[Maya pov]Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko man nasabi kay sir Tyler ng direkta ang nararamdaman ko ay naiparamdam ko naman iyon sa kanya. Alam ko na kapangahasan ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Inasahan ko na baka itulak niya ako, pero hindi… hinayaan niya ako, kaya naman ang saya ko.Biglang sumulpot si aling Berta sa harapan ko at hinila ako sa kamay. Hinila niya ako hanggang sa labas kung nasaan si sir Tyler habang may kausap na dalawang matanda. “Hindi mo man lang ba kami patutuluyin, Mr. Montemayor?” Tanong ng may edad na lalaki. Sa kabila ng katandaan ay matikas pa rin ang pangangatawan nito. Ewan ko ba pero katulad ng naramdaman ko ng makita ko si Hannah at Suzy ay hindi ko rin gusto ang dalawang matandang ito.“Walang espasyo ang taong katulad niyo sa loob ng pamamahay ko, Mr. Gustin. Ano na naman ang ipapakiusap niyo sa akin ngayon?” Bumaling si sir Tyler sa matandang babae. “Well, what ever it is save it because I don’t want to hear it. Makakaalis na kayo.”Lumuhod an
[Maya pov]Para akong bata na humagulhol ng malakas habang nakahiga sa malaki naming kama mag asawa. Malinaw at naaalala ko na ang lahat ngayon. Ako si Maya… ang asawa ni Tyler at ina ni Trevor.Napuno ng labis na pangungulila at sakit ang puso ko sa loob ng tatlong taon. Ako ang dahilan kung bakit naging malungkot ang buhay ng mag ama ko.Malinaw na sa akin kung bakit napakagaan ng loob ko kay Trevor, kung bakit handa akong protektahan siya at alagaan… dahil siya pala ang anak ko. Malinaw na rin kung bakit minahal ko agad si Tyler ng una ko siyang masilayan, dahil hindi nakalimot ang puso ko.Mas lalong lumakas ang pag iyak ko ng maalala ang mga sinabi ni Tyler sa akin. Kung gaano niya pa rin ako kamahal kahit ang buong akala nito ay wala na ako sa mundo. Napakaswerte ko dahil hindi nagbago ang damdamin niya para sa akin.Tatlong taon din ang nasayang… At kasalanan lahat ‘yon ni Suzy at Hannah!Naalala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. Dahil sa kanila ay muntik ng mawala ang anak
[Maya pov] Namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Naghahalo ang saya at pananabik ko dahil makikita ko na si Tyler. Ngayong araw ang balik niya kaya naman kahit wala na akong igaganda ay nag ayos ako para sa kanya. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa kanya. Nang makita ko si Tyler ay hindi ko na napigil ang umaapaw na emosyon sa dibdib ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Alam ko na nagtataka siya sa inaakto ko subalit wala akong pakialam. Tatlong taon ko din siyang nalimutan kaya naman sabik na sabik talaga ako. Kung maaari nga lang ay gusto ko lamang na nakakulong lang sa bisig niya.‘Miss na miss kita, Tyler’ piping usal ng puso ko habang lumuluha at umiiyak. Buong akala ko ay itutulak niya ako palayo sa kanya, pero niyakap niya ako pabalik. Mas lalo lang tuloy akong naluha sa ginawa niya. Wala pa rin pinagbago ang yakap ni Tyler. Mainit pa rin ito at masarap sa pakiramdam. Sa bisig niya pakiramdam ko ay ligtas ako.Inilayo niya ako sa kanya hab
[Maya pov] “That was not a good joke.” Lumuluhang lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. “Hindi biro ang sinasabi ko, Tyler. Ako si Maya… Hayaan mo akong ipaliwanag ko sayo ang lahat—” “Pwede ba, Fiona, stop joking around because it’s not funny.” Tinabig niya ang kamay ko at may galit sa mata na tiningnan ako. “Hindi porke naging mabait ako sa’yo ay gagag0hin mo ako ng ganito.” Dumilim ang mukha nito. “Plano mo ba ito sa simula pa lang? Ang kunin ang loob ng anak ko at gano’n din ako para magawa mo ang kalokohang ito?” Marahan akong umiling. “Hindi, Tyler… Wala akong masamang intensyon kahit noong una pa lang. Hindi ko kayo agad naalala ni Trevor dahil nawalan ako ng alaala–” “Shut up!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses nito. “Talagang kaya mong panindigan ang kasinungalingan mo?” Napailing-iling ito. “Akala ko pa naman ay iba ang panloob mong ugali, pero katulad ng mukha mo ay gano’n din pala kapangit ang budhi mo.” Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Mas ma
[Tyler pov] Dahil paalis na si Fiona ay pinayagan kong lapitan siya ni Trevor. Mula rito sa kwarto ko ay natatanaw ko silang dalawa mula sa bintana. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang nakatingin sa kanila, hanggang sa tuluyan na akong nag iwas ng tingin. ‘Hindi ba ako nakilala ng puso mo?’ Naguguluhan ako… Oo, sinabi kong hindi, pero bakit parang nagsisinungaling ako sa sarili ko? Noong una ko siyang nakita ay napansin ko na agad ang mga mata niya… At sa paglipas ng mga araw, buwan ay napansin ko na parehong-pareho sila ng asawa ko sa kilos, pananalita, at pag uugali. Pero malabo na siya ang asawa ko. Patay na si Maya, iyon ang totoo. Kaya nga hindi ko maiwasan ang makaramdam ng galit sa kanya ng sabihin niyang siya ang asawa ko. Paano niya nagawang magsinungaling? Hindi pa ba sapat na mabuti ang pakikitungo ko sa kanya? At ang labis kong kinagalit ay bakit hinayaan niyang may mangyari sa amin? Oo, alam ko. Simula ng saktan ni Suzy si Trevor ay naisip kong magpalagay ng c
[Maya pov]Sobra ko ng namimiss ang mag ama ko. Gusto ko man silang makita ay kailangan kong magtiis. Tinutulungan na ako ni kuya Gordon para maipaabot sa pulis ang katotohanan tungkol sa tunay na nangyari sa akin. Kapag hindi pa rin niya ako kayang paniwalaan ay idadaan na lang namin sa DNA test. Iyon na lang kasi ang paraan para mapatunayan na ako talaga si Maya.Natigil ako sa paghuhugas ng maramdaman ang pagyakap ng matipunong braso sa maliit kong bewang. Bigla ang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko man kita ang kanyang mukha ay kilala ko ang pakiramdam ng yakap at amoy niya. Hindi ko napigilan ang pag agos ng luha ko ng humarap ako sa kanya. Tama nga ang hinala ko… Si Tyler ang yumakap sa akin.Lumipas ang ilang minuto ay nakatitig lang kami sa isa’t isa, nag uusap ang mga mata naming dalawa na para bang kayrami naming gustong sabihin sa bawat isa.Lumuluhang kinuha niya ang aking kamay at inilagay sa tapat ng kanyang dibdib. “P-Patawarin mo ako mahal ko, hindi man lang kita naki
[Hannah pov]Abot hanggang langit ang ngiti sa labi ni Suzy habang sinusukat ang isang set ng mamahaling alahas na ipinadala pa ni Tyler mula sa isang sikat na Luxury Shop. Tuwang-tuwa ang gaga dahil ayon sa natanggap nitong mensahe ay si Tyler mismo ang pumili ng mga ito.Binuga ko ang usok ng hinihithit kong sigarilyo. Mukha lang akong nasa katinuan ngayon subalit malapit na akong magwala anumang oras. Hindi na ako binibigyan ng pera ng mga Direktor na kinakalantari ko. Oo, hindi lang sa isa ako kumakapit kundi sa marami. Hindi kayang ibigay sa akin ng isa ang luho ko kaya naman pinagsasabay ko silang lima. So far ay isa pa lang naman ang kumakalat na kumabit sa akin, ang hindi alam ng marami ay higit pa sa isa ang pinagpuputahan ko.Kasalanan ito ni Tyler Montemayor!Palihim kong inirapan si Suzy na tila nababaliw na sa harapan ng salamin. Ang swerte pa rin ng impaktang ito, kahit nahuli na ni Tyler na sinasaktan nito ang anak nito ay nagagawa pa rin nito na supurtahan si Suzy. tsk
[Maya pov]Sinuklay ko ang mahaba kong buhok habang nakatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Maging ang pisngi ko ay hinaplos ko, pababa sa aking leeg.Wala ng gaspang… wala ng pilat… wala na ang bakas ng sunog na sumira sa buong katawan ko noon. Bumalik na ang dati kong anyo…Mahina akong napahagikgik ng yakapin ako ni Tyler mula sa aking likuran at saka ako hinalikan ng paulit-uulit sa leeg. “Ano ba, Tyler, nakikiliti ako-uhmmp!” Natigil ako sa pagrereklamo ng sunggaban niya ang labi ko, hindi pa ito nakuntento, bumaba ang labi niya hanggang sa leeg ko at dibdib habang isa-isa nitong inaalis ang lahat ng saplot naming dalawa.“Ohh, T-Tyler…” Ung0l ko ng isubo niya ang tuktok ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nagdi-deliryo ako sa init na nagsimulang kumalat sa katawan ko dahil sa ginagawa niya.“I missed this, Maya… halos two years tayong walang sexy time.” Wika ni Tyler bago pinadaan ang mahabang dila sa aking kaselanan. Umaangat ang katawan ko sa tuwing ginagawa niya ‘yon