Binawi ni Lucas ang kamay niya at nagpatuloy sa paghalik kay Annie. Sa mga sumunod na sandali ay ang mga halik nito ay nagpalimot sa kaniya ng iniisip niya kanina. Nadala siya sa bawat galaw ng malambot nitong mga labi at pagkatapos ay idiniin nito ang noo sa kanyang noo at ang kanyang tinig ay namamaos at napakaseksi, punong-puno ng pagtitiis. “Annie…”“Hindi ba talaga pwede?” tanong nito sa kaniya habang ang mga daliri nito ay masuyong nakahawak sa kanyang buhok at ang kanyang mga mata ay pulang-pula maging ang buo niyang mukha.“Gusto mo ba talaga?” tanong ni Annie rito sa mahinang tinig.“Sa tingin mo ba? Hindi lang gusto, kundi gustong-gusto.” mahinang bulong ni Lucas sa kaniya.Nang mga oras na iyon nang marinig ni Annie ang sinabi nito ay natalo siya at nakalimutan lahat-lahat ng nasa isip nya kanina. Awtomatikong iniunat niya ang kanyang mga braso at ipinulupot ang mga ito sa leeg ni Lucas at siya na mismo ang humalik sa labi nito.Hanggang sa walang ibang maririnig sa buong s
“Talaga?” tanong ni Lucas sa kaniya habang nakatitig na may malalim na mga mata. “Kung ganun ay gagalingan ko pa sa susunod.” sabi nito sa kaniya.Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig rito at napayuko. Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang pagkain ng hindi na sumasagot pa sa sinabi nito sa kaniya. Maiksi lang ang kordon niya at hindi niya kayang sabayan ang pang-aasar nito sa kaniya.Pagkatapos nilang mag-umagahan, akala ni Annie ay papasok sa opisina si Lucas ngunit dumating si Kian doon at idinala ang ilang mga dokumento. Nag-stay ito sa sala habang nakaharap sa laptop nito. Nang mga oras a iyon ay naghihintay pa rin si Annie ng resulta ng kanyang interview sa ospital kaya umupo na lamang sya sa tabi ni Lucas habang may ginagawa rin ito.Kahit magkatabi silang dalawa ay abala sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras at sa madaling panahon ay gabi na pala kaagad.NAPASIMANGOT si Trisha nang maalala niya ang tungkol sa kapatid niya na si April
Natigilan si Annie nang mabasa niya ang mensahe na galing kay Trisha. Dahil nga nasa sofa siya kanina at nakaupo at nagababasa ng libro sa kanyang cellphone ay bigla na lamang itong na-lowbat. Napresinta si Lucas na ipahiram muna sa kaniya pansamantala ang cellphone nito upang may magamit muna siya.Agad niyang iniabot kay Lucas ang cellphone nito at pagkatapos ay sinabi. “Hindi ka ba natatakot na baka pakialaman kong buksan ang mga message at chatbox mo para malaman ang mga itinatago mong sikreto sa cellphone mo?”Ngumiti naman ito ng lingunin siya. “Ano naman sana ang ililihim ko pa sayo?” tanong nito sa kaniya.“Mga secret business strategy.” sabi niya rito kaagad.Dahil sa sinabi niya ay mas lumapad pa lalo ang ngiti nito. “Hmm, well masasabi kong baka ma-disappoint ka dahil ang lahat ng secret strategies ko ay nasa isip ko.” sabi nito sa kaniya na nakataas ang noo.“Talaga?” sabi niya. Hindi pa rin nito kinukuha ang inaabot niyang cellphone nito. Napabuntng-hininga siya at nagdad
Awtomatiko niyang isinara ang kanyang bibig ng mga oras na iyon ngunit paano nga ba siya makakalaban sa lakas nito? Walang panama ang kanyang lakas rito. Galit na galit ang lalaki at ibinuhos lahat ng alak sa kanyang bibig. Sobrang sakit ng pagkakadiin nito ng hawak sa bibig niya at halos napatulo ang kanyang mga luha.Sa huli ay ang isang buong bote ng white wine ang nabuhos nito, ang kalahati ay natapon sa sahig at ang kalahati naman ay nainom niya dahil kung hindi niya ininom ay baka namatay na siya sa pagkalunod. Nang bitawan sya nito ay agad siyang napaubo.Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba may naglalagablab na apoy sa kanyang tiyan. Magkahalong sakit at init ang nararamdaman niya kung saan ay hindi siya naging komportable.Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang damit at parang may nagliliyab sa knaiyang niya, sobrang naiinitan siya. Napahawak siya sa kanyang buhok sa kanyang suot. Bahagyang binuksan ang ilang butones ng kanyang damit dahil sobrang init na init talaga
