Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ano kaya kailangan ni Sir Jake?
Pagbukas ko ng gate nakita ko kaagad si Sir Jake nakatalikod ito at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan nitong alaga sa gym. Nang matapos itong makipag-usap sa cellphone, agad akong tumikhim para hindi halata na pinagnanasaan ko siya, este pinagmamasdan pala."Good morning po Sir, may mali po ba sa report ko kaya kayo naparito?" agad na tanong ko.Hindi pa naman ito nakasagot dinugtungan ko na kaagad. "Itinawag niyo na lang po sana Sir, para ako na po ang pupunta roon at nang hindi na kayo nag-abalang pumunta rito o di kaya'y ipinag-utos niyo na lang po.""Hindi ako makasingit ah," nakangiti nitong saad. "Good morning!""Ay sorry po," nahiya kong sambit."No, it's okay. Actually hindi pa ako dumaan sa station.." tumikhim ito na parang tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.Naghihintay rin ako sa sasabihin nito kaya napatingin ako sa kaniya."Ano kasi.." "Say it Sir!""Kuwan kasi..yayain sana kitang mag-almusal," mahinang bigkas nito sakto lang na maririnig ko. Kumunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Alam kong wala namang masama ang pagyaya niyang kumain, ngunit hindi lang ako sanay na bigla-bigla lang ito pupunta rito, not unless kung may iba pa itong pakay."Umamin nga po kayo Sir, nanliligaw po ba kayo?" diretsahang tanong ko sa kaniya.Napakamot ito at ngumiti. "Sana."Ngumiti rin ako. "Sir, pasensiya na po ha, didiretsahin ko na po kayo 'yong totoo po kasi hindi po ako tumatanggap ng manliligaw, madami pa po kasi akong obligasyon sa buhay kaya wala pa po talaga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Sana maintindihan niyo po ako."Dugtong ko pa. "At isa pa po sir, talagang inagahan niyo po ah mabuti at gising pa ako.""Inagahan ko nga kaso bokya pala," bahagya itong ngumiti. "Okay lang naman, at least nag try ako. Sinadya talaga kita rito sa boarding house mo para pormal kitang ligawan. Gayon pa man naiintindihan kita. Please let me know kung ready ka na, I'm willing to wait. Liligawan ulit kita." "Aamin ko po Sir, may crush po ako sa inyo, pero hanggang doon lang po kasi 'yon," pag-amin ko sa kaniya.Crush ko naman kasi talaga si Sir Jake kasi ang bango-bango niya at 'yong katawan niya pang malakasan."Sorry po talaga Sir, hindi ko rin po mapapaunlakan ang paanyaya niyong mag breakfast," hinging paumanhin ko sa kaniya. Nahiya rin naman akong yayain siya na pumasok sa loob ng bahay dahil hindi naman akin 'yong bahay at nakakahiya rin kay Nanay Cita. "Okay lang! Pasensiya ka na ha. Sige, hindi na kita aabalahin pa. Aalis na rin ako. Salamat!" nakuha pa nitong ngumiti kahit dismayado siya sa sagot ko.Nahihiya ako ngunit wala akong magawa dahil wala naman akong nararamdaman sa kaniya hanggang crush lang talaga."Pasensiya rin po sir. Sige po, ingat po kayo!" Sumakay kaagad ito sa sasakyan niya saka pinaharurot. Napapailing na lamang ako.Pumasok din kaagad ako sa gate ar isinarado ito. Napapaisip ako habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Seryoso ba siya? Kaya siguro madalas nasa labas ito kapag ako ang naka-duty sa umaga. Ayon naman kasi sa mga kasamahan ko, hindi naman daw talaga ugali ni sir Jake ang lumabas, palagi itong nasa loob ng office nito. At napapansin ko rin minsan ang lagkit ng tingin nito sa akin, hindi ko naman binibigyan ng kahulugan bagkus nginingitian ko na lang. Hay naku nga, ang awkward nito kapag nagpangita kami sa trabaho. Sana lang, hindi sumama ang loob niya sa pangba-basted ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako."Aray!" Bumangga ako sa haligi papasok ng kusina."Tumingin kasi sa dinadaanan hindi 'yong nakatingala ka. Ano ba ang tinitingnan mo riyan sa taas?" tanong ni Nanay Cita at napasilip din ito sa itaas."Po? W-wala po," nauutal kong sambit."Umupo ka na rito, saluhan mo ako. Saan na ang bisita mo?" "Umalis na po." Umupo ako sa tapat ni Nanay Cita."Hindi mo pinapasok?""Hindi na po, nagmamadali rin po kasi siya, may pasok pa po kasi si Sir, may sinabi lang po tungkol sa trabaho.""Sinadya ka talaga ah." "Kaya nga po eh." Pagkatapos naming kumain, tumayo agad si Nanay Cita at lumabas papunta sa mga halaman niya. Naiwan ako sa kusina at naghugas ng pinagkainan namin. Muntik ko nang mabitawan ang platong sinasabon ko nang biglang tumabi sa akin si Josie, isa sa mga boarder ni Nanay Cita. Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot nito sa tabi ko. Isa siya sa dalawang teacher na boarders ni Nanay Cita. " 'Wag ka namang manggulat, paano kung nabitawan ko itong plato at nabasag? Mukhang mahal pa naman, wala akong pambayad," biro ko rito."Patingin ng gulat!" natatawa nitong sambit.Ito lang din ang kasundo ko sa mga kasamahan kong boarders ni Nanay Cita. Wala rin kasi itong social life katulad ko. Pagkagaling nito sa school, uumuwi kaagad ito hindi katulad ng iba na may pinupuntahan pa kung saan-saan. Dahil sabado kaya nandito lang siya sa boarding house.Tumawa na lang ako rito."May kailangan ka 'day?" tanong ko rito habang nilalagay ko sa lalagyan ang mga plato."Nahulaan mo kaagad ah." Hinarap ko ito. "Base kasi sa pagkakangiti mong iyan mukhang may gusto kang itanong. Tama ba ako o tama ako?"Tumawa ito at humarap sa akin. "Girl, sino 'yong poging kausap mo kanina?" Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkakamali. Hindi nga ito mahilig makipag sosyalan pero mahilig naman itong maki chismis lalo na kapag nakakita ng pogi."Type mo? Gusto mo ipakilala kita kay Sir Jake?" tanong ko rito."So, Jake pala his name?" ngumiti ito. "Infairness bagay sa kaniya ang name niya lalo na sa matipuno niyang katawan." "Day, puso mo nahulog. Ibigay ko na ba sa kaniya?" natatawa kong sambit."Sira! Dapat makilala muna namin ang isa't isa para ako na ang magbigay ng puso ko sa kaniya," kinikilig nitong saad."Push mo yan 'day, I got your back."Ngumuso ito. "Kaso paano naman namin makikila ang isa't isa?" "Iyon lang. Try mo kaya siyang i-message?" Napapaisip din ako."Ayoko nga, kahit pa naman type ko siya binibining marikit pa rin ako."Kinanta ko ang Binibining Marikit, aba ang loka sumayaw rin. Napasayaw na rin ako kahit paulit-ulit lang ang lyrics ng kanta ko, hindi ko kasi kabisado iyon.Bigla namang pumasok si Nanay Cita at bigla rin kaming dalawa napatigil sa pagsasayaw. Nagulat pa kami ng sumayaw rin ito kahit walang tugtog kaya kumanta ulit ako ng paulit-ulit kahit iba na ang lyrics. Sinabayan na rin namin itong sumayaw hanggang sa napagod ako sa pagkanta at tumigil na rin kami sa pagsayaw."Ang galing niyo ro'n 'nay, ah!" hingal kong saad. Hingal din ito kaya umupo agad ito sa malapit na upuan. Millennials din talaga itong si Nanay Cita alam na alam ang kanta at ang stepping nito.Pagkatapos ng dancing session naming tatlo nagsipasukan na rin kami sa aming mga silid at nagpahinga.Medyo madilim na nang magising ako. Ito na yata ang pinakamahaba kong tulog na hindi nagigising sa kalagitnaan ng aking mahimbing na pagtulog. May tatlong oras pa ako para mag-ayos at makapagluto ng hapunan. Kapag ka ganoong gabi hindi ako naglalakad papunta sa trabaho ko, sumasakay ako ng tricycle o jeep. Kahit na may street lights at maliwanag ang daan hindi pa rin ako kampanteng maglakad ng mag-isa. Madami pa rin kasing mga siraulo ang naglipana kaya hindi safe ang maglakad ng mag-isa lalo na sa gabi.Sumunod na araw palitan na ulit ng schedule at nagkataon na pay day pa kaya napag desisyunan kong mag grocery at bumili ng mga personal kong pangangailangan.Pumunta ako sa mall, nag-ikot-ikot muna ako bago pumunta ng supermarket. Dumaan ako sa bilihan ng mga cellphone."Balang araw mabibili din kita," sambit ko sa aking sarili habang tinitingnan ko ang isang Android cellphone. Paano kasi makaluma pa rin ang cellphone ko, de keypad.Lumapit sa akin ang isang sales lady."Good morning ma'am, maganda po ang cellphone na 'yan 128 gb ang internal memory at maganda rin ang camera kung mahilig kayong mag selfie..." hindi pa nito natapos ang sasabihin nito nang bigla kong pinutol.Ngumiti ako rito. "Tumitingin pa lang po ako." Ngumiti rin ang sales lady ngunit hindi na umalis sa tabi ko. Sinusundan ako nito kung saan ako pupunta, iniisip yata nito magnanakaw ako. Gayon pa man naintindihan ko siya. Hindi nagtagal lumabas din ako sa bilihan ng mga cellphone.Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin. Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari."Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko."Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.Napapailing
Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko. "Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad it
Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par
Sinamaan ko ito ng tingin parang hindi tumalab at lalo pang ngumisi."Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim."Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na ri
"What the hell are you doing here?" bulalas nito at agad na tinakpan nito ang kaniyang pagkalalaki bago tumalikod sa akin. Sapagkat bahagyang nakaharap ito nang bigla kong buksan ang pinto ng banyo. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kung mapagsino ang nabungaran ko.Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa nakita ko. In fairness, ang guwapo ng katawan niya. Sa buong buhay ko ngayon lang din ako nakakita ng buhay na buhay na anaconda. Tumalikod agad ako rito baka sabihin nito nag e-enjoy ako sa tanawing nakikita ko. "Sorry po talaga, naje-jebs na kasi ako kaya hindi ko napansin na for boys only pala itong napasukan ko," paliwanag ko rito."Hindi napansin? O, baka sinadya mo talagang pumasok dito?" wika ng lalaki na tila nang-aasar pa."Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano? Mag-lock din kasi ng pinto pag may time..." sigaw ko rito bago lumabas ng banyo ngunit ang kabog ng dibdib ko hindi pa rin maalis-alis.May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinak
Sobrang sakit ng likod ko nang matapos na may mangyari sa aming dalawa. Agad na tumalikod ako rito. Hindi ko inaakala na sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking iniingatang yaman sa isang taong hindi ko lubusang kakilala. Kusang bumagsak ang mga luha ko. Sobra ang aking pagsisisi dahil sa aking kapusukan. Pakiramdam ko lahat ng mga pangarap ko parang bigla na lang naglaho.Nakahiga rin ito sa aking tabi. Naramdaman yata nito ang aking paghikbi kaya bumangon ito."Sorry..." anito.Hindi pa rin ako humarap dito, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Tumayo na ito at isinuot ulit nito ang basa niyang damit pagkatapos lumabas na ito ng bahay kubo.Napahagolhol ako ng iyak. Pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan basta na lang siya umalis na parang wala lang nangyari? Maya maya pa ay bumangon na rin ako at nagbihis bago lumabas ng bahay kubo. Tumila na rin ang ulan. Binitbit ko na rin ang dala kong bag paglabas ko ng baha
Samo't sari ang pumapasok sa utak ko. Paano kong mabubuo ang bata sa sinapupunan ko? Ano ang gagawin ko? Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bilang lang sa daliri ko ang mga araw na nagkita kami ng taong unang umangkin sa akin ngunit nagawa kong ipagkaloob kaagad dito ang sarili ko. Kahit apelyido nito hindi ko alam. Pinahidan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin?Kinabukasan paggising ko masakit ang katawan ko lalo na ang ilalim ko. Hindi muna ako lumabas sa aking silid bagkus tinawagan ko ang kaibigan kong si Mira."Hay sa wakas... nagawa rin akong tawagan..." Tumawa pa ito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo, kamahalan?" Pang-aasar pa nito sa kabilang linya."Kambs..." tawag ko rito na pilit kong pinipigilang mabasag ang boses ko."Bakit kambs... may pro
Bumalik ako sa boarding house at agad na ginawa ang resignation letter. Hindi na rin ako pumasok sa trabaho. Kinabukasan pumunta ako sa station para maipasa ang resignation letter kay Sir Jake."Girl, kumusta ka na? Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Jessa ng makalapit ito sa akin."Okay lang ako," sagot ko rito. "Nandito na ba si Sir Jake?""Oo, nasa office niya," sabi nito.Iniwan ko muna ito at pumunta sa office ni Sir Jake. Kumatok ako ng tatlong beses bago nito binuksan."Good morning, sir," bati ko rito nang hindi nakatingin ng diretso sa mga mata niya."Good morning, come in!" sabi naman nito. "Take a seat.""Okay lang po sir, hindi naman po ako magtatagal, eh." Kinuha ko ang resignation letter sa bag ko at inabot dito.Napatingin ito sa akin. "Ano ito?" "Magre-resign na po kasi ako, sir," nahihiya kong wika."Dahil ba ito sa nangyari sa resort?" Lumapit ito sa akin. "Sorry, Ann.""Hindi po sir, personal reason ko po iyan." Hindi ko masabi dito ang dahilan kung bakit ako magre-
Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga
PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki
Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at
Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal
Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami
Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli
Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"
Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k