Pagkatapos ng klase nila saka nagpunta ang dalawa sa ospital kung saan naka-confine ang daddy ni Andy."Kanina ka pa tahimik, ah? No, kagabi pa pala. Is there something wrong?" at hindi na napigilang tanong ni Andy kay Yolly habang nagmamaneho. Totoong kagabi pa niya napapansin ang pananahimik at kawalang gana ng dalaga, ngayon lamang siya naglakas-loob na alamin kung bakit.Actually, sinabi na niya sa Nanay Yolanda nila paggising niya kanina ang napansin pero sabi naman ng ginang ay normal lang ang ganoon sa buntis. Pakisamahan na lang daw niya si Yolly at unawain. Ang kaso nag-aalala pa rin siya."Okay ka lang ba?" tanong pa niya sa dalaga.Tumango lang si Yolly bilang sagot kay Andy, kahit na ang totoo ay hindi siya okay talaga. Nanahimik siya dahil iniisip niya ang kanyang problema. Ano na? Sasabihin na ba niya kay Andy na hindi siya buntis? Pero paano?"Don't worry, you'll get through it. Pregnancy fatigue is said to last from three to four months. Mawawala rin ‘yan. At huwag kan
Laylay ang mga balikat ni Andy na pumasok sa silid ng ama niya. Ang sakit ng dibdib niya o mas tamang salita ay ng puso niya.Nakita niya ulit ang closeness nina Yolly at Leandro, at hindi niya mapigilan ang hindi magselos. Nai-insecure na naman siya sa Leandro na iyon.Marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Huwag lang talagang makaporma-porma ang Leandro na iyon kay Yolly. Makikita niya."Son?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Dad. Gising na pala at mukhang kanina pa siya tinitingnan."Dad?" Lumiwanag konti ang mukha niya. Thank God, gising na nga pala talaga ang ama niya at ligtas na sa kapahamakan."What's bothering you, Son? Ayos ka lang ba?""Dad?" He was surprised. Why was his dad asking him if he’s okay? Baliktad yata?Lumapit sa kanya si Kara. "Kanina ka pa kasi namin tinitingnan. Pumasok ka kasi na parang ang lalim-lalim ng iniisip mo."Napa- "Ah" siya. But he didn't mention the reason. "It's nothing," instead he simply replied.Bahala na nga s
Napakamot-ulo na si Andy, kasi naman kanina pa siya tumitingin ng singsing pero wala siyang mapili. Kung meron naman ay hindi naman niya alam kung babagay iyon kay Yolly kaya bigla ay nag-iiba ang kanyang desisyon.Yes, the ring he's looking for is meant for Yolly. Gusto niyang bigyan si Yolly ng singsing para masabi naman ng dad niya na nag-propose na siya.Nasabi na niyang fiancée na niya si Yolly kaya dapat lang na panindigan niya sa pamamagitan ng engagement ring."Uhm, Miss Myra?" paghingi na niya ng tulong sa manager ng kanilang jewelry shop."Yes, Sir Andy?" Lapit naman agad sa kanya ng babaeng kagalang-galang ang hitsura. Ngiting-ngiti."Can you give me an idea of the best engagement ring here? Nalilito kasi ako," request niya."Para po sa girlfriend mo, Sir?""Yeah.""Uhm, wait lang, Sir. Let me check first."Habang pumipili si Miss Myra para sa kanya ay panaka-nakang sumusulyasp naman siya sa likod niya kung saan parang mannequin lang doon si Yolly na nakatayo."Sir, how abo
"Hello po, Tito Delfin." Yakap at beso agad si Cindy nang makapasok siya sa silid ng ospital ng daddy ni Andy. Nabalitann niya kahapon ang nangyari kaya dumalaw siya agad."Cindy, ikaw pala.""How are you, Tito?""I'm fine, hija. Don't worry.""Sorry for what happened, Tito. Kung hindi ko sana sinabi 'yong tungkol kay Yolly sa 'yo, eh, sana hin—"Hindi naituloy ni Cindy ang sinasabi dahil sumenyas si Sir Delfin. "Hija, it's okay. You don't need to apologize. Actually, I want to thank you for it."Nakusot bahagya ang makinis na mukha ng dalaga. "What do you mean, Tito?""Kasi dahil sa mga sinabi mo ay nakita ko ang totoong ugali ng babaeng 'yon, hija.”Nagliwanag ang mukha ni Cindy. Sa isip niya ay kung gano'n ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Siguro ay may nakita si Sir Delfin na masamang ugali si Yolly. That b*tch Yolly! Buti nga sa kanya!"So, what can you say about her, Tito? Tama ako, 'di ba? She's ugly and—" Naputol ulit ang sasabihin ni Cindy dahil um-interrupt agad si Sir Del
"Hello, Yolly? Ba't hindi ka nagsasalita?" boses ulit ni Leandro sa kabilang linya.Natauhan si Andy sa pagkakatulala kay Yolly. Agad niyang ibinaba ang cellphone pero hindi niya pinatay."May—" Magsasalita sana si Yolly kaya madali niya itong tinakbo at tinakpan ng palad niya ang bunganga nito."Wow! Bagong ligo ka, ah? Ang sexy mo naman, wife ko!" at malakas niyang sabi dahil pinaparinggan niya si Leandro sa cellphone. Alam niyang hindi pa pinapatay ni Leandro ang tawag nito."Ready ka na ba, mahal ko? Nakakagigil ka, eh!" malakas na sabi pa ni Andy habang inamoy-amoy ang leeg ni Yolly.Nanlaki naman ang mga mata ni Yolly. Sa isip niya ay ano’ng ginagawa ni Andy? Ano’ng mga pinagsasabi nito?"Siguradong mapapalaban ako sa 'yo, mahal ko!" sabi pa ni Andy na malakas na malakas ang boses.Napakunot-noo na si Yolly. Mayamaya ay marahas na niyang tinanggal ang kamay ni Andy sa bunganga niya."Bas—" Bastos sana ang isisinghal niya kaso ay hindi niya naituloy dahil mabilis na inilapat ni A
"Oh, nasaan na si Yolly? Male-late na ako sa appointment ko," tanong ni Madam Angie sa anak sabay tingin na naman nito sa mamahaling relo sa bisig.Kamot-batok naman si Andy. Hindi niya kasi makita talaga si Yolly sa bahay. "Umalis pala siya, Mom. Saka mo na lang siya isama."Napabuntong-hininga si Madam Angie. "Okay, sige sabihin mo na lang na dumaan ako rito, ha?""Yes, Mom. Thanks."Iika-ika pa rin si Andy na inihatid sa labas ang mommy niya. At nang hindi na niya matanawan ang kotse ng ina ay saka siya nakaramdam ng pag-alala.Nasa'n na kaya si Yolly? Kasalanan niya ito, eh. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon? Muntik pang nabasag tuloy ang kinabukasan niya. Damn.SA BAHAY NINA CRISTINE."Bastos 'yon, eh!" Inis na inis pa rin si Yolly kay Andy. Kina Cristine siya pumunta at ang pinsan niya ngayon ang kausap niya. Niyaya niya itong magmiryenda sa sari-sari store ng soft drink at sitserya."Ano ba kasing ginawa sa 'yo, ha?"Ang problema ay hindi niya naman masag
"Kasi hindi ako, uhm…” utal-utal at garalgal ang tinig na umpisa ni Yolly sa nais niyang aminin sana kay Leandro. Subalit parang hindi niya kayang tapusin pa rin. Hindi niya maituloy-tuloy.Hindi naman sa hindi na niya pinagkakatiwalaan si Leandro, nahihiya lang kasi siya at para may kung ano pang pumipigil sa kanya."Kasi hindi ako ano?"Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi saka tumingin sa malayo. Lumaylay rin ang mga balikat niya. Paano ba 'to? Ang hirap naman."Paano kita matutulungan sa problema mo kay Andy kung hindi mo sasabihin sa 'kin?" pamimilit ni Leandro kay Yolly. Hawak pa rin nito ang cellphone at alam nitong nasa linya pa rin si Andy. Sana lang ay unli call ang loko para marinig nito ang lahat ng pag-uusapan nila ni Yolly.SA SILID KUNG NASA'N si Andy ay halos hindi naman kumikilos ang binata para marinig maigi ang sasabihin ni Yolly na problema raw nilang dalawa. Nagtataka na talaga siya kasi parang matinding problema pala talaga ang sasabihin ni Yolly. Wala man
Napakurap si Leandro mula sa pagkakatitig sa tinakbuhang banda ni Yolly. May bigla kasing tumikhim mula sa likuran niya, at nang lingunin niya ay si Cindy pala iyon.Nakangising nakatingin sa kanya ang dalaga habang nakahalukipkip. "What happened?" tapos ay pangkontrabidang tanong nito.Napapikit si Leandro at napamaywang. Ngayon siya nagsisisi kung bakit nagpademonyo siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Nakagawa tuloy siya ng ikakagulo na naman ng lahat."What's wrong?" pilyang tanong pa ni Cindy.Tiningnan ni Leandro ng masama si Cindy."Oh, why? What kind of look is that? May ginawa ba akong mali?""Puwede ba, Cindy! Tantanan mo na si Yolly!"Sarkastikong natawa si Cindy. "Wait lang, ha? Ano bang ginawa ko? Wala naman, 'di ba? Ikaw nga yata itong may ginawa riyan, eh, kaya nagwalk-out ang panget na iyon na umiiyak."Napatiim-bagang si Leandro. Kundi lang babae si Cindy ay baka nakwelyuhan na niya ang dalaga ng wala sa oras or worse ay nasuntok pa dahil naningkit talaga ang mga mata
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya