Share

Chapter 2

Author: Ylle Elly
last update Huling Na-update: 2022-09-16 12:15:43

Nag-umpisa na ang trabaho ko as trainee sa pinapasukan kong gasolinahan. Ang sabi ni Sir Jake kapag nakuha ko in three days ang training puwede na akong ma-regular sa trabaho. Seven days dapat daw talaga ang training period.

Mag observe raw muna ako bago sumalang sa pagkakaha. Halos kalahating araw rin ang pag-o-observe ko at ang kalahating araw nag-umpisa na akong turuan. Madami ring paalala ang cashier na tumuturo sa akin na si Jessa Espargosa. Ang mga dapat at hindi dapat gawin, lalo na kung paano pakikitunguhan nang maayos ang mga customer. At hindi lang din saklaw ng cashier ang pagkakaha, kung kinakailangan na tumulong dapat tumulong din sa pagkakarga.

Natapos ang isang araw ng training ko nang walang aberya. Natutuwa naman ang nagtuturo sa akin dahil madali raw ako turuan. Feeling ko in three days makukuha ko na lahat ng mga itinuro nito sa akin. Mabilis lang naman intindihin basta't lahat ng mga itinuro ay sa utak ang pasok nito. 

Pagkatapos nga ng tatlong araw ay agad akong na regular sa trabaho. Nakakatuwa ang mga kasama ko hindi sila boring kasama at ang babait pa. Kapag may nakakaligtaan ako tinutulungan din nila ako. Hanggang sa nasanay na rin ako. Nakaka-enjoy pala ang ganitong trabaho dahil araw-araw iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo. May iilang mga customer na masungit pero keribels lang, nginingitian ko na lang din sila. Mayroon din namang mababait at nakikipag-usap pa sa amin. 

Simula ng makapagtrabaho ako rito kahit papaano ay nakatipid-tipid din ako. Wala akong inaalalang pamasahe. Minsan nakakatipid din ako sa pagkain dahil nililibre ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Kaya medyo nadadagdagan ang ipinapadala ko sa mga magulang ko sa probinsiya. 

Hindi ko namalayan mag-aanim na buwan na ako sa aking trabaho. Napakabilis ng araw, masiyado ko kasing ini-enjoy ang trabaho ko kaya hindi ko gaanong ramdam na malapit na rin madagdagan ang edad ko.

Dahil masiyado akong naka-focus sa aking trabaho madalang ko na lang din nakakausap ang kaibigan kong si Mira. Kung nasa tabi ko lang ito malamang kanina pa ako tinalakan nito.

"Hoy babae ka, simula no'ng nakapagtrabaho ka lang diyan kinalimutan mo na ako. Feeling ko hindi ako nag e-exist sa mundo mo." Dagli kong inilayo sa tainga ko ang cellphone dahil sa sobrang lakas ng pagkasigaw nito sa kabilang linya.

"Sorry naman Kambs, busy lang at isa pa wala akong load kaya 'wag ka nang magtampo. At isa pa ulit bawal cp sa trabaho," paliwanag ko rito.

"Ah, basta nagtatampo pa rin ako. Siguro nakakita ka na ng bagong bestfriend diyan kaya hindi mo na ako kinakausap, no?" Kung nasa tabi ko lang ito puwede ko nang sabitan ng kaldero ang nguso nito sa pagkahaba.

"Ayaw mo no'n walang mang-i-istorbo sa inyo ng boyfriend mo. As if naman hindi ko alam, 'di ba?" natatawa kong wika.

"Walang ganiyanan Kambs, siyempre iba rin 'yong time ko sa kan'ya at iba rin 'yong sa'yo," saka ito tumawa. "Kambs!" tawag nito sa akin.

"Yes, Kambs?" 

"I miss you! Pautang naman!" sabi nito at tumawa ng malakas.

Natawa rin ako sa kaibigan ko, kahit kailan talaga napaka nito. Sanay na rin ako sa banat niyang ganiyan.

"Magkano ba?" 

Pumalatak ito. "As if naman mayroon akong mauutang, eh kahit load nga wala, kung hindi ka pa talaga sasadyaing tawagan hindi mo ako tatawagan." Pagmamaktol nito.

Hindi pa rin talaga siya tapos mag drama.

"Kambs naman, walang ganiyanan. You know naman me madaming umaasa." 

"Ay 'day, alam ko na ang kadugtong niyan," tumikhim muna ito saka nagsalita ulit. "Kasi Kambs, kailangan kong magpadala alam mo naman ako lang ang inaasahan ng pamilya ko," panggagaya niya sa salita ko.

Kahit madalang lang kami magkita at mag-usap nito pero kilalang kilala niya talaga ako. Feeling ko naka-record na ang mga sinasabi ko sa kan'ya. Nagkakilala kami sa unang trabahong pinasukan ko noon. Sabay kaming nag-apply at sabay rin natanggap at sabay rin kaming dalawa na endo. Sa pangalawang trabaho na in-apply-an naman namin sabay rin kaming natanggap pero sa kasamaang palad na lay off ako samantalang siya ay nanatili roon at hanggang ngayon doon pa rin siya nagta-trabaho. 

"Kambs, are you still there? Yuhooo!" untag nito sa akin sa kabilang linya. "Ikaw naman, biro lang hindi ako mangungutang ah."

"Hay salamat naman, akala ko talaga mangungutang ka eh," kunwaring nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. "Hayaan mo Kambs, kapag naka luwag-luwag ako, promise ililibre kita."

"Siguraduhin mo lang dahil sisingilin talaga kita. At hindi ka makapag deny sa akin dahil recorded itong pag-uusap natin," biro nito.

"Kahit gumawa ka pa ng madaming kopya niyan tutupad ako sa ipinangako ko sa'yo. Kahit ilang bowl pa ng pares ubusin mo, sagot ko!" hagalpak ang tawa ko.

"Tang orange juice naman akala ko kung ililibre mo na ako sa mamahaling restaurant, sa paresan lang pala." Kung magkatabi lang kami nitong dalawa malamang binatukan na ako nito. Lambing kaibigan lang.

"Seryoso Kambs, ililibre kita kapag may ipon na ako. Sa ngayon kasi alanganin pa eh," sabi ko rito.

"It's okay Kambs, kinakamusta lang naman kita dahil sobrang na miss kita. At may ibabalita ako sa'yo," excited na wika nito.

Excited rin ako sa ibabalita nito. "Ano 'yon, Kambs?"

"I'm pregnant, Kambs!!" anunsiyo nito.

"Congratulations Kambs, ninang ako ha!" nakangiting wika ko.

Dalawang taon na rin silang nagsasama ng nobyo niyang si Noel. Nagkakilala lang din sila sa trabaho. 

"Oo naman, nangunguna ka nga sa listahan eh," humagikhik pa ito.

"Pero teka lang Kambs, nasabi mo na ba ito kay Noel?" 

"Hindi pa Kambs, balak ko surpresahin ko siya mamaya. Ngayon ko lang din kasi nalaman," masaya niyang sambit.

"I'm so happy for you Kambs, sa wakas mommy ka na." 

"Eh ikaw Kambs, kailan mo balak magkaroon ng boyfriend?" 

"Bakit sa akin napunta ang usapan?"

"Kambs naman, malapit ka nang pag-iwanan ng biyahe. Huwag mong sabihin na hindi ka pa rin ready?"

"Kambs, dadating din ako riyan at isa pa twenty four lang ako, hindi pa ako nagmamadali, hindi pa siguro ito ang tamang panahon."

"Kailan 'yong tamang panahon, Kambs? Kapag ugod-ugod ka na? Ganoon?" tumawa ito.

"Sobra ka naman Kambs, may pangarap pa ako sa buhay na gusto kung marating. Nagbabalak nga akong bumalik sa pag-aaral eh," wika ko rito. 

"Gusto ko 'yan Kambs, basta balitaan mo ako kapag may manliligaw ka na ha?"

Mukhang excited pa itong kaibigan ko sa akin na magkaroon ako ng boyfriend. Eh, sa wala pa nga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon hangga't hindi ko pa natutupad ang pangarap ko sa buhay na makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. 

Natapos din ang pag-uusap namin ng kaibigan kong si Mira. Alas siete pa lang ng umaga, papasok na rin ito sa trabaho dahil walking distance lang naman ang tirahan nito sa trabaho niya.

Grave yard shift ngayon ang pasok ko. Nasanay na rin ang katawan ko sa oras ng duty ko. Madalas pag-uwi ko nang boarding house hindi agad ako natutulog kaya nakaugalian kong maglinis sa bahay ni Nanay Cita, ang aking landlady. 

"Matulog ka na at ako na riyan may pasok ka pa mamaya," saway ni Nanay Cita sa akin.

"Mamayang gabi pa po ang pasok ko, hindi pa po kasi ako inaantok eh." 

"Ikaw talaga, o siya kung ayaw mo pang matulog sabayan mo na lang akong mag-almusal pagkatapos mo riyan." 

"Hindi ko po tatanggihan ang grasya dahil masama po ang tumanggi sa grasya," natatawa kong wika.

"Ganoon na nga, bilisan mo na!" saka ito tumalikod at dumiretso sa kusina.

Binilisan ko ang aking ginagawa para masabayan ko ito sa pagkain, medyo kumakalam na rin kasi ang aking sikmura. Madalas akong isinasabay nito sa pagkain kapag wala akong pasok. Hindi lang sa trabaho nakakalibre ako ng pagkain, pati rito sa boarding house dahil kay Nanay Cita.

Patapos na ako sa aking ginagawa nang may mag doorbell. Nakita kong lumabas ng kusina si Nanay Cita at dumiretso ito sa labas upang tingnan kung sino ang nag doorbell.

Ilang saglit lang pumasok ulit ito.

"Ann, may naghahanap sa'yo sa labas. Jake raw," wika ni Nanay Cita. "Kasamahan mo ba 'yon sa trabaho?" 

"Manager ko po 'yon 'nay."

"O siya, baka importante labasin mo na!" Bumalik ulit ito sa kusina.

Ano kaya kailangan ni sir Jake? May mali kaya sa reports ko? Kung may mali dapat itinawag niya na lang. Talagang sinadya pa akong puntahan dito sa boarding house ko, nakakahiya naman.

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 3

    Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ano kaya kailangan ni Sir Jake?Pagbukas ko ng gate nakita ko kaagad si Sir Jake nakatalikod ito at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan nitong alaga sa gym. Nang matapos itong makipag-usap sa cellphone, agad akong tumikhim para hindi halata na pinagnanasaan ko siya, este pinagmamasdan pala."Good morning po Sir, may mali po ba sa report ko kaya kayo naparito?" agad na tanong ko. Hindi pa naman ito nakasagot dinugtungan ko na kaagad. "Itinawag niyo na lang po sana Sir, para ako na po ang pupunta roon at nang hindi na kayo nag-abalang pumunta rito o di kaya'y ipinag-utos niyo na lang po.""Hindi ako makasingit ah," nakangiti nitong saad. "Good morning!""Ay sorry po," nahiya kong sambit."No, it's okay. Actually hindi pa ako dumaan sa station.." tumikhim ito na parang tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.Naghihintay rin ako sa sasabihin nito kaya napatingin ako sa kaniya."Ano kasi.." "Say it Si

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Accidentally Love You   Chapter 4

    Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin. Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari."Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko."Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.Napapailing

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Accidentally Love You   Chapter 5

    Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko. "Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad it

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Accidentally Love You   Chapter 6

    Bago ko pa man mailapat ang panyo para ipagpag sa damit niya inihinarang niya ang kamay niya. "It's okay, don't bother." Lalo akong nahiya, hindi ako makatingin dito.Maya maya ay unti-unti kong iniangat ang tingin ko rito at agad na nagtama ang aming paningin. Pakiramdam ko lang matagal na siyang nakatingin sa akin habang nakayuko ang ulo ko.Minumulto ba ako? At bakit siya na naman? I heard him chuckled. "Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo nating dalawa."Dapat lang din pala na tumilapon sa damit niya ang laman ng baso. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Mundo mo lang." "Ang sungit." Nakapamulsa ang isang kamay nito. "Dito ka pala nakatira?" Nakatingin pa rin ito sa akin. "Ay hindi, napadaan lang ako," sarkastiko kong sagot dito. Tumawa ito ng mahina. "Ano naman ngayon sa'yo kung dito ako nakatira? Stalker ka 'no?" Nakataas ang mga kilay ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. "Ang pagmumukhang ito, stalker?" Duro niya sa sarili niya. "Para namang ang ganda mo par

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Accidentally Love You   Chapter 7

    Sinamaan ko ito ng tingin parang hindi tumalab at lalo pang ngumisi."Ganiyan ka ba talaga ka bastos? Hindi ka ba marunong rumespeto?" Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Tinalikuran ko ito at umakyat sa silid na inuukupa ko. Nawalan na ako nang ganang kumain. Umupo ako sa higaan ko at huminga ng malalim."Relax self, relax..." Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko habang nag-i-inhale-exhale ako.Pagkatapos ng isang oras na pagpapakalma ko sa aking sarili, ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 'Yong tipong hindi nakakalikha ng tunog. Parang magnanakaw lang ang peg.Sumilip muna ako sa kusina baka nandoon pa siya. Mukhang wala na yata dahil ang tahimik, eh. Pumasok na nga ako sa kusina at nabungaran ko ang isang box ng noodles na nakapatong sa itaas ng lamesa at ang supot na may lamang pagkain na pang peace offering daw nito sa akin. Hindi ko na rin nakita ang bowl ng noodles sa lamesa, sa halip nakita ko ito sa lagayan na ng mga plato.Kumakalam na rin ang sikmura ko at humupa na ri

    Huling Na-update : 2022-10-20
  • Accidentally Love You   Chapter 8

    "What the hell are you doing here?" bulalas nito at agad na tinakpan nito ang kaniyang pagkalalaki bago tumalikod sa akin. Sapagkat bahagyang nakaharap ito nang bigla kong buksan ang pinto ng banyo. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kung mapagsino ang nabungaran ko.Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa nakita ko. In fairness, ang guwapo ng katawan niya. Sa buong buhay ko ngayon lang din ako nakakita ng buhay na buhay na anaconda. Tumalikod agad ako rito baka sabihin nito nag e-enjoy ako sa tanawing nakikita ko. "Sorry po talaga, naje-jebs na kasi ako kaya hindi ko napansin na for boys only pala itong napasukan ko," paliwanag ko rito."Hindi napansin? O, baka sinadya mo talagang pumasok dito?" wika ng lalaki na tila nang-aasar pa."Ang kapal din naman talaga ng mukha mo, ano? Mag-lock din kasi ng pinto pag may time..." sigaw ko rito bago lumabas ng banyo ngunit ang kabog ng dibdib ko hindi pa rin maalis-alis.May sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinak

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • Accidentally Love You   Chapter 9

    Sobrang sakit ng likod ko nang matapos na may mangyari sa aming dalawa. Agad na tumalikod ako rito. Hindi ko inaakala na sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking iniingatang yaman sa isang taong hindi ko lubusang kakilala. Kusang bumagsak ang mga luha ko. Sobra ang aking pagsisisi dahil sa aking kapusukan. Pakiramdam ko lahat ng mga pangarap ko parang bigla na lang naglaho.Nakahiga rin ito sa aking tabi. Naramdaman yata nito ang aking paghikbi kaya bumangon ito."Sorry..." anito.Hindi pa rin ako humarap dito, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Tumayo na ito at isinuot ulit nito ang basa niyang damit pagkatapos lumabas na ito ng bahay kubo.Napahagolhol ako ng iyak. Pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan basta na lang siya umalis na parang wala lang nangyari? Maya maya pa ay bumangon na rin ako at nagbihis bago lumabas ng bahay kubo. Tumila na rin ang ulan. Binitbit ko na rin ang dala kong bag paglabas ko ng baha

    Huling Na-update : 2022-10-26
  • Accidentally Love You   Chapter 10

    Samo't sari ang pumapasok sa utak ko. Paano kong mabubuo ang bata sa sinapupunan ko? Ano ang gagawin ko? Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Bilang lang sa daliri ko ang mga araw na nagkita kami ng taong unang umangkin sa akin ngunit nagawa kong ipagkaloob kaagad dito ang sarili ko. Kahit apelyido nito hindi ko alam. Pinahidan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin?Kinabukasan paggising ko masakit ang katawan ko lalo na ang ilalim ko. Hindi muna ako lumabas sa aking silid bagkus tinawagan ko ang kaibigan kong si Mira."Hay sa wakas... nagawa rin akong tawagan..." Tumawa pa ito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo, kamahalan?" Pang-aasar pa nito sa kabilang linya."Kambs..." tawag ko rito na pilit kong pinipigilang mabasag ang boses ko."Bakit kambs... may pro

    Huling Na-update : 2022-10-30

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 32

    Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will

  • Accidentally Love You   Chapter 31

    Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga

  • Accidentally Love You   Chapter 30

    PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki

  • Accidentally Love You   Chapter 29

    Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at

  • Accidentally Love You   Chapter 28

    Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal

  • Accidentally Love You   Chapter 27

    Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami

  • Accidentally Love You   Chapter 26

    Habang nagmamaneho ito, halos hindi pa rin ito mapakali. "Baby, huwag ka muna lumabas ha, hintayin mo muna na makarating tayo ng hospital. Kalma ka lang muna diyan sa tummy ni mommy," anito habang marahan nitong hinihimas ang aking tiyan gamit ng isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napangiti naman ako kahit na ang pakiramdam ko ay parang lalabas na ang aking anak. Minsan nasasabi ko sa aking sarili na sana ay siya na lang ang naging ama ng aking anak, dahil alam ko at nakikita ko na isa siyang mabuting ama para rito. Katamtaman lamang ang pagpapatakbo nito ng sasakyan hanggang sa makarating kami ng ospital na kaagad din naman akong dinaluhan ng mga nurse at doctor.Ilang saglit lang at ipinasok na nila ako sa delivery room. At dahil first baby ko ito, ay medyo nahirapan akong ilabas ang anak ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kenneth, at hindi niya ako pinabayaan hanggang sa mailabas ko na nga ang aking anak. "It's a healthy baby boy!" wika ng doctor. Muli

  • Accidentally Love You   Chapter 25

    Lumipas pa ang mga araw, naging linggo at buwan. Malapit na rin ang aking kabuwanan, kung kaya't hindi na ako pinayagan ni Kenneth na pumasok sa trabaho. Halos hindi na rin siya umaalis sa aking tabi. Minsan may mga araw na kailangan niyang lumuwas ng Maynila dahil ipinapatawag siya ng kaniyang Lolo at hindi niya hinahayaan na maiwan akong mag-isa sa apartment, kung kaya't pinapapunta niya si Winona rito. Katulad ngayon at wala siya, kaya si Winona ang kasama ko sa apartment.Nakonpronta ko na rin si Winona tungkol sa pagtira ko sa bahay ng Tita niya raw at iyon pala ay sa Lola ni Kenneth, na inamin din naman ni Kenneth sa akin noon. Limang taon na ang nakararaan simula noong namatay ang Lola ni Kenneth, ang ina ng kaniyang mommy. At ang kabilin-bilinan nito sa kaniya na alagaan ang bahay nito kahit wala na ito. Kung kaya't pinapaalagan niya pa rin ito sa trabahador ng Lola niya na si Mang Berto. "Alam mo, Jo. Sa mga na karelasyon ni Sir Kenneth dati, ikaw talaga ang nag-stand out,"

  • Accidentally Love You   Chapter 24

    Pumunta kami sa mall upang bumili ng damit na susuotin ko para sa opening ng isang branch ng KS Pasalubong Center. Magkahugpong ang aming mga kamay habang naglalakad kami papunta sa isang botique nang makasalubong namin ang isang babae."Kenneth?" tila gulat na tanong ng babae. "Oh my gosh, it's really you!" Sabay yakap nito sa kaniya na kaagad naman niyang pinigilan. "How are you? Kailan ka pa rito?" muling tanong nito nang nakangiti kay Kenneth kahit mukhang walang balak magsalita itong si Kenneth. Bumaling naman ang tingin ng babae sa akin na bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Who is she?"Kaagad na hinapit naman ni Kenneth ang baywang ko upang idikit ito sa katawan niya. "She's my wife!" malamig na wika nito sa babae.Tila nag-iba naman expression ng mukha ng babae dahil sa pagpapakilala ni Kenneth sa akin na asawa raw ako nito. Nais ko sana siyang pigilan ngunit pinisil nito ang aking kamay na tila nagpapahiwatig na sakyan ko na lamang ang naisipan nitong palabas kung k

DMCA.com Protection Status