PILIT NA KINALAMAY ni Daviana ang sarili kahit na kabadong-kabado na siya na baka nakita ng matanda sila ni Rohi. Paniguradong magtatanong ito. Magiging kuryuso. Sa halip na sumagot ay tumagos ang paningin ng matanda sa kanya patungo sa likod na bahagi niya. Nakapag-u turn na ang kotse ni Rohi at papalabas na iyon ng gate ng village.“Hija, hindi ‘yun kotse ni Warren. Hindi ba at siya ang kasama mo patungo ng Hacienda?”Ito na nga ba ang sinasabi ng dalaga. Magtatanong sa kanya ang matanda. Nakaramdam na ng pagka-guilty si Daviana. Ganunpaman ay hindi niya ito tinalikuran upang makaligtas lang sa mga pang-usisa nitong ginagawa. “May gagawin pa po ako dito kaya nauna na akong bumalik sa kanya.” malinaw na sagot niya kahit labag sa kalooban.“Kung ganun ay sino ang naghatid sa’yo?” tanong pa ng matanda kahit na malinaw naman niyang nakita kung sino.Namamanhid na ang anit ng dalaga sa mga tanong nito. Wala siyang maisip na paraan para lokohin ang matanda. Isa pa, dama niyang nakilala
NARAMDAMAN NA NI Daviana ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso. Hindi lang iyon para na iyong binuhat sa ere at walang pakundangan na binitawan sa lupa upang ibagsak. Ibinuka niya ang bibig, ngunit walang anumang boses na lumabas ng pangangatwiran sa matanda kahit pa mahina. Makahulugan na ang mga tingin na binibigay nito sa kanya, lalo pa siyang na-guilty at nahiya sa kanya. “Alam ko na naging mahirap ang buhay ni Rohi, ngunit may mga patakaran para sa lahat ng bagay hija. Babae ka at naniniwala akong mas mahalaga sa’yo ang reputasyon at pangalan mo. Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Huwag mong hayaang mas lumalim pa ang hidwaan ng magkapatid dahil sa'yo.”Nakaramdam pa ng hiya si Daviana at the same time ay matinding inis. Isa pa itong diktador sa buhay niya. Ano namang pakialam nito sa mga ginagawa niya? Alam niyang concern ito sa reputasyon, pero sa kanya naman iyon. Kung sakali lang, pangalan niya ang magkakaroon ng mantsa at palalabasing mas masama.“S
BAHAGYANG NAPIGTAS NA doon ang pisi ng pasensya ni Daviana. Heto na naman sila ng kanyang ama na magtatalo patungkol sa walang kwentang bagay na hindi nito naiintindihan ang kanyang pinupunto rito.“Hindi ba at sinabihan na kitang pumunta ka na lang sa kwarto niya para akitin siya? Maghubad ka. Lalaki iyon, kapag wala ka ng saplot sa katawan hindi ka na magagawa pang tanggihan. Daviana naman! Hindi ka pumunta, tama? Naging bingi ka na naman sa mga salita ko! Matigas ka kasi! Matigas ang bungo mo!”Namutla na ang dalaga dahil nararamdaman na niyang tila mawawala na siya sa tamang pag-iisip niya. Sa mga salita pa lang nito ay durog na siya. Nangilabot na siya sa pinapagawa ng ama na alam niyang hindi niya makakayang gawin. Napaamang na lang ang inang hindi makapaniwala sa takbo ng usapan ng mag-ama. Hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na narinig ni Daviana ang ama na magsalita ng mga ganoong klaseng salita, pero hindi pa rin niya ito magawang lunukin at makasanayan. Nasasaktan p
HINDI NAKINIG ANG dalaga na sagad pa rin sa buto ang galit sa ama. Bakit siya tatalikod? Bakit siya tatakas? Sinaktan na siya ng ama. Ano pa ang ikinakatakot niya? Gusto niyang ipaalam sa kanila ang side niya na hindi niya masabi noon. Gusto niyang sabihin lahat ng hinanakit niya at mga impormasyon pa. “Mas dapat na sumama ang loob mo Daddy dahil ang girlfriend niya ay anak ng isang tiwaling opisyal. Akalain mo iyon? Mas pinili pang makasama ng gusto mong maging manugang ang anak ng isang makasalanan? Sa anak mong masunurin at walang kahit na anong masamang gingawa? Akalain mo 'yun?”Ang goal ni Daviana ay ang magalit ang ama kay Warren para tantanan na niyang ipilit na pakasalan niya ang binata. At sa pagsasabi niya ng mga ito ay magiging kasiraan iyon sa kanyang ama ni Warren. Sana ay umepekto. Sana ay tablan ito ng galit at hindi ang kinang lang ng salapi ang manatili sa kanyang isipan.“Wake up, Daddy! Bitawan mo na ang pangarap mong maging manugang siya. Akala ko magbabago ka na
NAGING MALAKING PALAISIPAN kay Warren kung sino ang posibleng manakit sa dalaga nang hindi ito magsalita. Natatandaan niya na ni minsan ay wala naman itong nakaaway magmula noong mga bata pa lang sila. Sa palagay din niya ay intensyonal ang nangyaring iyon dahil sa makikitang mapulang bakas nito sa mukha. Nanatiling wala namang reaction ang mukha ni Daviana kahit na alam niyang naghihinala na si Warren kung sino ang may gawa noon sa kanya. Tinabig niya ang kamay ng lalaking mahigpit na nakahawak pa rin sa kanya na agad naman siyang nabitawan.“Huwag mo sabi akong pakialaman!” angil niyang pinandilatan na ito ng mga mata, “Walang kinalaman ito sa’yo kaya pwede ba shut up ka na lang?! Ang dami mong tanong, akala mo naman may magagawa ka tungkol dito!”Nagulat si Warren sa panlalamig ng dalaga at sa masamang ugaling ipinakita nito. Sumama pa iyon kumpara noong nasa Hacienda sila at nagkasagutan. “Viana, kaibigan mo pa rin naman ako—”“Sinong may sabi? Di ba tinapos ko na ang connection
NAHIGIT NA NI Daviana ang kanyang hininga. Lalong hindi siya makapaniwalang sinusumbatan siya ngayon ni Warren sa kabila ng sobra-sobrang ginawa niya sa kanilang magkasintahan. Sa kabila ng mga ginawa niyang pagsisinungaling upang mapagtakpan lang ang lalaki noong bata pa sila. Ito pa talaga ang may ganang manumbat?“Napakakitid naman ng utak mo, Viana. Naging bayolente ka na—”“Ulol ka ba? Sayang ang yaman niyo kung bungol ka. Mauubos lang. Hindi ka makaintindi! Bakit ba kinakausap pa kita? Alam ko namang sa bandang huli, wala pa ‘ring kwenta ang mga explanation ko sa’yo. Diyan ka na nga!”Pamartsa ng iniwan ng dalaga si Warren na hindi na doon nakapagsalita pa. Naikuyom na ng lalaki ang kanyang kamao. Nababastusan sa ugaling patuloy na ipinapakita ng kanyang kaibigan. Hindi ito ang Daviana na kakilala niya.“Viana, alam kong ginagawa mo lang ang bagay na ito dahil inutusan ka ng half-brother ko! Tama di ba? Ano bang uri ng pagkain ang pinalamon niya sa’yo para maging matigas ang ulo
MARIING KINAGAT NA ni Daviana ang labi niya upang supilin ang sarili na pagtawanan at asarin ang kanyang kaibigan. Gusto pa sanang patagalin iyon ng dalaga kaso ay nahiya na siyang maubos ang load ni Darrell kapag ginawa. Nakikitawag na nga lang siya puro wala pang katuturan ang ginawa niya. May hiya pa naman siya sa katawan niya.“Anelie, kalma. Ako lang ito.”Natamik ng ilang segundo ang kaibigan sa kabilang linya. Marahil ay nagtataka na kung bakit siya ang kausap niya. “Daviana? Bakit? Magkasama kayo ngayon ni Darrell?”Sinasabi na nga ba niya, malamang nag-o-overthink na ang kanyang kaibigan kung bakit nasa kanya ang cellphone.“Hindi. I mean, oo. Nakita ko siya dito sa mall. Nakitawag lang ako sa kanya. Naiwan ko kasi sa bahay ang cellphone ko at—”“OMG! Lumayas ka ba sa inyo?” hula nitong alam na alam na ang timbre ng kanyang boses kapag may problema, “Bakit? Anong nangyari?”“Nagkasagutan kami ni Daddy. Nahihiya akong humiram ng pera kay Darrell. Maaari mo bang bigyan muna a
NABALING NA ANG mga mata ni Rohi sa pisngi ng dalaga dahil kapansin-pansin dito ang bakas ng mga daliri doon. Mapula pa ang mga iyon, halatang bagong gawa pa lang. Dumilim ang mga mata niya sa nakitang bakas sa maganda nitong mukha. Nahuhulaan na niya ang nangyari at hindi niya mapigilan na makaramdam ng galit sa kung sinuman ang gumawa nito.“Nabugbog ka ba pag-uwi mo sa bahay?”Mabilis na tinakpan ng dalaga ang mukha nang maalala na may ebidensya nga pala ito. Malamang itatanggi niya iyon. Sino ang hangal na magkakalat ng kasamaan ng sariling ama?“Hindi. Ako lang ang may gawa. Tanga kasi. Nabunggo ako kaya ayan namamaga.”Hindi niya alam kung bakit nagsinungaling pa siya kay Rohi eh, alam naman niyang hindi siya nito papaniwalaan. Saka, dala na lang marahil ng pagkapahiya niya ngayon. Naging malikot ang kanyang mga mata, hindi na makatingin pa nang diretso sa binata. Nahihiya na naman.“Ang galing naman ng pagkakabunggo mo. Kaninong palad iyan? Nag-iwan ng bakas.”Tinakpan pa ni Da
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si