HINDI maalis ang tingin nina Berta, Mae, at Vanjie kay Fiona na abala sa pakikipaglaro kay Trevor. Bawat kilos ni Fiona ay nakamasid silang tatlo. At sa bawat kilos ng dalaga ay lalo lang nilang nakikita rito si Maya. Parehong-pareho ang dalawa!โPaano kung mali tayo ng hinala, aling Berta? Paano kung hindi naman talaga siya si Maya at nagkataon lang talaga ang lahat?โ May pag aalala sa boses na tanong ni Mae. โHindi natin malalaman kung hindi natin aalamin, Mae.โ Ani Berta. โHindi baโt nakapagtataka na sa dinami-dami ng namasukan rito para maging yaya ni Trevor ay siya lang ang nagustuhan nito? Saka napansin niyo naman hindi ba, mula sa kilos, pananalita, hubog ng katawan, kulay ng mata, lahat ay parehong-pareho sila ni Maya.โ Tumango-tango ang dalawa sa sinabi ni Berta. Alam na alam ni Berta ang lahat kay Maya dahil halos ito na ang nagpalaki rito ng mawala si Maria. Itinuring niya itong isang parang tunay na apo. โTama ka, aling Berta. Hindi natin malalaman kung wala tayong gaga
[Maya/Fiona] Nahihiwagaan ako sa kinikilos nila aling Berta, ate Mae at Vanjie. Panay kasi ang yakap nila sa akin. At halos magtatalon sila sa tuwa ng sabihin ko sa kanila ang tungkol sa mga boses na naririnig ko at imahe na malabo sa panaginip ko. Ang nakakapagtaka pa ay nag iyakan sila ng sabihin ko sa kanila na lumilitaw sa isip ko ang imahe ng isang lalaki na kaboses ni sir Tyler. โSasabihin ba natin kay sir ang tungkol sa nalaman natin?โ Agad akong sumandal sa gilid ng pader at nagtago. Naririnig kong nag uusap sina ate Mae at aling Berta. Gabi na ngayon at umuwi na si Vanjie. โWala tayong sasabihin kay sir, Mae. Walang kasiguraduhan kung paniniwalaan niya tayo. Baka mamaya ay pag isipan niya tayo ng masama. Paano kung isipin niya na nagsisinungaling tayo at kasabwat natin siya? Baka imbis makatulong ay mapasama pa ang lagay niya rito sa mansion. Hintayin na lang natin na siya mismo ang makaalala ng lahat.โ โSino kaya ang pinag uusapan nila?โ Isip-isip ko. โPero, aling Berta
[Maya//Fiona]Ginawa ko ang lahat para iwasan si sir Tyler. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko kaya magsinungaling kapag kaharap ko siya. Hindi ko matagalan ang klase ng tingin niya, nakakatunaw.Narito kami ngayon nila aling Berta at ate Mae sa isang Department Store dahil may bibilhin kami. Tuwang-tuwa kaming tatlo dahil binigyan kami ni sir Tyler ng pang shopping namin. Ang sabi pa nito ay para daw malibang kaming tatlo. Hindi lang naman kami ang binigyan ni sir, maging ang lahat, โyon nga lang ay hindi kami pwede sabay na mag-day off kaya naman sa susunod na araw na ang iba. Ang totoo ay sa palengke lang namin mamili para mas makamura, pero hindi pumayag ang amo namin.Nawili ako sa pagpili ng mga pabango para kay lola Felly kaya naman hindi ko namalayan na napalayo na ako sa kanila. Natuon ang atensyon ng lahat sa malakas na boses ng isang babae. โAno ang ginagawa ng dalawang muchacha rito? Aba, wala bang nakapagsabi sa inyo na bawal ang malansang isda rito?โHabang lumala
[Maya pov]Masaya akong sinalubong ni lola Felly at kuya Gordon. Akala ko ay hindi ako papayagan ni sir Tyler ng magpaalam ako sa kanya, kaya laking gulat ko ng payagan na nga niya ako, binigyan niya pa ako ng pera para daw may ibigay ako sa pamilya ko. Hindi ko tinanggap ang pera, may malaki pa kasi akong utang na hindi nababayaran, pero hindi ito pumayag.Hindi lang gwapo si sir Tyler, napakabait pa nito. โYon ang napatunayan ko bawat araw habang nasa mansion ako.Kinuha ni kuya Gordon ang kamay ko at nilagyan ito ng pera. โPasensya ka na, Fiona, ha. โYan lang ang naipon ko simula ng umalis ka. Maliit lang โyan pero sana ay makatulong.โ Nagpasalamat ako sa kanya, hindi ito maliit na tulong, para sa akin ay malaking tulong na ito para mabawasan ang utang ko kay sir. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ako magbabayad. Hindi naman kasi biro ang halagang isang milyon. โKamusta na ang kalagayan mo, Fiona? May naaalala ka na ba?โ Umiling ako sa pinsan ko. โWala pa, kuya Gordon. Pe
[Tyler pov]Hindi maalis ang ngiti ko sa labi sa tuwing maaalala ko ang reaksyon kanina ni Fiona ng tuksuhin ito ni Trevor. Loko-loko din โtong anak ko. Ano ba ang nakain nito at nagsabi ng ganoโn.Eh ako, ano ang nakain ko at bigla-bigla ay natutuwa ako ng ganito sa ibang babae?Alam ko naman na hindi siya si Maya at magkaboses lang sila, pero sa tuwing magsasalita siya at kikilos ay ang asawa ko talaga ang nakikita ko.Damn!Muntik ko ng isipin na hindi panaginip ang naganap noโng nakaraan sa akin. Iniisip ko pa na baka totoong nangyari โyon. Na baka inakala kong si Maya ay si Fiona at nagniig kami. Ang gag0 ko dahil nagawa kong isipin โyon at magtaksil sa isip ko kasama ang ibang babae.But why I have this feeling that is was all true? Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init ng hubad naming katawan habang kami ay nag iisa?Fvck! Kailangan ko itong iligo dahil kung ano-ano na naman ang mga eksenang nakikita ko. Pero nakaligo na ako ay hindi nawala ang init ng katawan ko. Damn!
[Maya pov]Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko man nasabi kay sir Tyler ng direkta ang nararamdaman ko ay naiparamdam ko naman iyon sa kanya. Alam ko na kapangahasan ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Inasahan ko na baka itulak niya ako, pero hindiโฆ hinayaan niya ako, kaya naman ang saya ko.Biglang sumulpot si aling Berta sa harapan ko at hinila ako sa kamay. Hinila niya ako hanggang sa labas kung nasaan si sir Tyler habang may kausap na dalawang matanda. โHindi mo man lang ba kami patutuluyin, Mr. Montemayor?โ Tanong ng may edad na lalaki. Sa kabila ng katandaan ay matikas pa rin ang pangangatawan nito. Ewan ko ba pero katulad ng naramdaman ko ng makita ko si Hannah at Suzy ay hindi ko rin gusto ang dalawang matandang ito.โWalang espasyo ang taong katulad niyo sa loob ng pamamahay ko, Mr. Gustin. Ano na naman ang ipapakiusap niyo sa akin ngayon?โ Bumaling si sir Tyler sa matandang babae. โWell, what ever it is save it because I donโt want to hear it. Makakaalis na kayo.โLumuhod an
[Maya pov]Para akong bata na humagulhol ng malakas habang nakahiga sa malaki naming kama mag asawa. Malinaw at naaalala ko na ang lahat ngayon. Ako si Mayaโฆ ang asawa ni Tyler at ina ni Trevor.Napuno ng labis na pangungulila at sakit ang puso ko sa loob ng tatlong taon. Ako ang dahilan kung bakit naging malungkot ang buhay ng mag ama ko.Malinaw na sa akin kung bakit napakagaan ng loob ko kay Trevor, kung bakit handa akong protektahan siya at alagaanโฆ dahil siya pala ang anak ko. Malinaw na rin kung bakit minahal ko agad si Tyler ng una ko siyang masilayan, dahil hindi nakalimot ang puso ko.Mas lalong lumakas ang pag iyak ko ng maalala ang mga sinabi ni Tyler sa akin. Kung gaano niya pa rin ako kamahal kahit ang buong akala nito ay wala na ako sa mundo. Napakaswerte ko dahil hindi nagbago ang damdamin niya para sa akin.Tatlong taon din ang nasayangโฆ At kasalanan lahat โyon ni Suzy at Hannah!Naalala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. Dahil sa kanila ay muntik ng mawala ang anak
[Maya pov] Namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Naghahalo ang saya at pananabik ko dahil makikita ko na si Tyler. Ngayong araw ang balik niya kaya naman kahit wala na akong igaganda ay nag ayos ako para sa kanya. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa kanya. Nang makita ko si Tyler ay hindi ko na napigil ang umaapaw na emosyon sa dibdib ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Alam ko na nagtataka siya sa inaakto ko subalit wala akong pakialam. Tatlong taon ko din siyang nalimutan kaya naman sabik na sabik talaga ako. Kung maaari nga lang ay gusto ko lamang na nakakulong lang sa bisig niya.โMiss na miss kita, Tylerโ piping usal ng puso ko habang lumuluha at umiiyak. Buong akala ko ay itutulak niya ako palayo sa kanya, pero niyakap niya ako pabalik. Mas lalo lang tuloy akong naluha sa ginawa niya. Wala pa rin pinagbago ang yakap ni Tyler. Mainit pa rin ito at masarap sa pakiramdam. Sa bisig niya pakiramdam ko ay ligtas ako.Inilayo niya ako sa kanya hab
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaโฆ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naโฆโKarla!โ Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. โTeka, saan ka ba nagtatrabaho?โ Tanong sa akin ni Jelay. โPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?โ Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroโng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.โMaโam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?โ Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. โOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.โ Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.โMaโam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na โyan at iisang angkan langโฆ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riโyan nakatira ang kaibigan mo.โ โHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?โ Agad na tumango ako. โOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroโng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroโng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.โClare!?โ Gulat na gulat na bulalas ko. โHi, Timothy!โ Agad na bati ng dalaga na nakangiti. โPasa sa akin ba ang mga bulaklak na โyan?โโBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?โ Iniinis ako ng gag0ng โyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.โSinong Bane?โ Tanong ni Clare. โAh, siya ba โyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na โto dahil ibinenta na ito sa akin.โ Ngumiti ito ng pilya. โSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu