Share

Chapter 4

Author: Ylle Elly
last update Huling Na-update: 2022-09-16 12:17:06

Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin. 

Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari.

"Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko.

"Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.

Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.

Napapailing at napapangiti na lang ako sa sarili ko, ang tanga-tanga ko lang talaga puwede naman kasing magtanong, eh, talaga namang sumabay pa sa takbuhan hindi naman 'yon sugod bahay. Sayang tuloy ang oras ko.

Bumalik ako sa supermarket at nag-umpisang maglagay ng pinamili ko sa cart. May dalawang oras pa ako bago pumasok sa trabaho. Binilisan ko ang pamimili para makapagbayad na kaagad.

Habang nakapila ako sa kahera, kanina ko pa pinapakiramdaman na parang may mga matang nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali, dahil lalaking nasa kabilang kahera habang pumipila rin nahuli kong nakatingin sa akin. Ano kaya problema nito? May dumi ba ako sa mukha? Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pasimpleng pinunasan ko ang aking mukha.

Nakita ng peripheral vision ko na ngumiti ito kung kaya't inirapan ko ito. Bahala nga siya sa buhay niya. Mayamaya pa ay lumipat ito at pumuwesto sa likuran ko saka pumila ulit. Iniwan nito ang pinipilahan niya para lang pumila ulit kahit na siya na ang susunod na magbabayad sa kahera.

Parang tanga lang siya na ang kasunod umalis pa. 

"Hi miss, may I know your name?" Nagsalita ito sa likod ko ngunit hindi ko nilingon baka hindi naman ako ang kausap niya.

Ilang saglit pa at naramdaman ko ang hininga nito sa punong tainga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko.

"Miss, narinig mo ba ako?" muling tanong nito.

Hindi ako nag-atubiling lingunin ito baka mamaya mamali ako ng lingon at kung saan pa tumama ang mukha ko.

"Ako po ba kausap ninyo?" mahina kong tanong rito habang ang tingin ko ay nasa harapan pa rin.

"Yes, I'm talking to you," mahina nitong wika.

Dahil ako na ang susunod na magbabayad hindi ko na ito pinansin pa kahit na alam kong nasa likod ko lang din ito. Pagkatapos kong magbayad nagmadali akong umalis. Walang lingong likod at malalaki ang hakbang ko habang naglalakad. Nang mapansin kong wala namang sumusunod sa akin binagalan ko ang aking paglalakad. Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Nice boobs and butt, huh." Hindi ko na nilingon ang nagsalita dahil bigla ko na lang itong sinuntok gamit ang kabilang kamao ko. Ngunit hindi ko lang alam kung saan ito tinamaan sa mukha niya. 

Narinig kong napadaing ito sa sakit. Mabuti nga sa kaniya 'yan ang bastos kasi. Tila nagpupuyos sa galit ang dibdib ko at kailangan ko ng hangin. Parang mauubusan ako ng oxygen kaya nagmadali akong lumabas ng mall. Mabuti at hindi na rin ito sumunod pa sa akin. Agad akong nag-inhale exhale pagkalabas ko kahit puro usok ng sasakyan ang malalanghap ko. Tiningnan ko ang kamao kong ginamit ko sa pagsuntok dito dahil naramdan ko na medyo masakit iyon mukhang tumama sa buto.

Sumakay agad ako ng tricycle at nagpahatid sa boarding house. Ang plano kong kumain sa fast food chain nakalimutan ko na, hindi rin ako nakapag take out. Nakakaasar kasi ang lalaking 'yon mukhang kulang pa nga ang ginawa kong pagsuntok sa kaniya, dapat binatukan ko rin pala at tinamaan ang mga balls niya. 

Naligo agad ako pagdating ko ng boarding house. Kaunting oras na lang ang natitira kaya nagmamadali akong kumilos baka ma-late ako ng pasok sa aking trabaho. Ilang araw na rin kasing mainit ang ulo ni Sir Jake. Mukhang kasalanan ko yata? Hindi ko na dapat iniisip 'yon, ang mahalaga ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. 

Pagdating ko sa trabaho nasa labas ito at kausap ang mga kasamahan ko. Mukhang hindi mainit ang ulo niya dahil nakangiti siya. Lumapit kaagad ako sa kanila at saka binati ko sir. Tumango lang ito sa akin. 

"This coming Saturday wala tayong pasok bilang pasasalamat ito ng company sa atin dahil sa hardwork ninyong lahat. Sapagkat nakuha natin ang kutang volume sa buwan na ito. Ngayon sino ang gustong sumama sa outing?" Tumingin si Sir Jake sa amin na tila hinihintay nito ang aming mga sagot. "Don't worry sagot ng company ang entrance at cottage. About the food, mag-ambagan na lang tayo. What do you think guys?"

Halos lahat nag-agree except sa akin. Kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Ann, sumama ka na para masaya." Untag ni Jessa sa akin. "Sige na, 'wag na kasi kj, ah." Niyugyog pa nito ang braso ko.

Ngumiti ako sa kanila. "Sige po, sama po ako."

Tuwang-tuwa naman sila dahil sasama ako.

Pinag-usapan namin kung anong pagkain ang aming lulutuin at babaunin. At hinding-hindi mawawala ang inihaw.

"Ahm, sir, puwede po bang magsama ng kaibigan?" Singit ko sa usapan namin. Naalala ko kasi ang boardmate kong teacher na si Josie, na may crush din kay sir Jake. Alam ko rin na para sa employee lang ang outing na 'to, nagbabakasakali lang na baka pumayag si sir. "Kung papayag po kayo sir, isali rin po natin siya sa ambagan at siyempre hindi rin po siya libre sa entrance fee." Tumingin ako kay Sir Jake na tila nag-iisip.

"Payag na kayo sir, mas maganda nga po yan sir, the more the merrier." Pangungumbinsi ng isa ko pang kasamahan kay Sir Jake.

"Babae ba siya o lalaki?" Parang nagsalpukan ang kilay ni sir sa tanong niya.

"Babae po sir, boardmate ko po." 

"Ano guys, okay lang ba sa inyo?" tanong nito sa mga kasamahan ko.

Pumayag naman ang lahat na magsama ako ng kaibigan kaya kinagabihan pag-uwi ko ng boarding house nakita kong bukas pa ang ilaw sa kuwarto ni Josie kaya kinatok ko ito at agad namang binuksan nito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko agad dito ang plano naming mag outing at gusto ko siyang isama. Nag-isip pa ang loka, pero no'ng binanggit kong nandoon din si Sir Jake aba'y mabilis pa sa alas kuwarto at pumayag kaagad ito.

Lumabas din kaagad ako sa kuwarto niya pagkatapos kong masabi ang pakay ko.

Sumunod na araw habang nasa trabaho ako, busy ang lahat sa pagkakarga. Dahil sa sobrang pagmamadali kong masuklian ang customer na paalis na sana, hindi ko naman napansin ang isang sasakyan na paparating dahil sa lakas ng pagbusina nito kung kaya't napasigaw ako sa gulat.

"Ay, p**i mo..." bulalas ko.

Sa lakas ng boses ko napatingin ang lahat sa akin at tumawa pa ang iba pati na rin ang dalawa kong kasama.

Nakakahiya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Lalo ko pang ikinagulat nang magsalita ang driver ng sasakyan na bumusina sa akin dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan nito.

"Miss, wala ako ng ganoon. For sure, ikaw mayro'n." Narinig ko pa ang pagtawa nito.

Hindi ko siya matingnan ng diretso sa kaniyang mga mata kung kaya't tumingin ako sa ibang direksiyon dahil nakaramdam ako ng hiya.

"Namali lang po kayo ng dinig sir, pokemon po 'yon," sabi ko rito nang hindi pa rin nakatingin sa kaniya upang pagtakpan ang aking kahihiyan.

Pero teka lang, parang familiar ang hitsura ng lalaki. Sandaling ipinikit ko ang aking mga mata upang alalahanin kung saan ko nga ba nakita ang lalaking ito. Pagdilat ng aking mga mata agad na napansin ko ang band aid sa bandang kanan ng kaniyang mukha. 

Nang magtama ang paningin naming dalawa, sabay rin kaming nagsalita.

"Ikaw?" bulalas naming dalawa.

Ngumisi ito. "So, dito ka pala nagtatrabaho," sabi nitong may paghimas pa sa baba niya. "Akala ko hindi na kita makikita, miss big...." Hindi nito tinapos ang sinabi niya nang suntukin ko sana ulit ito ngunit mabilis nitong nakuha ang kamao ko at hinila niya ako palapit sa kaniya. Halos maduduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa dahil nakalabas ang ulo nito sa bintana ng kaniyang sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko na halos mabingi ako. 'Di kaya ay dahil sa hiya at inis? Bahala na, sapagkat hindi ko na inintindi iyon.

Bago pa ito gumawa ng hindi maganda, dahan-dahan kong itinaas ang isa kong kamay at iniharang ang palad ko sa pagitan ng mukha naming dalawa saka ko itinulak ang mukha niya palayo sa akin. Akala niya yata maisahan niya ako.

Never!

Sinakop ng palad ko ang mukha niya at nilamukos ko ito hanggang sa mapadaing ito. Pasalamat siya at maiksi ang mga kuko ko, kung hindi kawawa siya dahil ibabaon ko talaga sa mukha niya ang mga kuko ko. 

Gigil niya si ako eh...

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 5

    Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko. "Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad it

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Accidentally Love You   Chapter 6

    Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Accidentally Love You   Chapter 7

    Sinamaan ko ito ng tingin parang hindi tumalab at lalo pang ngumisi."Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim."Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na ri

    Huling Na-update : 2022-10-20
  • Accidentally Love You   Chapter 8

    "What the hell are you doing here?" bulalas nito at agad na tinakpan nito ang kaniyang pagkalalaki bago tumalikod sa akin. Sapagkat bahagyang nakaharap ito nang bigla kong buksan ang pinto ng banyo. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kung mapagsino ang nabungaran ko.Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa nakita ko. In fairness, ang guwapo ng katawan niya. Sa buong buhay ko ngayon lang din ako nakakita ng buhay na buhay na anaconda. Tumalikod agad ako rito baka sabihin nito nag e-enjoy ako sa tanawing nakikita ko. "Sorry po talaga, naje-jebs na kasi ako kaya hindi ko napansin na for boys only pala itong napasukan ko," paliwanag ko rito."Hindi napansin? O, baka sinadya mo talagang pumasok dito?" wika ng lalaki na tila nang-aasar pa."Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano? Mag-lock din kasi ng pinto pag may time..." sigaw ko rito bago lumabas ng banyo ngunit ang kabog ng dibdib ko hindi pa rin maalis-alis.May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinak

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • Accidentally Love You   Chapter 9

    Sobrang sakit ng likod ko nang matapos na may mangyari sa aming dalawa. Agad na tumalikod ako rito. Hindi ko inaakala na sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking iniingatang yaman sa isang taong hindi ko lubusang kakilala. Kusang bumagsak ang mga luha ko. Sobra ang aking pagsisisi dahil sa aking kapusukan. Pakiramdam ko lahat ng mga pangarap ko parang bigla na lang naglaho.Nakahiga rin ito sa aking tabi. Naramdaman yata nito ang aking paghikbi kaya bumangon ito."Sorry..." anito.Hindi pa rin ako humarap dito, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Tumayo na ito at isinuot ulit nito ang basa niyang damit pagkatapos lumabas na ito ng bahay kubo.Napahagolhol ako ng iyak. Pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan basta na lang siya umalis na parang wala lang nangyari? Maya maya pa ay bumangon na rin ako at nagbihis bago lumabas ng bahay kubo. Tumila na rin ang ulan. Binitbit ko na rin ang dala kong bag paglabas ko ng baha

    Huling Na-update : 2022-10-26
  • Accidentally Love You   Chapter 10

    Samo't sari ang pumapasok sa utak ko. Paano kong mabubuo ang bata sa sinapupunan ko? Ano ang gagawin ko? Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bilang lang sa daliri ko ang mga araw na nagkita kami ng taong unang umangkin sa akin ngunit nagawa kong ipagkaloob kaagad dito ang sarili ko. Kahit apelyido nito hindi ko alam. Pinahidan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin?Kinabukasan paggising ko masakit ang katawan ko lalo na ang ilalim ko. Hindi muna ako lumabas sa aking silid bagkus tinawagan ko ang kaibigan kong si Mira."Hay sa wakas... nagawa rin akong tawagan..." Tumawa pa ito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo, kamahalan?" Pang-aasar pa nito sa kabilang linya."Kambs..." tawag ko rito na pilit kong pinipigilang mabasag ang boses ko."Bakit kambs... may pro

    Huling Na-update : 2022-10-30
  • Accidentally Love You   Chapter 11

    Bumalik ako sa boarding house at agad na ginawa ang resignation letter. Hindi na rin ako pumasok sa trabaho. Kinabukasan pumunta ako sa station para maipasa ang resignation letter kay Sir Jake."Girl, kumusta ka na? Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Jessa ng makalapit ito sa akin."Okay lang ako," sagot ko rito. "Nandito na ba si Sir Jake?""Oo, nasa office niya," sabi nito.Iniwan ko muna ito at pumunta sa office ni Sir Jake. Kumatok ako ng tatlong beses bago nito binuksan."Good morning, sir," bati ko rito nang hindi nakatingin ng diretso sa mga mata niya."Good morning, come in!" sabi naman nito. "Take a seat.""Okay lang po sir, hindi naman po ako magtatagal, eh." Kinuha ko ang resignation letter sa bag ko at inabot dito.Napatingin ito sa akin. "Ano ito?" "Magre-resign na po kasi ako, sir," nahihiya kong wika."Dahil ba ito sa nangyari sa resort?" Lumapit ito sa akin. "Sorry, Ann.""Hindi po sir, personal reason ko po iyan." Hindi ko masabi dito ang dahilan kung bakit ako magre-

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • Accidentally Love You   Chapter 12

    Pinagpahinga muna ako ni Ate Tess, bukas na lang daw niya sasabihin sa akin ang mga dapat at kailangan kong gawin.Nakahiwalay ang silid ni Ate Tess kay Winona at Gemma. Ang servants quarter ay nasa likod ng malaking bahay samantalang ang kuwartong tinutuluyan ni Ate Tess ay nasa mismong loob ng malaking bahay, ngunit hiwalay sa main bedroom at sa mga guest room. Taon-taon daw kung umuwi ang may-ari nitong villa. Ayon sa mga ito binata pa raw iyon at masiyadong seryoso sa buhay kung kaya't minsan ay natatakot silang lumapit dito kung hindi naman sila pinapatawag nito. Subalit kahit minsan ni hindi man lang daw nila itong nakitang ngumiti. Minsan naisip din daw nila na baka bakla ito sapagkat wala man lang silang nababalitaan na may babaeng nali-link dito o dinadala sa bahay na ito. At lahat ng iyon ay pawang mga haka-haka lamang nila.Kahit wala rito ang may-ari nitong bahay, ngunit may mga tauhan pa rin naman ito na siyang nag-aasikaso ng villa at ng bahay niya. 'Yon nga lang at na

    Huling Na-update : 2022-11-06

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 32

    Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will

  • Accidentally Love You   Chapter 31

    Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga

  • Accidentally Love You   Chapter 30

    PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki

  • Accidentally Love You   Chapter 29

    Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at

  • Accidentally Love You   Chapter 28

    Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal

  • Accidentally Love You   Chapter 27

    Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami

  • Accidentally Love You   Chapter 26

    Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli

  • Accidentally Love You   Chapter 25

    Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"

  • Accidentally Love You   Chapter 24

    Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k

DMCA.com Protection Status