TANGING ANG dulo lang ng baba ng lalaki ang kinunan niya ng larawan para manatiling misteryo ang pagkakakilanlan nito. Hindi nagtagal ay lumayo na siya rito ng tuluyan. “Pasensya na.” agad niyang paghingi ng paumanhin dito. “Anyway, ako nga pala si Asha.” inilahad niya kaagad ang kanyang kamay upang makipagkamay dito. Kanina pa kasi sila nag-uusap ay hindi man lang nila alam kung ano ang pangalan ng isat-isa.“Flynn.” sabi naman nito at nakipagkamay sa kaniya. Nginitian niya lang ito at dali-daling binawa ang kamay dahil plano niyang i-post ang larawan nila ni Flynn sa kanyang peysbuk. Kahit na hindi ito makita ni Lawrence ang importante ay makita ito ng kanyang mga kaibigan doon. Isa pa, kung makita man ito ni Lawrence ay wala siyang pakialam. Gusto niyang patunayan dito na simula ngayon ay babaguhin niya na ang kanyang buhay at susubukan niya na ang lahat para lang makalimutan niya ito.May ngiti sa kanyang mga labi nang matapos niyang i-post ito. Napalingon naman siya bigla kay Fly
HINDI NA SIYA nagdalawang isip pa, dali-dali niyang tinawagan si Adam. gusto niyang magtanong ng tungkol kay Lawrence. Tiyak na may alam ito. “May problema ba?” tanong nito kaagad sa kaniya nang sagutin nito ang tawag niya.“Ahm, Adam alam mo ba kung nasaan si Lawrence? Nandito ba siya?” tuloy-tuloy na tanong niya rito dahil iyon naman talaga ang gusto niyang malaman kaya wala ng dahilan pa para magpaligoy-ligoy pa. Kapag nasagot nito ng maayos ang kanyang tanong ay baka sakaling mabawasan ang kanyang pag-aalala.“Huh? Wala naman siyang sinabi sa akin na pupunta siya rito.” sagot nito sa kaniya.Dahil sa sagot nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Hindi niya rin makuhang hindi paghinalaan si Adam lalo pa at magkaibigan sila ni Lawrence. Paano kung may alam ito kaya lang ay pinipili nitong pagtakpan ang kaibigan nito? “So, hindi mo siya nakakausap ganun ba?”“Hindi. Bakit ba? May problema ba at tinatanong mo kung nandito siya?” may himig ng pagtatakang tanong nito sa k
NAGULAT NA LANG siya nang makalapit na pala ito ng tuluyan sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang mga braso at bigla na lang siya nitong hinila palapit dito. Sinubukan niyang labanan ang ginagawa nito ngunit naging limitado lang ang mga kilos niya dahil natatakot siya na baka malaglag ang tapis niyang tuwalya.Ang isang kamay nito ay umakyat at hinawakan ang kanyang baba. Hinaplos nito iyon patungo sa kanyang pisngi na halos ika-panginig ng mga laman niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang itong nagsalita. Inilapit nito ang mukha sa kanyang tenga kung saan ay tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga. “Asan na ang tapang mo? Sa tawag ka lang ba matapang?” tanong nito sa kaniya.Napalunok siya. Natatakot siyang napatitig sa mga mata nito. “A-ano bang dapat kong gawin para palayain mo na ako ng tuluyan?” mahina niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito. “Wala kang kailangang gawin dahil…” tumitig ito sa kanyang mga mata. “Hinding-hindi kita pakakawalan
ALAM NA ALAM nito kung paano siya nito kontrolin. Alam na alam na talaga nito kung ano ang kahinaan niya. Ngumiti ito habang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay lumapit ng tuluyan upang bulungan siya. “Sabi ko na sayo… sa huli, hindi mo rin ako kayang hindian. Your body screams from my touch.” sabi nito sa kaniya bago ito tuluyang pumatong sa ibabaw niya.Nagsimulang gumalaw ang mga kamay nito at dinama ang bawat bahagi ng katawan niya. Nang mga oras na iyon ay bigla siyang nanliit sa sarili niya dahil nawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya. Sa huli ay hindi pa rin siya nakaalis sa puder ni Lawrence. Napatitig siya rito, paano niya ba sasabihin dito na pwede naman itong humanap ng iba para makalaya na siya? Napalunok siya. “Pwede ka namang humanap ng mas malinis na babae kaysa sa akin, sa itsura at yaman mo ay tiyak na hindi ka na mahihirapan pang hanapin ito.” sabi niya kahit na pakiramdam niya sa sinabi niya ay sobrang baba na niya masyado.Huminto ito sa ginagawa at pagkatap
NAGULAT SIYA nang bigla na lang itong bumangon at pagkatapos ay hinawakan ng mariin ang kanyang magkabilang balikat dahilan para mapadaing siya sa sakit. “Lawrence, bitawan mo ako ano ba! Nasasaktan ako…” reklamo niya dahil pakiramdam niya ay madudurog na ang mga ito dahil sa sobrang sakit.“Ano bang pumapasok diyan sa isip mo at sinasabi mo ang mga bagay na yan ha? Talaga bang ginagalit mo ako?!” nanginginig sa galit na tanong nito at bahagyang niyugyog siya.Napapikit siya ng mariin. “Hindi ko sinabi ang mga iyon para lang mairita ka. Ano bang masama kung gusto kong subukan ha?” balik niyang tanong dito. Wala na siyang pakialam pa kung mas lalo pa itong mainis. Naiinsi na rin siya rito.“Asha, alam mo ba kung ano ang sinasabi mo ngayon ha?! Talaga bang naghahanap ka ng dahilan para masaktan ka?!” sigaw nito at kasunod nito ay bigla na lang siya nitong inihaga at walang sabi-sabi na ibinuka ang kanyang mga hita bago ipinasok ang sandata nito sa kaniya.“Gawin mo, yan naman ang gusto
GUSTO NIYANG MATAWA nang marinig niya ang sinabi nito. Isa ba iyong joke? “Sa tingin mo ba makukumbinsi mo ang isang tao na bumalik sa dati dahil lang sa salita mo? Lalo na at ikaw nag nagtulak sa kaniya na magbago? Ano? Naglolokohan lang ba tayo dito?” sarkastikong tanong niya rito. “Wala na akong nararamdaman pa sayo.”Tumaas naman ang kilay nito nang marinig ang sinabi niya. “Sigurado ka ba na wala ka na talagang nararamdaman pa?” tanong nito at lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi siya nakagalaw, hindi niya nagawang iiwas ang kanyang mukha mula dito hanggang sa maramdaman na niya ang pagtama ng mainit nitong hininga sa mukha niya.Sunod-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa tuluyan na siyang nagkaroon ng lakas ng loob para itulak ito palayo. “Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” pilit niyang pinagtatakpan ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi niya alam ngunit sa kanilang pagkakalapit ay bigla na lang naging erotiko ang pagtibok nito. Itinulak niya ito dahil sa tako
~NANG IMULAT NIYA ang kanyang mga mata kinabukasan ay sumalubong sa kaniya ang pamilyar na kisame kung saan ay pakiramdam niya, parang panaginip lang ang mga nangyari kagabi. Pagkagising niya ay bigla niyang naalala ang tungkol kay Flynn. Gusto niyang alamin kung kamusta na ito ngunit hindi niya alam kung saan ito nakatira. Bagamat nasa kaniya ang number nito ngunit nang tawagan niya kasi ito ay nakapatay ang cellphone nito.Nagbihis na siya at nakakain na rin. Nakaupo siya sa may sofa at nakatulala. Nag-iisp kung ano ang gagawin niya noong araw na iyon. Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang lumabas at bumili ng mga bago na naman niyang damit dahil halos lahat ng bagong bili niyang damit ay pinunit ni Lawrence. Umakyat siya sa kanyang sildi at kinuha ang kanyang cellphone pagkatapos ay tinawagan niya si Adam. “libre ka ba ngayon?” tanong niya kaagad dito nang sagutin nito ang tawag niya.Bumuntong-hininga ito. “Uuwi ako ngayon ng bansa.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang napakunot n
MADILIM ANG mga mata niyang nilingon ito. “E di ano pa sanang gagawin sa mga taong hindi ginagawa ang mga trabaho nila?” inis na tanong niya rito.Napabuntong-hininga lang ito at pagkatapos ay lumapit sa walang malay na si Colt. umupo ito sa tabi nito at nagtanong nang hindi tumitingin sa kanya bagkus ay nakatitig lang sa nakapikit na si Colt. “sa tingin mo, sino ang may gawa ng bagay na ito?” Nagtagis ang mga bagang niya bago sumagot. “Wala naman akong ibang maisip na gagawa ng bagay na ito kundi tanging si River lang. Malamang na siya ang may gawa nito.” sagot niya habang bakas ang labis na galit sa kanyang mga mata.“Sigurado ka ba?”“Pinapa-imbestigahan ko na. Maghintay na lang muna tayo ng resulta. Sasabihin ko kaagad sayo kapag may nakarating na sa akin.” sabi niya kaagad para kahit papano ay mabawasan na ang iniisip nito.Tumango lang ito sa kaniya. Pagkatapos nun ay lumabas muna siya sa balcony para manigarilyo. Para kahit papano ay humupa ang inis na nararamdaman niya sa mga
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.