Sirena ng ambulansiya dala ang isang pasyenteng naatake ang umalingawngaw sa buong lugar ang paalis. Medyo kumalma na rin ang mga tao. Lalo na si Yolly na muntik-muntikan nang naunang mamatay kanina keysa sa lalaki dahil sa matinding nerbyos niya."Phew!" Punas siya sa kanyang noo na may butlig-butlig ng pawis. Nahintakutan talaga siya. Akala niya kung ano na kasi ang mangyayari sa lalaki. Kung makatawag nga siya ng saklolo kanina ay wagas na wagas. Ang lakas talaga ng boses niya.Mabuti na lang at may dumaan na magaling na babaeng nag-first aid sa lalaki, na isa pa lang estudyanteng nurse, kaya naagapan ang lalaki.Nakalayo na ang ambulansya. Abut-abot pa rin ang dasal niya para sa lalaki. Sana maligtas ito nang tuluyan kasi ang sabi inatake raw sa puso ang lalaki.Sa nerbiyos ay umupo muna siya saglit sa gilid ng kalsada."Okay na, iha. Huwag ka nang mag-alala masyado," sabi ng isang ginang sa kanya."Buti na lang nakita mo siya at humingi ka ng saklolo," sabi naman ng isang nakahub
"Cristine, bakit?" nagtatakang tanong ni Yolly sa pinsan dahil natulala na ito sa hawak na Pregnancy Test Kit.Umayos sila ng tayo."Yolly, tingnan mo." Ipnakita ni Cristine ang PT sa kanya.Medyo lumaki rin ang mga mata niya dahil negative ang resulta niyon. Iisa lang kasi ang guhit na pula ng PT. "Ano 'yan? Bakit ganyan? Ibig bang sabihin ba niyan, eh, hindi ka buntis?"Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Cristine. "Imposible, Insan. Sigurado ako sa nakita ko no’ng una. Positive 'to."Napalabi naman siya. "Eh, bakit negative naman ang nandiyan? Hindi kaya naduling ka lang noon?""Ewan ko lang." Animo'y lalong na-stress si Cristine. Ngumuso ito't nakasalubong ang mga kilay na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.Naglipat-lipat naman ang tingin ni Yolly sa mukha nito at sa PT. Ilang segunda na wala silang imikan. Napapaisip talaga sila."Baka naman hindi ka talaga buntis?" saglit ay ani Yolly. Gusto niya sanang payapain kung anumang negatibong nararamdaman ngayon ng pinsan, pero h
"Thank you, Doc," sabi ni Andy sa doktor na umasikaso sa daddy niya. Maayos na raw ang kalagayan ng dad niya kaya wala na silang dapat ipag-alala.“I’ll come back later to check on him again," sabi ng doktor at umalis na nang matapos na kamayan silang mag-ina."Son, I think I should go," sabi naman ni Madam Angie sa kanya nang sila na lang mag-ina."You'll leave Dad in this condition?” At ayaw sana ni Andy. For him, his mother is the legal wife, so it is only proper that she is the one who will take care of her husband. Hindi ang mistress nito."You know that I no longer have any right to your Dad dahil ipinagpalit na niya ako. It's not right for me to still be here," ngunit ay pagdadahilan ni Madam Angie.Hindi na siya nakaimik.Saglit lang ay dumating na nga ang young mistress ng kanyang ama. Nakipagtinginan sa kanila pero ito rin ang unang nagbawi ng tingin sa kanila. Nahiya siguro. Na dapat lang.Napatiim-bagang si Andy, pero dahil hinawakan ng mommy niya ang kamay niya ay pinayap
"Sir, ito po ang mga gamit ng pasyente." Iniabot ng isang nurse kay Andy ang isang transparent na plastic. Naroon ang wallet ng daddy niya, relo at kung anu-ano pa."Thank you," pasalamat niya rito saka sinuri iyon at nang makita niya ang susi ng sasakyan ng Daddy niya ay tinanong niya ang nurse. "Uhm, Miss, 'yong kotse ng dad ko? Alam mo kung nasa'n?""Ang sabi po ng mga nagtakbo sa kanya rito ay nasa Barangay San Isidro raw po. Nakaparada raw po roon. Kunin niyo na lang daw po."Tumango-tango siya. Nga lang ay napakunot rin ang noo niya nang ma-realize niya na sa lugar kung saan naroon ang kotse ng daddy niya ay lugar iyon malapit sa bahay nina Yolly. What did her daddy do in that place?"Okay, thanks," pasasalamat niya ulit sa nurse at iniwan na siya nito.Maang na napatitig siya sa smart key ng kotse ng ama. Saglit pa'y binulatlat na niya ang plastic na iyon at ibinulsa ang susi. Saktong paglabas ng mistress ng daddy niya sa silid."Hi," bati nito sa kanya. "Ako nga pala si Kara.
Pagkatapos ng klase nila saka nagpunta ang dalawa sa ospital kung saan naka-confine ang daddy ni Andy."Kanina ka pa tahimik, ah? No, kagabi pa pala. Is there something wrong?" at hindi na napigilang tanong ni Andy kay Yolly habang nagmamaneho. Totoong kagabi pa niya napapansin ang pananahimik at kawalang gana ng dalaga, ngayon lamang siya naglakas-loob na alamin kung bakit.Actually, sinabi na niya sa Nanay Yolanda nila paggising niya kanina ang napansin pero sabi naman ng ginang ay normal lang ang ganoon sa buntis. Pakisamahan na lang daw niya si Yolly at unawain. Ang kaso nag-aalala pa rin siya."Okay ka lang ba?" tanong pa niya sa dalaga.Tumango lang si Yolly bilang sagot kay Andy, kahit na ang totoo ay hindi siya okay talaga. Nanahimik siya dahil iniisip niya ang kanyang problema. Ano na? Sasabihin na ba niya kay Andy na hindi siya buntis? Pero paano?"Don't worry, you'll get through it. Pregnancy fatigue is said to last from three to four months. Mawawala rin ‘yan. At huwag kan
Laylay ang mga balikat ni Andy na pumasok sa silid ng ama niya. Ang sakit ng dibdib niya o mas tamang salita ay ng puso niya.Nakita niya ulit ang closeness nina Yolly at Leandro, at hindi niya mapigilan ang hindi magselos. Nai-insecure na naman siya sa Leandro na iyon.Marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Huwag lang talagang makaporma-porma ang Leandro na iyon kay Yolly. Makikita niya."Son?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Dad. Gising na pala at mukhang kanina pa siya tinitingnan."Dad?" Lumiwanag konti ang mukha niya. Thank God, gising na nga pala talaga ang ama niya at ligtas na sa kapahamakan."What's bothering you, Son? Ayos ka lang ba?""Dad?" He was surprised. Why was his dad asking him if he’s okay? Baliktad yata?Lumapit sa kanya si Kara. "Kanina ka pa kasi namin tinitingnan. Pumasok ka kasi na parang ang lalim-lalim ng iniisip mo."Napa- "Ah" siya. But he didn't mention the reason. "It's nothing," instead he simply replied.Bahala na nga s
Napakamot-ulo na si Andy, kasi naman kanina pa siya tumitingin ng singsing pero wala siyang mapili. Kung meron naman ay hindi naman niya alam kung babagay iyon kay Yolly kaya bigla ay nag-iiba ang kanyang desisyon.Yes, the ring he's looking for is meant for Yolly. Gusto niyang bigyan si Yolly ng singsing para masabi naman ng dad niya na nag-propose na siya.Nasabi na niyang fiancée na niya si Yolly kaya dapat lang na panindigan niya sa pamamagitan ng engagement ring."Uhm, Miss Myra?" paghingi na niya ng tulong sa manager ng kanilang jewelry shop."Yes, Sir Andy?" Lapit naman agad sa kanya ng babaeng kagalang-galang ang hitsura. Ngiting-ngiti."Can you give me an idea of the best engagement ring here? Nalilito kasi ako," request niya."Para po sa girlfriend mo, Sir?""Yeah.""Uhm, wait lang, Sir. Let me check first."Habang pumipili si Miss Myra para sa kanya ay panaka-nakang sumusulyasp naman siya sa likod niya kung saan parang mannequin lang doon si Yolly na nakatayo."Sir, how abo
"Hello po, Tito Delfin." Yakap at beso agad si Cindy nang makapasok siya sa silid ng ospital ng daddy ni Andy. Nabalitann niya kahapon ang nangyari kaya dumalaw siya agad."Cindy, ikaw pala.""How are you, Tito?""I'm fine, hija. Don't worry.""Sorry for what happened, Tito. Kung hindi ko sana sinabi 'yong tungkol kay Yolly sa 'yo, eh, sana hin—"Hindi naituloy ni Cindy ang sinasabi dahil sumenyas si Sir Delfin. "Hija, it's okay. You don't need to apologize. Actually, I want to thank you for it."Nakusot bahagya ang makinis na mukha ng dalaga. "What do you mean, Tito?""Kasi dahil sa mga sinabi mo ay nakita ko ang totoong ugali ng babaeng 'yon, hija.”Nagliwanag ang mukha ni Cindy. Sa isip niya ay kung gano'n ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Siguro ay may nakita si Sir Delfin na masamang ugali si Yolly. That b*tch Yolly! Buti nga sa kanya!"So, what can you say about her, Tito? Tama ako, 'di ba? She's ugly and—" Naputol ulit ang sasabihin ni Cindy dahil um-interrupt agad si Sir Del
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya