MADILIM ANG mga mata niyang nilingon ito. “E di ano pa sanang gagawin sa mga taong hindi ginagawa ang mga trabaho nila?” inis na tanong niya rito.Napabuntong-hininga lang ito at pagkatapos ay lumapit sa walang malay na si Colt. umupo ito sa tabi nito at nagtanong nang hindi tumitingin sa kanya bagkus ay nakatitig lang sa nakapikit na si Colt. “sa tingin mo, sino ang may gawa ng bagay na ito?” Nagtagis ang mga bagang niya bago sumagot. “Wala naman akong ibang maisip na gagawa ng bagay na ito kundi tanging si River lang. Malamang na siya ang may gawa nito.” sagot niya habang bakas ang labis na galit sa kanyang mga mata.“Sigurado ka ba?”“Pinapa-imbestigahan ko na. Maghintay na lang muna tayo ng resulta. Sasabihin ko kaagad sayo kapag may nakarating na sa akin.” sabi niya kaagad para kahit papano ay mabawasan na ang iniisip nito.Tumango lang ito sa kaniya. Pagkatapos nun ay lumabas muna siya sa balcony para manigarilyo. Para kahit papano ay humupa ang inis na nararamdaman niya sa mga
NAPASIGAW NG MALAKAS si Asha dahil sa matinding kaba nang kamuntikan na niyang mabangga ang likod ng sasakyan ng sinusundan niya. Ang lakas kasi ng loob niya na magmaneho e, iyon tuloy ang napapala niya. Ang bilihan pa naman ng damit ay medyo may kalayuan lalo na at napakabagal pa ng takbo niya.Mabuti na lang at wala siyang nakasalubong na mabilis na sasakyan dahilan para makarating siya kanyang pupuntahan ng maayos. Napahinga siya ng maluwag nang tuluyan na nga siyang makarating sa destinasyon niya. Bumaba siya kaagad ng kotse at pumasok sa loob ng bilihan ng damit. Halos kalahating oras din siyang namili at pagkatapos ay nagutom siya kaya naghanap na lang din siya ng makakainan niya.Bago pa man siya puntahan ni Lawrence ay nakapag-desisyon na talaga siyang sanayin ang sarili niya na gawin ang mga bagay ng mag-isa. Sa kanyang paglabas ng mag-isa ay bigla niya tuloy naisip na wala man lang siyang matawag na kaibigan sa Pilipinas. Puro mga kakilala lang dahil hindi naman sila mga clo
PAG-UWI NIYA, nagulat siya nang makita niyang nakabalik na pala si Don Lucio at dahil doon ay mas lalo pa tuloy na gumaan ang pakiramdam niya. Hindi na siya talaga magugulo pa ni Lawrence dahil tiyak na poprotektahan siya nito. Agad siyang tumakbo palapit dito at niyakap ito na para bang isang tunay niyang ama. “Kamusta na po kayo?” tanong niya kaagad dito.“Okay lang ako hija, ikaw kamusta ka?” tanong nito habang nakatingin sa kaniya na punong-puno ng pagmamahal ang mga mata. Hindi niya maiwasang maging emosyonal lalo pa at ito lang ang tumitingin ng ganuoon sa kaniya dahil wala na nga siyang magulang. Hindi niya kilala ang kanyang ama at wala na rin ang kanyang ina.“Okay lang po ako, na-miss ko po kayo sir.” sabi niya rito.Ngumiti lang naman ito sa kaniya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. “Siya nga pala, napagsabihan ko na si Lawrence kaya nasisiguro ko sayo na hinding-hindi ka na niya guguluhin pa.” nakangiting sabi nito sa kaniya. Talagang tiniyak nito na hindi na siya magu
MAG-AALAS NUWEBE na nang gabi nang lumabas si Asha sa bahay para pumunta sa bar kung saan sila magkikita ni Lester. Nang nandoon na siya ay agad na niyang chinat ito kung saang bar sila magkikita at pagkatapos ay agad naman itong nagreply sa kaniya na pupunta na raw ito. Hindi na niya ito nireplayan pa at itinago ang kanyang cellphone.Dumiretso siya sa counter ng bar at agad na umorder ng isang cocktail drink. Naubos na niya ang kanyang iniinom nang biglang may tumabi sa kaniya. Nang lingunin niya kung sino ito nakita niyang si Lester pala na titig na titig sa kaniya. Hindi ito nagsalita dahilan para mapakunot na ang noo niya. Napailing ito. “Akala ko ay hindi ikaw.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bakit binago mo ang pananamit mo?” puno ng pagtatakang tanong nito sa kanya. “Nakakapanibago.”Nagkibit balikat lang siya at muling humarap sa bartender pagkatapos ay umorder pa ulit at sa pagkakataong iyon ay sa kanilang dalawa na
MULI ITONG nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay napailing dahil sa sagot niya. “Alam mo, ibang-iba ang lumalabas sa bibig mo kaysa sa ikinikilos mo.” napapailing na sabi nito sa kaniya.Matalim ang mga matang napatitig siya rito. “Alam ko ang ginagawa ko, kaya huwag mo akong turuan at pangaralan.” sabi niya rito dahil kung tutuusin ay pareho lang naman sila na hindi marunong magseryoso sa mga babae kaya wala itong pangaralan na para bang napakatino nito.Isa pa, baka mamaya ay mas malala pa ito sa kaniya tapos kung pangaralan siya nito ay wagas. “Sus, pero hindi naman ako ganyan no.” natatawang sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay lumapit sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang balikat. “Kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka kay Asha ay tigil-tigilan mo na yang pagiging possessive mo pagdating sa kaniya dahil sa totoo lang ay halata naman sa mga kilos mo na nababaliw ka na sa kaniya. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohan dahil sa sarili mo mismo ay hindi ka makap
PAGKATAPOS NILANG kumain ni Lester ay agad na silang naglakad pabalik sa may sasakyan ngunit katulad kanina ay naramdaman pa rin niya na parang may sumusunod pa rin sa kanila at ngayon ng ay nag-umpisa na siyang maging hindi komportable. Ngayon niya napagtanto ang isang bagay. Kaya hindi na siya ginugulo ni Lawrence ay dahil may inutusan itong subaybayan ang lahat ng galaw niya. Bagamat hindi na siya nito ginugulo pa ay ang pagpapasunod sa kaniya kahit na saan pa siya pumunta ay parang sobra naman na yata.“Lester.” tawag niya sa katabi niya at dahil doon ay bigla itoong napatigil sa paglalakad at nilingon siya.Agad na kumunot ang noo nito at tumingin sa kanya. “May problema ba?” tanong nito sa kaniya.Bigla rin siyang napalingon sa likod niya at lumingon sa kaliwat-kanan niya ngunit wala siyang nakita. Panigurado na noong nakita nitong tumigil sila ay malamang sa malamang na nagtago ito para hindi nila ito makita. Huminga siya ng malalim. Kung talagang inutusan ito ni LAwrence na su
.KUNOT NA KUNOT ang noo ni Lawrence habang nakatingin sa tauhan niyang nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Ito ang iniwan niya sa Italy para bantayan at sundan si Asha sa lahat ng pupuntahan nito. Hindi pa naman niya ito pinapauwi ngunit gulat na gulat siya nang magpakita ito sa kaniya. “Bakit ka nandito?” salubong ang mga kilay na tanong niya rito.Yukong-yuko ito at hindi halos makatingin sa kaniya. “Pasensya na po sir pero pinagbantaan niya ako na isusumbong daw po niya kayo kay Don Lucio kaya wala akong choice.” sagot ng tauhan ni Lawrence. Inembento na lang niya ang sagot niya para hindi ito magalit sa kaniya. Napasuntok si Lawrence ng wala sa oras sa kanyang mesa nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano?! Binantaan ka lang niya natakot ka na?” kuyom na kuyom ang mga kamay niyang tanong dito habang nagtatagis din ang kanyang mga panga dahil sa labis na galit. “Alam niyo naman po ang utos ni sir hindi ba? Natatakot lang po ako para sa inyo.” sabi nito sa kaniya dahilan para m
ISANG NAKAKAPANGILABOT na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Luke ng mga oras na iyon. “Sunugin natin ang mga pagawaan niya at wasakin natin ang lahat ng pag-aari niya para makita niya kung sino ang kinakalaban niya.” sabi nito.“Ahh, alam ko na. Diba mayroon siyang nakababatang kapatid na babae?” sabi ni Adam bigla na may kakaibang tingin sa mga mata nito na para bang may ipinapahitawig ito at alam niya na kaagad kung ano ang iniisip nito.Tumaas ang sulok ng labi nito. “E anong binabalak mo? Isa pa, sa tingin mo ba ay maaapektuhan siya kapag nagkataon?” tanong naman niya rito.Si Luke ang sumagot sa kaniya. “Mahal na mahal ni River ang kanyang kapatid na iyon kaya tiyak na kapag may ginawa tayo sa kapatid niya ay baka kung mabaliw siya sa sama ng loob.” sabi nito sa kaniya.“Sa tingin mo ay masasaktan siya kapag sinaktan natin ang kapatid niya kapag nagkataon?” tanong niya ulit dito.“Aba’t oo.” malakas ang loob na sagot ni Adam dahilan para mapakunot ang kanyang noo.“Handa ka ba na
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo rin ang mga nangyari sa pagitan natin.” sabi nito sa kaniya.Agad na napakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sinabi nito. “Kung ang tinutukoy mo ay ang mapipilit mo sa akin at dahil sa ginawa mo akong parausan ay hindi ako masaya at hinding-hindi ako naging masaya. Hindi mo naaalala yung mga sinabi ko sayo? Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa bagay na nayuyurakan ang pagkatao ko?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Para bang nag-iisip ito o kung natamaan man lang ba ito sa mga sinabi niya, ngunit syempre ay napaka-imposibleng mangyari ng bagay na iyon dahil ang mga taong katulad ni Lawrence ay masyadong walang puso at hinding-hindi maa
HINDI NA NIYA mahintay pa ang araw na aalis si Lawrence at pupunta ng Taiwan. Kapag umalis ito ay paniguradong magiging malaya na siya at magiging tahimik na ang buhay niya. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kanyang likod kung saan ay nakita niya na paalis na ang kotse ni Lawrence dahilan para mapabuntong-hininga na lang siya.Tahimik siyang naglakad papasok ng campus at pagkatapos ay dali-daling hinubad ang coat na ipinasuot sa kanya ni Lawrence. Sa tingin ba talaga nito ay susundin niya ang utos nito sa kaniya? Nagbago na siya. Hindi na siya yung dating ASha na kilala nito.“Uyy…” napahawak siya sa kanyang dibdib sa matinding gulat nang bigla na lang sumulpot si Lester sa kung saan.“Aatakihin naman ako sa puso sayo.” sabi niya at naghahabol ng paghinga.Napakamot naman ito kaagad sa ulo nito at bahagyang ngumiti sa kaniya. “Sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka.” sabi nito sa kaniya.Tiningnan niya ito. “Wala ka bang klase?” tanong niya rito. Hindi niya kasi ito kaklase sa iba
NAPATIGIL SIYA SA PAGSASANDOK nang marinig niya ang mga yabag na tumigil hindi kalayuan sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Lawrence na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya habang salubong na salubong ang mga kilay. “Ano yan? Papasok ka ba talaga sa paaralan o mang-aakit lang ng mga lalaki?” puno ng panunuyang tanong nito sa kaniya.Tumaas naman ang sulok ng labi niya. Sa halip na maapektuhan sa sinabi nito ay tinaasan niya ito ng kanyang kila. “E ano naman kung may balak akong mang-akit sa paaralan? Masama ba?” walang pake na tanong niya rito.Naging matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Balak mo ba talaga na i-provoke ako?” malamig na tanong nito sa kanya.“Hindi naman. Ano ba kasing pakialam mo sa pananamit ko?” kaswal na tanong niya rito. Nakataas pa rin ang kilay niyang tanong nito. Sa halip ay mas lalo pang gumuhit ang galit sa mukha nito.Napakuyom ang mga kamay nito. “Wala akong pakialam! Magpalit ka ng damit mo!” biglang sigaw nito sa kaniya na umalin
NAGLAKAD SIYA PAPALAYO roon nang hindi lumilingon. Ang katulad nitong adik na adik sa s3x ay dapat lang na mangyari iyon sa kaniya. Mas mainam pa nga kung mabugbog ang partying iyon ng katawan niya upang tuluyan niya nang hindi magamit pa. Naglakad siya pabalik patungo sa dalawa. Umupo siya sa tabi ni Adam na para bang walang nangyari bago niya inilibot ang kanyang paningin at nagtanong. “Saan nagpunta si Lawrence?” tanong niya na para bang hindi niya alam kung nasaan ito para lang mapagkatakpan na sumunod ito sa kaniya.Nagkibit-balikat lang naman si Adam at maging si Luke. “ewan, bigla na lang siyang umalis e. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta.” parehong sagot ng mga ito.Iginala niya ang paningin sa kanyang paligid nang mapansin niya na wala an ang mga babae kanina. Kumunot ang noo niya nang magtanong. “Nasaan na ang mga babaeng iyon kanina?”“Pinuwi ko na.” sagot ni Luke at biglang tumingin ito sa kaniya. Ang mga titig nito ay para bang may kakaiba dahilan para mag-iwas siy
NAGULAT SIYA NANG bigla na lang may humawak sa kanyang braso at itinulak siya papasok ng banyo bago pa man siya makapasok sa loob. Nang makita niya ito ay agad na napakunot ang kanyang noo. “Ba-bakit ka pumasok dito?” gulat na tanong niya rito. Hindi niya akalain na susundan siya nito.“Bakit mo sinabi ang mga iyon ha? Ano bang gusto mong patunayan?” galit na tanong nito sa kaniya.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Adam kanina?” tanong nito sa kaniya.“Ano naman ngayon? Anong pakialam ko ngayon doon?” walang emosyon na tanong niya rito. Sinalubong niya ang mga mata nito ng walang katakot-takot.“Talaga bang sinusubukan mo ako ha? Ayaw mo bang patunayan o subukan man lang kung totoo nga yung sinabi niya kanina?” nanghahamong tanong nito sa kaniya.“Hindi ako interesado. Lumabas ka na rito.” malamig na sabi niya rito pero nakatayo pa rin doon si Lawrence at walang kagalaw-galaw. Nakatingin lang ito sa kaniya.Nagulat siya nang bigla na lang nitong ipinulupot ang kamay nito sa beywang n
BAHAGYA itong natawa dahil sa sinabi niya at tumitig sa kaniya. “Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay na bumalik ka? Sa tingin mo ba talaga ay ganun-ganun lang iyon?” may nakakatakot na ngiti sa mga labi nito.“Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa akin ito ha? Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi na ako ulit magpapauto sayo!” inis na bulalas niya.Mas lalo pa naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa kaniya bago nagsalita sa mahinang boses. “Huwag ka ng magmatigas pa kung ako sayo. Nakikipag-usap ako sayo ng matiwasay kaya huwag mo sana akong galitin. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na kahit pa anong gawin mo ay hinding-hindi kita bibitawan, hindi mo pa rin ba iyon naiintindihan?” tanong nito sa kaniya.Hindi na lang siya sumagot. Kaysa makipagtalo pa siya rito ay pinili na lang niyang tumalikod at naglakad palayo mula dito. Pero habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niyang nakasunod ito ng tingin sa kaniya. Kung ganito at ganito ang ga
NGUMITI ITO SA kaniya pagkalipas ng ilang sandali. “Kahit na ano pa ang gusto mong isuot ay hindi kita pipigilan hija lalo pa at kung iyon naman ang ikakasaya mo.” sabi nito at ngumiti ng matamis sa kaniya. “Masaya ako na nakabalik ka na rito.” dagdag pa nito.Ngumiti lang din naman siya rito at pagkatapos ay para bang bigla itong may naalala. “Ay siya nga pala, naghanda si sir Lawrence ng isang welcome party para sayo kanina pang umaga. Halika tingnan mo.” excited na sabi nito sa kaniya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Si Lawrence po?” hindi makapaniwala niyang tanong.Nilingon siya nito at mas lumawak pa ang pagkakangiti. “Oo naku, nung nalaman niya na uuwi ka ay naghanda na siya kaagad ng welcome party para sayo. Nakakatuwa nga e.” masayang sabi nito sa kaniya.Napaawang na lang ang labi ni Asha nang marinig niya ang sinabi ni Manang Selya. Marahil ay hindi iniisip ni Manang Selya na walang kakaiba kay Lawrence kaya ginawa nito iyon ngunit siya sa sarili niya alam niya na may b
MATULIN NA LUMIPAS ang araw at dumating na nga ang takdang oras ng pagbalik niya sa bansa. Inihanda na niya ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay malungkot na iginala ang kanyang tingin sa loob ng silid. Nalulungkot siyang umalis dahil ayaw niya pa sana talagang umalis ngunit kailangan na. Nagulat na lang siya nang bigla na lang may nagsalita mula sa pinto. “Tapos ka na bang mag-ayos? Baka mahuli ka sa flight mo.”Nang lumingon siya sa pinto ay nakita niya si Don Lucio na nakatayo doon. Nag-presinta ito na ihatid siya sa airport kaya lang ay tumanggi siya dahil alam niya na kailangan nitong magpahinga. Sinabi na lang niya na sabay sila ni Lester na babalik kaya hindi na siya nito dapat pang ihatid pa.Ngumiti siya rito. “Tapos na po.” may halong lungkot na sabi niya. Hindi pa man siya nakakaalis ay nalulungkot na siya. Paano na lang kung nandoon na siya? Hindi kaya siya manibago?“Ah, tungkol nga pala sa pakiusap mo. ipagbibilin ko sa mga tauhan ko na hanapan ka ng maayos na condo.”
PAG-UWI NI Asha ay tinitigan niya ang mga maleta niyang nakahanda na sa gilid ng kama. Napaupo na lang siya ng wala sa oras at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Malapit na naman siyang bumalik ng bansa at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang umuwi muna. Kaso ay hindi pwede.Yung nandito na nga siya sa malayo ay nagagawa pa rin ni Lawrence na gumawa ng paraan para lang mapahirapan siya at talagang hindi siya nito tinigilan sa mga banta nito sa kaniya at kung babalik siya ng bansa, ano na lang ang naghihintay sa kaniya kung sakali lalo na at naroon pa rin ito? Ayaw niya sana itong makita o ni makasalamuha na ngunit kapag iniwasan niya naman ito ay baka sabihin nito na natatakot siya. Napakuyom ang kanyang mga kamay, hindi na siya papayag pa na yurakan pa nitong muli ang pagkatao niya.~~~~MAKALIPAS ANG isang linggo, umupo si Asha sa may kama at isa-isa nang isinisilid sa kanyang maleta ang mga damit niya. Mabigat ang loob niya habang inaayos ang damit niya da