IGINIYA AT DINALA ni Warren si Daviana sa isang malaking kwarto sa tabi mismo ng master bedroom. Pagkapasok nila sa kwarto ay hininaan ng lalaki ang kanyang boses.“Viana, Huwag mo sana akong sisihin kung hindi ako humingi ng pahintulot na isama siya dito.” anang lalaki na ang tinutukoy ay ang kasintahan niya, “Sana mabigyan mo pa ng chance si Melissa na maging maayos kayo. Sinabi ko naman sa’yo na mabuti siyang tao hindi ba? Saka girlfriend ko siya at best friend naman kita. Magkikita kayo ng maraming beses sa hinaharap kahit na hindi niyo gustuhing dalawa. Ako ang higit na magdurusa kung hindi kayo magkakasundo. Kaya sana, ikaw na ang siyang magkusa.”Inilapag ni Daviana ang kanyang dalang bag ng mga gamit sa mesa at muling tumingin kay Warren. Sobrang sama na ng loob niya sa lalaki. Heto na naman sila sa sitwasyong ganito.“Ikaw ang gustong makipag-date sa kanya, hindi ako kaya bakit dinadamay mo ako? Anong pakialam ko? Dapat lang talaga na magdusa ka kung may ganyan.” Medyo nalun
DATI-RATI AY SOBRANG magkasundo sina Anelie at Warren, subalit mula nang may kalokohang gawin ito kay Daviana na sinumbong ng kaibigan niya kay Anelie. Doon nagsimulang mawalan ng amor ang babae kay Warren. Syempre, kakampihan niya ang kaibigan na alam niyang dehado sa kanila dahil palaging ginagamit lang naman ito ni Warren.“Ano namang pakialam mo kung narito ako? At saka ano iyong sinabi mo sa kaibigan ko?” angil niyang halatang hindi na nagugustuhan ang sinasabi ng lalaking kaharap niya, “Hindi mo pala siya gusto eh bakit ginagamit mo? Ang kapal din talaga ng mukha mo eh. Huwag mo ng itanggi. Narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo patungkol sa kaibigan ko, Warren!” Dahan-dahang kumuyom ang kamao ni Warren. Nang-uuyam na ngumisi pa siya kay Anelie.“Ano naman kung narinig mo ang lahat? Dapat na ba akong kabahan?” “Oo, dahil sasabihin ko ang lahat ng narinig ko kay Daviana. Sasabihin ko kung paano niyo siya pinag-uusapan ni Melissa at pinagtatawanan sa pagiging tahimik at walang k
NAKAGAT NA NI Daviana ang kanyang labi sa pagiging prangka ni Anelie sa kabilang linya. Baka kasama rin nila dito si Rohi, iyon ang unang pumasok sa isipan ng dalag dahil batid niyang kung nasaan si Keefer ay naroon din ang lalaki. Kagaya na lang doon sa naging recruitment sa University nila. Magkasama silang pumunta doon. Hindi na nangiming magtanong si Daviana sa kaibigan. Hindi naman siguro iyon mamasamain ng kaibigan niya.“Kung ganun, kasama niyo rin si Mr. Gonzales?”Alam na agad ni Anelie kung sino ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.“Hindi eh, busy sa ibang trabaho ngayon si Mr. Gonzales at hindi siya sumama sa amin.” Napaawang na ang bibig ni Daviana. Napuno ng panghihinayang ang kanyang buong katawan.“Ganun ba? Sayang naman.” mahina niyang sagot na hindi naman binigyan ng kulay ni Anelie.Hindi na maipaliwanag ni Daviana kung bakit nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman niya. “Maiba ako, Daviana. Gusto mo bang sumama sa amin ni Keefer? Maglalakad-lakad lang kami. Panigurad
SA PALAGAY NI Daviana ay hindi pa iyon ang tamang oras at pagkakataon para umalma, bumaliktad at maging mas matigas siya dahil paniguradong malilintikan siya sa kanyang ama oras na makaratong dito ang ginawa niya. Napagtanto din ni Warren na ang kanyang mga naging salita ay malamyang excuse lamang niya. Ibinaling niya na ang kanyang ulo kay Daviana, nag-isip sandali habang matamang nakatingin sa mukha ng dalaga.“Hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin na nagkataong narinig ng kaibigan mo, Viana. Tunay namang masunurin ka di ba? Tinanong lang naman ako ni Melissa kung gusto ko ba ang masunuring mga babae na gaya mo. Alam mo naman ang sagot doon hindi ba? Kabaligtaran ng ugali mo ang gusto ko at sa katauhan ni Melissa ko iyon natagpuan. Huwag mo sanang masamain kung ganun na lang ang naging reaksyon ko sa tanong ng girlfriend ko. Minasama lang ni Anelie iyon. Binigyan ng ibang kahulugan. Huwag mo na sanang palakihin pa ang hidwaan nang dahil lang doon, Viana. Mali lang ng pagkak
MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ni Melissa. May kakaiba ng ngising nakasukbit sa labi ng babae. Paano may naglalarong kalokohan sa isipan nito na hindi siya papayag na hindi niya masabi kay Warren.“Hindi naman, Beyb, pero parang gusto kong ikaw ang mangabayo sa akin—”“Huwag ka ngang puro kalokohan, Melissa!” pagputol agad sa kanyang sasabihin ni Warren, naiiling na ang lalaki sa kalokohan ng kanyang nobya. Pinandiliman niya pa ito ng kanyang mga mata. “Shut up!”“Nagbibiro lang naman ako eh.” nguso na ni Melissa na pinalambing pa ang timbre ng boses niya.Malakas ng tumawa si Melissa nang makita niya ang agarang pamumula ng mukha ng nobyo kahit na hindi na maganda ang tingin nito sa kanya. Huling-huli talaga niya kung nasaan ang kiliti ni Warren.“Hindi ako marunong mangabayo. I mean, iyong literal na kabayo ha, Beyb.” ani Melissa na napapabunghalit na naman ng tawa sa expression ng mukhang ibinigay sa kanya ni Warren doon.“Huwag kang mag-alala Melissa, pwede kitang turuan at ni Vi
NANG DAHIL DOON ay mas lumakas pa ang boses nila sa pandinig ni Daviana na sa sandaling iyon ay nasa ibabaw ng kama. Nakatakip ang unan sa kanyang magkabilang tainga upang hindi niya marinig ang kaharutan ng dalawa sa sala. Gayunpaman, parang may sariling buhay ang boses nilang nanunuot sa tainga ng dalaga. Nakailang biling na rin si Daviana doon, pero naririnig niya pa rin talaga ang dalawa.“Melissa? Ang gulo mo. Maririnig na tayo ni Viana eh. Tama na, mamaya na lang...” “Eh bakit kasi tumakbo ka dito sa labas? Naroon na tayo sa kwarto eh. Tayo na ulit doon sa room kung gusto mo ng privacy. Huwag ka ng magpakipot. Alam ko namang gusto mo rin ito eh. Halika na, Beyb!”“Tama na kasi, gumayak ka na para makaalis na tayo. Huwag mo na akong punuin at harutin. Sige ka, baka hindi na ako makapagpigil at pagbigyan kita sa gusto mo.” pagsakay pa ni Warren sa kalandian ng nobya. Humagikhik pa sa sobrang kilig nang dahil doon si Melissa. Gustong-gusto pa naman niya iyong ganito ang mga salit
ANG PAMILYA NATIN ang karamay natin dapat sa lahat. Mula sa mumunting problema hanggang sa mas malaking suliranin. Sila ang gumagabay sa atin sa tuwing namamali tayo ng landas. Sila iyong tumutulong sa atin, ngunit sa sitwasyon ni Daviana kabaligtaran iyon at ang trato sa kanya ng sarili niyang ama. Kung hindi lang ganun ang kanyang ama na mas gusto ang magkaroon ng anak na lalaki, hindi sana lumaki ang dalagang ganito ang character at saka mindset. Subalit nakasanayan na ni Warren iyon, magiging mahirap din sa kanya at hindi rin ma-imagine ng lalaki ang liberated at sutil na katauhan ngayon ni Daviana. Sanay na siya kung ano siya ngayon. Sanay na siya sa kanyang pagkamasunurin kahit na nakababagot. Subalit kamakailan lang ay sinabi ni Daviana na wala na rin siyang pakialam sa mga salita niya na nakakabahala.Wala na ba talaga si Daviana na pakialam?Alas-tres na ang magtungo sila sa bubuksang rancho ng mga Gonzales. Medyo may kalayuan iyon sa hotel na kanilang kinaroroonan kung kaya
HINDI PINANSIN NI Warren si Melissa na nanatili ang mga matang nakatingin kay Daviana.“Same trail. Huwag kang mauna at subukang magpatakbo nang mabilis para iwan kami.” sagot ni Warren na tila ba nahuhulaan na ng lalaki ang laman ng isipan ng dalaga.Hindi lang naman sila ang mangangabayo doon, may ilang mga bisita na pinagbigyan ang kumpanya upang subukan ang trail na kanilang tatahakin kung safe ba iyon at sukatin kung gaano kalayo. Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana. Hindi na siya muling nagsalita pa. Ang plano niya ay hahanapin niya ang kaibigan. Gagawin na lang niyang excuse iyon mamaya kay Warren na sure naman siyang hindi niya ito magagawang hindian lalo kung nakababa na siya ng kabayo. Alangang habulin pa siya nito?“Narinig mo ang sinabi ko, Viana?” “Oo na.” Habang abala ang magkasintahan na sumakay ng kabayo nilang gagamitin ay pasimpleng tinawagan ni Daviana ang kaibigan. Nakailang ring iyon bago sagutin ng kanyang kaibigan.“Nasaan ka? Magho-horseback riding na kami. N
NAGSUKATAN NG MATALIM na mga tinginan ang dalawa na ikinalamig na ng buong katawan ni Daviana. Baka kasi mamaya ay magsuntukan sila doon, nakakahiya. Hindi mababanaag ang pagiging magkadugo ng dalawa na parang parehong ibang tao ng mga sandaling iyon. Sinubukan ni Daviana na pumagitna sa kanilang dalawa na nagiging manipis ang pagitan. Kitang-kita ng dalaga kung paano magngalit ang mga ngipin ni Warren sa sobrang inis niya rito.“Gusto ko lang makita ang tunay na nangyari. Iyon lang. Huwag mo na sanang ipagdamot iyon, Warren. Uulitin ko, wala akong masamang ginawa sa girlfriend mo. Ni hindi ko hinawakan ang kamay noon. Nagpatihulog siya ng sadya.” Hindi pa rin siya pinakinggan ni Warren na hinawi lang sila upang siya na ang maghanap ng footage. “Tingnan natin, Viana, kung sino ang nagsasabi sa inyong dalawa ni Melissa!” hawak nito sa mouse na binitawan ni Rohi kanina, ikinapula na iyon ng mga mata na naman ng dalaga. “Dito natin makikita kung sino ang sinungaling.” Namuo na ang luh
MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. “Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.” “Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.” Muling iniiling ni Davi
SINUNDAN NG MGA mata ni Rohi ang likod ng dalaga na naglaho na sa paningin niya nang sumara ang pintuan. Dahan-dahang naupo ang binata sa sofa habang nakatingin pa rin ang mata sa dahon ng pintuan ng silid. Nakapagkit pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Daviana kanina. Napayuko na siya doon. Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas na doong tumawa na tanging siya lang ang nakakarinig. Tuwang-tuwa ang binata sa naging reaksyon ng dalaga na halatang labis na nahihiya pa rin sa kanya. Nanatiling nakangiti pa rin ang labi ni Rohi.“Ang cute niya talagang maasar…” mahina niya pang usal na muling mahinang natawa. Nahiga na si Rohi sa sofa at pilit niyang pinagkasya ang sarili doon. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Muli pa siyang natawa nang pagpikit ng mga mata ay makita niya sa balintataw niya si Daviana. Ang linaw noon na tila ba kaharap niya lang ang dalaga. Nakagat na ni Rohi ang kanyang pang-ibabang labi, iba na kasi ito. Masyado
PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon. “Kung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw sa’yo?” Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?“Anong s-sinabi mo, Rohi?” Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. “Ang sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.” Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? “Bakit?” “Sa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.” sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. “Rohi, sandali lang!” Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.“Bakit? May kailangan ka pa ba?” Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.“Maraming salamat.”“Walang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagama’t may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.“Paniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.” mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. “Naaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng ‘yun! Nakakabahala na talaga…”“Paanong bintang? Itinulak mo?” “Hindi. Ganito kasi iyon.” Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. “Pinatakbo ko an
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu