"Hello, Yolly? Ba't hindi ka nagsasalita?" boses ulit ni Leandro sa kabilang linya.Natauhan si Andy sa pagkakatulala kay Yolly. Agad niyang ibinaba ang cellphone pero hindi niya pinatay."May—" Magsasalita sana si Yolly kaya madali niya itong tinakbo at tinakpan ng palad niya ang bunganga nito."Wow! Bagong ligo ka, ah? Ang sexy mo naman, wife ko!" at malakas niyang sabi dahil pinaparinggan niya si Leandro sa cellphone. Alam niyang hindi pa pinapatay ni Leandro ang tawag nito."Ready ka na ba, mahal ko? Nakakagigil ka, eh!" malakas na sabi pa ni Andy habang inamoy-amoy ang leeg ni Yolly.Nanlaki naman ang mga mata ni Yolly. Sa isip niya ay ano’ng ginagawa ni Andy? Ano’ng mga pinagsasabi nito?"Siguradong mapapalaban ako sa 'yo, mahal ko!" sabi pa ni Andy na malakas na malakas ang boses.Napakunot-noo na si Yolly. Mayamaya ay marahas na niyang tinanggal ang kamay ni Andy sa bunganga niya."Bas—" Bastos sana ang isisinghal niya kaso ay hindi niya naituloy dahil mabilis na inilapat ni A
"Oh, nasaan na si Yolly? Male-late na ako sa appointment ko," tanong ni Madam Angie sa anak sabay tingin na naman nito sa mamahaling relo sa bisig.Kamot-batok naman si Andy. Hindi niya kasi makita talaga si Yolly sa bahay. "Umalis pala siya, Mom. Saka mo na lang siya isama."Napabuntong-hininga si Madam Angie. "Okay, sige sabihin mo na lang na dumaan ako rito, ha?""Yes, Mom. Thanks."Iika-ika pa rin si Andy na inihatid sa labas ang mommy niya. At nang hindi na niya matanawan ang kotse ng ina ay saka siya nakaramdam ng pag-alala.Nasa'n na kaya si Yolly? Kasalanan niya ito, eh. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon? Muntik pang nabasag tuloy ang kinabukasan niya. Damn.SA BAHAY NINA CRISTINE."Bastos 'yon, eh!" Inis na inis pa rin si Yolly kay Andy. Kina Cristine siya pumunta at ang pinsan niya ngayon ang kausap niya. Niyaya niya itong magmiryenda sa sari-sari store ng soft drink at sitserya."Ano ba kasing ginawa sa 'yo, ha?"Ang problema ay hindi niya naman masag
"Kasi hindi ako, uhm…” utal-utal at garalgal ang tinig na umpisa ni Yolly sa nais niyang aminin sana kay Leandro. Subalit parang hindi niya kayang tapusin pa rin. Hindi niya maituloy-tuloy.Hindi naman sa hindi na niya pinagkakatiwalaan si Leandro, nahihiya lang kasi siya at para may kung ano pang pumipigil sa kanya."Kasi hindi ako ano?"Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi saka tumingin sa malayo. Lumaylay rin ang mga balikat niya. Paano ba 'to? Ang hirap naman."Paano kita matutulungan sa problema mo kay Andy kung hindi mo sasabihin sa 'kin?" pamimilit ni Leandro kay Yolly. Hawak pa rin nito ang cellphone at alam nitong nasa linya pa rin si Andy. Sana lang ay unli call ang loko para marinig nito ang lahat ng pag-uusapan nila ni Yolly.SA SILID KUNG NASA'N si Andy ay halos hindi naman kumikilos ang binata para marinig maigi ang sasabihin ni Yolly na problema raw nilang dalawa. Nagtataka na talaga siya kasi parang matinding problema pala talaga ang sasabihin ni Yolly. Wala man
Napakurap si Leandro mula sa pagkakatitig sa tinakbuhang banda ni Yolly. May bigla kasing tumikhim mula sa likuran niya, at nang lingunin niya ay si Cindy pala iyon.Nakangising nakatingin sa kanya ang dalaga habang nakahalukipkip. "What happened?" tapos ay pangkontrabidang tanong nito.Napapikit si Leandro at napamaywang. Ngayon siya nagsisisi kung bakit nagpademonyo siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Nakagawa tuloy siya ng ikakagulo na naman ng lahat."What's wrong?" pilyang tanong pa ni Cindy.Tiningnan ni Leandro ng masama si Cindy."Oh, why? What kind of look is that? May ginawa ba akong mali?""Puwede ba, Cindy! Tantanan mo na si Yolly!"Sarkastikong natawa si Cindy. "Wait lang, ha? Ano bang ginawa ko? Wala naman, 'di ba? Ikaw nga yata itong may ginawa riyan, eh, kaya nagwalk-out ang panget na iyon na umiiyak."Napatiim-bagang si Leandro. Kundi lang babae si Cindy ay baka nakwelyuhan na niya ang dalaga ng wala sa oras or worse ay nasuntok pa dahil naningkit talaga ang mga mata
"Yolly..." Mabilis na ipinarada ni Leandro ang motor niya. Nakita niya kasi si Yolly sa nakabukas na gate ng bahay nila at umiiyak. Pero nang makalapit siya ay isang sampal ang natikman niya mula sa dalaga.Tila ba nagtigil ang pag-ikot ng mundo ang naging pakiramdam ni Leandro. Hindi siya makapaniwala na sinampal siya ni Yolly. Nangilid ang mga luha niya habang nakabaling pa rin ang mukha niya.Hindi masakit ang sampal ni Yolly. Ang masakit para kay Leandro ay 'yong iisipin niyang matindi talaga ang galit ng dalaga sa kanya."Masaya ka na?! Ayan na, wala na si Andy! Umalis na siya! Iniwan na niya ako!" madiin na madiin ang boses na sumbat ni Yolly kay Leandro sa gitna ng kanyang pag-iyak. Nanginginig din ang kamay niya na itinuturo ang papalayong sasakyan ni Andy.Sapo ang pisngi ay dahan-dahang ibinalik ni Leandro ang tingin kay Yolly. Namumula ang kanyang mga mata na napatitig sa dalaga.“Umalis na siya! Iniwan na niya ako na galit na galit sa akin dahil sa kagagawan mo! Dahil sa p
"Anak, kung hindi mo sasabihin sa 'kin ang nangyari ay paano kita matutulungan?" pamimilit ni Aling Yolanda kay Yolly upang magtapat ang anak kung ano ang problema nila ni Andy."'Nay, gusto ko po muna sanang mag-isa," ngunit sabi lang ni Yolly sa gitna ng pag-iiyak. Kukusot-kusot siya sa kanyang mga mata na tigmak ng luha. Ayaw niya kasi sanang umiyak pero pasaway ang mga luha niya, sige pa rin sa pagtulo. At lalong ayaw niya munang magkuwento dahil ang sakit-sakit ng kanyang pakiramdam, ng puso niya for exact. Idagdag pa na guilting-guilty siya sa kanyang nagawa.Sana kasi una pa lang ay umamin na siya kay Andy, hindi sana ganito. Mas maiibsan sana ang sakit na nararamdaman nilang dalawa. Hindi sana ganito kasobrang sakit dahil labis-labis na kinamumuhian na siya ng asawa."Sige. Magpahinga ka muna." Maluwag na niyakap ni Aling Yolanda ang anak. Pati man ang ginang ay naluluha na rin kahit hindi pa niya alam ang dahilan ng away ng dalawang anak.Oo, anak na niya si Andy. Itinuring n
Isang himala na masasabi sa pagkakaligtas pa ni Andy sa banggaang naganap dahil nakapagtatakang mga sugat at galos lang ang natamo ng binata sa kabila ng pagkakayupi ng kotse nito."Andy, lumaban ka." Iyak nang iyak si Madam Angie na unang dumating sa ospital kung saan itinakbo si Andy ng mga taong nagtulungan mailigtas lang ang buhay ng binata.Kinabukasan na iyong nalaman ng lahat dahil kinabukasan lang kumalma si Madam Angie. Kinabukasan na nito naipalam sa lahat ang aksidenteng nangyari sa anak kasama na kina Yolly at Aling Yolanda."Andy, Diyos ko!" Iyak nang iyak din si Yolly nang malaman niya iyon. Agad niyang sinisi ang sarili sa nangyari kay Andy."Anak, kumalma ka lang." Lakad-takbo sila ni Aling Yolanda."Dito po." Nang sa wakas ay turo ng nurse sa kanila sa isang private room ng hospital.Nagbukas iyon at iniluwa ng pinto si Madam Angie. "I'm glad you're here, Yolly." Niyakap agad nito si Yolly.Nag-iyakan na silang dalawa."Balae, kumusta si Andy?" tanong ni Aling Yolanda
"Ikaw ba talaga 'yan, Yolly? I can't believe this," naibulalas ni Madam Angie. Hinawakan nito ang baba ni Yolly at ibinaling iyon sa kaliwa tapos sa kanan ta's sa kaliwa ulit ta's sa kanan ulit.Nakangiwi naman si Yolly. May balak yata si Madam Angie na baliin ang leeg niya? Kaloka.Pinatingala rin siya, at doon na siya umalma. "Uhm, Tita? Tita, wait lang po," pigil na niya sa kamay ni Madam Angie.Binitawan naman siya ni Madam Angie na ngiting-ngiti pa rin sa kanya."Tita, kasi nadapa po ako sa ano... sa CR kanina po kaya ganito ang hitsura ko. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin at palusot na rin niya. Ang alam niya kasi ay napapangitan pa lalo si Madam Angie sa hitsura niya ngayon na walang eyeglass at walang tali ang buhok."Thanks to CR if that so.""Po?""Ang sabi ko ay salamat sa CR kung ganoon dahil inilabas niya ang totoong ganda mo, Yolly. Maganda ka pala kapag wala ang salamin mo at bangs. You look great, hija. Sabi ko na nga ba at may itinatago kang ganda. Konting ayos k
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya