NAGING MALAKING PALAISIPAN kay Warren kung sino ang posibleng manakit sa dalaga nang hindi ito magsalita. Natatandaan niya na ni minsan ay wala naman itong nakaaway magmula noong mga bata pa lang sila. Sa palagay din niya ay intensyonal ang nangyaring iyon dahil sa makikitang mapulang bakas nito sa mukha. Nanatiling wala namang reaction ang mukha ni Daviana kahit na alam niyang naghihinala na si Warren kung sino ang may gawa noon sa kanya. Tinabig niya ang kamay ng lalaking mahigpit na nakahawak pa rin sa kanya na agad naman siyang nabitawan.โHuwag mo sabi akong pakialaman!โ angil niyang pinandilatan na ito ng mga mata, โWalang kinalaman ito saโyo kaya pwede ba shut up ka na lang?! Ang dami mong tanong, akala mo naman may magagawa ka tungkol dito!โNagulat si Warren sa panlalamig ng dalaga at sa masamang ugaling ipinakita nito. Sumama pa iyon kumpara noong nasa Hacienda sila at nagkasagutan. โViana, kaibigan mo pa rin naman akoโโโSinong may sabi? Di ba tinapos ko na ang connection
NAHIGIT NA NI Daviana ang kanyang hininga. Lalong hindi siya makapaniwalang sinusumbatan siya ngayon ni Warren sa kabila ng sobra-sobrang ginawa niya sa kanilang magkasintahan. Sa kabila ng mga ginawa niyang pagsisinungaling upang mapagtakpan lang ang lalaki noong bata pa sila. Ito pa talaga ang may ganang manumbat?โNapakakitid naman ng utak mo, Viana. Naging bayolente ka naโโโUlol ka ba? Sayang ang yaman niyo kung bungol ka. Mauubos lang. Hindi ka makaintindi! Bakit ba kinakausap pa kita? Alam ko namang sa bandang huli, wala pa โring kwenta ang mga explanation ko saโyo. Diyan ka na nga!โPamartsa ng iniwan ng dalaga si Warren na hindi na doon nakapagsalita pa. Naikuyom na ng lalaki ang kanyang kamao. Nababastusan sa ugaling patuloy na ipinapakita ng kanyang kaibigan. Hindi ito ang Daviana na kakilala niya.โViana, alam kong ginagawa mo lang ang bagay na ito dahil inutusan ka ng half-brother ko! Tama di ba? Ano bang uri ng pagkain ang pinalamon niya saโyo para maging matigas ang ulo
MARIING KINAGAT NA ni Daviana ang labi niya upang supilin ang sarili na pagtawanan at asarin ang kanyang kaibigan. Gusto pa sanang patagalin iyon ng dalaga kaso ay nahiya na siyang maubos ang load ni Darrell kapag ginawa. Nakikitawag na nga lang siya puro wala pang katuturan ang ginawa niya. May hiya pa naman siya sa katawan niya.โAnelie, kalma. Ako lang ito.โNatamik ng ilang segundo ang kaibigan sa kabilang linya. Marahil ay nagtataka na kung bakit siya ang kausap niya. โDaviana? Bakit? Magkasama kayo ngayon ni Darrell?โSinasabi na nga ba niya, malamang nag-o-overthink na ang kanyang kaibigan kung bakit nasa kanya ang cellphone.โHindi. I mean, oo. Nakita ko siya dito sa mall. Nakitawag lang ako sa kanya. Naiwan ko kasi sa bahay ang cellphone ko atโโโOMG! Lumayas ka ba sa inyo?โ hula nitong alam na alam na ang timbre ng kanyang boses kapag may problema, โBakit? Anong nangyari?โโNagkasagutan kami ni Daddy. Nahihiya akong humiram ng pera kay Darrell. Maaari mo bang bigyan muna a
NABALING NA ANG mga mata ni Rohi sa pisngi ng dalaga dahil kapansin-pansin dito ang bakas ng mga daliri doon. Mapula pa ang mga iyon, halatang bagong gawa pa lang. Dumilim ang mga mata niya sa nakitang bakas sa maganda nitong mukha. Nahuhulaan na niya ang nangyari at hindi niya mapigilan na makaramdam ng galit sa kung sinuman ang gumawa nito.โNabugbog ka ba pag-uwi mo sa bahay?โMabilis na tinakpan ng dalaga ang mukha nang maalala na may ebidensya nga pala ito. Malamang itatanggi niya iyon. Sino ang hangal na magkakalat ng kasamaan ng sariling ama?โHindi. Ako lang ang may gawa. Tanga kasi. Nabunggo ako kaya ayan namamaga.โHindi niya alam kung bakit nagsinungaling pa siya kay Rohi eh, alam naman niyang hindi siya nito papaniwalaan. Saka, dala na lang marahil ng pagkapahiya niya ngayon. Naging malikot ang kanyang mga mata, hindi na makatingin pa nang diretso sa binata. Nahihiya na naman.โAng galing naman ng pagkakabunggo mo. Kaninong palad iyan? Nag-iwan ng bakas.โTinakpan pa ni Da
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang loob ng sasakyan. Tanging hinga lang nilang dalawa ang maririnig habang magkatitigan ang mga mata. Hindi alam ni Daviana kung puso niya ba ang naririnig niyang tibok o sa binata iyon dahil ang lapit nito sa kanyang banda. Sa sandaling ito, naramdaman niya ang init ng kanyang mga palad na dahilan kung bakit malapit ng matunaw ang puso niya. Hulog na hulog na siya sa kabaitang palagi na lang ipinapakita doon ng binata.โYouโre welcome, Daviana.โ Unti-unting inilapit ni Rohi ang kanyang mukha sa dalaga. Tinantiya niya iyon kung papalag ba ito. Malamang hindi niya itutuloy ang gagawin kung ayaw nito, pero hindi naman ito umiwas. Nanlaki na ang mga mata ni Daviana, alam niya kasing hahalikan siya nito kapag ganun na siya pero loading ang utak niya, ayaw umiwas. Pumikit ang mga mata ni Rohi, ngunit dilat na dilat pa rin doon ang dalaga. Gusto niyang makita ang reaction nito oras na dumikit na ang labi ng binata sa labi niya. Gahibla na lang ang pagitan nila nang
AKMANG MAUUPO NA sana si Daviana upang tumalima sa utos ng binata nang biglang tumayo si Rohi at pumunta ng pintuan. Naudlot ang kanyang gagawin dahil sinundan niya ito ng tingin. Nakita niya ng binuksan nito ang pinto at kinuha mula sa waiter ang kanilang pagkain at ang inorder nitong ginger tea. Matapos na magpasalamat ay isinara na rin ng binata ang pintuan gamit ang kanyang paa at tinungo na ang kusina. Nilingon niya si Daviana na nakatulala pa rin. Tipong hinihintay nitong lumapit ang dalaga. โAno pang ginagawa mo diyan? Halika na. Alam kong hindi ka pa kumakain ng dinner.โ Napilitang sumunod sa kanya si Daviana kahit na medyo nahihiya pa rin. Mas nakakahiya kung paghihintayin niya ito gayong ito na nga ang nag-effort na bilhan siya ng pagkain. Tahimik nilang pinagsaluhan iyon. Hindi naman na nag-inarte si Daviana, kung ano iyong nakahain iyon ang kinain niya. Ni hindi siya nag-demand ng kung anong wala sa table. Inubos niya rin ang pagkain sa plato niya.โInumin mo na iyang te
TUMANGO SI DAVIANA na naupo na sa sofa. Inilagay ni Rohi ang gamot sa kanyang palad at muling kinuha ang baso na nauna na niyang binigay sa dalaga upang dagdagan ng mainit na tubig. Habang ginagawa iyon ni Rohi ay isinandal na ni Daviana ang kanyang ulo sa gilid ng sofa. Nakaramdam siya ng pagkahilo kung kaya naman wala siyang choice kundi ang ipikit ang mga mata sa pag-asang mawawala ito noon.โHeto na, uminom ka na.โ Tinanggal ni Rohi ang gamot sa balat at walang imik na inilagay na sa bibig ni Daviana. Tinulungan na rin niya itong uminom sa baso ng tubig sa pamamagitan ng pag-alalay sa baso at the sametime ay sa baba ng dalaga. Hindi naman na doon nagreklamo si Daviana. Nagpapasalamat pa nga siya na inaasikaso siya nito sa halip na mahimbing na itong natutulog ngayon, kaya lang ay another utang na loob na naman iyon.โTingnan natin kung mataas ang fever mo. Hindi nga normal ang temperature ng katawan mo.โ anito matapos na salatin ang kanyang noo, tinanggal din naman iyon ni Rohi g
NATIGILAN SA PAGHAKBANG si Warren na patungo na sana sa kanyang silid. Minabuti na lang niyang hintayin sila sa living room. Pigil ang hingang panay ang lingon niya sa may pintuan. Pinapakinggan kung pumasok na rin ba sa garahe ang sasakyan nilang dala. Inihahanda na niya ang kanyang sarili. Malamang nabanggit na ng kaibigan nilang nakakita sa kanya sa hospital na may kasama siyang babae. Tama nga ang hinala niya na nakarating na iyon sa kanila. Hindi na nagawang maghubad ng sapatos ng ama na dire-diretsong pumasok sa loob kasunod nito ang kanyang ina. Parehong galit ang mga mata nila.โAno bang pumasok diyan sa gamunggo mong utak, Warren?!โMabilis na napaahon ang lalaki sa kanyang kinauupuan. Napaghandaan niya na iyon. Saulado na rin ang mga sasabihin. Ibinuka niya ang bibig pero bigla siyang ginapangan ng takot sa nanlilisik na mga mata ng ama. Kasunod nito ay ang kanyang inang bakas sa mukha ang matinding takot para sa kanyang anak. โAno na naman itong kalokohang ginawa mo, Warre
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.โHindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!โ problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. โMabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!โ baling na nito sa kanyang asawa.โAno ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?โ baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. โHindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.โ hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.โOo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.โ Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. โSige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka naโฆโ That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.โI don't want you to get engagedโฆโ nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, โHindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.โHindi na. She might be a little emotional todayโฆalam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.โ sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.โAnong meron, Warren?โ tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. โV-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.โIpinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. โHey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy akoโโ โAng engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?โ puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. โSinabi ko naman saโyo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?โ Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. โSinabi ko rin naman saโyo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking โyun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. โAno pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?โ โWala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na saโyo iyon? Masaya ka na ba ha?โWala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng ibaโt-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. โIt was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. โKung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.โ Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? โHindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancรฉe na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!โKumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.โHindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.โN
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. โHindi ba at si Viana ang girlfriend mo?โMahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. โGago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.โMabilis iniiling ni Warren ang ulo. โHindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.โโKung ganun, ayos lang saโyo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?โNatigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si