[Maya pov] “That was not a good joke.” Lumuluhang lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. “Hindi biro ang sinasabi ko, Tyler. Ako si Maya… Hayaan mo akong ipaliwanag ko sayo ang lahat—” “Pwede ba, Fiona, stop joking around because it’s not funny.” Tinabig niya ang kamay ko at may galit sa mata na tiningnan ako. “Hindi porke naging mabait ako sa’yo ay gagag0hin mo ako ng ganito.” Dumilim ang mukha nito. “Plano mo ba ito sa simula pa lang? Ang kunin ang loob ng anak ko at gano’n din ako para magawa mo ang kalokohang ito?” Marahan akong umiling. “Hindi, Tyler… Wala akong masamang intensyon kahit noong una pa lang. Hindi ko kayo agad naalala ni Trevor dahil nawalan ako ng alaala–” “Shut up!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses nito. “Talagang kaya mong panindigan ang kasinungalingan mo?” Napailing-iling ito. “Akala ko pa naman ay iba ang panloob mong ugali, pero katulad ng mukha mo ay gano’n din pala kapangit ang budhi mo.” Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Mas ma
[Tyler pov] Dahil paalis na si Fiona ay pinayagan kong lapitan siya ni Trevor. Mula rito sa kwarto ko ay natatanaw ko silang dalawa mula sa bintana. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang nakatingin sa kanila, hanggang sa tuluyan na akong nag iwas ng tingin. ‘Hindi ba ako nakilala ng puso mo?’ Naguguluhan ako… Oo, sinabi kong hindi, pero bakit parang nagsisinungaling ako sa sarili ko? Noong una ko siyang nakita ay napansin ko na agad ang mga mata niya… At sa paglipas ng mga araw, buwan ay napansin ko na parehong-pareho sila ng asawa ko sa kilos, pananalita, at pag uugali. Pero malabo na siya ang asawa ko. Patay na si Maya, iyon ang totoo. Kaya nga hindi ko maiwasan ang makaramdam ng galit sa kanya ng sabihin niyang siya ang asawa ko. Paano niya nagawang magsinungaling? Hindi pa ba sapat na mabuti ang pakikitungo ko sa kanya? At ang labis kong kinagalit ay bakit hinayaan niyang may mangyari sa amin? Oo, alam ko. Simula ng saktan ni Suzy si Trevor ay naisip kong magpalagay ng c
[Maya pov]Sobra ko ng namimiss ang mag ama ko. Gusto ko man silang makita ay kailangan kong magtiis. Tinutulungan na ako ni kuya Gordon para maipaabot sa pulis ang katotohanan tungkol sa tunay na nangyari sa akin. Kapag hindi pa rin niya ako kayang paniwalaan ay idadaan na lang namin sa DNA test. Iyon na lang kasi ang paraan para mapatunayan na ako talaga si Maya.Natigil ako sa paghuhugas ng maramdaman ang pagyakap ng matipunong braso sa maliit kong bewang. Bigla ang pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko man kita ang kanyang mukha ay kilala ko ang pakiramdam ng yakap at amoy niya. Hindi ko napigilan ang pag agos ng luha ko ng humarap ako sa kanya. Tama nga ang hinala ko… Si Tyler ang yumakap sa akin.Lumipas ang ilang minuto ay nakatitig lang kami sa isa’t isa, nag uusap ang mga mata naming dalawa na para bang kayrami naming gustong sabihin sa bawat isa.Lumuluhang kinuha niya ang aking kamay at inilagay sa tapat ng kanyang dibdib. “P-Patawarin mo ako mahal ko, hindi man lang kita naki
[Hannah pov]Abot hanggang langit ang ngiti sa labi ni Suzy habang sinusukat ang isang set ng mamahaling alahas na ipinadala pa ni Tyler mula sa isang sikat na Luxury Shop. Tuwang-tuwa ang gaga dahil ayon sa natanggap nitong mensahe ay si Tyler mismo ang pumili ng mga ito.Binuga ko ang usok ng hinihithit kong sigarilyo. Mukha lang akong nasa katinuan ngayon subalit malapit na akong magwala anumang oras. Hindi na ako binibigyan ng pera ng mga Direktor na kinakalantari ko. Oo, hindi lang sa isa ako kumakapit kundi sa marami. Hindi kayang ibigay sa akin ng isa ang luho ko kaya naman pinagsasabay ko silang lima. So far ay isa pa lang naman ang kumakalat na kumabit sa akin, ang hindi alam ng marami ay higit pa sa isa ang pinagpuputahan ko.Kasalanan ito ni Tyler Montemayor!Palihim kong inirapan si Suzy na tila nababaliw na sa harapan ng salamin. Ang swerte pa rin ng impaktang ito, kahit nahuli na ni Tyler na sinasaktan nito ang anak nito ay nagagawa pa rin nito na supurtahan si Suzy. tsk
[Maya pov]Sinuklay ko ang mahaba kong buhok habang nakatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Maging ang pisngi ko ay hinaplos ko, pababa sa aking leeg.Wala ng gaspang… wala ng pilat… wala na ang bakas ng sunog na sumira sa buong katawan ko noon. Bumalik na ang dati kong anyo…Mahina akong napahagikgik ng yakapin ako ni Tyler mula sa aking likuran at saka ako hinalikan ng paulit-uulit sa leeg. “Ano ba, Tyler, nakikiliti ako-uhmmp!” Natigil ako sa pagrereklamo ng sunggaban niya ang labi ko, hindi pa ito nakuntento, bumaba ang labi niya hanggang sa leeg ko at dibdib habang isa-isa nitong inaalis ang lahat ng saplot naming dalawa.“Ohh, T-Tyler…” Ung0l ko ng isubo niya ang tuktok ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nagdi-deliryo ako sa init na nagsimulang kumalat sa katawan ko dahil sa ginagawa niya.“I missed this, Maya… halos two years tayong walang sexy time.” Wika ni Tyler bago pinadaan ang mahabang dila sa aking kaselanan. Umaangat ang katawan ko sa tuwing ginagawa niya ‘yon
[Maya pov]Lahat ay napasinghap sa malakas na sinabi ni Suzy. Ang mga bisita ay nagsimulang magbulungan habang may pag aakusa sa mga mata.Agad na nilapitan ni Hannah si Suzy subalit nagpumiglas ito. “Let me go, Hannah! Patayin uli natin ang babaeng ‘yan para wala na tayong kaagaw–” Malakas na sinampal ni Hannah ang kaibigan. “T-Tumigil ka na, Suzy. A-Ano ba ang sinasabi mo!” Nilibot ni Hannah ang tingin sa paligid. “L-Lasing lang ang kaibigan ko kaya k-kung ano-ano ang nasasabi niya.”Tinanguhan ko si Tyler para magpatuloy siya sa pagsasalita. “Five years ago, my wife had been kidnapped by someone. I… I thought she was dead.” Hinalikan ako ni Tyler sa noo. “But unfortunately she’s not. Bumalik siya sa buhay ng anak namin—”“NO!!! Hindi ka totoo, patay ka na!” Kumawala si Suzy kay Hannah para lapitan ako, pero maagap na humarap si Delvin sa kapatid. “Umalis ka ri’yan, kuya! Papatayin ko ulit ang pesteng ‘yan—” Sinampal ito ni Delvin. “K-Kuya… di’ba kakampi kita?” Naluluhang tanong ni
[Maya pov]Binigyan ni Tyler ng malaking pabuya si kuya Gordon pero hindi nito tinanggap. Sapat na daw na pinawalang sala siya para makasama pa niya si lola Felly ng matagal. Ayaw rin sanang tanggapin nito ang bahay at lupang binigay namin mag asawa kung hindi lang ako nagbanta sa kanya na kukunin ko na lang si lola Felly para magkaroon ng maayos na tirahan, saka may nobya na rin pala si kuya Gordon at kasalukuyang nagdadalantao na kaya naman hindi na ito nakatanggi pa. Si Suzy, pinuntahan ko din siya sa bilibid kaya lang ay hindi ito tumigil sa pagwawala na para bang nawala na sa katinuan. Nakasuhan din ito ng murder kaya naman habangbuhay itong makukulong. Ito pala ang pumatay sa ex ni Tyler na si Bianca. Ayon kay Tyler ay sinisi niya ang sarili dahil na-aksidente ito matapos niyang makipaghiwalay. Akala ni Tyler ay naaksidente ito dahil sa kanya, pero hindi pala dahil si Suzy pala ang may sala. Katulad ni Hannah ay sagad sa buto ang kasamaan nito. Maging si Delvin ay hindi makapani
BAWAT bisita ay puno nang pagkamangha ang mukha habang nakatingala sa harap ng malaking mansion ng Montemayor. Hindi lubos makapaniwala ang mga ito na magpapatayo ng isang rebulto na gawa sa diyamante si Tyler Montemayor para sa ikalabing dalawangpung anibersayo nito sa asawang si Maya Montemayor. Tumingala si Maya sa rebultong nasa harapan. Kamukhang-kamukha ito ni Maya, mula sa anyo ng mukha, at hugis ng kanyang katawan. Malaki lamang ito kumpara sa kanya.“Tyler, hindi ba’t parang sobra naman yata itong regalo mo sa akin ngayon?” Maging si Maya ay hindi makapaniwala sa pinagawa ng kanyang asawa para sa kanya. Noon ay sandamakmak na alahas, tapos ngayon naman ay isang statue na kamukha niya— at gawa pa sa mga diyamante.Bumaling si Maya kay Tyler at hinawakan ang kamay nito. “Hindi mo ako kailangan bigyan ng ganito para mapatunayan na mahal mo ako. Sapat na sa akin na kasama ko kayo ng ating mga anak. Matagal na rin tayong nagsasama, mahal ko, kaya wala kang dapat patunayan sa akin.