Share

Chapter 38.2

NAKAGAT NA NI Daviana ang kanyang labi sa pagiging prangka ni Anelie sa kabilang linya. Baka kasama rin nila dito si Rohi, iyon ang unang pumasok sa isipan ng dalag dahil batid niyang kung nasaan si Keefer ay naroon din ang lalaki. Kagaya na lang doon sa naging recruitment sa University nila. Magkasama silang pumunta doon. Hindi na nangiming magtanong si Daviana sa kaibigan. Hindi naman siguro iyon mamasamain ng kaibigan niya.

“Kung ganun, kasama niyo rin si Mr. Gonzales?”

Alam na agad ni Anelie kung sino ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.

“Hindi eh, busy sa ibang trabaho ngayon si Mr. Gonzales at hindi siya sumama sa amin.”

Napaawang na ang bibig ni Daviana. Napuno ng panghihinayang ang kanyang buong katawan.

“Ganun ba? Sayang naman.” mahina niyang sagot na hindi naman binigyan ng kulay ni Anelie.

Hindi na maipaliwanag ni Daviana kung bakit nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman niya.

“Maiba ako, Daviana. Gusto mo bang sumama sa amin ni Keefer? Maglalakad-lakad lang kami. Panigurad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status