Lizabeth's POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Nagulat na lang ako nang halikan niya 'ko. Kaagad ko siyang pinalabas ng unit ko at sinigurado kong naka-lock ang pinto.
Lasing siya, naaamoy ko ang matapang na alak mula sa hininga niya. Ayaw kong magpatalo sa nararamdaman ko kasi kapag nagkataon, lalabas na kabet niya 'ko.
"Beth? Hey, nakikinig ka ba?"
Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Irene. Kasama ko silang tatlo ngayon, nandito kami sa bilihan ng wedding gown. Pero kahit kasama ko sila ay parang wala ako sa sarili.
"H-ha?" kandautal kong tugon.
Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napailing. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at saka pilit na ngumiti.
"Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa tulala at lumilipad ang isip d'yan," wika ni Kevin at tinabihan ako sa sofa.
Si Weslynn
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNanatili kami sa gano'ng sitwasyon ng ilang segundo. Ang mga mata niya ay magaganda pa din kagaya noon pero kakikitaan ng lungkot. Ano bang meron sa lalaking ito at ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko sa simpleng mga titig niya lang sa 'kin?"Sir, ito na po ang meryenda niy—"Kaagad akong lumayo sa kanya nang biglang dumating ang matandang kasambahay na nakatingin sa aming dalawa. May dala siyang tray na may lamang dalawang baso ng juice at saka cookies sa isang pinggan."Ehem. Just put it in here," saad ni Kenzo habang tinuturo ang maliit na center table.Inilapag doon ng matanda ang tray habang hindi nawawala ang tingin sa akin. Pinili ko na lang na hindi salubungin ang mga tingin niya at bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa.Nang makaalis siya ay inilapag ko ang folder sa lamesa at itinulak para mapalapit ito s
(Continuation of chapter 43)Lizabeth's POVNgumiti siya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang ngipin. Halos mawala na din ang singkit niyang mga mata dahil sa pagngiti niya."Yah, sabi ko na ikaw 'yon. Medyo nagbago lang ang hitsura mo pero kilala pa din kita. Gumanda ka lalo ngayon," pambobola niya sa akin.Napailing na lang ako habang kausap siya."'Sus, nambola ka pa. Marami ka na sigurong babaeng napaiyak.""Grabe ka naman, hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?"Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang babaeng waiter at inilapag ang kape ko sa lamesa."So, what's your name?" tanong niya habang magkadaop ang palad sa ibabaw ng lamesa.Humigop ako sa kape ko."Just call me Beth. I'm also known as Madam Liz," tugon ko naman."Hmm... parang narinig
Lizabeth's POVFrom: Darren[Punta ka naman sa gym ko, libre na para sayo ;)]Maaga akong nagising, ay mali. Nagising pala talaga 'ko. Hindi ko na mabilang kung ilang message at missed call na ang narinig ko simula pa kaninang madaling araw at lahat ng 'yon galing kay Darren.Sa Paris ay nagyo-yoga ako madalas pero hindi ko pa nasubukang mag-gym. Sayang din naman kung hindi ko papaunlakan ang alok niya, libre na sis, aarte pa ba?Nakasuot na ako ngayon ng sports bra na pinatungan ng itim na hoodie jacket na may zipper. Tapos itim na leggings at rubber shoes naman sa paa. Itinali ko din ang buhok ko at saka ko na sinukbit ang backpack kong may lamang tubig, tuwalya, at pamalit na damit.Lumabas na ako ng unit at sinarado ko na ito. Ngunit parang nasira na agad ang araw ko nang may isang taong ayaw na ayaw kong makita ngayong umaga."Good morning, punta ka sa gy
(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POV"What's your problem, men?" bulyaw sa kanya ni Darren habang pinapahid ang dugo niya sa may labi. Tumayo siya at saka hinarap si Kenzo na nakakuyom na ang kamao.Ngumisi si Kenzo at saka tumiim ang bagang."Shut your f*cking mouth. You pervert!""Alam mo napaka yabang mo, sino ka ba, ha?""You don't know me?" Tinaasan siya ng kilay ni Kenzo. Kinuwelyuhan niya si Darren kaya nag-panic ako."Kenzo, enough," bulong ko sa kanya habang hawak ang balikat niya pero parang wala siyang narinig."I'm Kenzo Navarro, an actor, an idol, and a king. My family own the biggest company of jewelry and shoes in America and I can buy this whole mall including this f*cking gym of yours," mahina ngunit maawtoridad na sabi niya.Nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple ni Darren at para bang map
(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POVBlinock ko na ang number ni Darren sa contacts ko. Syempre pagkatapos ng nangyari kanina ayaw ko na siyang makausap ulit.Nagtitimpla na ako ng juice ngayon, sisimulan ko na 'yong new design na susuutin ni Kenzo. Hapon na din at kakatapos ko lang kumain ng tanghalian. Dumiretso na ako sa may sofa ko at ipinatong ang baso ng juice sa center table kung saan naroroon ang mga oslo paper at color pencil na gagamitin ko.Sinimulan ko nang gumawa. Sinigurado kong masa-satisfied ng design ko ang standards ni Allyson kahit hindi naman siya ang magsusuot.Inabot din ako ng halos tatlong oras sa paggawa hanggang sa makatapos ako ng naisip kong design. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisip kong bumaba para kumain sa resto ni Leo na hindi naman masyadong malayo mula dito."I hate you! Gusto mo bang makarating 'to sa daddy mo?!"
Lizabeth's POVNagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Alam kong hindi ito ang kwarto ko dahil magulo ang mga gamit at amoy lalaki ang amoy. May mga nagkalat din na damit sa sahig at magulo ang kama.Maya-maya'y napangiti ako nang maalala ang nangyari sa amin ni Kenzo kagabi. Sobrang na-miss ko siya. Dahan-dahan akong naupo at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam pa ako ng kirot sa pagitan ng mga hita ko pero sinawalang bahala ko na lang iyon at saka bumaba sa higaan. Nilimot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at saka ito isinuot."Let's eat, I know na magugustuhan mo 'to."Natigilan ako nang marinig ang boses ni Allyson mula sa labas. Tahimik pero mabilis akong napapunta sa medyo bukas na pinto ng kwarto ni Kenzo at sumilip sa siwang no'n.Nakita ko si Allyson at Kenzo na kumakain sa kusina. Nakatalikod sa direksyon ko si Allyson kaya tanging si Kenzo lang ang nakik
(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVPagmulat ko ng mga mata ko ay maliwanag na ang paligid. Umaga na pala at sobrang sakit ng ulo ko. Parang hihiwalay na ang anit ko sa 'kin. Pagbangon ko ay saka ko lang nakita ang paligid, nasa sala pala 'ko ng unit ni Kenzo.Pagtingin ko sa suot ko ay nagtaka ako nang makitang t-shirt ni Kenzo ang nasa katawan ko ngayon. Nasaan ang damit ko kagabi at bakit nandito na naman ako sa unit niya?"Good morning, kumain ka muna."Paglingon ko sa kusina ay nakita ko siya na topless pero nakasuot ng apron. Nagluluto ata siya ng agahan.Dahan-dahan akong bumangon dahil parang umiikot ang paligid ko. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya mula sa likod. Napaka bango niya."Gutom ka na ba?" tanong niya."Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?" nakalabi kong tanong."Lasing na las
(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVGinagamot ng nurse ang mga sugat at pasa ko sa katawan. May sugat pala ako sa gilid ng kilay at nagdugo din ang ilong ko dahil sa dami ng sampal na natamo ko."Tingala po," wika ng babaeng nurse at ginawa ko naman ito. Gamit ang cotton bud, tinanggal niya ang mga dugo sa ilong ko. Medyo mahapdi din pero tiniis ko na lang.Nilagyan niya ng band aid ang sugat sa kilay ko at pagkatapos ay iniwan na niya 'ko. Natanaw ko si Kenzo naglalakad papunta sa direksyon ko, nagbayad siguro siya ng bill."Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko."Okay na 'ko, 'wag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon at hinaplos ang mukha niya."Ang dami mong sugat, kaya mo pa bang tumayo?""Bakit? Pangit na ba 'ko?" nakalabi kong tanong pero tumawa lang siya at saka ikinulo