NABALOT NG KATAHIMIKAN ang loob ng sasakyan. Tanging hinga lang nilang dalawa ang maririnig habang magkatitigan ang mga mata. Hindi alam ni Daviana kung puso niya ba ang naririnig niyang tibok o sa binata iyon dahil ang lapit nito sa kanyang banda. Sa sandaling ito, naramdaman niya ang init ng kanyang mga palad na dahilan kung bakit malapit ng matunaw ang puso niya. Hulog na hulog na siya sa kabaitang palagi na lang ipinapakita doon ng binata.“You’re welcome, Daviana.” Unti-unting inilapit ni Rohi ang kanyang mukha sa dalaga. Tinantiya niya iyon kung papalag ba ito. Malamang hindi niya itutuloy ang gagawin kung ayaw nito, pero hindi naman ito umiwas. Nanlaki na ang mga mata ni Daviana, alam niya kasing hahalikan siya nito kapag ganun na siya pero loading ang utak niya, ayaw umiwas. Pumikit ang mga mata ni Rohi, ngunit dilat na dilat pa rin doon ang dalaga. Gusto niyang makita ang reaction nito oras na dumikit na ang labi ng binata sa labi niya. Gahibla na lang ang pagitan nila nang
AKMANG MAUUPO NA sana si Daviana upang tumalima sa utos ng binata nang biglang tumayo si Rohi at pumunta ng pintuan. Naudlot ang kanyang gagawin dahil sinundan niya ito ng tingin. Nakita niya ng binuksan nito ang pinto at kinuha mula sa waiter ang kanilang pagkain at ang inorder nitong ginger tea. Matapos na magpasalamat ay isinara na rin ng binata ang pintuan gamit ang kanyang paa at tinungo na ang kusina. Nilingon niya si Daviana na nakatulala pa rin. Tipong hinihintay nitong lumapit ang dalaga. “Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na. Alam kong hindi ka pa kumakain ng dinner.” Napilitang sumunod sa kanya si Daviana kahit na medyo nahihiya pa rin. Mas nakakahiya kung paghihintayin niya ito gayong ito na nga ang nag-effort na bilhan siya ng pagkain. Tahimik nilang pinagsaluhan iyon. Hindi naman na nag-inarte si Daviana, kung ano iyong nakahain iyon ang kinain niya. Ni hindi siya nag-demand ng kung anong wala sa table. Inubos niya rin ang pagkain sa plato niya.“Inumin mo na iyang te
TUMANGO SI DAVIANA na naupo na sa sofa. Inilagay ni Rohi ang gamot sa kanyang palad at muling kinuha ang baso na nauna na niyang binigay sa dalaga upang dagdagan ng mainit na tubig. Habang ginagawa iyon ni Rohi ay isinandal na ni Daviana ang kanyang ulo sa gilid ng sofa. Nakaramdam siya ng pagkahilo kung kaya naman wala siyang choice kundi ang ipikit ang mga mata sa pag-asang mawawala ito noon.“Heto na, uminom ka na.” Tinanggal ni Rohi ang gamot sa balat at walang imik na inilagay na sa bibig ni Daviana. Tinulungan na rin niya itong uminom sa baso ng tubig sa pamamagitan ng pag-alalay sa baso at the sametime ay sa baba ng dalaga. Hindi naman na doon nagreklamo si Daviana. Nagpapasalamat pa nga siya na inaasikaso siya nito sa halip na mahimbing na itong natutulog ngayon, kaya lang ay another utang na loob na naman iyon.“Tingnan natin kung mataas ang fever mo. Hindi nga normal ang temperature ng katawan mo.” anito matapos na salatin ang kanyang noo, tinanggal din naman iyon ni Rohi g
NATIGILAN SA PAGHAKBANG si Warren na patungo na sana sa kanyang silid. Minabuti na lang niyang hintayin sila sa living room. Pigil ang hingang panay ang lingon niya sa may pintuan. Pinapakinggan kung pumasok na rin ba sa garahe ang sasakyan nilang dala. Inihahanda na niya ang kanyang sarili. Malamang nabanggit na ng kaibigan nilang nakakita sa kanya sa hospital na may kasama siyang babae. Tama nga ang hinala niya na nakarating na iyon sa kanila. Hindi na nagawang maghubad ng sapatos ng ama na dire-diretsong pumasok sa loob kasunod nito ang kanyang ina. Parehong galit ang mga mata nila.“Ano bang pumasok diyan sa gamunggo mong utak, Warren?!”Mabilis na napaahon ang lalaki sa kanyang kinauupuan. Napaghandaan niya na iyon. Saulado na rin ang mga sasabihin. Ibinuka niya ang bibig pero bigla siyang ginapangan ng takot sa nanlilisik na mga mata ng ama. Kasunod nito ay ang kanyang inang bakas sa mukha ang matinding takot para sa kanyang anak. “Ano na naman itong kalokohang ginawa mo, Warre
HUMARANG NA ANG Ginang. Dumipa siya nang makitang galaiting-galaiti pa rin ang kanyang asawa sa anak nilang ilang beses na niyang sinabihan na huwag sumagot pero patuloy pa ‘ring lumalaban sa ama. Napakurap-kurap na si Warren. Walang takot na pinahid ang dugong umaagos mula sa pumutok niyang kilay. Hindi siya titigil hangga’t hindi naiintindihan ng kanyang ama ang punto niya. Hindi dapat ito sa nobya niya nagagalit. Wala naman itong kinalaman sa kalokohan ng ama, bakit sa kanya nila iyon sinisisi.“Dad, ang ibig ko pong sabihin ay ano pong kinalaman ni Melissa sa kasalanan ng ama?” Napakamot na sa kanyang ulo si Carol. Nilapitan na ang anak at nilamukos ang mukha nito kahit na sugatan. Kung hindi ito titigil. Hindi lang iyon ang makukuha niya sa ama niyang masama ang timpla. “Tama na, Warren, ano ba?! Wala ka na ba talagang pinapakinggan? Bingi ka na? Sagot ka nang sagot!” Hindi na naman siya pinakinggan ni Warren bagamat nanlalabo na ang isang mata. “Mom, no! Napaka-unfair lang n
HINDI SILA PINANSIN ng matanda na nakadirekta pa rin ang mga mata kay Warren na hindi na rin alam ang sasabihin sa matanda. Dapat nga talaga yatang hindi na niya sinagot ang kanyang ama kanina. “In love ka ba talaga sa babaeng iyon?” tanong ng matanda na nagpakilabot na kay Warren. Kung hindi siya takot sa kanyang mga magulang, takot na takot naman siya sa kanyang Lolo lalo na kapag ang tono ng boses nito ay seryoso. Iyong tipong parang pipiliin niyang manahimik na lang muna.“L-Lolo…” “Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba talaga ang Melissa na iyon na umabot ka sa puntong sagutin at walanghiyain ang ama mo sa mismong pamamahay natin? Kailan ka pa natutong sigaw-sigawan sila?” Sunod-sunod ng napalunok ng laway si Warren. Binawi na ang mga mata sa matanda. Kabado na. “Nasaan ang dila mo? Bakit hindi ka sumagot sa tanong ko?!” Kulang na lang ay mapaigtad ang mag-anak sa pagsigaw na iyon ni Don Madeo. Natatarantang lumapit na si Welvin at Carol sa ama. Hindi iyon maganda sa kaloko
HUMIKAB AT NAG-INAT ng kanyang dalawang kamay si Daviana matapos niyang iinot-inot na bumangon. Sa malabo niyang paningin ay nakita niya ang bulto ng katawan na nakaupo sa kahoy na upuan malapit sa may bintana ng silid. Kinusot niya ang mga mata. Nagtataka pa siya kung kaninong bulto iyon. Hindi niya matandaan na nasa suite na naman nga pala siya ni Rohi. Ang buong akala niya ay nasa bahay nila siya. Kumain pa ng kalahating minuto bago niya napagtanto kung sino ang bultong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at inilawit na ang dalawang binti upang bumaba ng kama. Napasinghap siya nang bahagyang gumalaw ang katawan ng binata. Maya-maya pa ay dumilat ito.“Masakit pa ba ang ulo mo?” Umayos ng upo si Rohi at pinagmasdang mabuti ang hitsura ng bisita niyang dalaga. Naupo siya doon upang bantayan sana si Daviana. Ayaw niyang matulog. Nag-aalala siya na baka mamaya ay bumalik ang lagnat nito kahit bumaba na.“Hindi na.”Napahawak sa kanyang noo ang dalaga nang bigla siyang tumayo nang dahil
NATIGILAN SI DAVIANA, bahagyang napakurap na ang kanyang mga mata. Hindi niya ma-figure out kung ano ang ibig nitong sabihin. Iba ang gusto niyang isipin pero bakit parang sinasabi nitong pabigat lang siya sa kanya o hindi? Iyong pagiging sakitin niya ay nakaka-apekto sa trabaho ni Rohi dahil iniisip siya nito? Nanliit na ang mga mata ni Daviana na nahulog nang muli sa kanyang kinakain. Lowkey ba nitong sinasabi na palagi siya nitong iniisip noon pa? Bago makapag-react si Daviana ay tumunog na ang cellphone ni Rohi. Sabay silang napatingin doon. Tumayo si Rohi upang sagutin ang tawag. Humakbang pa ito ng ilan upang mapalayo sa bandang kusina nang naturang suite. “Hindi. Dito na lang ako sa bahay magtra-trabaho dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala, kaya kong tapusin iyon. Ibibigay ko ang magiging report mamayang tanghali.” naulinigan ni Daviana na sagot nito sa kausap, “Okay. Sabihin mo sa iyong secretary na paki-send na lang sa email ko. Mag-re-reply ako sa kany
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t