"Ano’ng tinitingin mo?" nakairap na tanong ni Yolly kay Andy. Paano'y kung makatingin kasi ang binata sa kanya ay wagas. Pababa at pataas pa kaya nainis siya ulit dito."Wala. Hinuhulaan ko lang kung 'yung red na undies ba ang isinuot mo o iba. Meron ka palang gano'n, ha? Savage," pang-aasar na nga ni Andy sa kanya."Tse!" naniningkit ang mga matang angil niya rito. Pero deep inside ay nahihiya pa rin siya talaga. Kainis naman kasi ang p*nty na iyon, epal! Grrr!"Hahaha!" Ang lutong na naman ng naging tawa ni Andy.Uupakan na sana niya ito. Ang lakas mang-asar, eh, pero biglang lumabas na kasi ang nanay niya."Mga anak, ito na ang baon niyo." Dala ni Aling Yolanda ang mga baunan nila na nakalagay sa paper bag."'Nay, hindi ka na dapat nag-abala," sabi ni Andy sabay kuha sa paper bag."Naku, lagi ko 'yang ginagawa kay Yolly. Para makatipid," sabi rin ni Aling Yolanda.Seryoso ang mukhang napatingin si Andy kay Yolly. Kaya pala hindi niya madalas nakikita si Yolly sa school canteen o sa
Hindi na umangal pa si Yolly sa ideya ni Andy dahil pakiramdam niya ay lalapain siya anumang oras ng mga malahalimaw nilang kapwa estudyante. Hinayaan niyang nakaakbay sa kanya si Andy habang naglalakad sila sa campus ground papunta sa unang subject nila. 'Yung tapang niya kanina ay parang bula na naglaho na. Parang mas gusto na nga lang niyang umuwi, pero sa tuwing titigil naman siya ng lakad ay masuyo siyang inaalalayan ng binata."Yolly, relax. From now on, they won't be able to hurt you or say hurtful words to you anymore. Ako’ng bahala sa ‘yo," bulong sa kanya ni Andy sa muli niyang pagtigil.Naiiyak na tumingin siya sa binata. Paano'y dinig na dinig niya ang mga tawanan, kantyawan, mura at kung anu-ano pa ng mga estudyante sa kanya."Don't mind them. Nandito lang ako," pampalakas-loob pa sa kanya ni Andy.Hindi siya nagsalita pero alam niya na naunawaan naman siya ni Andy. Naunawaan siya na nasasaktan siya, na natatakot siya, na nahihiya siya, kaya sadyang mahirap sa kanya ang s
"I don't wanna argue with you, Cindy. So, please padaanin mo kami nang maayos nang walang magiging gulo," madilim ang mukhang sabi ni Andy. May word na 'please' sa kanyang naging salita pero hindi siya nakikiusap.Subalit sadyang palaban ang dalaga, sa halip na bigyan sila ng daan ay ngumisi ito malademonyo at pamalditang nag-cross arms."Chill, Andy. We're just welcoming both of you. Masaya nga kami dahil bumalik pa rin kayo sa pag-aaral ng pangit na babaeng 'yan. Hindi ko alam na makapal din pala talaga ang panget niyang pagmumukha para magpakita pa rito.""Stop it, Cindy! I'm warning you!" Mas nagdilim ang mukha ni Andy."No!" malakas nang bulyaw ni Cindy. Nagngingitngit ang mga ngipin at nanlalaki ang mga mata. "I will never stop saying that that girl is panget. Hangga't hindi mo nare-realize na pangit siya ay sasabihin ko pa ring panget siya! Sasabihin ko pa rin na hindi kayo bagay! Uulit-ulitin ko na sasabihin sa 'yo na pangit siya! Pangit siya! Pangit siya!"Nagtawanan ang mga
Tahimik na umupo si Andy sa katabing silya ni Yolly. Hindi na kasi talaga pumasok pa si Cristine kaya tabi na talaga sila. At aakalaing kung sinong matinong estudyante na ito na nakatutok ang sarili sa pakikinig sa prof nila.Si Yolly, tahimik na lang din habang napapangiti kay Andy. Buti na lang at nakapag-isip din ito ng matino dahil kung hindi ay baka sisisihin niya ang sarili niya kung ayaw na ngang mag-aral ni Andy. Hindi niya siguro mapapatawad ang kanyang sarili."B*tch!" hindi maka-move on na mahinang angil pa rin naman ni Cindy. Hindi maitago ang inis sa dalawa. Umuusok pa rin ang ilong nito at tumataas-baba ang dibdib gawa ng matinding galit habang nakatitig kay Yolly."Don't worry, Cindy, gaganti tayo sa babaeng 'yan," bulong ni Karen dito."How?" badtrip na tanong ni Cindy. Malakas iyon dahil hindi nakontrol ni Cindy ang boses gawa nga ng matinding inis."Cindy Dela Paz, could you please provide an explanation for this?" Na nakaagaw sa atensyon ng prof nila.Napakunot-noo
Nagulat si Yolly paggising niya dahil imbes na matigas na sahig ang kinahihigaan niya ay sa malambot na kama na niya siya nakahiga. Pabalikwas talaga siyang bumangon. Nakiramdam. Pabigla rin niyang tiningnan ang sarili. Inakala niyang baka katabi na naman niya si Andy at wala na naman silang mga damit.Nakahinga siya nang maluwang. Diyos ko, masasabunutan talaga niya ang kanyang sarili kapag nagkataon dahil nakitabi na naman siya kay Andy na hindi niya namamalayan. Dahil sa kagagagahan niyang ganoon kaya siya nabuntis, eh! Pabaya kasi siya sa sarili, eh! Tsk!Napaisip pa rin siya kung bakit nasa kama siya. Hindi kaya naglakad siya kagabi na tulog kaya napadpad siya doon sa kama niya?Nagtaka rin siya dahil bakit wala sa kama si Andy. Mag-isa lang siya roon na natulog? Nasa'n si Andy?Nang iginala niya ang kanyang paningin ay nasagot ang madami niyang katanungan nang nakita niya ang binata sa dapat ay kinalalagyan niya. Si Andy na ang nasa sahig. Nagkabaliktad pala sila ng higaan."Paa
"Yes, Tito Delfin. She's so ugly po talaga. Ang pangit niya and ang baduy pa. Ipapahiya niya lang ang pamilya niyo kung siya ang makakatuluyan ni Andy. Hindi sila bagay, Tito, swear," paninira ni Cindy kay Yolly sa daddy ni Andy. Kausap ng dalaga ngayon sa cellphone si Sir Delfin. Ito naman ang sinusubukan niyang demonyohin upang mapaghiwalay sina Yolly at Andy.Kahit hindi man mapupunta sa kanya si Andy, disidido talaga siyang paghiwalayan ang dalawang iyon. She will do anything, everything, just to destroy them."I'm sorry, hija, but I think I can't do anything about that. Buhay niya 'yon kaya wala akong karapatang manghimasok. Kung sino ang gusto niya ay bahala siya. Saka hindi ba sinabi mo na nabuntis na niya ang babaeng 'yon?" Kaso ay parang walang interes si Sir Delfin na patulan ang mga pinagsasabi niya."Yes, Tito," nanlumong sagot niya."Kung ganoon ay hayaan mo na lang, hija. Maganda nga't pananagutan niya ang babae. Nag-iisip siya ng matino. Isa pa'y ang laki na ng atraso k
Sirena ng ambulansiya dala ang isang pasyenteng naatake ang umalingawngaw sa buong lugar ang paalis. Medyo kumalma na rin ang mga tao. Lalo na si Yolly na muntik-muntikan nang naunang mamatay kanina keysa sa lalaki dahil sa matinding nerbyos niya."Phew!" Punas siya sa kanyang noo na may butlig-butlig ng pawis. Nahintakutan talaga siya. Akala niya kung ano na kasi ang mangyayari sa lalaki. Kung makatawag nga siya ng saklolo kanina ay wagas na wagas. Ang lakas talaga ng boses niya.Mabuti na lang at may dumaan na magaling na babaeng nag-first aid sa lalaki, na isa pa lang estudyanteng nurse, kaya naagapan ang lalaki.Nakalayo na ang ambulansya. Abut-abot pa rin ang dasal niya para sa lalaki. Sana maligtas ito nang tuluyan kasi ang sabi inatake raw sa puso ang lalaki.Sa nerbiyos ay umupo muna siya saglit sa gilid ng kalsada."Okay na, iha. Huwag ka nang mag-alala masyado," sabi ng isang ginang sa kanya."Buti na lang nakita mo siya at humingi ka ng saklolo," sabi naman ng isang nakahub
"Cristine, bakit?" nagtatakang tanong ni Yolly sa pinsan dahil natulala na ito sa hawak na Pregnancy Test Kit.Umayos sila ng tayo."Yolly, tingnan mo." Ipnakita ni Cristine ang PT sa kanya.Medyo lumaki rin ang mga mata niya dahil negative ang resulta niyon. Iisa lang kasi ang guhit na pula ng PT. "Ano 'yan? Bakit ganyan? Ibig bang sabihin ba niyan, eh, hindi ka buntis?"Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Cristine. "Imposible, Insan. Sigurado ako sa nakita ko no’ng una. Positive 'to."Napalabi naman siya. "Eh, bakit negative naman ang nandiyan? Hindi kaya naduling ka lang noon?""Ewan ko lang." Animo'y lalong na-stress si Cristine. Ngumuso ito't nakasalubong ang mga kilay na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.Naglipat-lipat naman ang tingin ni Yolly sa mukha nito at sa PT. Ilang segunda na wala silang imikan. Napapaisip talaga sila."Baka naman hindi ka talaga buntis?" saglit ay ani Yolly. Gusto niya sanang payapain kung anumang negatibong nararamdaman ngayon ng pinsan, pero h