Share

Accidentally Love You
Accidentally Love You
Author: Ylle Elly

Chapter 1

Author: Ylle Elly
last update Huling Na-update: 2022-09-16 12:15:08

Isang umagang kay ganda sa aking sarili. Araw ng lunes at ngayon din ang unang araw ko sa bago kong trabaho bilang kahera sa isang gasolinahan.

Maaga akong gumising para hindi ako ma-late. Nagluto ako ng pagkain para sa sarili ko lamang. Oo, sa sarili ko lang dahil nangungupahan lang ako at nag-iisa. Nagbaon na rin ako kahit hindi naman ganoon kalayo ang inuupahan kong bahay sa bago kong trabaho.

"Magandang umaga po," bati ko sa aking landlady na si Nanay Cita pagkalabas ko sa bahay niya.

May limang kuwarto ang bahay niya at pinapaupahan niya ito lahat. Nag-iisa na lang ito sa bahay niya dahil anim na taon na rin siyang biyuda at ang nag-iisa nitong anak na lalaki ay nasa ibang bansa nagta-trabaho kaya naisipan niyang paupahan na lang ang mala-mansiyon niyang bahay para kahit papaano may makakasama rin siya. Mga bigatin din ang mga boarders niya maliban sa akin.

Apat sa boarders niya ay mga professionals. Dalawang guro, isang manager sa isang private company at isang CPA sa isang private company rin. Ako lang bukod tangi, hindi kasi ako nakapagtapos ng aking pag-aaral hanggang third-year college lang kasi ang inabot ko dahil kinapos sa pinansiyal at nagkasakit pa ang nanay ko. Sa halip na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral, nagtrabaho na lang ako para may pang tustos sa pamilya ko at sa nanay kong may sakit. Saka ko na ipagpatuloy ang pag-aaral ko kapag naka-luwag-luwag na. Dahil hanggang ngayon wala pa rin akong ipon. Halos lahat kasi ng sahod ko pinapadala ko sa probinsiya sa mga magulang ko. Ang tanging natitira sa akin budget ko na lang sa pagkain at nagtatabi na rin ako pambayad sa upa ng bahay na tinitirhan ko.

Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Tricycle driver ang trabaho ng tatay ko at ang nanay ko naman ay sa bahay lamang nagbabantay ng munti naming tindahan at ng dalawa kong kapatid na kambal nang hindi pa ito nagkasakit. Ngayong may sakit ito, ang sumunod sa akin ang nag-aasikaso sa nanay namin at ang pangatlo ay sa kambal nakatuka.

"Magandang umaga rin. Ang aga mo yata?" tanong ni Nanay Cita habang nagdidilig ng mga halaman niya.

"Kailangan po eh, baka po kasi masisante po ako, hindi pa naman ako nag-uumpisa sa bago kong trabaho baka palayasin niyo po ako," tumawa ako ng mahina.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan. O, siya mag-ingat ka. Good luck sa bago mong trabaho sana last mo na 'yan." Biro nito.

"Nanay Cita naman!"

"Biro lang, ikaw naman masiyado kang paniwalain." Tumawa ito habang naka-focus ang paningin niya sa dinidiligang halaman.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"Sige po. Alis na po ako."

Simula noong lumuwas ako ng Manila dito agad ako napadpad kahit nagpalipat-lipat ako ng trabaho dito pa rin ako nangungupahan kay Nanay Cita. Minsan nade-delay ang pagbabayad ko sa upa pero pinagbibigyan pa rin ako nito. Kaya kapag tuwing day off ko nililinis ko ang bahay niya para naman pa-consuelo sa kaniya at ng matuwa nang hindi niya ako sisingilin agad sa upa.

Sobrang pasalamat ko at napakabait niya sa akin. Parang pangalawang ina ko na siya.

Hindi ko namalayan malapit na ako sa bago kong trabaho. Agad akong dumiretso sa mga naka-duty roon at nagtanong.

"Hi! Magandang umaga, ako pala 'yong bagong aplikante na papasok bilang cashier," bati ko sa kanila.

"Ay oo, nabanggit nga iyon ni Sir Jake. Sige, hintayin mo na lang muna siya parang i-interview-hin ka pa yata eh," ngumiti ito sa akin. "Ano nga po pangalan ninyo, ate?" tanong niya pa.

"Joey Ann Perez po."

Tumango ito. "Ako naman si Jessa Espargosa."

Ngumiti ako ng bahagya. "Parang 'yong singer na si Jessa kaso 'yong sa kaniya Zaragoza iyo ay Espargosa."

"Oo nga eh," tumawa ito ng mahina.

Umupo muna ako sa isang tabi habang naghihintay kay Sir Jake, ang manager nitong gasolinahan habang ang mga ito ay busy na sa pagkakarga sa mga sasakyan.

Maya-maya pa ay dumating na sir Jake at ipinatawag na ako nito sa office niya.

"Good morning po, Sir!" bati ko rito.

"Good morning! You must be Ms. Joey Ann Perez?" tanong kaagad nito.

"Yes po!"

"Sige, umupo ka muna, iinom lang akong tubig then proceed sa interview." Dumiretso ito agad sa mini dispenser nito at kumuha ng tubig saka bumalik sa table niya.

"Brief interview lang ito. Na interview ka naman na ng agency, right?"

"Yes po, Sir!"

"Are you single?" unang katanungan nito sa akin.

Sa dinami-rami ng puwedeng itanong ang pagiging single ko kaagad? Alam kong NBSB ako at 24 years old pa lang naman, ngunit kahit minsan hindi pa sumasagi sa isipan ko ang pagno-nobyo.

"Yes po," sagot ko naman rito.

Tumango-tango lang si Sir Jake.

In fairness ang guwapo ni Sir Jake at ang bango niya, parang ang sarap amoy-amuyin. Wari ko nasa 30 years old lang ito.

"May girlfriend na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.

Wala naman akong nakitang singsing sa palasingsingan nito, ibig sabihin lang single rin ito?

"Hoy, umayos ka! Hindi ka pa nga nag-uumpisa sa trabaho mo lumalandi ka na," paalala ng other self ko.

Nagitla ako ng biglang tumikhim ito.

Tulala pala ako habang nakatitig dito.

"Miss Perez, are you with me?" tanong nito.

"Y-yes sir!" nauutal kong sambit.

"What are you thinking? Ba't tulala ka?" tanong ulit nito.

Naku patay na talaga. Ang tanga ko naman kasi pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung nakatitig lang ako sa kaniya. Ang guwapo niya kasi. Gusto ko sanang sabihin na siya ang iniisip ko.

"Kinakabahan lang po ako sir," palusot ko.

"Bakit ka naman kabahan? Hindi naman ako nangangain ng tao." Seryosong biro nito.

Ngumiti ako ng bahagya.

Kinuha nito sa akin ang resume ko.

Nagtanong ulit ito. "According dito sa resume mo, pang lima mo na itong trabaho. Ano ang nangyari sa dati mong trabaho?"

Tumikhim muna ako para alisin ang bara sa lalamunan ko, para kasing mabubulunan ako sa sarili kong laway.

"Na endo po ako sa una ko pong trabaho. Pangalawa po, na lay off naman po ako. Pangatlo po, nag-resign po ako dahil sobrang baba po ang pasahod at ang pang-apat naman po resign din po," paliwanag ko.

"Bakit ka nag-resign?" tanong ni Sir Jake ulit.

"Kasi po, malayo po sa inuupahan ko 'yong pinapasukan ko po sir. Magastos po sa pamasahe," pagsisinungaling ko.

Ang katotohanan kasi niyan muntik na akong gahasain ng manyak kong boss. Kung hindi ako nakatakbo palabas ng opisina nito, malamang naisakatuparan na nito ang gusto nitong gawin sa akin. At wala kahit ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam at wala rin akong balak na ipaalam sa kanila. Dahil kapag nalaman nila ang tungkol doon, siguradong balik probinsiya program ako. Isang tao lang ang tanging nakakaalam at pinagsabihan ko, ang matalik kong kaibigang si Mira.

Tumango na lang ito habang nakatitig sa resume ko.

"So, taga-Bohol ka pala?"

"Yes po sir."

"Malapit ba kayo sa chocolate hills?" tanong nito.

"Malayo po sir," sagot ko.

"Kumusta sila?"

"Okay lang naman po sir, nakatayo pa rin naman po."

Nagtaka ito sa sagot ko.

"I mean ang pamilya mo? Alam ko namang nakatayo pa rin 'yon." Kahit siya natawa na rin sa kaniyang tanong.

"Si Sir, hindi niyo naman po kasi kinumpleto ang tanong po ninyo akala ko po kasi 'yong chocolate hills ang tinatanong niyo po, eh." Tumawa na rin ako.

Madami pa itong tanong sa akin at nasagot ko rin naman ng maayos. May mga paalala rin ito sa akin kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa trabaho na.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vhe Nhus
bagal po ng update matagal na pong chapter 17 sa dream.. d2 16 palang kelan na po ang nxt?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 2

    Nag-umpisa na ang trabaho ko as trainee sa pinapasukan kong gasolinahan. Ang sabi ni Sir Jake kapag nakuha ko in three days ang training puwede na akong ma-regular sa trabaho. Seven days dapat daw talaga ang training period.Mag observe raw muna ako bago sumalang sa pagkakaha. Halos kalahating araw rin ang pag-o-observe ko at ang kalahating araw nag-umpisa na akong turuan. Madami ring paalala ang cashier na tumuturo sa akin na si Jessa Espargosa. Ang mga dapat at hindi dapat gawin, lalo na kung paano pakikitunguhan nang maayos ang mga customer. At hindi lang din saklaw ng cashier ang pagkakaha, kung kinakailangan na tumulong dapat tumulong din sa pagkakarga.Natapos ang isang araw ng training ko nang walang aberya. Natutuwa naman ang nagtuturo sa akin dahil madali raw ako turuan. Feeling ko in three days makukuha ko na lahat ng mga itinuro nito sa akin. Mabilis lang naman intindihin basta't lahat ng mga itinuro ay sa utak ang pasok nito. Pagkatapos nga ng tatlong araw ay agad akong n

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Accidentally Love You   Chapter 3

    Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ano kaya kailangan ni Sir Jake?Pagbukas ko ng gate nakita ko kaagad si Sir Jake nakatalikod ito at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan nitong alaga sa gym. Nang matapos itong makipag-usap sa cellphone, agad akong tumikhim para hindi halata na pinagnanasaan ko siya, este pinagmamasdan pala."Good morning po Sir, may mali po ba sa report ko kaya kayo naparito?" agad na tanong ko. Hindi pa naman ito nakasagot dinugtungan ko na kaagad. "Itinawag niyo na lang po sana Sir, para ako na po ang pupunta roon at nang hindi na kayo nag-abalang pumunta rito o di kaya'y ipinag-utos niyo na lang po.""Hindi ako makasingit ah," nakangiti nitong saad. "Good morning!""Ay sorry po," nahiya kong sambit."No, it's okay. Actually hindi pa ako dumaan sa station.." tumikhim ito na parang tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.Naghihintay rin ako sa sasabihin nito kaya napatingin ako sa kaniya."Ano kasi.." "Say it Si

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Accidentally Love You   Chapter 4

    Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin. Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari."Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko."Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.Napapailing

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Accidentally Love You   Chapter 5

    Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko. "Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad it

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Accidentally Love You   Chapter 6

    Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Accidentally Love You   Chapter 7

    Sinamaan ko ito ng tingin parang hindi tumalab at lalo pang ngumisi."Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim."Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na ri

    Huling Na-update : 2022-10-20
  • Accidentally Love You   Chapter 8

    "What the hell are you doing here?" bulalas nito at agad na tinakpan nito ang kaniyang pagkalalaki bago tumalikod sa akin. Sapagkat bahagyang nakaharap ito nang bigla kong buksan ang pinto ng banyo. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kung mapagsino ang nabungaran ko.Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa nakita ko. In fairness, ang guwapo ng katawan niya. Sa buong buhay ko ngayon lang din ako nakakita ng buhay na buhay na anaconda. Tumalikod agad ako rito baka sabihin nito nag e-enjoy ako sa tanawing nakikita ko. "Sorry po talaga, naje-jebs na kasi ako kaya hindi ko napansin na for boys only pala itong napasukan ko," paliwanag ko rito."Hindi napansin? O, baka sinadya mo talagang pumasok dito?" wika ng lalaki na tila nang-aasar pa."Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano? Mag-lock din kasi ng pinto pag may time..." sigaw ko rito bago lumabas ng banyo ngunit ang kabog ng dibdib ko hindi pa rin maalis-alis.May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinak

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • Accidentally Love You   Chapter 9

    Sobrang sakit ng likod ko nang matapos na may mangyari sa aming dalawa. Agad na tumalikod ako rito. Hindi ko inaakala na sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking iniingatang yaman sa isang taong hindi ko lubusang kakilala. Kusang bumagsak ang mga luha ko. Sobra ang aking pagsisisi dahil sa aking kapusukan. Pakiramdam ko lahat ng mga pangarap ko parang bigla na lang naglaho.Nakahiga rin ito sa aking tabi. Naramdaman yata nito ang aking paghikbi kaya bumangon ito."Sorry..." anito.Hindi pa rin ako humarap dito, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Tumayo na ito at isinuot ulit nito ang basa niyang damit pagkatapos lumabas na ito ng bahay kubo.Napahagolhol ako ng iyak. Pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan basta na lang siya umalis na parang wala lang nangyari? Maya maya pa ay bumangon na rin ako at nagbihis bago lumabas ng bahay kubo. Tumila na rin ang ulan. Binitbit ko na rin ang dala kong bag paglabas ko ng baha

    Huling Na-update : 2022-10-26

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 32

    Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will

  • Accidentally Love You   Chapter 31

    Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga

  • Accidentally Love You   Chapter 30

    PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki

  • Accidentally Love You   Chapter 29

    Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at

  • Accidentally Love You   Chapter 28

    Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal

  • Accidentally Love You   Chapter 27

    Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami

  • Accidentally Love You   Chapter 26

    Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli

  • Accidentally Love You   Chapter 25

    Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"

  • Accidentally Love You   Chapter 24

    Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k

DMCA.com Protection Status