“Nasaan ka?” agad na tanong ni Lucas rito.Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Trisha ng mga oras na iyon. Ngumiti siya at ibinaba ang tawag ng hindi sumasagaot. Agad na tumayo si Lucas mula sa kanyang kinauupuan at lalabas na sana ng silid anng maalala niya si Annie.Makalipas lamang ang ilang minuto ay lumabas ng banyo si Annie at nang makita siya ni Lucas ay agad na ibinigay nito sa kaniya ang mga damit na hawak nito sa kamay nito ng mga oras na iyon. “Magpalit ka ng damit.” utos nito sa kaniya.“Huh?” naguguluhang tanong niya rito at kaagad na nagsalubong pa ang kanyang mga kilay. “Bakit ako magpapalit ng damit?” tanong niya rito.“Basta magbihis ka na lang. Lalabas tayo at Emergency ang pupuntahan natin.” sabi nito sa kaniya.Hindi na lamang siya nagtanong pa at pagkatapos ay kinuha na lamang niya ang damit na ibinibigay nito sa kaniya. Pagkatapos niyang makapagbihis ay kaagad silang bumaba at sumakay sa kotse. pagkaupong -pagkaupo nila sa loob ay kaagad na tumi
Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay ang mga ito ang mag-asawa at siya ay isang estranghero lamang at isang taganuod. Ang mga mata ni Lucas ay bumagsak kay Trisha at hindi man lang siya nito tiningnan kahit na isang sulyap man lang.Sa mga mata nito ay si Trisha lamang ang mahalaga at tila ba nakalimutan na siya nito ng lubusan. Ngayon pa lamang sa paningin niya ay isa lang siyang tagatawag ng tulong at wala ng iba pa. Iyon lamang ang silbi niya. Tumingin si Annie sa mga ito at kung gaano ka-sweet ang mga ito, kung gaano kaantig ang itsura ng mga ito.Nakita niya pa na nakatitig sa kaniya si Trisha habang umuungol sa sakit at nakatingin sa kaniya ng mapanuksong tingin at tila ba nagmamayabang. Isang kasinungalingan ang sabihin na wala lang sa kaniya iyon. Isang kasinungalingan ang sabihin na hindi siya malungkot at hindi siya nasasaktan sa nakikita niya sa kanyang harapan ng mga oras na iyon.Ngunit napaisip siya kung maaari ba siyang lumapit rito at agawin si Lucas mula sa hawak
Habang pinapanuod niya si Annie ay bigla siyang nakaramdam ng awa rito at pagkatapos ay naghanda nang puntahan sana ito ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay bigla na lamang hinawakan ni Trisha ang kamay niya at pagkatapos ay malungkot na nagsalita. “Lucas please, huwag mo akong iwanan ngayon pwede ba?” sabi nito sa kaniya kung saan ay napatitig siya rito.Nagsalubong ang kanilang mga mata at bakas sa mukha nito ang lungkot. “Natatakot ako. Natatakot talaga ko, pwede bang samahan mo na muna ako?” dagdag pa nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag-umpisa nang umiyak.Nang makita niyang umiyak ito at nanginginig ang buong katawan nito dahil sa pag-iyak ay bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kamay nito at pagkatapos ay marahan pang pinisil ito. Humarap siya ng tuluyan rito. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos rin ang lahat.” sabi niya rito kaagad.Agad naman itong napatango sa kaniya. Inabot ni Trisha ang kanyang braso at mahigpit na niyakap at tila walang planong bumitaw. May
“Sa kaniya ba ito?” tanong ni Annie kay Kian. sa buong byahe nila ay ngayon lang siya nagsalita.Agad namang tumango si Kian. “opo ma’am. Isa pa ay talagang ibinilin po ni Sir dahil alam niya raw na malamig ngayon sa labas at natatakot daw po siya dahil baka sipunin po kayo. Isa pa ay alam niya rin daw po na mahina kayo sa lamig.” sabi nito sa kaniya.Nagtaas siya ng kilay. “So, ibig sabihin ay siya ang humiling na sunduin mo ako at dalhin ako sa ospital?” tanong ni Annie rito.Agad namang tumango si Kian sa kaniya. “Opo, ma’am.”Hindi na siya sumagot pa at pagkatapos ay naglakad na papasok ng ospital at hanggang sa makarating siya sa opisina ng doktor. Agad naman siyang sinuri ng doktor at sinabi na medyo malalim nga daw ang sugat niya at mabuti na lamang daw at walang napinsalang buto.Ilang sandali pa nga ay natapos ng linisin ang sugat niya at pinahiran ng gamot at pagkatapos ay binigyan din siya ng gamot para sa kirot. Agad naman niyang sinabi na gusto niya ay ang ipinapahid lama