Buong araw na hindi nag-imikan ang dalawa. Paano ay sinasadya ni Yolly na iwasan si Andy. Ewan pero dahil sa nangyari kanina ay nahihiya siya sa binata. Kahit na kung tutuusin ay wala naman dapat siyang ikahiya dahil kung meron mang dapat mahiya ay dapat si Cindy 'yon at hindi siya. Kaya lang kasi ay...Ah, basta, hindi niya ma-explain. Saka wala naman siyang sasabihin kay Andy, eh.Buti na lang at matagal din na nag-car wash sa sasakyan si Andy kaya hindi siya nahirapan sa pag-iwas dito. Halos buong maghapon yata sa kakalinis si Andy sa kotse nito.Good luck na lang sa nanay niya sa bill sa tubig. Ha-ha!Noong hapunan na lang sila parang nagkita na dalawa gayong ang liit ng bahay nila. Siguro ay iniiwasan din talaga siya ni Andy."Eh, ano nang balak niyo ngayon?" untag sa kanila ni Aling Yolanda dahil parehas silang tahimik.Si Andy ang nag-angat ng ulo. Ibinaba muna nito ang kutsara at isang mabilis na sulyap ito sa kanya bago nagsalita."'Nay..." panimula nito sa sasabihin. Nakiki-
Sa pangalawang araw, sa kanyang paggising ay hindi na nanibago si Andy sa bahay na kinaroroonan. Kaya lang ay napakunot-noo pa rin siya dahil nagtaka siya bakit wala na si Yolly sa higaan nitong sahig.Napabalikwas siya ng bangon."Maliligo na ako, 'Nay." Pero nang narinig niya ang boses ni Yolly na iyon ay napanatag din ang loob niya."Hindi mo pa ba gigisingin ang asawa mo?""'Nay, naman hindi ko po siya asawa.""Gano'n na rin 'yon. Doon din naman ang bagsak niyo, eh. Heto nga't kasama na natin siya rito sa bahay.""Ay naku, 'Nay. Huwag ka masyadong umasa. Maligo na ako. Maaga pa naman. Mamaya na natin siya gisingin."Hindi namalayan ni Andy na napangiti siya sa usapang iyon ng mag-ina. Balik ulit siya sa higa. Kinikilig na nayakap niya ang unan.This is a home he wants to live in, simple but filled with happiness. Walang nag-aaway. Hindi katulad sa bahay nila, malaki nga pero paggising niya naman sa umaga ay pag-aaway ng mommy at daddy niya ang lagi na lang maririnig. Mabuti na lan
"Ano’ng tinitingin mo?" nakairap na tanong ni Yolly kay Andy. Paano'y kung makatingin kasi ang binata sa kanya ay wagas. Pababa at pataas pa kaya nainis siya ulit dito."Wala. Hinuhulaan ko lang kung 'yung red na undies ba ang isinuot mo o iba. Meron ka palang gano'n, ha? Savage," pang-aasar na nga ni Andy sa kanya."Tse!" naniningkit ang mga matang angil niya rito. Pero deep inside ay nahihiya pa rin siya talaga. Kainis naman kasi ang p*nty na iyon, epal! Grrr!"Hahaha!" Ang lutong na naman ng naging tawa ni Andy.Uupakan na sana niya ito. Ang lakas mang-asar, eh, pero biglang lumabas na kasi ang nanay niya."Mga anak, ito na ang baon niyo." Dala ni Aling Yolanda ang mga baunan nila na nakalagay sa paper bag."'Nay, hindi ka na dapat nag-abala," sabi ni Andy sabay kuha sa paper bag."Naku, lagi ko 'yang ginagawa kay Yolly. Para makatipid," sabi rin ni Aling Yolanda.Seryoso ang mukhang napatingin si Andy kay Yolly. Kaya pala hindi niya madalas nakikita si Yolly sa school canteen o sa
Hindi na umangal pa si Yolly sa ideya ni Andy dahil pakiramdam niya ay lalapain siya anumang oras ng mga malahalimaw nilang kapwa estudyante. Hinayaan niyang nakaakbay sa kanya si Andy habang naglalakad sila sa campus ground papunta sa unang subject nila. 'Yung tapang niya kanina ay parang bula na naglaho na. Parang mas gusto na nga lang niyang umuwi, pero sa tuwing titigil naman siya ng lakad ay masuyo siyang inaalalayan ng binata."Yolly, relax. From now on, they won't be able to hurt you or say hurtful words to you anymore. Ako’ng bahala sa ‘yo," bulong sa kanya ni Andy sa muli niyang pagtigil.Naiiyak na tumingin siya sa binata. Paano'y dinig na dinig niya ang mga tawanan, kantyawan, mura at kung anu-ano pa ng mga estudyante sa kanya."Don't mind them. Nandito lang ako," pampalakas-loob pa sa kanya ni Andy.Hindi siya nagsalita pero alam niya na naunawaan naman siya ni Andy. Naunawaan siya na nasasaktan siya, na natatakot siya, na nahihiya siya, kaya sadyang mahirap sa kanya ang s
"I don't wanna argue with you, Cindy. So, please padaanin mo kami nang maayos nang walang magiging gulo," madilim ang mukhang sabi ni Andy. May word na 'please' sa kanyang naging salita pero hindi siya nakikiusap.Subalit sadyang palaban ang dalaga, sa halip na bigyan sila ng daan ay ngumisi ito malademonyo at pamalditang nag-cross arms."Chill, Andy. We're just welcoming both of you. Masaya nga kami dahil bumalik pa rin kayo sa pag-aaral ng pangit na babaeng 'yan. Hindi ko alam na makapal din pala talaga ang panget niyang pagmumukha para magpakita pa rito.""Stop it, Cindy! I'm warning you!" Mas nagdilim ang mukha ni Andy."No!" malakas nang bulyaw ni Cindy. Nagngingitngit ang mga ngipin at nanlalaki ang mga mata. "I will never stop saying that that girl is panget. Hangga't hindi mo nare-realize na pangit siya ay sasabihin ko pa ring panget siya! Sasabihin ko pa rin na hindi kayo bagay! Uulit-ulitin ko na sasabihin sa 'yo na pangit siya! Pangit siya! Pangit siya!"Nagtawanan ang mga
Tahimik na umupo si Andy sa katabing silya ni Yolly. Hindi na kasi talaga pumasok pa si Cristine kaya tabi na talaga sila. At aakalaing kung sinong matinong estudyante na ito na nakatutok ang sarili sa pakikinig sa prof nila.Si Yolly, tahimik na lang din habang napapangiti kay Andy. Buti na lang at nakapag-isip din ito ng matino dahil kung hindi ay baka sisisihin niya ang sarili niya kung ayaw na ngang mag-aral ni Andy. Hindi niya siguro mapapatawad ang kanyang sarili."B*tch!" hindi maka-move on na mahinang angil pa rin naman ni Cindy. Hindi maitago ang inis sa dalawa. Umuusok pa rin ang ilong nito at tumataas-baba ang dibdib gawa ng matinding galit habang nakatitig kay Yolly."Don't worry, Cindy, gaganti tayo sa babaeng 'yan," bulong ni Karen dito."How?" badtrip na tanong ni Cindy. Malakas iyon dahil hindi nakontrol ni Cindy ang boses gawa nga ng matinding inis."Cindy Dela Paz, could you please provide an explanation for this?" Na nakaagaw sa atensyon ng prof nila.Napakunot-noo
Nagulat si Yolly paggising niya dahil imbes na matigas na sahig ang kinahihigaan niya ay sa malambot na kama na niya siya nakahiga. Pabalikwas talaga siyang bumangon. Nakiramdam. Pabigla rin niyang tiningnan ang sarili. Inakala niyang baka katabi na naman niya si Andy at wala na naman silang mga damit.Nakahinga siya nang maluwang. Diyos ko, masasabunutan talaga niya ang kanyang sarili kapag nagkataon dahil nakitabi na naman siya kay Andy na hindi niya namamalayan. Dahil sa kagagagahan niyang ganoon kaya siya nabuntis, eh! Pabaya kasi siya sa sarili, eh! Tsk!Napaisip pa rin siya kung bakit nasa kama siya. Hindi kaya naglakad siya kagabi na tulog kaya napadpad siya doon sa kama niya?Nagtaka rin siya dahil bakit wala sa kama si Andy. Mag-isa lang siya roon na natulog? Nasa'n si Andy?Nang iginala niya ang kanyang paningin ay nasagot ang madami niyang katanungan nang nakita niya ang binata sa dapat ay kinalalagyan niya. Si Andy na ang nasa sahig. Nagkabaliktad pala sila ng higaan."Paa
"Yes, Tito Delfin. She's so ugly po talaga. Ang pangit niya and ang baduy pa. Ipapahiya niya lang ang pamilya niyo kung siya ang makakatuluyan ni Andy. Hindi sila bagay, Tito, swear," paninira ni Cindy kay Yolly sa daddy ni Andy. Kausap ng dalaga ngayon sa cellphone si Sir Delfin. Ito naman ang sinusubukan niyang demonyohin upang mapaghiwalay sina Yolly at Andy.Kahit hindi man mapupunta sa kanya si Andy, disidido talaga siyang paghiwalayan ang dalawang iyon. She will do anything, everything, just to destroy them."I'm sorry, hija, but I think I can't do anything about that. Buhay niya 'yon kaya wala akong karapatang manghimasok. Kung sino ang gusto niya ay bahala siya. Saka hindi ba sinabi mo na nabuntis na niya ang babaeng 'yon?" Kaso ay parang walang interes si Sir Delfin na patulan ang mga pinagsasabi niya."Yes, Tito," nanlumong sagot niya."Kung ganoon ay hayaan mo na lang, hija. Maganda nga't pananagutan niya ang babae. Nag-iisip siya ng matino. Isa pa'y ang laki na ng atraso k
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya