MAG-AALAS NUWEBE na nang gabi nang lumabas si Asha sa bahay para pumunta sa bar kung saan sila magkikita ni Lester. Nang nandoon na siya ay agad na niyang chinat ito kung saang bar sila magkikita at pagkatapos ay agad naman itong nagreply sa kaniya na pupunta na raw ito. Hindi na niya ito nireplayan pa at itinago ang kanyang cellphone.Dumiretso siya sa counter ng bar at agad na umorder ng isang cocktail drink. Naubos na niya ang kanyang iniinom nang biglang may tumabi sa kaniya. Nang lingunin niya kung sino ito nakita niyang si Lester pala na titig na titig sa kaniya. Hindi ito nagsalita dahilan para mapakunot na ang noo niya. Napailing ito. “Akala ko ay hindi ikaw.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bakit binago mo ang pananamit mo?” puno ng pagtatakang tanong nito sa kanya. “Nakakapanibago.”Nagkibit balikat lang siya at muling humarap sa bartender pagkatapos ay umorder pa ulit at sa pagkakataong iyon ay sa kanilang dalawa na
MULI ITONG nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay napailing dahil sa sagot niya. “Alam mo, ibang-iba ang lumalabas sa bibig mo kaysa sa ikinikilos mo.” napapailing na sabi nito sa kaniya.Matalim ang mga matang napatitig siya rito. “Alam ko ang ginagawa ko, kaya huwag mo akong turuan at pangaralan.” sabi niya rito dahil kung tutuusin ay pareho lang naman sila na hindi marunong magseryoso sa mga babae kaya wala itong pangaralan na para bang napakatino nito.Isa pa, baka mamaya ay mas malala pa ito sa kaniya tapos kung pangaralan siya nito ay wagas. “Sus, pero hindi naman ako ganyan no.” natatawang sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay lumapit sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang balikat. “Kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka kay Asha ay tigil-tigilan mo na yang pagiging possessive mo pagdating sa kaniya dahil sa totoo lang ay halata naman sa mga kilos mo na nababaliw ka na sa kaniya. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohan dahil sa sarili mo mismo ay hindi ka makap
PAGKATAPOS NILANG kumain ni Lester ay agad na silang naglakad pabalik sa may sasakyan ngunit katulad kanina ay naramdaman pa rin niya na parang may sumusunod pa rin sa kanila at ngayon ng ay nag-umpisa na siyang maging hindi komportable. Ngayon niya napagtanto ang isang bagay. Kaya hindi na siya ginugulo ni Lawrence ay dahil may inutusan itong subaybayan ang lahat ng galaw niya. Bagamat hindi na siya nito ginugulo pa ay ang pagpapasunod sa kaniya kahit na saan pa siya pumunta ay parang sobra naman na yata.“Lester.” tawag niya sa katabi niya at dahil doon ay bigla itoong napatigil sa paglalakad at nilingon siya.Agad na kumunot ang noo nito at tumingin sa kanya. “May problema ba?” tanong nito sa kaniya.Bigla rin siyang napalingon sa likod niya at lumingon sa kaliwat-kanan niya ngunit wala siyang nakita. Panigurado na noong nakita nitong tumigil sila ay malamang sa malamang na nagtago ito para hindi nila ito makita. Huminga siya ng malalim. Kung talagang inutusan ito ni LAwrence na su
.KUNOT NA KUNOT ang noo ni Lawrence habang nakatingin sa tauhan niyang nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Ito ang iniwan niya sa Italy para bantayan at sundan si Asha sa lahat ng pupuntahan nito. Hindi pa naman niya ito pinapauwi ngunit gulat na gulat siya nang magpakita ito sa kaniya. “Bakit ka nandito?” salubong ang mga kilay na tanong niya rito.Yukong-yuko ito at hindi halos makatingin sa kaniya. “Pasensya na po sir pero pinagbantaan niya ako na isusumbong daw po niya kayo kay Don Lucio kaya wala akong choice.” sagot ng tauhan ni Lawrence. Inembento na lang niya ang sagot niya para hindi ito magalit sa kaniya. Napasuntok si Lawrence ng wala sa oras sa kanyang mesa nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano?! Binantaan ka lang niya natakot ka na?” kuyom na kuyom ang mga kamay niyang tanong dito habang nagtatagis din ang kanyang mga panga dahil sa labis na galit. “Alam niyo naman po ang utos ni sir hindi ba? Natatakot lang po ako para sa inyo.” sabi nito sa kaniya dahilan para m
ISANG NAKAKAPANGILABOT na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Luke ng mga oras na iyon. “Sunugin natin ang mga pagawaan niya at wasakin natin ang lahat ng pag-aari niya para makita niya kung sino ang kinakalaban niya.” sabi nito.“Ahh, alam ko na. Diba mayroon siyang nakababatang kapatid na babae?” sabi ni Adam bigla na may kakaibang tingin sa mga mata nito na para bang may ipinapahitawig ito at alam niya na kaagad kung ano ang iniisip nito.Tumaas ang sulok ng labi nito. “E anong binabalak mo? Isa pa, sa tingin mo ba ay maaapektuhan siya kapag nagkataon?” tanong naman niya rito.Si Luke ang sumagot sa kaniya. “Mahal na mahal ni River ang kanyang kapatid na iyon kaya tiyak na kapag may ginawa tayo sa kapatid niya ay baka kung mabaliw siya sa sama ng loob.” sabi nito sa kaniya.“Sa tingin mo ay masasaktan siya kapag sinaktan natin ang kapatid niya kapag nagkataon?” tanong niya ulit dito.“Aba’t oo.” malakas ang loob na sagot ni Adam dahilan para mapakunot ang kanyang noo.“Handa ka ba na
NAPABUGA SIYA ng hangin at pagkatapos ay sinamaan ng tingin ang dalawa na nakatayo sa may tabi ng pinto. “Kaibigan ko ba talaga kayong dalawa?!” nanlilisik ang mga tanong niya sa mga ito.Napakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa labis na inis. Alam niya na kung bakit nito ginawa iyon para lang mapatunayan nito na wala siyang interes sa ibang babae bukod kay Asha. malamang na sinabi na ni Adam ang tungkol dito ngunit ayaw nitong maniwala at gusto rin nitong makita kung totoo nga ba iyon. Ito ba ang sinasabi nito na tulong kanina?“Hindi ko akalain na ganito kaseryoso ang problema mo. nakakapanibago ka talaga.” umiiling na sabi ni Luke sa kanyang bigla.Sinamaan niya naman ito ng tingin. Yung tipong halos ikamatay na nito ang mga titig niya. “Pwede ba Luke, kung wala kang magandang sasabihin ay manahimik ka na lang!” nanggagalaiting anas niya dahil sa matinding galit.“Luke, tigilan mo na si Lawrence baka mamaya ay suntukin ka na niyan. Bahala ka.” sabi ni Adam rito.“Okay.” mabilis nam
SA HALIP NA NGITIAN niya ito pabalik ay bigla siyang hindi naging komportable dahil sa naging sagot nito sa kaniya. Paano ba naman kasi ay hindi niya akalain na magiging ganito ito na kung saan kung saan siya magpunta at kung kailan siya uuwi ay nakasunod ito ng nakasunod sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang hinid isipi na baka mamaya ay umaasa na ito sa kaniya na noong una pa lang ay naging tapat naman na siya rito na wala naman siyang nararamdaman para rito.Hindi niya rin tuloy maiwasang isip kung hanggang kailan ito magiging ganito sa kanya o kung kaya nga ba talaga nitong mabago ang nararamdaman niya in the future pero kung sa ngayon ay wala talaga siyang nararamdaman para rito pa. Napakaraming sakit ang naranasan niya sa kamay ni LAwrence nitong mga nakaraan na naging dahilan kung bakit ayaw niya pang buksan muli ang puso niya para sa iba. “Salamat sa pagiging mabait mo sa akin…” sabi niya habang nakayuko. Nagi-guilty siya sa totoo lang na hindi niya man lang maibalik ang gina
DAHIL SA PANANAKOT ni Lawrence ay hindi niya maiwasang mabalisa, halos hindi tuloy siya makapag-concentrate ng maayos sa kanyang mga ginagawa. Sa buong maghapon ay sinubukan niyang huwag isipin ang pagbabanta nito ngunit hindi niya pa rin maiwasang hindi mag-alala. Hindi niya akalain na maglalakas pa rin ito ng loob na bantaan siya sa kabila nang pagsasabi ni Don Lucio na huwag na siya nitong guguluhin pa.Hindi niya rin tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo pa at malapit-lapit na siyang bumalik ng bansa. Kahit na sinabi sa kaniya ni Don Lucio na pupunta ito ng Taiwan para pamahalaan doon ang negosyo para na rin hindi siya nito magulo ay hindi niya maiwasang hindi mabahala. Ang mga taong katulad ni Lawrence ay tiyak na hindi ganun basta-basta mapapatahimik. Panigurado na hindi ito titigil at hindi siya nito hahayaang mabuhay ng mapayapa. Manggugulo at manggugulo pa rin ito.“Ang lalim yata ng iniisip mo ah.” untag sa kaniya ni Lester nang hindi siya umiimik sa tabi nito. Magkasama na
NANG UMAGANG iyon ay napagdesisyunan niya na sunduin si Vienna. Tinawagan niya ito kanina bago siya maligo kaya nang matapos siyang maligo ay mabilis na siyang nagbihis. Pagkasakay niya sa kotse ay sinundan niya lang ang ibinigay na address nito at nang makarating siya doon ay nagulat siya nang mapagtanto na ang bahay pala iyon ni Luke. ang isa sa mga kaibigan ni Lawrence.“Kanina ka pa ba?” tanong nito nang lumabas ito mula sa loob.“Hindi naman.” sagot niya at pagkatapos ay hindi niya na napigilan pa na magtanong. “Uhm, dito ka ba nakatira?” tanong niya rito.Tumango ito sa kaniya. “Ah oo, kasambahay ako dito. Yung Tita ko kasi ay may utang sa kanila at ako ang itinalaga na magbayad.” sagot nito at pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.Natahimik naman siya at tumitig lang dito na puno ng simpatya. Ayaw na niyang magtanong pa dahil baka ma-offend lang ito kaya tumahimik na lang siya. Tumingin ito sa kaniya na para bang naghihintay ng sasabihin niya na may nag-aala
HINAYAAN NI Asha na gawin ni Lawrence ang gusto nito sa kanyang katawan at hindi ibig sabihin nun ay dahil sa sumuko na siya ulit sa paglaban at babalik na sa dating siya na sumusunod sa lahat ng gusto nito ngunit ang totoo at pagod lang siyang manlaban dahil alam niya na wala siyang magagawa. Isa pa ay mas mabuting hayaan na lang ito dahil hindi na iyon mauulit pa.Pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Lawrence ay dali-dali siyang tumayo at muling pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos ay pumasok sa banyo para magbihis. Pagkabihis niya ay agad siyang lumabas at tumakbo paalis doon. Habang naglalakad ay walang ibang pumasok sa isip niya na sana sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang maputol ang kahit na anumang ugnayan nilang dalawa. Wala ng dahilan pa para magkita pa silang muli.Pagdating niya sa mansyon ay nakapagdesisyon na siya. Iyon na siguro ang tamang oras para lumipat na siya sa condo dahil kung mananatili pa siya doon at patuloy lang
NAPAKAGAT-LABI si Asha nang marinig niya ang mga sinabi nito. Halos mag-init na rin ang sulok ng kanyang mga mata. “Bakit ba ganyan ka? Sa tingin mo ba kung alam ko yung ginagawa ko kagabi ay hihiliingin ko iyon sayo at pakikiusapan ka? Unang-una ay bakit ka kasi nagpunta? E di sana ay pinabayaan mo na lang ako doon.” may himig ng hinanakit na sambit niya. “O dahil ayaw mo na mabahiran ako ng iba dahil alam mong mapapahiya ako kung sakali? O dahil gusto mo na magkaroon lang ako ng utang na loob na naman sayo?” sunod-sunod na tanong niya rito.Kahit na may natitira pa siyang pagmamahal dito ay mas gugustuhin niya na lang na maputol ng tuluyan ang ugnayan nila dahil alam niya na unti-unti ay magagawa niya pa rin itong kalimutan. Pagod na siya. Pagod na siyang masaktan nito.Mas humigpit pa lalo ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. “Bakit huh? Naiinis ka at nagsisi?” nagngangalit ang mga pangang tanong nito sa kaniya at halatang hindi nasisiyahan sa tinatakbo ng kanilang usapan.
