Share

Chapter 83.2

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay ang mga ito ang mag-asawa at siya ay isang estranghero lamang at isang taganuod. Ang mga mata ni Lucas ay bumagsak kay Trisha at hindi man lang siya nito tiningnan kahit na isang sulyap man lang.

Sa mga mata nito ay si Trisha lamang ang mahalaga at tila ba nakalimutan na siya nito ng lubusan. Ngayon pa lamang sa paningin niya ay isa lang siyang tagatawag ng tulong at wala ng iba pa. Iyon lamang ang silbi niya. Tumingin si Annie sa mga ito at kung gaano ka-sweet ang mga ito, kung gaano kaantig ang itsura ng mga ito.

Nakita niya pa na nakatitig sa kaniya si Trisha habang umuungol sa sakit at nakatingin sa kaniya ng mapanuksong tingin at tila ba nagmamayabang. Isang kasinungalingan ang sabihin na wala lang sa kaniya iyon. Isang kasinungalingan ang sabihin na hindi siya malungkot at hindi siya nasasaktan sa nakikita niya sa kanyang harapan ng mga oras na iyon.

Ngunit napaisip siya kung maaari ba siyang lumapit rito at agawin si Lucas mula sa hawak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Krist
Walang character development c lucas para mapakita nya kay Annie na pwedi nyang iwasan c Trisha para sa knya. I conclude na po na hindi talaga sila ang ending kasi sabi mo surprise at mamatay pa yung anak nila. Jan na at maghiwalay talaga sila. :'(
goodnovel comment avatar
MikasaAckerman
Surprise po XD^__^V
goodnovel comment avatar
Krist
Salamat sa update po. Kawawa namn c Annie, bakit kaya ayaw mong ma let go lucas c Trisha? Miss A pwedi po bang malam jung c Greg ba yung makatuluyan n Annie dito?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status