Nakatalikod kaya siya! Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Instinct." mayabang nitong sagot na para bang nabasa niya ang tanong sa isip ko. "Edi wow," bulong ko. "Bilisan mo. Lumalalim na ang gabi, may nanghahablot pa naman dito bigla-bigla." dahil sa sinabi niya ay napatakbo ako palapit at hinawakan siya ng ma
Masama ang loob kong sumalampak sa sofa. Paano ba naman kasi, ayaw akong samahan ni Eros bumili ng damit sa pamilihan. Sinasabi niyang, "Malaki ka na, kaya mo ng bumili mag-isa." Sinong hindi maiinis do'n? Wala ba siyang puso? Hindi ba siya naaawa sa akin? Sabagay, hindi nga iyon naging mabait sa akin maawa pa kaya. Psh! Himala na nga lang at pinayagan akong patirahin sa maganda niyang bahay. "Hindi kita pinatira rito para tumunganga ka lang diyan, you should wash the dishes, clean the house, cook for me, and do the laundry in exchange." ayan na naman siya. Nag-susungit na naman, tsh. Kailan ba magiging mabait 'to? "Samahan mo na muna kasi ako sa pamilihan!" nagmamaktol na saad ko ngunit ang gago ay umirap lang. "Please, Eros, please!" 'nagmakaawa-look' ako ngunit wala lang iyon sa kaniya dahil nakuha niya pang umirap. Agh! Saan ba 'to pinaglihi ng nanay niya at ganito makapag-sungit? Oh baka naman sa akin lang siya nagsusungit at sa iba ay mabait? Kung gano'n ay anong kasalanan k
Nang-aakusa akong nakatingin kay Eros na ngayon ay hindi mapakaling nakaupo sa sofa habang ako ay nakatayo sa harap niya. Namewang din ako at tinaasan siya ng kilay. "Explain yourself!" utos ko sa kaniya na naging dahilan para mapakamot siya sa kaniyang batok. "U-Ughm.. k-kailangan ba talaga?" natatarantang saad nito. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso which is I find it cute. Taranta yarn? Pinapa-explain lang e. "Oo! You must because that was unexpected. Nag-susungit ka sa akin tapos bigla-bigla na lang mangyayakap? Are you gagoing me?" ako naman ngayon ang tinatarayan siya. "I'm not worried about you, okay? Nag-aalala ako dahil baka may mangyari sayong masama tapos konsensiya ko 'yong mapipinsala mo kasi kargo kita." sa bilis ng pananalita niya ay nakuha niya pang umirap. Ang kanina lang na natatarantang mukha ay naging seryoso. "Don't look at me like I committed a crime. That's all what I'm worried about." sabay lakad nito papuntang hagdan. "Tapos na akong kumain, kumain
Tinanghali na ako ng gising. Kaya nang makababa ako ay hindi na nagtaka nang makitang may pagkain ng nakahain sa mesa pero walang Eros. Hindi ko alam kung nasaan ang masungit na 'yun basta ang alam ko lang ay nilantakan ko na ang pagkain. Habang kumakain ay may narinig akong mga yabag palapit. Nakita ko si Eros na madungis. Para siyang bata na katatapos lang mag-laro. Psh. "Dugyot mo!" agad na komento ko ngunit inirapan niya ako bago dumeretso sa may lababo para maghugas ng kamay. "Sa'n ka ba galing?""Outside." "Ginawa mo do'n at ang dungis mo?" tinapos niya muna ang paghuhugas ng kamay bago ako harapin. "Nagbungkal ng lupa," sagot niya at naglakad palabas ng kusina. "Maliligo na muna ako." paalam niya na ikinakunot ng aking noo. Kailan pa siya natutong magpaalam? Bago 'yun ah! Nag-improve na ang masungit na 'yon. Buti naman! Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan. Binuksan ko pa ang bintana para pumasok ang preskong hangin galing sa labas. Napatigil ako nang makit
Sa isang linggong pakikitira ko sa magandang bahay ni Eros kasama ang mga kaibigan niya ay unti-unti akong nagiging komportable sa kanila lalo na kay Andrei na palagi akong kinukulit.Katulad na lang ngayon. "Gusto mo 'no?" asar niya sa akin kaya napakunot ang aking noo. Sino? "Ha?""Gusto mo siya?" ngumisi siya sa akin ng nakakaloko habang ako ay nagtataka lang siya tinitingnan. Pinagsasabi ng makulit na lalaking 'to? "Sinong siya ba?" nagsisimula na akong makaramdam ng inis dahil sa ngisi niyang hindi ko maintindihan. Sa totoo lang, itong lalaking 'to ang una kong naka-close sa kanila dahil sa pagiging makulit at pagiging feeling close niya sa akin. Kahit na naguguluhan ako minsan sa kilos niya at nawe-weirdohan ay tanggap ko pa rin naman siya. 'Tsaka, alam niyo bang minsan ay para siyang bading? Hihi. "Siya," nakakalokong saad pa din nito. This time, my brows knitted while looking at him. "Alam mo, hindi kita maintindihan. Sino bang siya na sinasabi mong gusto ko?" imbes na s
"Yayy! Malapit na ang pasko!" nae-excite na saad ni Andrei habang pumapalakpak. "What's your plans on Christmas, dre?" tanong ni Keo kay Eros na tahimik na kumakain. Nag-angat ito ng tingin bago nagkibit balikat. "I don't know. Maybe we'll just go to Lola Melly's house. Kayo?""Uuwi kami sa mga bahay namin. We'll celebrate Christmas at home. Babalik na lang kami dito pagkatapos." si Yuro ang sumagot. "How about you, Aza?"I swallowed the food first before answering. "I don't know." "She'll come with me. We will be joining Lola." napatingin ako kay Eros nang magsalita ito at nginitian siya. I thought he forgot about me. Umirap lang siya bilang tugon sa ngiti ko. Sungit! "Sana all," tukso ni Andrei sa'kin. "You'll meet his grandma na, Aza. Isn't it exciting?" kinunotan ko lang siya ng noo bilang sagot. Ano naman? Mame-meet ko lang naman lola niyang strikta tapos pagnakita ako, hindi niya ako magugustuhan kaya papahirapan niya ako kapag wala si Eros. Dapat ko na bang i-ready ang sar
Nakakamangha ang ganda ng bahay ni Lola Melly. Pagkatapos naming kumain, inilibot agad ako ni Eros sa kabuoan ng bahay. Sa likuran ay matatagpuan ang mga iba't ibang uri ng bulaklak. Kahit na gabi ay maliwanag pa rin dito dahil sa Christmas lights na nakapalibot sa mga puno. May mesa rin doon at dalawang upoan. Kung gusto mong mag-tea ay pwede ka doon. Malamig dito dahil sa mga puno. Ang sarap mag-relax. Malamig na ang simoy ng hangin kaya napag-desisyonan na naming pumasok sa loob. Pumunta kami doon sa isang pintuan na kulay itim. Nang makapasok, napanganga ulit ako dahil sa mga paintings na naroon. Ang iba ay naka-dikit sa dingding. Ang iba naman ay nasa gilid lang, nakasandal. Magaganda 'yon pero isa lang ang nakaagaw ng atensiyon ko. Hindi ito kasing laki ng nandidito pero masasabi kong iyon ang pinakamaganda sa lahat. Nilapitan ko iyon at hinaplos ang mukha ng dalagang babae kasama ang ka-edad lang nito na lalaki. Maganda ang babae gano'n din ang lalaki. Napatingin ako kay Er
.*Eros' Point of View*."Salamat, Mr. Velasquez. Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin makukuha ang hustisya sa pangbababoy sa amin ni Mr. Marlon Hernandez."I smiled. "I just did what's right, miss. You're welcome."I was happy for winning the case. When I went home, I thanked Him for everything."How are you up there, sis? Are you happy that you've finally got the justice you deserve?" I looked at the dark sky and smiled. After that, I didn't heard a thing about Azara. Not that I decided to move forward, I just don't want to watch her happy with my brother. It hurts me a lot!I focused on my job to make myself busy. At the same time, I'm making myself busy to stopped myself from reaching her. Ayoko muna siyang makita. The scar in my heart is still fresh! Masakit bumitaw pero mas masakit kung makita siyang nagdurusa sa mga kamay ni Mr. Hernandez.Letting her go means I'm freeing her to find someone who can love her more that I do. Masakit pero kakayanin para sa kaniya. Lahat gagawin k
My relationship with Eros went well. Noong 1st monthsary namin, we celebrated it in my restaurant. Just a normal celebration tho. Kumain lang kami then parted ways dahil busy parehas.Next week na ang opening ng restaurant ko sa Palawan. Sinabay ko na sa 2nd monthsary namin para wala ng hassle. Sa araw lang kasi iyon maluwag ang schedule ni Eros. Masyado na kasi itong busy dahil sabay-sabay halos lahat ng clients nila. Pagtapos ng isa, may darating agad na isa pang project. Bless na bless si Eros sa trabaho niya. Nabalitaan ko rin kay Eros na lumulubha ang sakit ni Lola Melly. Kaya noong makarating ako sa Palawan para sa opening, dumeretso ako sa bahay ni Lola Melly. Naka-wheel chair ito habang nakatingin sa kawalan. She can't lift an arm. Wala na talagang lakas si Lola Melly. Tumatanda na rin kasi. "Hello, Lola Melly. How are you doing?" I asked her the moment I saw her. She looks at me happily. Although I saw happiness in her eyes, I saw a glimpse of tiredness on her pale face.
After week of staying in Palawan, I went back to Manila. Sabi ni Eros, susunod raw siya sa akin dito kapag hindi na masyadong busy. Dapat rin kasing hands on siya roon sa restaurant ko dahil patapos na rin iyon. Hindi niya naman kailangan sundan ako rito dahil nasa Palawan naman ang buhay niya 'tsaka babalik rin ako agad doon dahil opening ng restaurant but he insisted. Hindi na lang ako bumoses dahil ang kulit ni Eros. "How are you, Zara?" my mom asked one time when she visited me in my restaurant. "I'm doing good, mommy." I answered. "How's dad?"She smiled. "He misses you. Uwi ka na, please." she begged while holding my hand. Napaiwas ako ng tingin. "Hindi ko pa kayang makita si daddy, Ma." I can't forget how much he tried to ruin my dream. He almost ruined my career. "I understand," she nodded and stood up. "I gotta go, darling. Take care." she kissed my forehead before walking away. I sighed as I remember my dad desperately begging me to continue the wedding. Noong nakulong
Kahit nanghihina, tinulak ko ang dibdib ng lalaki. Napaatras ito at mukhang natauhan sa ginawa. "I'm sorry," he looked away. "Hindi ko sinasadyang biglain ka." tumingin ulit ito sa akin at inabot ang aking kamay. "No pressure, just like before. I just want you to be aware about my feelings for you."Hinawi ko ang kamay niya at umatras ng isang hakbang. Umiling ako. "Mali ito, Eros. Maling-mali na mahalin mo ako,""Why?" mahinang tanong niya. "Do you have a boyfriend?"I shook my head. "Wala, Eros." "Then why?" nasasaktan niyang tanong. "May girlfriend ka. Paano mo nakakayang pagtaksilan ang girlfriend mo?" kunot noong tanong ko. He arched his brow. "Girlfriend? I don't have one, Azara. Unless you're willing to,"Napahawak ako sa sintido ko. Naguguluhan ako, teka lang! "Si Xaira, Eros! 'Di ba? Siya iyong dahilan kaya mo 'ko nasaktan ng ganuon?"His face softened. Nakita ko ang pag-daan ng sakit sa mga mata niya. "Did I hurt you that much?"I nodded. "Yes, Eros." matapang kong sago
I looked at myself in the mirror. Tinitingnan ko kung anong damit ba ang bagay sa akin. Pupunta ako ngayon sa restaurant ko para tingnan iyon. Bored din kasi kung palagi lang ako rito sa hotel room ko. Itinapat ko sa katawan ko iyong sleeveless dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko. What if ito na lang? Napakunot ang noo ko at naibaba ang kamay nang may mapagtanto. Bakit ba ako namimili ng damit? Pwede namang magsuot na lang ako ng oversized shirt. Napayuko ang ulo ko. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero alam ko kung ano ang dahilan. Nagpapaganda ako para kay.. Eros. Inangat ko ulit ang ulo at itinuro ang mukha sa salamin. "Alam mo ng may girlfriend iyong tao pero nagpapapansin ka pa rin? Tanga ka ba ha?!" dinuro ko ang salamin. "'Tsaka bakit ka naman magpapaganda kung maganda ka naman na?" Tumango-tango ako. "Tama! Maganda na ako. I am beautiful in my own way!" parang tanga kong tinapik ang sariling balikat. I still wore that dress for myself. Magpapaganda ako para sa
I relaxed myself in the jacuzzi as I remembered the scenario earlier. After Eros assumed that I married Brian, he left. Si Xaira na nga lang ang kumuha ng hard hat para sa akin dahil umalis ang lalaki. Was that how an engineer act in front of his client? Hindi man lang nag-abalang i-tour ako sa patapos ng restaurant. So unprofessional! Ako na lang ang nag-adjust lalo pa't sabi ni Xaira na may importante raw itong gagawin. Sumimsim ako sa kopita na may lamang apple juice. So they're really together huh? Kahit na napatawad ko na sila, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Aaminin ko, hindi pa ako nakapag-move on kay Eros. I just can't. Sobra ata akong nahulog sa kaniya na kahit sa isang taon na lumipas, hindi ko magawang makalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya. He was my comfort zone, how can I move on that easily? Just by looking at him earlier made my heart at peace. At the same time, hurt.
Staring at people eating their meals with a smile on their face feels great. Sometimes in our life, when we feel lost and unhappy, food is the thing that comforts us. That's why I thought of a unique name for my restaurant. "Zara's Solace." I whispered. "Magandang umaga, chef." bati ng mga empleyado ko pagkapasok ko pa lang ng resto.May mangilan-ngilan nang kumakain doon kahit maaga pa. Mabuti na nga lang at mabilis kumilos si Chef Aris pagdating sa pagluluto ng pagkain ng mga orders kahit wala ako. Usually, pagwala ako, si Chef Aris ang gumagawa ng lahat. Sa pagbubukas ng resto, pagluluto ng orders, at pagiging manager dito. Pinagkatiwalaan ko siya dahil katiwa-tiwala naman siya. "Good morning, chef." bati ko rito nang madatnan siya sa kusina.He's 5 years older than me. He looks intimidating but he's kind. Batak na batak ang katawan nito sa suot na uniform dahil nagwo-work out siya palagi. Minsan nga sumasabay ako sa kaniya mag-gym. "Good morning." tipid na sagot niya. Nagtung
.*Eros' Point of View*. "Broken si pare." tinawanan ako ni Yuro. "Paano, iniwan ba naman ni Xaira sa ere." I rolled my eyes on them. "Desisyon namin 'yon. Tumigil kang epal ka," They laughed. Tinulungan pa akong ubusin ang nilalaklak kong tequila. Ang ending, napagalitan kaming lima ni mommy. What do we expect? Inubos ba naman namin ang alak sa island counter ng bahay. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" siniko ko si Andrei. Bigla-bigla ba namang kumanta nang makasalubong namin si Xaira. "Hi, Xai, pwede ba raw comeback sabi ni Eros." Xaira laughed. "Sawa na 'ko sa kaniya, Drei. Hard pass." I raised my left brow. "Excuse me?" Nakakunot na ang noo ko rito pero si Andrei nagawa pang humalakhak. Sinapak ko tuloy nang makaalis ang babae. "Andrei! Eros! Hali na kayo! Hinahanap na kayo ni coach." Luke yelled. Practice na naman. Intramurals is coming
I kept on looking at Brian with my annoyed face. We have a dinner at our house together with our parents. I can't even hit him in the face because my father is here. Nakakainis lang ang mga ngisi niya! He keeps on teasing me with those smirks! So annoying! Masama ang pinukol kong tingin sa kaniya na nasa harapan ko ngayon. "Stop messing with me," I mouthed. Ang ngisi niya ay napalitan ng isang matamis na ngiti. Doon ako tuluyang napatigil. Wait! May kamukha siya! Kumunot ang noo ko at bahagyang natigilan para mag-isip. Saan ko nga ba nakita ang mga ngiting iyon? It looks familiar. Mas lalo siyang napangiti kaya nawala ang mata niya. Even his eyes were familiar. Singkit! At may biloy rin siya sa pisnge! Wait. Nakikita ko ba si Eros sa kaniya? Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling-iling. No! It can't be! Magkaiba sila! Mahal ko 'yong isa, tapos siya hindi! Luh? Saan ko nakuha 'yong ganu'n? "How are you, dear?" nabaling sa mama ni Brian ang paningin ko. She's smiling at me sw