DAHAN-DAHANG IMINULAT ni Asha ang kanyang mga mata na halos ayaw pang bumuka. Nang makita niya ang hindi pamilyar na kisame ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo ng wala sa oras. Anong nangyari? Nasaan siya? Sunod-sunod ang naging tanong niya sa kanyang isip hanggang sa luminaw na sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi.Pumunta siya ng bar nang bigla na lang siyang lapitan ni River at hinila patungo sa isang silid at doon niya rin nalaman na may inihalo pala ito sa kanyang inumin at pagkatapos… halos hindi na niya maalala pa ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun.Inilibot niya ang kaniyangg tingin sa buong silid ay mas lumakas pa ang paniniwala niya na hindi nga talaga iyon ang kwarto niya. Nang umikot siya sa kanyang likuran ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya ang lalaking natutulog sa kanyang tabi. “La-lawrence…” mahinang usal niya sa pangalan nito kasabay nang pag-awang ng mga labi niya.Gulat na gulat siya nang makita niya ito doon at napansin
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga ito.Pagdating niya sa tapat ng pinto ay buong lakas niyang sinipa ito dahil sa matinding galit. Nakita niya kaagad si River na hawak-hawak ang mga kamay ni Asha at nakapinid sa pader. Agad na bumalot ang matinding galit sa kanyang buong pagkatao ng mga oras na iyon.“Anong ginagawa mo huh?!” sigaw niya kaagad at lumapit sa mga ito. Hinila niya ang damit nito dahilan para mabitawan nito si Asha na ng mga oras na iyon ay halos matanggal na ang damit na suot nito. Hinawakan niya ang kwelyo ni River habang nagtatagis ang mga bagang at isang suntok ang pinatama sa mukha nito dahilan para umubo ito ng dugo at mawalan ng malay habang nakahiga sa sahig. Kahit na wala na itong malay ay wala siyang pa
NAPAKAGAT-LABI SIYA, ang nag-iisang pag-asa niya na makaalis doon ay bigo siya. Samantalang kung hindi naman dahil dito ay hindi siya hihilahin ng lalaking nasa harap niya sa lugar na iyon. Kasalanan nito iyon. “Ano, darating ba siya para iligtas ka?” tanong ni River na nakatayo pa rin sa harapan niya hanggang sa mga oras na iyon.Hindi naman nito narinig ang usapan nila ni Lawrence kaya tiyak na maniniwala ito sa sasabihin niya. Lumunok muna siya bago nagtaas ng ulo para salubungin ang mga mata nito. “Oo. darating siya kaya kung ayaw mong malintikan ay huwag na huwag mo akong gagalawin.” buong tapang na sabi niya. Sinabi niya ang mga salitang iyon para takutin ito at huwag nga siya nitong galawin ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. Mas lalo lang tuloy siyang natakot dahil bagamat nakangiti ito ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang masama nitong pagkatao. Isa pa ay init na init ang pakiramdam niya na para bang sinisilaban ang buong pagkatao niya. Okay pa naman siya kanina pero ngay
KAHIT NA HINDI nito sinabi sa kaniya kung ano ang ginawa nito ay nahulaan na niya kaagad. Hindi nga nagtagal ay agad na tumunog ang kanyang cellphone. Nang mamatay ang tawag ay sunod-sunod na ang chat na galing dito. Alam niya na kaagad na malamang sa malamang ay ipinadala nito ang kanyang picture kay Lawrence. Sa kabila ng pauulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Lawrence ay hindi niya iyon pinansin.“Gusto mo bang pumunta sa second floor para makipag-inuman sa akin?” muling tanong nito sa kaniya ngunit mabilis siyang tumanggi.“No thanks.” mabilis na sagot niya at pagkatapos ay nagpaskil ng isang ngiti sa kanyang labi.Ngumiti lang din naman ito sa kaniya. “Mukhang hindi yata kayo ayos ngayon ni Lawrence kaya hindi mo sinasagot ang tawag niya. May problema ba kayo? Gusto mo bang tulungan kita?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.“Ayoko.” walang pag-aalinlangan na sagot ni ASha rito. Alam niya na hindi lang ito basta nag-ooffer ng tulong kundi may plano itong gamitin siya laban kay L
MABILIS SIYA nitong hinawakan sa kanyang kamay at sabay silang napaupo sa may sofa. Bumagsak siya sa mismong kandungan nito at pagkatapos ay agad na ipinulupot ang kamay sa kanyang beywang kung saan ay hindi siya makagalaw. Hinipan nito ang buhok niya na bumabagsak sa knaiyang leeg at walang sabi-sabi na hinalikan siya nito doon.“Bitawan mo ako!” sigaw niya kasabay ng pagpupumiglas niya ngunit walang silbi ang pagpupumiglas niya dahil mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kaniya.“Masyadong matigas ang ulo mo kaya huwag ka ng manlaban pa dahil kung gusto ko talagang gawin sayo to ay hindi mo rin ako mapipigilan.” malamig na sabi nito dahilan para mapipi siya. Ano nga ba naman ang laban niya sa lakas nito kung sakali. “Hindi ko ito ginagawa dahil…” tumigil ito sa pagsasalita at tumitig sa kanyang mga mata.Napalunok siya at hinintay ang susunod pa sana nitong sasabihin ngunit hindi na ito muling nagsalita pa. Kahit na gusto niyang marinig ang sagot nito ay hindi na siya nagtanon
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo rin ang mga nangyari sa pagitan natin.” sabi nito sa kaniya.Agad na napakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sinabi nito. “Kung ang tinutukoy mo ay ang mapipilit mo sa akin at dahil sa ginawa mo akong parausan ay hindi ako masaya at hinding-hindi ako naging masaya. Hindi mo naaalala yung mga sinabi ko sayo? Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa bagay na nayuyurakan ang pagkatao ko?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Para bang nag-iisip ito o kung natamaan man lang ba ito sa mga sinabi niya, ngunit syempre ay napaka-imposibleng mangyari ng bagay na iyon dahil ang mga taong katulad ni Lawrence ay masyadong walang puso at hinding-hindi maa